Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 111591 times)

beyondmydailydose

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #260 on: March 28, 2017, 12:25:31 pm »
Leave and cleave❤

HMisabelle

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #261 on: April 26, 2017, 11:17:58 am »
^ako din, yun din alam ko.

lonely_dad

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #262 on: April 26, 2017, 11:20:10 am »
swerte ko napakabait ng biyenan ko (both mother and father in law)
wala akong masabi, napakasupportive pa nila

carrotsteeks

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #263 on: August 16, 2017, 11:43:57 pm »
MIL, hindi ko alam kung bipolar ka o talagang masama ugali mo. Kunyari relihiyoso pero grabe magmura. Pati aso pinagtripan mo. No wonder kaya ka hiniwalayan ni father in law dahil dyan sa tabas ng bibig mo. At pwede ba, wag kang umastang kawawa pag wala kang pera kasi kasalanan mo naman. Bibigyan ka ng pera ng mga anak mo pero ubos agad kakabayad mo sa sandamakmak na utang mo.

Pera lang nagpapaikot ng mundo mo. Andami mong alibis pag tinatanong ka ng anak mo kung saan napunta yung binigay sa yo pero sa totoo lang, saan nga ba napunta? Pati pera na pambayad ng bills ginagastos mo.

Saka utang na loob, matuto kang makinig sa mga anak mo. Hindi ko sila masisisi kung bakit nabbwisit sila sa yo. Hindi ka marunong. Pasalamat ka may isang nagtitiis sa yo kahit masama ugali mo. Sa dami mong tinatagong kalokohan sa mga anak mo, hindi ko sila masisisi kung bakit pinagtataguan ka din nila. At pwede ba, matuto kang magcontrol ng temper mo. Nakakahiya sa ibang tao pag naririnig nila bunganga mo.
« Last Edit: August 17, 2017, 07:43:19 am by carrotsteeks »

Astrid01

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #264 on: August 24, 2017, 01:58:04 pm »
Hi!  Newbie here.  May dilemma ako re mil.  Nasa province sya,  hiwalay sa asawa, si hubby lang anak nya. Nasa manila kami with my son.  Stay at home mom ako.  Late 60s na sya.  Sobrang baby tingin nya sa anak nya.  Parang feeling ko nakikipagcompete ako sa kanya pag pumupunta kami sa province.  Pag nagtetext lagi sinasabi masakit ang ganito,  ang ganyan. Pag sinabi ni hubby pacheck up,  ayaw naman. Sobrang daldal pa pag nagsimula magsalita.  Kahit di ko kilala kinukwento sa akin.  Hilig mag advice pero sarili nya di nya ayusin.  Paano pag nagkasakit sya,  obligado ba kami kunin sya?  No choice kasi walang ibang anak tapos mga kapatid nya may sari sariling pamilya.  Di naman ganon kasama ugali kaya lang may pagkaweird. Mahabang kwento. Pihikan sa pagkain,  gusto branded na gamit.  Di kami mayaman.  Pag dumarating kami 'pa baby' kay hubby.  Hinahayaan ko sila makapag catch up. Pintasera pa naman yun.  Bibigyan mo na, may masasabi pa.  Parang wala ako kawala sa kanya e.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #265 on: August 24, 2017, 02:36:24 pm »
^^ Yes. Kailangan mong tanggapin na nanay yan ng asawa mo. That's should be something tinanggap mo na agad DAPAT bago pa kayo nag asawa. Kinilala mo muna ng maigi ang pamilya pati na rin si mister before you said "I DO".  Dating stage palang you dont skip that part.

Pero dahil nandiyan na yan at kasal na kayo. Ikaw na ang mag adjust. You can't change people, that's the reality. Mahal mo asawa mo, mahalin mo rin lahat meron siya. Kahit nakakasuka na. You call it MARRIAGE.   ;)

 

Astrid01

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #266 on: August 24, 2017, 03:00:50 pm »
Sarap magbasa dito kasi narealize ko di lang ako nakakaramdam ng ill feeling towards mil. Minsan i feel bad pag nabubwisit ako sa kanya. 1st anniv namin ni hubby alam nya may lakad kami. Aba gusto pahatid sa taguig e kasama naman nya kapatid nya. Ang sabi nga nung kapatid,  commute sila. Di namin alam na darating tapos makapagdemand. Inulit pa na ihatid sila. Buti sabi ni hubby may lakad kami nakaschedule.  Parang tumitigil oras ko pag dumarating sya. Kasi puro negative and kinukwnto. Tapos pag babalik na province ayaw pareserve ng ticket sa bus terminal. 3x na pag pumupunta kami fully booked sa terminal tapos gusto ura urada makabalik sa kanila. Pwede ba yun?  May advise pa dati yun. Wag daw maniwala na totoo baril ng magnanakaw. Plastic lang daw yun. O di ba?  Sabi ko di ko iririsk buhay ng asawa ko.  Kung totoo yung baril,  e di naloko na. Siguro 100x na nya nakwento kung paano sya inaway away ng asawa ng ex nya. Di kasal si MIL sa Father in law ko. Ang kwento nya kasi,  naging sila nung father in law ko nung naghiwalay sila ng gf (asawa na ni father in law ngayon). Di sya pinakasalan. Nabuntis sya tapos 3 years old pa lang si hubby naghiwalay na sila. Inaaway sya ng bongga di naman mapagtanggol ang sarili. tahimik lang si mil habang niraratrat sya. Kaya kahit after 30 years,  galit pa rin sya dun. Mabait sa amin wife ni father in law. Sabi ni MIL plastic daw. Sabi ko walang ginagawang masama sa akin bakit ako magagalit. Sobrang hina ng personality. Dependent masyado sa mga kapatid at sa hubby ko. Pag namatay daw sya sa kumot na lang ibalot. Hay naku as if papayag si hubby ng ganon. Pag punta pa dito yun,  nakasakay na sa bus. Di man lang magtanong kung pwede ba magpunta o kung may lakad ba kyo. Matagal na kami nag ooffer ng small business tutal nasa bahay lang sya.  Kikita na sya tsaka malilibang. Sabi raw ng mga kapatid nya paano pag papasyal sila. Ang ending di nya tinanggap. Nung nagpunta sya kapapanganak ko lang di man lang hawakan si baby.  Takot daw sya kasi malambot pa. Kala ko tutulong sya e. Di pala. As in ako lahat.  Wala kami helper nyan. Imbis na makapagpahinga ako,  wala rin. Ako at si hubby talaga kumikilos sa bahay. Eto pa. May nakita kami sa hospital na matanda na naka wheelchair. Sabi nya gusto daw nya hanggang 60 na lang buhay nya para di sya mahirapan. Tinanong ng kapatid kung ilang taon na sya,  42 daw. Hello nung sinabi nya yun 58 na sya. Kaloka!  Actually,  marami pa sya ginagawa at sinasabing kakaiba.

Astrid01

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #267 on: August 24, 2017, 03:09:59 pm »
lovemeagain30
Thanks for the prompt reply. No choice talaga kundi tanggapin. Kakaawa rin sya kasi hanggang ngayon,  ramdam ko mahal pa nya si ex.  Di na sya nag asawa uli. Ang nangyayari tuloy,  nakikimeddle sya sa mga problema ng iba. Kaya si hubby di nagsasabi ng problema sa kanya kasi baka di kayanin. Sobrang nedepress sya nung iniwan ni father in law. Muntik na masiraan ng bait.

littlekinselle

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #268 on: August 25, 2017, 09:35:50 am »
^ super agree ako dito.

carrotsteeks

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #269 on: September 29, 2017, 07:09:54 pm »
nainis ako sa MIL ko kasi pinainom na naman ng softdrinks 4-year old ko. may sinabi pa na kesyo konti lang yung nilagay sa baso. inis na inis ako sinumbong ko kay hubby. wala akong pakealam kung magalit si MIL sa kin aba ako ang nanay noh!

kaythrielle

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #270 on: October 13, 2017, 07:28:26 am »
^lol!!!! ganyan din pag andun kami sa in-laws ko lalo na nung maliliit pa mga anak namin...lahat ng mga ayaw ko ginagawa nila (pakainin ng ice cream or sweets pag gabi, painumin ng softdrinks, etc) kaya sinabihan ko si hubby at ayun pinagsabihan din sila.

MIL ko okay naman, ang ayoko lang pag bumibisita sila before sa amin, napi-pressure ako na magstay lang din sa kusina...mahilig kasi magluto lagi. Edi siempre tinutulungan ko at sinasamahan sa kusina. Lol! Sinasabihan ko nga na bumisita sila para magspend ng time sa mga apo, hindi para lagi lang nasa kusina..kaya lang ayaw daw nya walang ginagawa. Kaya pagod ako lagi pag nag-stay sila sa amin ng ilang weeks. hehe

gc.garcia

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #271 on: November 20, 2017, 06:43:13 am »

 Kaya pagod ako lagi pag nag-stay sila sa amin ng ilang weeks. hehe


Gosh sis! Kung province lang naman ang pagitan niyo at within PH eh acceptable na yung bibisita sila ng 1 week pero yung exceeding na nun parang OA naman na.

I mean I would understand staying longer kung may special occassions talaga or celeb ng holidays as family or nakistay since balikbayan pero kung bisita lang, I find it hard to understand how IL's impose to stay with you for a long period of time of more than a week.

kaythrielle

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #272 on: November 20, 2017, 11:21:02 pm »
Not in the province, but we're not in pinas. Kaya weeks to almost a month pag bumisita sila during those times. Imagine na lang hehe.

But matagal na yan...we moved further away and i think matatagalan bago sila makabisita sa amin. 😊
« Last Edit: November 21, 2017, 09:27:35 am by kaythrielle »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #273 on: November 21, 2017, 10:48:24 am »
My MIL and I don't have a stellar relationship but I love and appreciate her more now than I did before. Iniisip ko lang kase na everytime nate tempt ako maging mean or patulan arte nya, naiisip ko na what if my sisters in law do that to my mother. Baka masampal ko sila.

preciousjulia

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #274 on: January 09, 2018, 04:24:22 pm »
Buti na lang super bait ng mother-in-law ko..kaya lang sa super bait bumabagyo at bumabaha na akala mo nag-eekskarsyon (tour) lang, habang nasa 2nd floor ng house abot kaway sa mga kapit bahay habang tumataas yung tubig at nangangamusta kung ano hapunan nila..  Haha nakakatawa pero pag araw araw ganun eksena nyo mapapa-kamot ka na lang ng ulo. Yung anak nya parang " Ma! lahat ng tao abala sa pagsalba ng kabuhayan nila, ikaw tumanda ka na ng ganyan".. Pero yun nga siguro light lang talaga personality ni mother-in law kaya kahit emergency na parang bata na nag-eenjoy kesa naman yung monster-in-law.  ;D Para medyo light lang..

doinks527

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #275 on: February 05, 2018, 03:10:02 pm »
Hi mga sis, d lang pala ko nag iisa, may mga nabasa ako nakaka relate ako sa mga kwento about their monster in law!! Gusto ko rin sanang ishare ulit yung kwento ng buhay ko sa amin ng MIL ko, nung una palang kc na mag bf palang kami ng husband ko na ngayon alam kong nagseselos na sakin yung mommy nya, only child hubby ko, sa province nakatira yung mil ko, nung di pa nag aabroad yung hubby ko d ko alam kung kaplastikan yung pagiging mabait nya sakin pero may konti  na kong na feel na may inggit at selos cya sakin especially pag pumupunta kami o dumadalaw sa kanya sa province. Nung simulang nag abroad na hubby ko, pag dumadating at dumadalaw kmi sa nanay nya sobra ang pa baby sa asawa ko puro mga problema at puro mga nega na kwento lahat ng sasabihin, pati problema ng kamag anak nila na kahit malayo na parang dapat bigyan ng atensyon ng husband ko, gusto pa ng nanay nya eh sagutin ng hubby ko pag aaral nung kamag anak daw nilang namatayan ng tatay porke [textspeak!] naman daw kaming anak, btw wala pa rin kami [textspeak!] anak, ilang beses na kami nag pa checkup and ang problem talaga is yung count ng hubby ko...tapos dahil sa nag gigym ako ang dami kong salitang naririnig sa mil ko na kesyo kaya d daw ako nabubuntis kc nag ggym pa raw ako, at ang dami dami kong naririnig na side comments mula mil ko sa mga naging kasambay nya na lagi daw iniinstill ng mil ko sa hubby ko na "ang asawa daw eh napapalitan pero ang magulang d pwedeng palitan" bakit kailangan nyang sabihin yon?? Gusto talaga nya hiwalayan ako ng asawa ko para lahat ng sweldo mapunta sa kanya, marami pa cyang ginawa na pinalampas ko lang...Etong huli last 2015 I think dun na kami nag pang abot, talagang sumama na kc ang loob ko sa mga sinasabi nya against me za mga kasambahay so what I did is kina usap ko silang dalawa pinagharap ko dahil d na ko makatiis..sabi ko bakit naman ganon cya sakin may ginawa ba kong masama para pintas pintasan nya behind my back halos lahat ng kasambahay pare pareho na kwento pero cyempre todo tanggi cya d nya daw sinabi yon kahit tamaan daw cya ng kidlat eh wala cyang sinabing ganon, so si kasambahay naman parang natatakot na kc alam nya na pag alis ko cya ang titirahin ng mil ko pero sabi ng kasambahay "lola sinabi nyo po talaga yun kay ate" so sabi ko Diyos na ho bahala kung sino [textspeak!] nagsasabi ng totoo sa hindi" btw ang mga sinasabi nya behind my back is "bakit kc nag asawa na yung anak ko eh", "pasarap lang sa buhay yang asawa ng anak ko pati pamilya nya binubuhay ng anak ko" something like that.. Oo d na ko working kc pinahinto ako ng asawa ko since nung nag abroad cya kc minsan sinasama nya ko sa work base nya sa abroad para mag take chance na magka anak, pero sa totoo lang ayoko rin naman tlaga ang mag resign, giniveup ko yun dahil sa asawa ko pero simula non lagi ng nagpapapansin mil ko puro problema iitxt sa hubby ko, Eto nga  nung nag pang abot na kami nag advice hubby ko na uuwi cya sa knila tinawagan nya muna nanay nya (so since nag abiso cya na uuwi cya, makakagawa ng alibi ang nanay nya or mkakapaghanda tungkol sa nangyaring paguusap namin last time). So ayun na nga nung nandon na kami sa kanila, naka jacket na mother nya kahit ang init init, nagpapa awa na may sakit daw cya, umiiyak iyak pa kuno, nag papa awa sa hubby ko, at eto pa ang banat kaagad nya with matching iyak na alam mong nagdadrama lang, ang sabi pa nya sa hubby ko, "yang asawa mo na yan, inaway away ako nung nandito yan, kung [textspeak!] ano mga sinasabi sa akin, pinagbibintangan ako" nakakaloka diba! Gumawa kaagad ng kasinungalingan para nga naman maawa sa kanya at kaming dalwa ng hubby ko ang mag away, d na ko nakapagtimpi at nagkasagutan na kami, at take note may plano na pala cya non na papuntahin mga kamag anak nyang mga taga nangka that time nag usap usap na sila para pagtulungan ako...iyon na nga mga sis nagpunta don mga kamag anak nyang sulsulerat sulsulero sa nanay nya para pasamain ako, grabe hindi ko makakalimutan yung araw na yun kung ano mga pinagsasabi nila sakin. Ako kahit kailan d ko pinakielaman ang mga buhay ng mga kamag anak nya, pero lahat ng kamag anak nya sa side ng nanay nya eh ako ang pinagtulungan...Unang una alam ko wala silang karapatan na pagtulungan o awayin ako kc hindi naman sila kapatid, mga pinsanan lang sila pero kung makahusga sila kung makapangielam sa buhay namin parang sa kanila ko humingi ng panggastos, simula non nawalan na talaga ko ng tiwala sa mil ko..pero until now kalbaryo parin eh wala naman akong magawa kc porke wala nga kaming anak at asawa ko nag aabroad, kung humingi ng allowance, wagas, kakapadala palang ng asawa ko hindi pa natatapos ang kalahating buwan may iittxt na naman na problema at ubos na daw pera Ewan ko kung totoo lahat eh, malakas naman ang pakiramdam ko na may nagsusulsol at dinadaan sa paghingi ng paghingi ng pera, dun nalang umiikot ang mundo nya, minsan cyempre nkakasama ng loob although hindi ako yung nag wowork kaya lang kc laging ganito, puro kasinungalingan lang kahit noon pa, pero wala eh kinukunsinte naman ng husband ko, wala naman akong magawa kc in the end ako pa lalabas na masama. Pero mga sis, may karapatan ba ko na sabihan ko rin asawa ko sa ganong bagay tungkol sa paghingi ng sobra sobra ng nanay nya? D ko kc alam gagawin ko parang lumalabas masama pa ko.. pls advice din kung may nkakabasa pa nitong thread na ito.. masama lang kc loob ko at ang bigat bigat feeling ko hindi na maalis yung sama ng loob ko sa mil ko, pinagpapa sa Diyos ko nalang lahat kung sino man yung nagsisinungaling at kung sino yung nagsasabi ng totoo, only God knows..

doinks527

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #276 on: February 11, 2018, 03:06:36 pm »
Thanks sa advice sis, yup ganon na nga ginagawa ko d ko na pinapansin kaya lang minsan d ko macontrol yung inis ko kc lahat idinadaan sa pera kc alam nyang magrereact ako, sa totoo lang ang problem ko na rin minsan na kay hubby, isang salita lang ng mommy nya naniniwala na agad sa drama pinagbibigyan kada hirit kaya iyan nawili na ng nawili kaya nakakpagod, na alam mo namang nag papa awa kc mismong c kasambahay nagkukwento kapag wala kami sa house ng mil ko nakakalakad ng derecho yung mil ko pero pag dumadating o dumalaw na kami sa bahay nya pag nasa pinas ang hubby ko nagiging parang lantang gulay na hindi makalakad tapos andyan iiyak iyak sa harap ng husband ko, cyempre maaawa naman yung husband ko, kaya kami naman ng husband ko ang nagkakaron ng misunderstanding, sabi ko nga pabo kung wala na cyang work sa abroad ganon parin ba? Sinanay nya na kc nanay nya na kada hingi eh padadalhan ng pera d ko nga alam san ba napupunta eh 2 lang naman sila ng kasambahay nya di naman sila umaalis madalas ng house..sa twing iniisip ko yun na i stress ako d ko talaga maiwasan.. problema lang kc wala kaming anak..dun talaga ako talo...

preciousjulia

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #277 on: February 15, 2018, 04:12:58 pm »
^^ sis kung hindi naman kayo kinakapos hayaan mo na sa kanya yung pera na yun, update mo na lang lagi si hubby mo sa mga perang natatanggap ng mother nya kung sayo man dumadaan yung allowance na pinapadala nya for his mother. Pero ipaalam mo din kay hubby kung sakaling dumating yung time na makaapekto sa inyo yun kasi bilang asawa ikaw dapat ang priority nya.

Regarding sa ugali ni mil, buti na lang hindi kayo magkasama sa house kahit papaano makakahinga ka sa kanya. Mukang may sarili naman kayong house [textspeak!] hubby mo. Focus ka na lang to be a better wife. Baka matanda na din si mil pagbigyan mo na. Dadating ang time kayo na lang ni hubby mo, pag nawala si mil maiisip mo atleast ikaw naging mabuti kang dil sa kanya.

doinks527

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #278 on: February 21, 2018, 02:52:51 am »
Yup sis, what I dont like about my mil is nagagawa na nga nya yung gusto nya kahit alam mong nagsisinungaling para lang sa money, is yung gagawan ka pa ng mga kwento pag nagkakausap sila ng husband ko gusto nya palagi cyang kinakaawaan..feeling ko tuloy ako pa yung masama..may experienced pa ako na nung nasa amin sila ng kasambahay nya, nakisuyo lang kami sa kasambahay nya nya magtiklop ng mga damit namin kc may importante kc kami aasikasuhin ni hubby, so naiwan muna sila ni mil sa bahay, then nagkwento na si kasambahay na kesyo bakit pati undies ko daw eh mamahalin pa, napaka sosyal ko daw hanggang sa mga kaibigan sa probincya eh pinagkalat pa yung ganon, pati iyon eh kinainggitan sa akin, minsan nga napapaisip ako bakit sa edad nyang yon bakit ang iniisip nya eh mainggit instead na dapat ang isipin nya eh if ever na mawala cya eh kung saan ba cya mapupunta at puro pagkakaperahan nalang ang bukangbibig nya maalala lang nya itxt ang asawa ko kapag manghihingi na naman ng pera pero pag naibigay na d na nangangamusta, pati mga relatives nya halos lahat sila galit sa akin dahil alam ko sinisiraan ako ng mil ko sa kanila.. hindi man lang ba nya naiisip na at least may nag aalaga sa anak nya..hanggat maaari kc ayaw nya mahiwalay sa kanya ang anak nya iyon ang sinadabi nya sa kasambahay nya kaya kahit ano gagawin nya para kami ng husband ko ang magkaproblema. :(

preciousjulia

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #279 on: March 02, 2018, 11:07:24 am »
Relate sis  :( pero hindi naman ganyan ka-maldita si MIL. In fact mabait at light lang personality nya, sadyang madrama lang talaga minsan. Na-stress kasi si hubby sa mom nya minsan, affected din tuloy ako lalo na pag nag-oopen sakin si hubby. Sabi nga sis ng isang sis dito hindi na natin mababago ugali nila.  Hay! na-feel ko stress mo sis..haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close