Mabait naman si mil ko interms of money, she always makes sure na hindi makikitira sa bahay nya mga anak nya na may asawa na, ayaw nya kasi ng may iniintindi, kaya never siya humingi ng pera sa mga anak nya but she makes sure na ang mga sweldo ng anak nya ay ilalaan sa pagpapagawa ng bahay.
because of pagiging kuripot, When i got pregnant palang nag offer na siya na siya nalang ang mag alaga ng baby namin paglabas, so happy naman ako kasi in my mind di mapapabayaan yung baby ko. after my maternity leave, (i've been working 12hrs). naiwan na nga sa custody nya ang pag aalaga kay baby... but everytime i got home, im so disappointed and crying, because rain or shine nasa terrace lang nila si baby ginawan siya ng duyan dun, even malamig at bumabagyo, to think na may bahay kami na mas comfortable si baby, napaka dugyot pa, sa sobrang katamaran, kapag nag pupu sabon na panlaba ang pinanghuhugas e meron namang wipes!, sometimes din walang effort na hugasan niya. at several times pa na nauuna pa ang panty sa diaper, kaya laging may diaper rash si baby,and worst nag ka UTI rin, laging marumi si baby kapag umuuwi kami, di ko naman mapagsabihan kaya kay hubby lagi ang galit ko, pero ganun padin! few months later, nag decide na ako na kumuha na ng yaya, nagalit siya syempre, dagdag gastos lang daw at kaya naman nya. so nag hire n nga ako ng pinsan para maging yaya ng baby ko, and she say na bigyan lang niya ng 2weeks yun at di makakatagal dahil sa inip magresign na. nakatagal naman ng 3mos. laging nagsusumbong sa akin na kung ano-ano ang pinapakain kay baby, akalain mong pakainin ng langka ang 3 months old na baby! buti at di niya nalulon! i know, obligation natin as a parents na alagaan ang ating mga anak not them, oo, i thank her for the effort kung meron man, pero sana kung hindi niya pala kayang mag alaga na, wag na siya makialam, gusto niya tumulong sa amin naintindihan namin, pero the fact na hindi siya nakakatulong! ang pag aalaga niya ay masasabi kong pagpapabaya! and to think na ang sweldo ko mostly ay napupunta lang sa doctor. ayoko sanang i give up ang career ko, dahil may pangarap ako sa mga anak ko, at gusto kong makatulong sa hubby ko, pero i have no choice, di rin kasi pwede ang mom ko cause matanda narin,..
actually po naka 6 yaya ako until nasundan yung 1st baby ko, walang nakakatagal, that is why i decided na mag quit nalang sa job ko at ako nalang mag alaga ng mga baby ko, although mahirap ang SAHM, happy naman ako ngayon kasi kasama ko sila lagi at natututukan ko na, di narin sila sakitin ngayon, sorry po napahaba...