Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 111772 times)

eekai

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #140 on: June 23, 2012, 10:28:36 pm »
hi all,

i need everyone's opinion on this. opinions from more people are better. gusto ko kasi masigurado na tama yung emotions ko, yung hindi ako nag-iinarte lang or nagiillusion. My husband and I are married for 3 years, we are living with his parents here in the province and we have a daughter who just turned 1 this April.



sis unfair nga talaga yung MIL mo at since sinabi mo na di pa kayo financially stable to move out wala kang choice kung hindi mag tiis tiis muna.

sad nga na ganyan yung MIL mo pero siguro sis mabuti pa wag ka na lang mag expect ng kahit na ano galing sa kanya.  kase mamaya soplahin ka pa na baket nakikialam ka pa sa gusto nyang bigyan.  unfortunately meron talagang mga taong ganyan.  mga natutuwa pag nakikita nilang nasasaktan ang ibang tao.

:(

crazycoolchic19

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #141 on: June 24, 2012, 09:36:13 pm »
crazycoolchic19 sis medyo i can relate to this.my mil stayed here for a week sa house namin and she was asking my husband what i do the whole day sa house.nakakainsulto lang diba.kasi nakita naman nya wala kaming maid, wala kaming yaya to take care of my son.  napakainsensitive lang na itatanong pa yun bagay na yun.wala ba siyang mata.just venting out.it was not my choice to be a sahm.but due to circumstances kinailangan ko mag sahm and un anak nya din ang reason kung baket sahm ako ngayon.
I feel for you sis..mga inlaws feeling kase nila nagpapasarap lang tyo at yung mga husband natin naghihirap magtrabaho,.napaka insensitive talaga nila.., lalo na yung sakin pag naku compare pako sa mga bilas ko, gusto pa ata akong mainsecure, ni minsan hinde ako naiinggit eh kanya kanya naman kase tyo ng gusto sa buhay at masaya ako dun.

m_lim

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #142 on: June 25, 2012, 07:24:49 am »
simple lang ang solusyon sa mga monster MIL. lumayo kayo sa kanila.

if isang bahay lang kayo, then dapat maging goal niyo ni hubby ang makabukod ASAP.

life is short. kaya huwag ng gawing complicado ng mga bagay na hindi naman dapat. sa marriage kasi i believe, hindi na dapat pinoproblema yang in laws.

jie1015

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #143 on: June 25, 2012, 11:12:35 am »
Wala naman kaming issues ng MIL ko.
She's kind and parang daughter na rin niya ako. (Only child kasi si hubby)
Kapag nag aaway kami ni hubby, pinapakinggan niya naman both sides.
Kaya lang I know naman at the end, sa anak niya pa rin siya kakampi. Siyempre, only child niya yun eh.
I know my place pagdating sa kanya.

meandmyhoney

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #144 on: June 25, 2012, 11:31:20 am »
bf ko pa lang si hubby wala ako problema sa mil ko. super asikaso pa nga ako, pero habang tumatagal eh nagiiba siya, ewa kung bakit,

basta isa lang sinabi ng family ko last wedding namin  na wag daw ako paapi sa mil ko :o
di ko natanong kung bakit, buti hiwalay ako sa kanila, weekends lang kami nagkikita. kung may gawin man siya eh i sumbong ko na lang kay hubby.

ayoko lang sa mil ko masyado makahingi ng pera. eh meron na nga silang medical allowance at rice allowance monthly from my hubby eh. syempre di ko tinatanong yun kay hubby, ayoko ko lang sumosobra,

isa pa, praktikal na wala sa lugar.  ;D

mailm

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #145 on: June 26, 2012, 03:31:25 pm »

naku sis mil ko pag kaharap ako mabait naman sa akin.di ako kinakausap masyado pero alam mo yun pag wala ako me mga hirit kay hubby na kakairita talaga.yun nga pinapalabas na nilulustay ko pera ng anak nya kasi sahm ako ngayon.  ang sarap sabihin ilang months pa lang ako walang work at NEVER ako nanghingi sa anak nyo nung may work ako.lahat ng luho ko from my own money.  Silang familly ni hubby grabe din makahingi mga yan.  To think bunso si hubby.  House nila kami tumubos, kami nagparenovate, at binigyan pa nya business ate nya.  Pasueldo din buong family ni hubby sa business nya.  Wala nga actually kinikita yun.  Kasi puro salaries expense ng family nya.  Si MIL ko di nanghihingi pero grabe parinig at grabe magdrama pag me gusto.  Magtri2p sya this year pinaparinggan hubby ko 30k daw gagastusin.  Sinong lustay ngayon dba.  Eh ako nga since umuwi kami for good sa pinas, nag bday, valentines at anniv na kami wala akong hiningi kay hubby.  Ako nagbu2dget and alam ko gastos so tipid tipid.  Sila in laws ko insenstive to the max.  Pati mga extended family like aunts and uncles up to now nakasahod kay hubby. 

Post modified. Use the ^ or @ sign instead of quoting posts directly above yours. Thanks!
« Last Edit: June 26, 2012, 07:17:31 pm by mama squeak! »

RYZAXYAN

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #146 on: June 28, 2012, 07:26:37 am »
Mabait naman si mil ko interms of money, she always makes sure na hindi makikitira sa bahay nya mga anak nya na may asawa na, ayaw nya kasi ng may iniintindi, kaya never siya humingi ng pera sa mga anak nya but she makes sure na ang mga sweldo ng anak nya ay ilalaan sa pagpapagawa ng bahay.
because of pagiging kuripot, When i got pregnant palang nag offer na siya na siya nalang ang mag alaga ng baby namin paglabas, so happy naman ako kasi in my mind di mapapabayaan yung baby ko. after my maternity leave, (i've been working 12hrs). naiwan na nga sa custody nya ang   pag aalaga kay baby... but everytime i got home, im so disappointed and crying, because rain or shine nasa terrace lang nila si baby ginawan siya ng duyan dun, even malamig at bumabagyo, to think na may bahay kami na mas comfortable si baby, napaka dugyot pa, sa sobrang katamaran, kapag nag pupu sabon na panlaba ang pinanghuhugas e meron namang wipes!, sometimes din walang effort na hugasan niya. at several times pa na nauuna pa ang panty sa diaper, kaya laging may diaper rash si baby,and worst nag ka UTI rin,  laging marumi si baby kapag umuuwi kami, di ko naman mapagsabihan kaya kay hubby lagi ang galit ko, pero ganun padin! few months later, nag decide na ako na kumuha na ng yaya, nagalit siya syempre, dagdag gastos lang daw at kaya naman nya. so nag hire n nga ako ng pinsan para maging yaya ng baby ko, and she say na bigyan lang niya ng 2weeks yun at di makakatagal dahil sa inip magresign na. nakatagal naman ng 3mos. laging nagsusumbong sa akin na  kung ano-ano ang pinapakain kay baby, akalain mong pakainin ng langka ang 3 months old na baby! buti at di niya nalulon! i know, obligation natin as a parents na alagaan ang ating mga anak not them, oo, i thank her for the effort kung meron man, pero sana kung hindi niya pala kayang mag alaga na, wag na siya makialam, gusto niya tumulong sa amin naintindihan namin, pero the fact na hindi siya nakakatulong! ang pag aalaga niya ay masasabi kong pagpapabaya! and to think na ang sweldo ko mostly ay napupunta lang sa doctor. ayoko sanang i give up ang career ko, dahil may pangarap ako sa mga anak ko, at gusto kong makatulong sa hubby ko, pero i have no choice, di rin kasi pwede ang mom ko cause matanda narin,..
actually po naka 6 yaya ako until nasundan yung 1st baby ko, walang nakakatagal, that is why i decided na mag quit nalang sa job ko at ako nalang mag alaga ng mga baby ko, although mahirap ang SAHM, happy naman ako ngayon kasi kasama ko sila lagi at  natututukan ko na, di narin sila sakitin  ngayon, sorry po napahaba...
« Last Edit: June 28, 2012, 07:45:09 am by RYZAXYAN »

silverlilac

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #147 on: July 01, 2012, 01:32:06 pm »
I have a stepmother-in-law -my husband's mom died kasi when he was still in high school, and his dad remarried a few years later. Stepmom-in-law (Tita) is really cool, parang barkada nga halos ang turingan namin (even my husband's relationship with her is the same) maybe because she's a lot younger than my dad-in-law. :P  I thank God talaga na wala talagang problems with her (and lalo na kay Dad), even when we lived with them for a couple of months after we got married, hindi sya nangingialam na OA but she takes care of everyone in a loving way. Now whenever may scheduled "dates" kami ni hubby with Dad and Tita, I really look forward to seeing them kasi chikahan and kulitan galore talaga, bitin pa nga ang time together hehe...

But I regret not being able to meet my mom-in-law, kasi everyone's saying she's really super-mabait, maasikaso, and malambing. Lahat ng naka-meet sa kanya all say she's sorely missed and loved kasi ang bait-bait na tao nga daw. My hubby's the only boy sa kanilang magkakapatid and spoiled kay Mommy, sabi nya malamang if buhay pa si Mommy spoiled din daw ako sa kanya (sayang hehe).

danne

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #148 on: July 02, 2012, 04:45:55 pm »
@desserts

ang tingin ko, parang pino-provoke ka lang ng mother in law mo. funny pero this morning while having snack with some of our maintenance staff, may natutunan ako regarding it. sabi nila, bakit ka daw magpapainis sa ibang tao tatanda ka lang. mas mabuti pa, ikaw na lang ang mag inis sa kanila haha. talaga namang etong dalawang nakasabay ko eh kilalang kilala sa pagiging alaskador at sobrang makapang asar. deadmahin mo na lang sis, kasi kapag pinatulan mo baka mas lumaki lang ang problem. ganun na lang din ang ginagawa ko sa MIL ko and the rest of them, kahit anong narinig ko sa asawa ko lang binubuhos lahat. Makarelease lang ng inis. Kasi if sa inlaws ko ibuhos, malaking problema tiyak.

about dun sa ayaw ni MIL mo na imove sa ibang date ang birthday niya, medyo weird na hindi niya mapagbigyan ang apo niya kasi most lolas will. baka siya yung tipo ng matanda na nag iisip bata na di kaya? like you, baka mainsulto din ako if bigyan lang din ng pinaglumaan ang baby ko. actually my husband told me twice na ibibigay daw niya yung mga pinaglumaang gamit ng anak NIYA sa anak ng brother ko. i keep saying no. kasi baka may masabi pa yung inlaws ko. as much as possible, ayoko tumanggap ng kahit ano from them.

feeling ko then, its either sa husband mo or sayo talaga inis si MIL. nadadamay lang ang bata. minsan kasi kapag galit sa parents, naiinis narin sila sa other members of the family damay damay na. in my case, honestly i tried my best to become a good stepmom but inubos nilang pasensiya ko so i stay away from them including the child. And eventually, if anong nararamdaman ko sa MIL ko, ganun narin nararamdaman ko sa stepson ko. I know it's not right kasi wala naman kasalanan yung bata, di naman niya kasalanan if ganon siya pinalaki. Di ako naglalapit sa bata for one reason - ayokong paglaki niya sa akin isisisi kung bakit ganon ang ugali niya dahil hindi naman ako ang nagpalaki sa kaniya.

about naman sa camera, since si MIL mo naman ang bumili, pabayaan mo na lang sa kaniya. baka isumbat pa sa inyo na siya naman bumili kapag kinuha ninyo.

mas mabuti siguro na humanap na lang kayo ng husband mo ng malilipatan kapag kaya na ninyo. and habang hindi pa, tiisan na lang talaga. ganun lang din ginagawa ko ngayon. kumapal ng mukha ko sa totoo lang, lagi ko sinasabihan sarili ko na huwag mahiya at matutong makipagplastican. ewan pero parang gubat napuntahan ko dapat marunong ka magsurvive sa ganung environment.

pitsy

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #149 on: July 04, 2012, 02:22:40 pm »
dami kong tawa sa monster-in-law  ;D naalala ko tuloy si "monster-in-law" este mother-in-law ko  :P

as far as i know moms are protective of their children kaya lang may iba na over na. Sa situation namin ni hubby, pati decisions namin pinapangealaman kaya nagkakagulo eh haha.. ultimong binyag ng baby namin ayaw ituloy kasi wala daw sya  ;D sabi ko na lang "okay lang po, hindi naman kayo ninang" ahahah  ::)

weweng20

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #150 on: July 05, 2012, 05:27:12 pm »
kasi may ka competensya na [textspeak!] sa anak nila hehe kaya ganun ang mga mother in law :))

jackyjames_09

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #151 on: July 10, 2012, 12:33:06 am »
She just turned to MONSTER-IN-LAW

Uber paki-alamera hahaha.. she's so nosy pala! Grabe.. There was a time, i was in our kitchen..cooking and was having a little talk/chat with my fiance. He was at work by that time. Itong MIL ko biglang pumasok sa kitchen namin <seperate naman place namin pero super lapit sa kanila> sabay sabi: WHAT ARE DOING?!!!! WHO ARE YOU TEXTING? ARE YOU TALKING TO JAMES? <my fiance> and i told her yes i am then i smiled. She was just like NOOOOoooo!! you shouldn't talk to him when he's working. i was just like...what the brrrrrrr... Anong problema niya dun? kainit ng ulo! OK n lang sinabi ko, ni-lock ko house namin and kitchen.

She was pointing out na don't talk to my fiance while working kasi baka mahuli ng boss niya and mapagalitan. Alam naman ng fiance ko kung when lang makikipag-usap sakin and xmpre pag-break time niya. And ganun lang talaga ako na mahilig mag-message sa kanya kahit na ba di pa nya nababasa basta pala kwento ko kung anong ginagawa ko. Hindi rin naman nya ako rereplyan pag nag-wowork siya and naiintindihan ko pag late reply di naman ako demanding. it's too complicated na haha basta kainis, she's so bossy!

Tapos, never daw siyang pupunta dito sa Pinas ang dami daw niyang naririnig na bad stories.. Sabi ko kahit saan naman sulok nang mundo may bad and good stories ang country. Then sabi niya she will never eat ASIAN food.  di wag!! tapos, after 2 weeks nalaman ko nag-plan silang pumunta dito sa Pinas. duh!!! Sabi ng fiance ko the best daw ang shopping dito sa atin and beaches, sabi ng MIL ko sa HK daw siya pupunta for shopping, then sabi ulit ng fiance ko..You dunno.. You've never been around the world. You 're only been in YOUR COUNTRY. you know nothing!
 sabi ko sa fiance ko, masyado na yang mudra niya di na nakakatuwa, hayaan ko na lang daw kasi matanda na and baka naiinggit lang.

ONE MORE THING na talagang kinainis ko. Pati sa fiance ko na-bwisit ako. My MIL suggested na mag-rent na lang daw ako. Ito namang fiance ko na may pagka mama's boy din.. Tama daw, mag-rent na lang daw.. eh OK na lahat halos plan namin and nakapili na ko ng wedding design ko sabay ganun? Sabi ko talaga, Sino ba ang bride mo? ang mom mo ba?? siya ba ang magsusuot? and i questioned him bakit lagi siyang parang sunod-sunuran sa mom nya,. sabi ko, sabihin lang niya kung di pa siya ready mag-asawa. kung magpapabili ba ako sa kanya ng underwear, itatanong niya muna sa mom nya then sabihin ng mom niya mag-rent na lang ng undies!

Tapos ngayon, By August lipad na ulit akong Australia. Sabi ko sa fiance ko ayaw kong tumira ulit duon gusto ko maghanap kami ng malilipatan, di ako pupunta pag wala pang naka-ready na lilipatan. Nag-promise naman siya na mag-tratransfer kami, buti naman naintindihan niya ko. hehe

Nag-post na ako dito before ko siya ma-meet in person..
« Last Edit: July 10, 2012, 12:34:51 am by jackyjames_09 »

charmed_ako

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #152 on: December 17, 2012, 05:10:41 pm »
nahanap ko lang tong thread na to because I was looking for a forum where there are talks about MILs

I just want to share my experience. Okay naman kami ng MIL ko, kahit nung bago pa kami magpakasal. Lagi ko siya binibigyan ng gift, most of the time material things para mas matagal nya magagamit, minsan lang ang cash. Nung dalaga ako, pag nagpupunta ako sa kanila lagi ako may pasalubong na food, kahit naman ngayon na mag-asawa na kami ng anak nya, di pa rin nagbabago yun basta may dala ako di sila nawawalan.

7 lahat ng anak nia, 4 girsl and 3 boys. Yung asawa ko ang panganay sa lalaki, 2nd overall. 2 pa lang sila na may-asawa na, ang hubby ko ang unang nag-asawa then after 8 years eh yung sumunod naman sa kanya na SIL ko ang nag-asawa, January this year lang kinasal.

okay naman sya, although may mga instances na iba ang turing nya sa hubby ko kumpara sa iba nyang anak, babae man o lalaki. pero di ako nakikialam sa misunderstanding nila, kasi yun ang gusto ni hubby.

then just recently, may ikinasama lang ako ng loob sa kanya. Yung isang SIL ko kasi na pang-apat nya na anak eh nasa Israel, then lagi yun tumatawag sa Skype o FB pag nasa bahay ako ng weekend (province kasi kami nakatira, then I work in Ortigas pag weekdays) then nung Saturday night, yun usap uli sila ni MIL, eh may exchange gift kami na family ni hubby. Ask ni SIL, sino nabunot ni MIL, sabi nya yung mabait daw nya na manugang, sabi ni SIL "si ate charmed_ako?" sagot ng MIL ko, hindi yung isa (yun daw asawa ng hipag ko na seaman) ask ni SIL "di ba mabait si Ate Charmed_Ako" sagot ng MIL "mabait din, di naman nangangagat eh"

sh!t lang talaga yung sinabi nya, a week ago bumili kami ni hubby ng bagong sofa set, then yung 3 year old namin na dating sofa set na di naman masyadong luma eh binigay namin sa kanya. At dahil karamihan ng mga anak nya eh wala na dun, yung bunso na lang na nag-aaral, eh most of the time sinasama na sila ni hubby pag bumibili ng pang-ulam.

kaya nya siguro nasabi yun kasi pera lagi ang binibigay sa kanya ng manugang nya na seaman, ako kasi mostly material. Nasaktan ako kasi ako mahigit isang dekada na nya kasama tapos wala naman ako pinakita na di maganda, sasabihin nya yun na andun kami mag-asawa? eh yun lang na libre nya nakakausap yung SIL ko na nasa Israel dapat matuwa na sya na nakakatipid sila eh, di pa pala ako mabait. Ayoko na sukatin nya ako sa pera na nabibigay ko sa kanya, mas mahalaga ang pamilya ko at future namin, ang mahalaga di kami humihingi sa kanya. We can live on our own. Biyuda na sya, at ang income nya ay galing na lang sa pension ng namatay ko na Father-in-law at mula sa padala nga ng SIL ko from Israel, yung ibang anak nya na may work, isang lang dun ang madalas magbigay sa kanya, yung iba, minsan lang din.

kay, kainit lang sya ng ulo... >:(

danne

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #153 on: December 18, 2012, 08:26:40 am »
MIL ko ang tipo na hanggang makakalamang, lalamangan ka. Just realized about nung kasal na kami ni hubby. And I was so disappointed kasi ayoko ng mga ganong tao. Before she asked me if pwede daw ba na ako ang magprovide ng pera na gagamitin nila sa papamanhikan nila kasi nashort sila after ng operation ng husband niya. Imagine mo yon? Pero dahil tingin ko valid naman ang reason and I treat them as family na rin, sabi ko no need naman na magdala sila ng food, kami na lang ang magluluto pero she insisted na hindi daw dapat sila magdala. And she required me na magprovide ng 10k sa kaniya. Then before the wedding, she told me na short parin sila and if pwede na ako muna gumastos sa reception pero ibabalik nila sa akin ang pera 2 months after. Medyo nakaamoy na ako that time pero dahil nakaset na ang wedding, pumayag ako and hoping na hindi siya nagisisinungaling sa akin. After ng wedding, she's asking my husband about sa money na nakuha namin from our sponsors. At bakit??? Then dahil sa kanila kami tumira after ng kasal, ala akong choice that time kasi naubos ang pera ko sa wedding, and thinking na after two months magkakaroon na kami ni hubby ng pangdown sa sarili naming bahay, pumayag ako na doon kami sa kanila. Pero more than a year na ang lumipas hindi na nila binalik ang pera ko. And siya pang malakas ang loob magparinig kapag hindi ako naglalabas ng pera, sinasabi na nakaraos sila without the help ng mga anak nila. Lagi siyang may pasaring and sobrang sarcastic. One time may nilakad kaming mga documents, ako halos lahat gumastos sa food naming lahat ang pamasahe. Tapos nagulat ako after sinisingil niya ako sa kalahati daw ng nagastos sa pamasahe at food??? Ako ng gumastos ako pang may utang? Ako din lahat ng pinagbabayad niya ng bills, kahit anim sila at dadalawa lang kami ni hubby at laging wala pa sa bahay. At pag sinama sama pa, pati pambayad ng bills nila sa kabilang bahay hihiramin pa niya sa akin. Tapos kalimutan na naman parang walang nangyari.

maiandra

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #154 on: December 22, 2012, 09:04:16 am »
My MIL is a monster bec she gambles the money we give them every month at casinos. We just found that out recently when we thought she had stopped since senior citizen na sya, but my hubby insists we still give in the form of grocery items nalang and send that to MIL. Just the thought of still giving makes my blood boil.

muy003

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #155 on: December 23, 2012, 12:22:32 pm »
^im giving credits to your hubby for not tolerating gambling, and thinking of giving grocery items instead. ;)

jairusjan

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #156 on: January 08, 2013, 04:35:08 pm »
hi mga sisses,

share ko lang...sabi nila love your in-laws as your parents sunod k [textspeak!] sa gusto nila. bigay ng gifts na paborito nila  ;D :)...maswerte ako sa mga inlaws ko kc super bait nila sa akin, ang problem ko lang is ang aking hipag na super kontrabida yun bang dumarating na sa point na pinagseselosan ka na dahil feeling nya mas anak ka na kesa sa knya...pero ikaw dahil sa love & respect mu sa husband and in-laws mu di mu n [textspeak!] pinapatulan pero minsan nakakapikon na eh hahahaha asarin ko nga maglambing sa in-laws ng super ng mamatay sa inggit palibhasa sanay sa away at maldita ang hipag ko haizzzz naku....

mga sis kung meron po dito na kapareho ko ng situation haizz naku go [textspeak!] ng go pakatotoo k [textspeak!]...

k_heart

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #157 on: January 09, 2013, 12:00:28 am »
Super bait ng in laws ko lalo na yung mother in law ko. Feeling ko, mas ako yung pasok sa Daughter In Law: Monster in Law.he!he!he!

needcompany

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #158 on: May 21, 2014, 07:53:11 pm »
Same po tayo ng situation sa MIL, kaso po [textspeak!] sa akin si Hubby kinakampihan nya talaga si MIL dahil si MIL sobrang madrama, and now since OFW si Hubby mas naddramanhan nila kc hindi na kami ok ni hubby dahil sa kanila. Ginawa ni hubby na priority ang MIL ko keysa sa sarili nyang family. Kahit na alam ni hubby ang lahat ng ginagawa ni MIL sa pera na pinapadala nya, isang drama [textspeak!] ng nanay nya, paniwalang paniwala agad sya.

crzysxycl

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #159 on: May 23, 2014, 12:24:00 pm »
MIL ko rin monster in law. Dami na naming engkwentro ng mangkukulam na to, haha. Hindi ko makakalimutan yung first na tantrum nya, sinigawan nya ako dahil hindi nasunod ni hubby ang gusto nya. Talagang naiyak ako nun kasi wala naman ako ginagawang masama, at kay hubby sya nagtatampo pero ako ang sinigawan ng impakta. Every sunday nagsisimba yan pero nakakasuka ang ugali, masyadong maputak at kung magalit sayo, sisiraan ka sa mga kamag anak at kakilala nya. Mas madalas na galit at bad mood yan kaya mas nagtataka ako kapag in good mood sya. :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close