Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 111696 times)

pinkstar712000

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #20 on: November 28, 2009, 04:27:47 pm »
Here's my side of the story..
 After our marriage, my MIL never failed to borrow money from us; to the point na lahat ng salary ni hubby inuutang nila (buti na lang I dont depend on him financially then). We also pay the tuition fee of my hubby's younger sis, although my [textspeak!] is still working abroad and earning a LOT.

After 5 years, I went abroad to avoid her and to earn more para naman makapagpundar kami. Even I was there, tumatawag pa rin sya to borrow. My [textspeak!] is still working and earning more than what they actually need.

One time, while Im abroad and my hubby went home a month earlier, pinakialaman nya ang cell ni hubby at binasa lahat ng text ko sa asawa ko. I also found out na nakikinig sya sa mga phone conversations namin.

We stopped lending her that much na when we decided to build our own home. At mukhang dahil dun lalong umalab ang galit nya sa kin, hehe.

Eto pa... siniraan nya ako sa BIL ko (telling him na madami daw akong sinasabi against him) kahit wala naman akong sinasabi kahit ano. Ayun, naniwala si BIL at nagalit din sa akin.

At eto, diko na pinalampas...
My MIL's sister borrowed money from me and we agreed na we'll keep it secretly. Kaso, by slip of the tongue, nabanggit ko sa SIL ko who's very close to me at nakarating sa MIL ko. Nung malaman ni MIL na pinahiram ko ng pera ang sister nya, she called her sis at sinabi ni MIL na hindi raw bukal sa loob ko ang pagpapahiram ng pera. Dapat daw isoli kaagad sa akin yung hiniram ng sister nya kasi masama daw ang ugali ko.

The funny side of it is, her sister told me everything. kahit daw kapatid nya si MIL, alam nya na sinungaling yun ;D.

From then on, I never called them or visit them. Lalo syang nagalit kasi bakit daw hindi ako dumadalaw sa kanila. My SIL told her na "bakit dadalaw sa inyo si pinkstar eh sabi nyo pala masama ang ugali nya?" Na surprise daw si MIL at inaway ang sis nya.

Right now..no communication between us. I guess, it's better this way.


aquacharly

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #21 on: November 28, 2009, 04:32:00 pm »
let me share my story:

Nung mag BF pa lang kami ni husband ko na ngayon,ayaw na talaga sa akin ng nanay nya.hindi ko alam kung ano reason ni madir kung bakit.only child kasi si hubby,kaya siguro ganoon.ang family ko mabait sa husband ko,nung di pa kami kasal my bf is very much welcome na mag sleep over dito sa bahay.hehe siempre katabi nya tatay ko,so ang siste hindi sya uuwi sa kanila. paano ba naman kasi layo ng bahay nila sa school namin ayaw ko na sya pauwiin kasi delikado sa gabi.my night class pa kami.heto na mom nya mega call sa hating gabi,super P.I.M raw ako dito P.I.M daw ako doon.oh di ba winner ang bunganga :D nabuntis ako kinasal kami,masungit pa rin.pero nung nanganak na ako at baby girl ang apo nya nawala pagkasungit nya.at never na nya ako pinakitaan na ikaka monster-in-law nya.

I think it is more than nagka anak ka nang girl.
Malamang, sa pinakita mo na seryoso ka talaga sa pag alaga sa anak nyang unico hijo, at seryoso ka sa pag puno ng responsibilities mo as a wife.... wala na syang mapintas sa yo. 


aquacharly

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #22 on: November 28, 2009, 04:44:09 pm »
aynako mga sis, syang tunay.   :'(

and sis aquacharly...problematic din ako isa pa SIL ko. 

dynamic duo silang mag-ina.  huwaaaa.
MIZIZLIM -- what a rude, mean MIL you have.
                   At may SIL ka pa?!

Teka, baka mag bilas kayo ng Achi ko?!  LOL

1 of my BFF ganyan ang situation... very mean and pakialamera MIL; at ganoon din... kesyo malandi at sya ang nag yaya magpakasal, kesyo ganito ganyan ganito ganyan... tapos her husband eh ayaw contrahin mommy dearest nya.

What did she do?   That BFF of mine forced her husband to relocate to the US.  Eh pag dumadalaw si MIL -- ginagawa nyang housekeeper, yaya, security guard, tutor... LOL kasi of course, she works.  At inaapakan nya ng OT when MIL is there.  Sa awa ng panahon... ayaw na pumunta ni MIL doon.  Sila na lang daw dumalaw dito.  Of course, of course, of course they haven't been to the Phils. since they left.

NADIA & 12th GODDESS -- YES!  kelangan from the start alam nang MIL matigas ka din (but never rude, never disrespectful);  that you have your own mind (hindi sunod sunurin na tao),  and that you can be stubborn.

I have had some rough patches with my MIL but not for long.  Mutual respect kasi --  sense nya, sense ko -- topak kami.   LOL, but true. 

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #23 on: November 28, 2009, 05:23:08 pm »
^true lala yan sis aquacharly.

kahit pa gaano ka bad trip tayo lagi sa ating MILs eh dapat talaga natin sila irespeto dahil nanay pa rin sila ng ating mga asawa, di ba?

saka ewan ba kung bakit mahal na mahal talaga ng mga hubbys natin ang mga mommys nila kahit minsan obviou naman sa kanila na minamaldita nila tayo??

ang MIL ko naman di naman masyado, ang kinakaasaran ko lang sa kanya ay talagang pag sa financial talagang si hubby ko lang aasahan niya. kainis. bread winner kasi ang husband ko.

inabot din kami ng mahigit one year noon para makaipon pampakasal namin, pero bago kami mag pakasal tinanong ko si hubby (bf then) kung ok lang sa family niya na mag asawa na siya at pag nangyari  nga iyon ,eh naturalmente na di na sila susustentuhan tulad ng dati. sabi ni hubby wag ko daw sila problemahin, so okay na yun palagay na kalooban ko, ayoko naman kasi na pagdating ng panahon na lalabas akong madamot at kontrabida.

so nung first few months na kasal na kami, sa in-laws ko kami nakitira, kaya talagang dapat kami mag share sa household expenses, wala naman problem sa akin yun, pareho kami may work nun.

nun bumukod na kami ng tirahan, ayun na. mas madalas kaysa minsan na pupunta sa house namin at hihingi ng pambayad ng kuryente, etc..

at kapag si husband pupunta sa MIL ko na di ako kasama, talagang hihingian ng pera, kahit 100 pesos na lang yata laman ng wallet ng asawa ko sasairin pa, pero pag kasama ako na pupunta dun di siya hihingi ng nakaharap ako, ta timing na nakatalikod or malayo ako at sasalisihan ni MIL na hingian ng pera husband ko.

at pati sa mga kapatid nya, tuwing pupunta dun husband ko lagi na lang nakasahod ang palad. minsan nga pinagalitan ko si hubby sabi ko hindi na maganda ang natutunan ng mga bata na yan (mga anak ng pinsan nya lagi siya kinikikilan, si husband naman bigay kagad) sabi ko tuwing nakikita siya ang lagi pumapasok sa utak humingi ng pera.

at eto pa: yung brother in law ko na may asawang manganganak na pareho naman may trabaho, sabi ba naman (kwento sa akin to ni husband at di ko mismo narinig)ng MIL ko sa husband ko na maghanda na daw dahil pag baka na caesarian si bilas eh sa kanya daw un tatakbo pampa ospital. as in nasagot ko si hubby ng "bakit ikaw ang maghahanda, eh asawa mo ba yung manganganak"!

talagang yamot ako, okay lang naman sa akin na tulungan sila pag talagang nangangailangan, pero habang buhay na lang ba ganoon? at bakit di siya lumapit naman sa iba niyang anak na may hanapbuhay, lagi na lang sa asawa ko.  hayyyy!!!!

kurdapya

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #24 on: November 28, 2009, 05:52:43 pm »
haaay naku kaka post ko lang sa ibang thread about my MIL.. pero sali na rin ako dito ..

grumpybear

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #25 on: November 29, 2009, 06:46:10 am »

problem nito,she's planning to fly back & visit sa 2nd bday ni baby,ayaw daw nya lumaki apo nya na di kilala NANA nya. Right now di pa ko ready makaharap sya, so i dont know what im going to do? dapat ba ko mag sorry pag nagkita kami ulit? but in my heart i dont feel any,yes na hurt ko sya kasi nga she drove all the way from the east coast, e choice naman nya yun,sinabihan na sya ng friend nya na hindi magandang tumira malapit sa anak na may pamilya na. but more than i hurt her she hurt me even more,kasi may mga kinuwento sya sa mom ko na di na dapat ikuwento,ikasira ba ng image ng anak nya,kaya ngayon, masama ang tingin ni mommy kay hubby.

Kung wala sa heart mo na mag-apologize, you don't have to. Also, kung di ka pa ready to have her, maybe she can stay someplace else? I mean maybe she can visit but have her stay in a hotel?

can_dice

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #26 on: December 01, 2009, 09:26:43 am »
my MIL is one piece of work..

Grabe siya.. Ibang klase - I mean, my gosh!  Never thought na ganyan pala ugali niya.  Dati kasi isip ko parang she's okay naman - kaya nagtataka ako kung bakit hindi siya masyado pinapansin ng mga anak niya.. then one day biglang i realized kung bakit!! :)

And ever since that day - i never looked at her the same way.  doble kara siya kasi eh.

mizizlim

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #27 on: December 02, 2009, 09:13:30 am »
@sis aqua...hahaha baka nga related tayo pala!  :)

@sis runaway_bridesmaid...ganyan din sila kay hubby.  parang tingin nila may malaking peso sign sa noo!  lahat na lang hinihingi (nakaharap man ako o hindi), laging nakasahod ang kamay pagdating namin sa kanila.  at si SIL, ganun din!  sa kanya pa nagpapabili ng sapatos ng anak nya, pati bags ng mga anak nya.  and tinuruan nya din kids nya na pag nakita ang hubby ko, magpalibre sa mcdo!  ok lang naman to paminsan minsan, pero everytime pupunta kami dun, "sinisingil" sya ng mga bata. 

pati sakin nga humihingi pa ng stuff yung nanay nya...pabango, bag, etc.  (parang may patago, and as if she's nice to me no!)  at nung pinagtalunan namin to ni husband, yun nga sabi naglalambing lang daw sakin mama nya bakit di ko pa pagbigyan.  ewwww.

haaay...di ko din alam bakit ganyan hubbys.  sobrang ipagtanggol mga monsters kahit obvious naman na sila may diprensya.

nadialicious16

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #28 on: December 02, 2009, 09:59:05 am »
^sis sobra naman yan para kayong balikbayan :D

angeljhoyz

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #29 on: December 02, 2009, 01:19:54 pm »
minsan inis ako MIL ko kasi ang plastic kasi at tsaka ang damot sa gamit nila kahit tv pinaparinggan ako pag nanunuod ako ng walang paalam..e yong SIL ko nga pag dito samin kung ano gusto niyang gawin nagagawa niya magcomputer kahit ilang oras wala talaga syang narinig sakin...at tsaka MIL ko kinukunsinte niya ang asawa ko kahit mali pa asawa ko..dati nga lagi kami nag-aaway asawa ko kasi ayaw niya maghanap ng trabaho parang galit pa sakin yong mama niya gusto ko lang naman maging responsable asawa ko..

pero naisip ko lang baka kaya ganun siya kasi hindi sya sanay na may iba na silang kasama sa pamilya nila..at lalo na kahati sa atensyon ng anak nila kasi kahit ako ngayon na may baby na naiisip ko pano pala pag lumaki na sya at magkaroon ng sariling pamilya syempre mahahati talaga atensyon ng anak ko, iniisip ko palang nasasaktan nako..pero wish ko talaga na kasundo ko magiging asawa niya (hehe...pinag-iisipan na si baby ng ganyan sobrang aga pa for that)..

sweet_sexy_thing

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #30 on: December 12, 2009, 05:14:56 pm »
actually, okay naman un mother-in-law ko....pero, talaga di niya maiwasan ang ikuwento sa buong barangay kapag nagkamali ka sa harap niya....at madami siya sinasabi kahit di naman pa niya napapatunayan....in short mapanghusga sa tao....puro, hatred ang laman ng puso niya kaya nakaka-stress kapag kausap mo....pero, to be fair with her mabaet siya at maasikaso naman....

eimerej5

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #31 on: January 23, 2010, 02:52:39 am »
aynako i have a long list of monstrosities courtesy of my MIL.

mag-bf pa lang kami mean na talaga sya. 

1.  pinapagalitan nya ako pag nagseselos ako kay bf
2.  sinasabi nya kay bf na ok lang to collect collect then select
3.  sinsabi nya na madali lang ako palitan
4.  sinasabihan nya ako ng malandi daw ako, etc.
5.  nung naengage kami na, ayaw daw pumunta sa pamanhikan.  at sinabi sakin point blank na ayaw pa nya magasawa yung anak nya at ako lang daw ang pilit ng pilit.  (at hindi nga pala ako nabuntis, nasa tamang age na kami magpakasal at going on 7 years na kami mag-bf)
6.  hanggang sa kinasal na kami, ang dami lalong reklamo.  bakit daw hindi plantsado ang damit ng anak nya.  bakit daw hindi pinagluluto ng almusal, etc.  (e kasi when we got married, ako po ang may trabaho at si husband ay kaka-take lang ng bar exam.  so asa bahay lang sya.  so yung ibang hhold chores sana sya ang gumagawa.)
7.  recently nagagalit sya kasi bakit daw hindi sya dinadalaw ng asawa ko.  3 days na daw hindi dumadaan sa kanila bago umuwi.  (bakit ito required???)
8.  di pa kami nagkakababy kasi nakunan ako dun sa first namin.  hirit ba naman sakin...ano ba kayo, bakit ba hindi kayo magkaanak pa?  ano bang diprensya mo?  (e actually yung hubby ko ang may problema pala)
9.  minsan din dumalaw kami after namin magsimba.  ayun, pinagmumura kami (as in mga PI kayo!) dahil bakit daw kami nagpakita pa e ilang araw nang hindi sya dinadalaw.  (haaay...kakasimba lang umagang-umaga ganito!)
10.  nagbirthday sya recently at kailangan daw meron akong separate gift sa kanya than dun sa binigay ni husband.  so parang medyo deadma lang ako that time, inisip ko a baka nagbibiro.  ayun, after mga 2 weeks "sinisingil" pa din ako asan na daw ang gift ko sa kanya.

wowowee!  ang saya saya!

at ang mahusay pa nito, ang asawa kong magaling e ipinagtatanggol pa din ang nanay nya.  at ang tanging hiling daw nya sakin ay mahalin ang nanay nya tulad ng pagmamahal nya sa nanay nya.  huwhat?!   haaaaay. :o  absurd!



sis, nakakatawa naman husband mo.. paano mo nga mamahalin ang ganyan... hay!

eimerej5

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #32 on: January 23, 2010, 03:24:27 am »
Bakit kaya ganun sila?, Kapag kaharap ka ang bait, asikasong asikaso ka.. then biglang malalaman mo na madami palang masasakit na salita ang sinasabi niya about you and your family. Akala niya siguro niya hindi ko malalaman... kasi nasa malayo siyang lugar... oh well, buti na lang God has his own way para malaman ko. Hindi ko kayang makipagplastikan.. i can be civil infront of her but not to the extent na talagang mag reachout pa ako sa kanya para maging close kami...

there was this incident pa na siya na nga may sinabing hindi maganda sa amin ng pamilya ko, ako pa tong ngpakumbaba and ngapologize sa kanya at sa lahat sa kanila na wala naman akong kasalanan.. I thought ok na kami at sincere yung pagkakahingi niya ng pasensya, un pla bale wala din un... hay!

i even ask my hubby kung bakit galit sa akin nanay nya. Even si hubby hindi alam.. buti na lang we don't live in the same house.

ishko

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #33 on: January 25, 2010, 03:13:21 pm »
ang wish ko for 2010 ay hindi ko na makita kahit kailan ang monster in law ko..hehe

kim_trasher07

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #34 on: January 25, 2010, 04:13:31 pm »
yung MIL ko naman. before ma pagkapakelamera din talaga, pero nung pinakita ko tapang ko.. Kung ano desisyon ko wala siya nagagawa. kaya mapalad na din ako kasi mabait naman siya, though bunso si hubby at favorite nya pa.

LaChicaSexy

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #35 on: January 27, 2010, 12:05:06 am »
haayzzz...my mother-in-law is indeed MONSTER IN LAW...susss!

I don't even really know y..she just somehow irritates me. she's been living here in the netherlands for quite some time now but still..she barely speaks our language (Dutch), she keeps talking spanish spanish spanish..and she talks waaaay 2 much n she interferes 2 much when it comes to my daughter.. kainis.

kim_trasher07

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #36 on: January 27, 2010, 10:16:05 am »
yun lang talaga nakakainis sa mga MIL pagdating sa mga apo. Masyado epal minsan. (sorry for the word). pero yun ang kinaiinis ko, kapag iniispoiled masyado yung bata, kaya tuloy pagdating sa akin, pag di ko maibigay yung gusto nung baby ko. hinahanap lola nya. grrr..

Chezch

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #37 on: January 28, 2010, 12:27:07 am »
Hi everyone! Newbie lang po ako dito sa GT..and sobrang aliw ako while reading all your sentiments about your hehe..mejo nakakarelate po ako..wala ako ma say! True enough..di ako nag iisa! hayy ang mga MIL ay sadyang pakialamera tlaga..prang they want to prove something like mas magaling sila..and minsan pa didiktahan ka hehe...well wala naman tayo magagawa kundi pakisamahan at intindihin sila hanggat makakaya naten..kc xempre sila ang Mother ng mga hubby naten..haist...hirap pero ganon tlaga...pag pray na lang naten na sana magbago sila hehe...=)

mommynin8

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #38 on: January 28, 2010, 08:46:16 am »
i'm so glad my mil is in the states, together with my dil and my sil... in short, solo ang asawa ko dito.

pero kahit andito si mil, ok naman kami.  cowboy kasi sya, cowboy din ako.  walang pakialamanan.  pag nag away kami ni hubby, kakampi ko sya (and the weird thing is, my mom is kampi ke hubby).  bati din sila ng mom ko so ayun, ok talaga.

abangan nga lang pag nag long term stay sila dito sa pinas.  i'm sooo thankful na yung sil ko walang balak umuwi dito, at ayaw din tuloy umuwi ng in-laws ko dahil dito (me problem kasi si sil sa hubby niyang foreigner, and they want to be there near her and the apo).

good luck.

seagal

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #39 on: January 29, 2010, 06:35:10 am »
Makikisali ako dito...bago lang me

MIL ko....

= mahilig sa pamahiin -sobra maririnig mo sa kanya yung dimo narinig na pamahiin sa ibang matatanda... would you believe that nung bago akong panganak, ipahid ko daw ang first wet diaper ng baby ko sa noo ko para di daw ako makalbo (eewee) diko to ginawa.... pati soiled diaper ng anak ikiskis sa gilagid ng baby kung nag-ngingipin ito para daw maginhawaan (ewwww) . di ko ulit ginawa... lahat ngpamahiin nya di ko sinusunod. May  pamahiin sya nya na talagang nasaktan ako ng sobra, I had a miscarriage last year then sabihin ba naman nya na "di na magkakaroon ng kapatid anak mo kasi may nakita akong sign sa mata nya" kinontra ko na nga ginatungan pa ng "totoo yun kasi ganito nangyari sa ..." . sumama loob ko kasi masakit na nangyari sa akin, ganun pa ang maririnig mo imbes na word of wisdom.
= nag-away sila ng hubby ko dahil sa pamahiin, nagdrama .. sabihin ba naman sa hubby ko na dinidiktahan ko daw sya... (kinampihan kasi ako ng asawa ko)
= Ayaw na daw nyang pumunta sa bahay namin dahil sinabihan lang ng asawa ko na wag syang magbanggit ng kung ano anong pamahiin pag dumalaw sila sa amin.. pero hindi rin nakatiis, dumalaw pa rin pero wala ako , gusto lang makita apo nya.
= mapilit na gusto nyang tumira kami sa kanila dahil wala silang kahati sa expenses...  ayoko kasi kaya ayaw
ng asawa ko
= sinabi pala nya harap harapan sa magulang  ko na paborito nyang manugang e [textspeak!] asawa ng kapatid ng hubby ko...  di na lang umimik parents ko at ako din, who cares...
= mahilig magdrama
= mabait naman, maasikaso , yun lang mapamahiin e ako pa naman [textspeak!] taong di lumaki sa pamahiin

 

Latest Stories

Load More Stories
Close