Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 111530 times)

runaway_bridesmaid

  • Guest
Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« on: November 24, 2009, 03:29:52 pm »
Hellos sisses!! This thread is all about them.

Bakit kaya ganun sila sa atin? Most of us don't like them, or its the other way around.

Basta, anything and everything about them, gusto ko lang malaman ang opinions ninyo. Sana maraming mag post!

If there's a similar thread, kindly delete this one. thanks

heavensent

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #1 on: November 24, 2009, 04:19:14 pm »
me and my MIL are ok, not that close pero wala naman problem between us..

nadialicious16

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #2 on: November 24, 2009, 04:52:52 pm »
let me share my story:

Nung mag BF pa lang kami ni husband ko na ngayon,ayaw na talaga sa akin ng nanay nya.hindi ko alam kung ano reason ni madir kung bakit.only child kasi si hubby,kaya siguro ganoon.ang family ko mabait sa husband ko,nung di pa kami kasal my bf is very much welcome na mag sleep over dito sa bahay.hehe siempre katabi nya tatay ko,so ang siste hindi sya uuwi sa kanila. paano ba naman kasi layo ng bahay nila sa school namin ayaw ko na sya pauwiin kasi delikado sa gabi.my night class pa kami.heto na mom nya mega call sa hating gabi,super P.I.M raw ako dito P.I.M daw ako doon.oh di ba winner ang bunganga :D nabuntis ako kinasal kami,masungit pa rin.pero nung nanganak na ako at baby girl ang apo nya nawala pagkasungit nya.at never na nya ako pinakitaan na ikaka monster-in-law nya.

honey_iya

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #3 on: November 24, 2009, 05:24:15 pm »
Ang dami ko nga naririnig na ganito ang MIL nila pero swerte parin ako kasi magkasundo kami ng MIL ko, mas ok pa relationship namin keysa sa mother ko. although minsan may konting pangingialam padin, wala namang perfect pero tolerable naman kasi alam nyang di ako pwedeng api-apihin, alam nya kasing di din ako magpapaapi. kung mabait MIL ko, mas mabait naman father-in-law ko. maswerte nga ako sa asawa ko pati sa family nya, malas naman ako sa family ko :D

ishko

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #4 on: November 24, 2009, 05:35:52 pm »
sis nadialicious, ang ganda ng story mo.. naka-relate ako

ganun din ang mil ko, as in sinabihan din ako ng bad things.. so ako naman, wala akong pakialam sa kanya.. kaya sabi ko sa kanya na siya ang magsabi sa anak nya na iwan ako dahil yun ang matagal ko nang gusto..di na siya nakakibo, naisip ko na hindi dapat matakot sa mil..siya ang dapat matakot sa atin dahil kaya saktan/ pahirapan ang anak nila.. hehe

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #5 on: November 24, 2009, 08:25:41 pm »
OK na kame ng MIL ko, before hinde. We may not agree with some things but dapat talaga you know where the boundaries are. Yung mga hinde na pino-problema ng hubby ko about her, deadma na lang din ako. Basta what's important is that everyone's ok.

My hubby is ok din naman with my mom. Mas ok mom ko sa kanya kesa don sa sister in law ko na wife ng kuya ko.

nadialicious16

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #6 on: November 25, 2009, 06:16:45 pm »
thanks sis ishka. :) para sa akin kasi once na makaharap mo na yung mil mo or soon to be mil show to them that you're tough, tipong ganoon ba.Kasi feeling ko kung mukha kang apihin eh talagang magiging kawawa ka.tama yung isang sis natin,kahit papaano pa rin dapat alam natin yung boundaries natin sa kanila.at sana sila din di ba.minsan nilalawakan ko rin yung pag-iisip ko,ayaw ko naman maging ipokrita kasi i know darating ang time na magiging MIL din ako but i pray not to the point na monster-in-law nga lang.hehe :D

one thing i've noticed, walang MIL na HINDI PAKIALAMERA.

heavensent

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #7 on: November 26, 2009, 01:46:40 pm »
^i agree with you..

medyo inis ako sa MIL right now kasi pano ba naman ok lang sa kanya kahit umaga na umuwi si hubby or kahit wag na umuwi basta daw magsabi lang sa akin, ano yun? they expect na ok lang din sa akin yun? ganun kasi siya sa [textspeak!] ko at sa mga kapatid ni hubby..

ishko

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #8 on: November 26, 2009, 03:34:00 pm »
sis heaven, in case na yun ang sinasabi ng mil mo, pag private na kayo ng hubby mo, usap na lang kayo..

para di kayo affected sa mga decision nung mil, pag kaharap siya ay yun ang usapan pero pag kayo na lang ay may sarili kayong session/ agreement.. hehe

mizizlim

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #9 on: November 26, 2009, 04:21:41 pm »
aynako i have a long list of monstrosities courtesy of my MIL.

mag-bf pa lang kami mean na talaga sya. 

1.  pinapagalitan nya ako pag nagseselos ako kay bf
2.  sinasabi nya kay bf na ok lang to collect collect then select
3.  sinsabi nya na madali lang ako palitan
4.  sinasabihan nya ako ng malandi daw ako, etc.
5.  nung naengage kami na, ayaw daw pumunta sa pamanhikan.  at sinabi sakin point blank na ayaw pa nya magasawa yung anak nya at ako lang daw ang pilit ng pilit.  (at hindi nga pala ako nabuntis, nasa tamang age na kami magpakasal at going on 7 years na kami mag-bf)
6.  hanggang sa kinasal na kami, ang dami lalong reklamo.  bakit daw hindi plantsado ang damit ng anak nya.  bakit daw hindi pinagluluto ng almusal, etc.  (e kasi when we got married, ako po ang may trabaho at si husband ay kaka-take lang ng bar exam.  so asa bahay lang sya.  so yung ibang hhold chores sana sya ang gumagawa.)
7.  recently nagagalit sya kasi bakit daw hindi sya dinadalaw ng asawa ko.  3 days na daw hindi dumadaan sa kanila bago umuwi.  (bakit ito required???)
8.  di pa kami nagkakababy kasi nakunan ako dun sa first namin.  hirit ba naman sakin...ano ba kayo, bakit ba hindi kayo magkaanak pa?  ano bang diprensya mo?  (e actually yung hubby ko ang may problema pala)
9.  minsan din dumalaw kami after namin magsimba.  ayun, pinagmumura kami (as in mga PI kayo!) dahil bakit daw kami nagpakita pa e ilang araw nang hindi sya dinadalaw.  (haaay...kakasimba lang umagang-umaga ganito!)
10.  nagbirthday sya recently at kailangan daw meron akong separate gift sa kanya than dun sa binigay ni husband.  so parang medyo deadma lang ako that time, inisip ko a baka nagbibiro.  ayun, after mga 2 weeks "sinisingil" pa din ako asan na daw ang gift ko sa kanya.

wowowee!  ang saya saya!

at ang mahusay pa nito, ang asawa kong magaling e ipinagtatanggol pa din ang nanay nya.  at ang tanging hiling daw nya sakin ay mahalin ang nanay nya tulad ng pagmamahal nya sa nanay nya.  huwhat?!   haaaaay. :o  absurd!

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #10 on: November 26, 2009, 05:55:35 pm »
^talagang monster in law pala yang biyenan mo sis! tsk! tsk! tsk!

rara_avis

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #11 on: November 26, 2009, 07:35:14 pm »
wow mizizlim, kakaiba yang mother in law mo. swerte ko na lang kasi super okay yung family ng hubby ko lalo na si MIL. Pag nag aaway kami ako lagi kinakampihan saka sobrang supportive saming mag asawa.

aquacharly

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #12 on: November 26, 2009, 08:28:52 pm »
I think most Pinoy mothers are really meddlesome and do not prepare themselves in advance to detach, detach, detach, detach from their sons. 

My MIL was not particularly annoying or meddlesome coz my husband has always been that 1 child of hers that would contradict her... so siguro, inisip nya ... o heto na, sa yo na yan ikaw na ang makisama.  LOL

We respect each other. She tells my SILs to their face she admires me for my energy, my organization... though she may not agree wtih some of my more progressive attitudes and katapangan.

Now, if someone were to start on monster SILs -- dyan! dyan! dyan!  madami akong masasabi... grrrrrr.   LOL

The best thing we can do to protect ourselves from Monster MILs -- is to live separate from our inlaws, to see them as least as possible, and best of all:  do not depend on them for anything.  Akala siguro nang iba (like my mom with her DILs):  she who controls the funds, controls the show.  LOL

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #13 on: November 26, 2009, 10:54:26 pm »
aynako i have a long list of monstrosities courtesy of my MIL.

mag-bf pa lang kami mean na talaga sya. 

1.  pinapagalitan nya ako pag nagseselos ako kay bf
2.  sinasabi nya kay bf na ok lang to collect collect then select
3.  sinsabi nya na madali lang ako palitan
4.  sinasabihan nya ako ng malandi daw ako, etc.
5.  nung naengage kami na, ayaw daw pumunta sa pamanhikan.  at sinabi sakin point blank na ayaw pa nya magasawa yung anak nya at ako lang daw ang pilit ng pilit.  (at hindi nga pala ako nabuntis, nasa tamang age na kami magpakasal at going on 7 years na kami mag-bf)
6.  hanggang sa kinasal na kami, ang dami lalong reklamo.  bakit daw hindi plantsado ang damit ng anak nya.  bakit daw hindi pinagluluto ng almusal, etc.  (e kasi when we got married, ako po ang may trabaho at si husband ay kaka-take lang ng bar exam.  so asa bahay lang sya.  so yung ibang hhold chores sana sya ang gumagawa.)
7.  recently nagagalit sya kasi bakit daw hindi sya dinadalaw ng asawa ko.  3 days na daw hindi dumadaan sa kanila bago umuwi.  (bakit ito required???)
8.  di pa kami nagkakababy kasi nakunan ako dun sa first namin.  hirit ba naman sakin...ano ba kayo, bakit ba hindi kayo magkaanak pa?  ano bang diprensya mo?  (e actually yung hubby ko ang may problema pala)
9.  minsan din dumalaw kami after namin magsimba.  ayun, pinagmumura kami (as in mga PI kayo!) dahil bakit daw kami nagpakita pa e ilang araw nang hindi sya dinadalaw.  (haaay...kakasimba lang umagang-umaga ganito!)
10.  nagbirthday sya recently at kailangan daw meron akong separate gift sa kanya than dun sa binigay ni husband.  so parang medyo deadma lang ako that time, inisip ko a baka nagbibiro.  ayun, after mga 2 weeks "sinisingil" pa din ako asan na daw ang gift ko sa kanya.

wowowee!  ang saya saya!

at ang mahusay pa nito, ang asawa kong magaling e ipinagtatanggol pa din ang nanay nya.  at ang tanging hiling daw nya sakin ay mahalin ang nanay nya tulad ng pagmamahal nya sa nanay nya.  huwhat?!   haaaaay. :o  absurd!

Grabe to sis ah. True blue Monster in law!

mizizlim

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #14 on: November 27, 2009, 09:46:30 am »
aynako mga sis, syang tunay.   :'(

and sis aquacharly...problematic din ako isa pa SIL ko. 

dynamic duo silang mag-ina.  huwaaaa. 

ishko

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #15 on: November 27, 2009, 03:33:30 pm »
grabe sis.. monster talaga.. as in impakta ha.. hehe

nadialicious16

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #16 on: November 27, 2009, 04:44:40 pm »
mizizlim, sa MIL mo na yung korona ng MONSTER IN LAW samahan mo pa ng sash. lol ;D

parehas tayo na nasabihan nito: 4.  sinasabihan nya ako ng malandi daw ako, etc.

sa akin pa nga ang ginamit nyang word POKPOK. :( mukha lang siguro akong pokpok hahaha pero naku kung alam lang nya na anak nya lang ang natikman ko.hmp !

mizizlim

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #17 on: November 27, 2009, 05:03:33 pm »
sis nadia...apir!  :)  well, at least ok na kayo ni MIL mo ngayon. 

kaya ako tinatawanan ko na lang minsan pag ganyan kasi alam ko gusto ni hubby magkasundo lahat kami.  so ang ginagawa ko na lang, like yung sinabi ni sis aquacharly, i try as much as possible na once a week lang sila makita and as brief as possible. 

pag nadalaw kami dun ng 2x sa loob ng isang linggo, parang napapaso na ang pwet ko sa upuan at kating-kati ako umalis!  :) 

kaya din pag meron ako kilala na may MIL problems, i share my story.  yung iba mas naaappreciate yung MILs nila kasi after malaman yung experience ko.  :)

maldita_ako

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #18 on: November 28, 2009, 08:39:16 am »
my husband is white,but may problem din ako with MIL, nag start lang naman yun when she moved with us nung magka baby kami. she lives in Virginia at ginive up nya work nya dun to move us here sa west coast. nung di pa kami magkasama sa isang bubong ok pa kami,until she moved nga. nung una sabi nya 1 month lang sya magstay sa amin at kukuha na sya ng bahay nya at magtatrabaho,but then itold her mahirap makahanap ng work sa place nmin,hindi daw easy lang daw sa kanya kc experienced na sya, ayun, yung isang buwan naging dalawa,naging tatlo at dun na nagsimula ang rift namin.

 sobrang nangengealam na lalo na sa pagaalaga kay baby,parang sya lagi tama ako ang mali. minsan tinawag nyang evil child anak ko kasi di natutulog ng diretcho sa gabi. tamad pa,hindi man lang marunong maglinis ng bahay,so bahay namin kalat kalat.

ayun, napuno na ko, inaway ko,sabihan ba naman na insecure daw ako when it comes to my daughter,e ikaw ba naman napi feel mo na na gusto na nya ireplace ka as a mother,di ka pa ba aalma. halos di ko na mahawakan baby ko,pag ako nagpakain sa umaga,10 mins after papakainin nya ulit. basta dami nya ginawa that really hurt me at mga sinabi na lies. dumating sa point na ayoko na umuwi sa sarili kong bahay kasi monster na talaga tingin ko sa kanya.

 syempre kinampihan sya ni hubby,na pinapaiiyak ko daw nanay nya. o e di pinapili ko sya,nanay nya o kami ng anak nya. e di bumalik si MIL sa pinanggalingan nya. I dont care kung ipagsabi nya sa pamilya nya dun na pinalayas ko sya, i dont care kung maging bad ang reputation ko, di ko rin pinagsisisihan na ngayon nagbabayad kami ng sitter instead na libre na sana kung nandito sya, ok lang kasi di ako stressed at nakakakilos ako ng maayos sa sarili kong bahay.

problem nito,she's planning to fly back & visit sa 2nd bday ni baby,ayaw daw nya lumaki apo nya na di kilala NANA nya. Right now di pa ko ready makaharap sya, so i dont know what im going to do? dapat ba ko mag sorry pag nagkita kami ulit? but in my heart i dont feel any,yes na hurt ko sya kasi nga she drove all the way from the east coast, e choice naman nya yun,sinabihan na sya ng friend nya na hindi magandang tumira malapit sa anak na may pamilya na. but more than i hurt her she hurt me even more,kasi may mga kinuwento sya sa mom ko na di na dapat ikuwento,ikasira ba ng image ng anak nya,kaya ngayon, masama ang tingin ni mommy kay hubby.

 hay mga MIL talaga...mahirap talaga pag magkasama kayo sa isanng bubong.

smoothie

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #19 on: November 28, 2009, 03:52:39 pm »
^i think you can't avoid na hindi sila magkita ng apo niya. lola parin siya. if ever man magkita kayo, act civil na lang & no need to apologize kung sa tingin mo tama naman ang ginawa mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close