my husband is white,but may problem din ako with MIL, nag start lang naman yun when she moved with us nung magka baby kami. she lives in Virginia at ginive up nya work nya dun to move us here sa west coast. nung di pa kami magkasama sa isang bubong ok pa kami,until she moved nga. nung una sabi nya 1 month lang sya magstay sa amin at kukuha na sya ng bahay nya at magtatrabaho,but then itold her mahirap makahanap ng work sa place nmin,hindi daw easy lang daw sa kanya kc experienced na sya, ayun, yung isang buwan naging dalawa,naging tatlo at dun na nagsimula ang rift namin.
sobrang nangengealam na lalo na sa pagaalaga kay baby,parang sya lagi tama ako ang mali. minsan tinawag nyang evil child anak ko kasi di natutulog ng diretcho sa gabi. tamad pa,hindi man lang marunong maglinis ng bahay,so bahay namin kalat kalat.
ayun, napuno na ko, inaway ko,sabihan ba naman na insecure daw ako when it comes to my daughter,e ikaw ba naman napi feel mo na na gusto na nya ireplace ka as a mother,di ka pa ba aalma. halos di ko na mahawakan baby ko,pag ako nagpakain sa umaga,10 mins after papakainin nya ulit. basta dami nya ginawa that really hurt me at mga sinabi na lies. dumating sa point na ayoko na umuwi sa sarili kong bahay kasi monster na talaga tingin ko sa kanya.
syempre kinampihan sya ni hubby,na pinapaiiyak ko daw nanay nya. o e di pinapili ko sya,nanay nya o kami ng anak nya. e di bumalik si MIL sa pinanggalingan nya. I dont care kung ipagsabi nya sa pamilya nya dun na pinalayas ko sya, i dont care kung maging bad ang reputation ko, di ko rin pinagsisisihan na ngayon nagbabayad kami ng sitter instead na libre na sana kung nandito sya, ok lang kasi di ako stressed at nakakakilos ako ng maayos sa sarili kong bahay.
problem nito,she's planning to fly back & visit sa 2nd bday ni baby,ayaw daw nya lumaki apo nya na di kilala NANA nya. Right now di pa ko ready makaharap sya, so i dont know what im going to do? dapat ba ko mag sorry pag nagkita kami ulit? but in my heart i dont feel any,yes na hurt ko sya kasi nga she drove all the way from the east coast, e choice naman nya yun,sinabihan na sya ng friend nya na hindi magandang tumira malapit sa anak na may pamilya na. but more than i hurt her she hurt me even more,kasi may mga kinuwento sya sa mom ko na di na dapat ikuwento,ikasira ba ng image ng anak nya,kaya ngayon, masama ang tingin ni mommy kay hubby.
hay mga MIL talaga...mahirap talaga pag magkasama kayo sa isanng bubong.