^^ usually ties sa pilipinas ay immediate family like parents, spouse and children. sila lang yung considered ties dito. yung job di rin ganun kalaking ties, kasi yung friend ko mga 7 years na sa employer nya yet di sya nabigyan ng visa kasi weak ties daw. kasi buong family nya nasa US na. ako nakakuha ng visa less than 2 years pa lang ako sa employer ko pero yung parents ko based pa dito sa pilipinas. drama ko nun dadalawin ko sa US sister ko.
nung interview ko, may late 50s to early 60s na lola na ang reason nya ay chaperon sya mga apo nya. kasi mag mimigrate na yung grandchildren nya. di daw masundo ng anak nya kasi nasa US na at nagtratrabaho. di sya binigyan ng visa kasi not enough ties daw dito. wala na kasi syang husband at married na din yung isang anak pa nya. sabi sa kanya ng consul, they could make arrangements with the airline to help/assist her grandchildren during their flight.
yung kwento naman ng friend ko na di nakakuha ng visa, yung tita nya nung nag apply ng visa sabi sasamahan yung elderly relative nila na US citizen bumalik ng US. tinanong sya ng consul paano naka uwi ng pilipinas yung elderly relative nya, sinabi inaassist lang sa airline, denied sya.
yung money sa bank, usually naman di hinahanap yan. personally, wala pa akong kilala na hinanapan ng consul ng documents like bank statements, certificate of employment etc. dinadala lang yung documents in case hanapin ng consul.
you can try using the chaperon excuse but i don't think that works. but thats just my opinion. good luck.
@coldsiren, mom_G, theflygirl- THANK YOU mga sissies! it's a big help 
another question lang, since ako mag fi-finance ng trip niya, paano ko malalaman kung ano kailangan nila documents sakin? do i have to send it to my sister? and di ba yung first step is to pay the fee sa BPI? may documents ba na kailangan dalhin? at paano malalaman ng embassy na nag bayad na sis ko? hay pasensiya na mga sis, super nangangapa ako
about the documents, you just have to prepare them and send them to your sister thru mail (if you can). yung sa akin kasi pinaemail ko na lang sa sister ko yung documents about my petition (my sister petitioned our family to go there but that's annother story) baka kasi tanungin ako about that. send her documents like your certificate of employment, affidavit of support, saka proof na US citizen ka na ngayon. kailangan kasi makita nila na capable ka of shouldering the expenses of your sisters' US trip. pinadalhan din ako ng sister ko ng resume nya kasi hindi ko masyadong maintindihan yung work nya. di ko naman pwedeng sabihin na manager sya kasi masyadong vague yun. pati yung list ng mga naging address nya sa US at kung gaano sya katagal tumira dun pinadala nya sa akin. hiningi ko yun kasi kailangan familiar ako sa ginagawa nya dyan kasi baka tanungin ng consul yun. i tried to memorize all of that for the interview. kaso walang tinanong about that sa akin. pero nung visa interview ng mom ko tinanong sya about that kasi pamigrate sya sa US nun. sa mom ko din hinanap yung picture nila ng sister ko kaso wala syang dinala na picture kasi nakalimutan namin maghanda ng picture nila.
hindi ko rin kasi alam kung ano ba talaga yung dadalhin nung interview ko, dinala ko lang lahat ng documents na pwede kong dalhin to prove na magiging tourist ako dun at di magtratrabaho. kahit yung niresearch ko about our cruise dinala ko kasi nilagay ko sa form na mag cruise kami ng sister ko.
as for the citizenship of my sister, sa US kasi sya pinanganak so feeling ko wala na akong kailangan pa para iprove yung legality of her stay there. kaya wala akong dinala pero sana dinala ko na din yung birth certificate nya. buti na lang hindi hinanap sa akin yan. although maganda kung magdala yung sister mo ng birth certificate nyong 2 to prove that the 2 of you are siblings.
yung bank documents sa akin na yung hinanda ko kasi sponsored ako ng mom ko, yung hinanda ko na bank certificate joint account kami ng mom ko.
alam ko na ngayon na kulang kulang yung mga dala kong documents kasi certificate of employment, nbi clearance, bank certificate, notice`of action (for the petition), car registration lang yata yung dinala ko na pwedeng hanapin sa akin ng consul. bago ng interview ko, gumawa kami ng calendar ng sister ko ng mga possible activities namin during my 5 week vacation. para pagtinanong ako ng consul smooth yung pagsagot ko kung ano yung gagawin ko sa US at kung saan ako pupunta sa US. maswerte lang ako kasi walang hinanap na document sa akin.
di ko na alam yung 1st step sa pagkuha ng visa. yung 1st step ko kasi noon yung pagsagot ng form at pagkuha ng interview schedule. yung payment kasi nung time ko dapat 48 hours before the interview yung payment. yung old form kasi yung ginamit ko. i tried reviewing the new procedure for my other sister that needs to renew her US visa pero naguluhan ako.
sana bago makagraduate ng college yung sister mo makakuha na sya ng US visa. kasi parang masmahirap makakuha ng visa pag working na sya at kung makakuha man sya ng visa mahirap din mag leave sa office pag may work na sya. hindi nya masusulit yung pamasahe nya pag sandali lang sya sa US. ako kasi 5 weeks lang last year yung vacation ko coz of my work. sobrang kulang yung vacation ko. hindi naman kami araw araw na kakaalis ng sister at mom ko noon kasi may work yung sister ko at yung mom ko bagong salta lang dun kaya di nya pa alam masyado yung mga pwede naming puntahan.