watch now

Author Topic: Laging nauuntog si Baby!  (Read 150935 times)

m i k m i k

  • Guest
Laging nauuntog si Baby!
« on: October 30, 2009, 11:17:20 am »
I'm a bit worried na, my baby is laging nauuntog. Our bed kasi is nakadikit sa wall. Whenever nag-lilikot siya nauuntog siya sa wall. Minsan pa nadudulas and kanina nag-tumbling sa 2 step stairs sa front door.  :( Masama ba yun mga sis?

huckleberry

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #1 on: November 01, 2009, 03:54:52 am »
depende sa lakas ng impact, pwede magka-skull fracture or internal hemorrhage.

wookies

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #2 on: November 02, 2009, 10:11:49 pm »
ang son ko din laging nauuntog sa wall sa sobrang likot. worried din ako. sinabi ko sa pedia nya before. sabi lang sakin wag ako mag-alala as long as hindi nagsusuka pero iwasan at mag-ingat na lang din... di kaya makasama yon paglaki nya?

Arielle_Luoise

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #3 on: January 11, 2010, 07:36:39 pm »
mga sises ang baby ko naman iniuuntog ang sarili sa dingding tapos papakiramdaman niya kung masakit at pinakikinggan niya yung tunog. Tapos kapag hindi siya nasasaktan iuuntog nanaman niya naiinis ako kasi halatang sinasadya niya she's 9 months old she do that since she was 6 months old pa

sweeet

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #4 on: January 19, 2010, 09:54:43 pm »
baby ko din ... pag nauntog sya tapos hindi masakit e try na ulit pero dahan dahan parang chine-chek nya if masakit ba mauntog [textspeak!] .... natatawa lang ako pag ginagawa nya yun esp. sa padded na floor namin

MigMaxMatt

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #5 on: January 19, 2010, 10:12:21 pm »
I'm a bit worried na, my baby is laging nauuntog. Our bed kasi is nakadikit sa wall. Whenever nag-lilikot siya nauuntog siya sa wall. Minsan pa nadudulas and kanina nag-tumbling sa 2 step stairs sa front door.  :( Masama ba yun mga sis?

Try padding the wall with rubber mats.  At least, it will lessen the impact if your baby hits his head on the wall again.

luvluv

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #6 on: January 20, 2010, 09:48:40 pm »
i agree. dikit mo yung puzzle mats sa wall. lagyan mo ng double adhesive or something. or habang wala pa, make sure na may pillows lagi sa side kung saan yung wall. dilikado kasi yung lagi nauuntog, lalo na pag kids kasi malambot pa yung mga ulo/bunbunan.

dolly

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #7 on: January 20, 2010, 10:03:18 pm »
ako super worried ako pag nauuntog baby ko. yung half sister ko kasi at age 4 nagdevelop ng cerebral palsy sa sobrang untog.

marssie

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #8 on: February 06, 2010, 02:59:12 am »
Ano ba first aid at dapat imonitor pag nauuntog si baby aside from lagyan ng ice, check kung  di nagsusuka...

mayie

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #9 on: February 08, 2010, 10:38:59 am »
I have same problem mga sis, sa sobrang likot ng baby boy ko lagi siya nauuntog. yung bed din namin nakasandal sa wall kahit nakapalibot na ng unan gusto nya mahinga at the edge kung saan walang unan at sapol ulo nya sa dingding, hay naku. tapos maglalagay sya ng unan sa sahig at mahihiga siya lampas naman yung ulo nya sa floor, kaya yun untog na naman. I am worried na rin, kung pwede ko lang sya lagyan ng helmet.

momai

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #10 on: February 08, 2010, 11:13:56 am »
ako super takot sa untog. kaya nilagyan din namin ng rubber mats ang dingding namin. mahilig din kasi ang anak kong lumiyad eh at sobrang likot nita talaga. ngayon na 2.5 yrs old na ang anak ko, hindi ko pa din tinatanggal ang mga rubber mats at ang bed namin ay nasa sahig na lang, wala ng frame para iwas din sa hulog.

kagabi lang nadulas sa banyo ang anak ko sa sobrang kalikutan habang hinuhugassan ko siya, nag poop kasi eh. tapos ask ko kung tumama ba yung ulo niya sa floor, tumama daw, i-kiss ko na lang daw para gumaling agad. hinipo ko din an gulo niya, basa nga pero walang bukol.

para sigurado, hindi ko muna siya pinatulog at binigyan ng tubig or food. sabi ko sa kanya wag muna matulog kahit mag 12mn na yun.

basta tandaan lang natin na pag nauntog ang bata, wag bigyan ng food at wag painumin kasi nga baka sumuka sila. lalong lalo na wag muna patulugin. sabi nila 15 mins ok na, pero ako 30 mins ang ginagawa ko para sigurado lang. ang delikado ay yung sumuka at maging antukin ang bata after mauntog. kung kaya lang natin silang laging saluhin talaga...

sweet25

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #11 on: February 11, 2010, 03:44:27 pm »
Baby ko din nauntog sa handle ng pinto namin sa kwarto. Hindi iyakin yung baby ko pero nung time na yun umiyak ng malakas, yung asawa ko halos bugbugin na ako.. Eh, di ko [textspeak!] sinasadya.. Im worried and pinacheck up ko  agad wala naman sabi ang pedia as long as walang bukol daw at normal naman ang activity ng baby.Sana hindi maka affect sa brain ni baby paglaki. Takot kasi ako na baka mabobo yung anak ko.

chaucer19

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #12 on: February 12, 2010, 02:54:46 am »
same here lagi nauuntok sa pader si nephew, then kapag di namin pinapansin inuuntog ang sarili... na-deform na nga yata ulo nya sa sobrang daming bukol..

m i k m i k

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #13 on: February 26, 2010, 01:46:48 pm »
Nakakatakot talaga pag nauuntog siya.

 
ako super worried ako pag nauuntog baby ko. yung half sister ko kasi at age 4 nagdevelop ng cerebral palsy sa sobrang untog.

Yan rin kinakatakot ko eh.

PINKAHOLIC

  • Guest
LOVE MY HUB =]
« Reply #14 on: January 18, 2011, 01:34:49 am »
Baby ko rin na 1 year old NAPAKAdalas mauntog,
lagi pa ngang nahuhulog sa bed un dati ng months old pa sha..
Tapos everytime mauntog sha ngayon di na umiiyak,
hinahawakan nya nalang yung masakit, para bang immune na kumbaga.
Worried nga ako kc payat at maliit sha compare sa ibang kids.

howdouknowitsme

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #15 on: August 02, 2012, 06:14:08 pm »
yun anak ko lage nauuntog..puro sa noo lage ang bukol..natakot ako sa mga nabasa ko dito about cerebral palsy at epilepsy :( umiiyak ako kanina nung nabasa ko yun napaka dalas ng bukol niya...walang linggo na matatapos na hindi mabubukulan...

anong dapat gawin...natatakot ako...:(

pinklilac

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #16 on: August 02, 2012, 06:23:41 pm »
hala! ganito rin nephew ko.. turning 2 siya this September. di ko na maalala kelan siya nag start mag untog ng ulo . nagtataka nga kame kase wala namang nakitaan ng ganon pero saan natuto? months pa lang yata age nya ganyan na siya..


alva

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #17 on: August 03, 2012, 01:43:11 am »
takot din akong mangyari ito sa baby ko kaya simula nung maging active siya, around 6 months ata, and nung ilang beses rin siyang nahulog sa bed (4 times ata, huhuhu, iniyakan ko talaga yung mga incidents na yun), sabi ko kay hubby dapat ibaby proof talaga yung room namin. like most of our sisses here, yung bed namin nakadikit sa wall, mahilig sumirko sirko at mag inat inat si baby kaya natatakot akong baka aside from fall, eh mauntog siya sa wall, kaya dinikitan namin yung walls ng room namin ng rubber mat, bumili kami nung sa toy kingdom na picnic mat ata yun tapos yun ang dinikit namin para may cushion pag sakaling mauntog si baby, di masyadong masakit at malakas ang impact, so far, everytime magpiplay si baby ko, and matutumba siya sa may wall, kahit medyo mauntog siya, walang impact and di siya nasasaktan. puwede niyo rin po yung gawin mga sis, dikit nyo gamit ng double mounting tape and masking tape sa ends para stable. or puwede rin yung mga rubber puzzle mats, same rin  yung effect. :-) HTH! :-)
« Last Edit: August 03, 2012, 01:45:46 am by alva »

andrej

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #18 on: August 03, 2012, 02:28:15 am »
ganyan din beb ko when he reached 6-7mos... starting to be malikot na... oftentimes nauuntog sa wooden crib nya , if nasa bed nahuhulog [textspeak!] talagang kalabog pag nahulog kaya mega iyak talaga ako...so here's what i did, i got him a head gear!!! hehe... then i baby proof his crib... binalot ko ng orthopedic foam un mga wooden parts ng crib... then i covered all the socket then i got a mat para in case mahulog, nkhead gear sha at malambot na un sahig ... since then kampante nko to leave him playing around...

sistah!

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #19 on: August 03, 2012, 09:00:45 am »
i am so scared of that happening kasi ang baby ko nag-start na rin maging malikot. i try to baby-proof everything as much as possible. pillows by the wall, bed rails para di mahulog and laging meron bantay para hindi sya malagay sa delikado. may konting trauma ako kasi yung brother ng friend ko, namatay at 2 years old from a really bad untog. di yata alam nung daddy kung pano i-handle yung baby kaya nung nauntog, pinatulog nya na lang para tumigil umiyak. di na gumising yung baby :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close