watch now

Author Topic: Laging nauuntog si Baby!  (Read 150936 times)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #20 on: August 03, 2012, 10:28:26 am »
ako super worried ako pag nauuntog baby ko. yung half sister ko kasi at age 4 nagdevelop ng cerebral palsy sa sobrang untog.
i am so scared of that happening kasi ang baby ko nag-start na rin maging malikot. i try to baby-proof everything as much as possible. pillows by the wall, bed rails para di mahulog and laging meron bantay para hindi sya malagay sa delikado. may konting trauma ako kasi yung brother ng friend ko, namatay at 2 years old from a really bad untog. di yata alam nung daddy kung pano i-handle yung baby kaya nung nauntog, pinatulog nya na lang para tumigil umiyak. di na gumising yung baby :(

awww.... kakatakot naman. kahit pala medyo malaki na pwede magkaganito. sobrang kakaawa yung mga baby...  :(

SnowBall

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #21 on: August 04, 2012, 12:31:17 pm »
Yung panganay ko, girl kasi kaya bihira ma untog noon, kaya lang may habit siya noong mga 2 years old siya na pag iiyak, sabay himatay himatayan, buti na lang natataon palagi na nasa crib siya pag nag gaganun siya, eventually na outgrow naman niya.

Yung bunso ko ngayon, lalaki, kaya super likot, untog untog din palagi, hay naku.


Basta mga sis, ang pinaka delikadong mauntog eh yung back part ng head, yung sa may batok, kasi yung part ng brain na yun ang nag cocontrol ng breathing natin and other life mechanism.

Basta after mauntog, nag suka na projectile siya, meaning, talagang ang layo nung narating nung suka, may arc, dalhin na agad sa hospital.

Dami pang symptoms ng may head injury, like sleepiness/lethargic, may lumalabas na liquid sa tenga (CSF).


bettyboop1322

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #22 on: August 06, 2012, 09:28:17 am »
That's why I always remind my son's yaya na pag nauntog si baby, wag isikreto sa amin. Wala naman may gusto if accident talaga. And I always tell her kahit walang magawang ibang house chores basta wag iwanan si baby ng gising and mag-isa sa bed and sa playpen/crib lang pag tulog.

Workingmomzie

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #23 on: August 23, 2012, 02:42:34 pm »
ingatan nyo mga baby nyo sissies na wag mauntog or mahulog. ako hindi ko alam kung nahulog ba si baby ng yaya nya. kasi bago mag 5 months nag seizure baby ko. nung 2nd time na nag seizure pina admit na namin sa hospital para ma check sya. normal naman result ng EEG nya. pero sa MRI result nya meron sya cerebral atrophy. no cure mga sis. saka baka mag low IQ si baby. at ang nakakatakot lang talaga pag nag seizure sya.

erl

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #24 on: September 24, 2012, 10:52:58 am »
hay naku mga sis..same tayo ng mga hinanaing..may 14 mos old din ako nauuntog din pero hindi naman palagi dami pang edge sa bahay kaya kakatakot sana hindi naman mauntog na palagi pero supervise talaga kelangan sa mga ganitong age naging nerbyosa na ako sa gnyan.

caprice

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #25 on: September 24, 2012, 02:23:17 pm »
si baby nahulog na rin minsan sa kama. tapos ngayong naglalakad na sya habang nakakapit sa playpen, lagi syang nauuntog dun sa hard plastic sa corners. :'( gusto namin lagyan ng foam. problem na lang is kung san bibili. ang layo kasi ng uratex e konti lang naman kelangan namin.

giggles

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #26 on: July 30, 2013, 10:36:55 pm »
Hi girls! Can anyone recommend a good pedia neurologist? My dayghter was seen to have subclinical seizures and i'm worried with the medication given to her cause its supposed to depend with the child's weight... The neurologist who checked her, i think just made an estimate and asked us to give her 5 ml of trileptal 2 x a day. Anyone who has knowledge with this medicine... My daughter is 27 lbs... Maybe some knows how to compute or know how much she shoukd take.... I've been to 2 pedia neurologists already and i'm both not convinced with them... Help...

cloudzy_09

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #27 on: July 31, 2013, 08:11:10 am »
Pag na untog si baby lagyan ninyo agad ng cold compress para hindi masyado mag bukol and lookmfor signs ng internal bleeding within 2 days.

- nag susuka
- super iyak ng iyak na matagal
- nag bulge yung bumbunan
- irritable
- sobrang sleepy
- seizure ( hindi lang yung seizure na nangingisay yung buong katawan minsan parang lasing yung bata maaring nag seizure na yun )
- hinimatay
- may clear fluid or blood na lumalabas sa tenga or ilong


mommy ni kent

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #28 on: August 02, 2013, 09:11:52 am »
Hi girls! Can anyone recommend a good pedia neurologist? My dayghter was seen to have subclinical seizures and i'm worried with the medication given to her cause its supposed to depend with the child's weight... The neurologist who checked her, i think just made an estimate and asked us to give her 5 ml of trileptal 2 x a day. Anyone who has knowledge with this medicine... My daughter is 27 lbs... Maybe some knows how to compute or know how much she shoukd take.... I've been to 2 pedia neurologists already and i'm both not convinced with them... Help...

hi sis yung baby ko din, nag te take siya ng trileptal 25 kilos siya pero 3 ml lang twice a day, parang masyado yatang mtaas ang 5 ml twice a day? considering na 27 lbs lang siya meaning nasa 12 mahigit kilo lang siya? kase sabi ng pedia neuro ng ank ko kang bibigat siya pwede ko itaas sa 3.5 pero sa nagyon pinapababa ko kase yung timbang nya nasa 23 kilo na lang siya gusto ko kase ibalik s dating 2.5 lang yung trileptal twice a day

rtmanaloto

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #29 on: August 02, 2013, 09:57:49 am »
mga sis maginvest kayo sa rubber mats. yung pinakamalaki 4pieces nasa 250+ lang. kapag bato ang pader, you may use a glue stick and glue gun... madikit compared sa double sided tapes... kapag kahoy ang pader bukod sa glue, puwede din ang screw na may washer.

malikot din ang baby ko 7 months old.at dahil gumagabay-gabay na siya prone siya sa bumps...

gorgeousgem

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #30 on: August 11, 2013, 08:16:19 am »
Si baby ko din madalas mauntog at mahulog :( at six mos nahulog sya sa bed ng 4 times sobra worry ko talaga. Observed ko sya pag ganun pero wala namang signs na dapat dashing sa doctor.  Dinikitan din namin ng rubber mat yung wall at nilagyan din ng rubber mat ang floor pero kahit pa ganun dapat din ingat. Madalas ako wala nagagawa sa house sa kakabantay sa baby pero ok lang daw yun sabi ni hubby as long as safe si baby.  Ngayong 1 year na sya yung frame naman ng bed namin madalas sya mauntog so ginawa ni hubby binalotan Nya ng bubble plastic ang frame para di masakit impact just in case mauntog.

giggles

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #31 on: September 21, 2013, 07:31:54 pm »
Mommynikent: hi sis! My daughter now is only taking 2.5 ml twice a day.. I had her rechecked sa doctor ulit... Ok naman na... Is it on if i ask why nagtatake trileptal anak mo?

m i k m i k

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #32 on: October 08, 2013, 06:04:35 pm »
Hi mga moms my baby is already 5 years old. Started this thread 2009 at 2013 na ngayon. So far wala naman neuro probs with my kids thankfully (with God's help). And he is smart pa sa school.

Yun lang in case lagi nauuntog kids nyo watch out for any signs ng neuro probs like headache and vomiting with unknown reasons.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #33 on: October 09, 2013, 02:59:18 pm »
yan din problem namin kay baby... 10 months na kasi sya and he started walking na. Though medyo aware na sya na bawal sya mauntog kasi kaya nya na i-balance na uupo sya to prevent from falling. Kaya lang minsan di talaga maiwasan eh. There are times yung likod pa ng batok nya yun nauuntog (hopefully wag naman sana makaapekto sa kanya) tapos may habit pa yan na gustong gusto nya minsan nag ddive sa kama eh pag ikot nahuhulog din sa kama. Buti nalang may rubber mats yung floor namin and dinoble pa ng husband ko para pag nahulog eh hindi matindi yun impact. Problem ko din yung sa wall kasi may times na di talaga maiwasan na mauntog. :(

prix

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #34 on: October 09, 2013, 03:57:23 pm »
Mga sis ako din kung minsan nag-aalala kay baby kasi nung mga 6 or 7 months sya basta nung matuto syang gumapang lagi syang nauuntog dun sa kahoy na bangko na binili ng mama ko kaya napagsabihan ko noon si Mama na "pinatanggal ko sayo yung sofa para malaki gagalawan ni baby tapos pinalitan mo naman ng kahoy kaya lagi tuloy nauuntog si (pangalan ng baby ko). Lagi kasing pumupunta yung sa ilalim nung bangko tapos pag-aangat na nya ulo nya booom! :( ayun untog! sa kama din naman twice ata syang nahulog kaya sabi ko kay hubby tanggalin muna namin yung kama sa Foam muna kami matulog then pinaikutan ko ng puzzle mat yung wall na pwdeng mauntog si baby. Ngayon ang pinakamalalang untog nya is nung nasa Mall kami nag-reunion kami ng mga college friends ko kasama mga asawa & babies namin, habang naglalaro mga babies namin (nagtatakbuhan sila biglang nadapa yung baby ko sakto yung ulo nya sa edge ng wall kaya ayun pumutok ulo nya, diretso kami sa ospital). :( Tinahi yung putok sa ulo nya (grabe nanghina ako habang nakikitang tinatahi si baby, imagine 2 years old pa lang sya mahigit pero nakaranas na syang matahi, naiiyak  :'( :'( :'(na lang ako pag naririnig ko si baby na umiiyak) after tahiin pinauwi din sa amin si baby pina-observe na lang sya then after 1 week binalik namin sya sa dr. para matanggal yung tahi. Ngayon peklat na sya pero ang kinakatakot ko is yung late reaction nito paglipas ng ilang taon. Sana lang talaga walang maging epekto yung mga pagkakauntog nya nung baby pa sya. :(

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #35 on: October 10, 2013, 09:46:56 am »
^ iba talaga sis pag mommy ka na... as much as possible ayaw mo nakikita na nasasaktan anak mo especially pag mga ganung cases. Ako noon yung newborn screening lang ni baby umiyak ako nung tinusok sya ng karayom kasi iyak ng iyak. Ayaw ko makita sya na nasasaktan. Ito yung pinaka worst fear ko din sa baby ko yung wag naman sana mauntog ng sobra.

Meron ba helmet na nabibili para di mauntog si baby??? :D kaya lang kasi iniisip ko pag sobra naman sa pagiging over protective sa bata di sya matuto kung ano yung mali sa ginagawa nya...

georynah

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #36 on: August 22, 2014, 10:30:42 am »
hello mga sisses.. musta npo ang development ng mga baby niyo mula po nung 2008. i hope wala pong naging bad result yung mga pagkkakuntog ng mga ulo nila.. ako po kasi ngayon worry.. sa ilalim ng lamesa lagi po nauuntog si baby kasi pagtayo niya ayun nauuntog. tapos kanina po, hindi sinasadya, nadulas siya sa diyaryo n nilalaro niya kya patihaya siya na-fell. umiyak po siya mga 3miin after that wala na.. ngaun observe siya masaya naman na sabi ng mama ko (nasa work n kasi ako) wala naman bukol din.. nato trauma lang ako kasi last week nung pinapaliguan ko siya lumiyad din siya ng kinuha ko [textspeak!] laruan niya nautog din sa semento na wall ng banyo.. hayzzz.. sana walang maging resulta talaga ito sa paglaki ng mga baby natin..

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #37 on: August 03, 2015, 01:11:59 pm »
Mga sis, kumusta na mga baby niyo? Yung 23 mos old baby ko, di rin maiwasan mauntog and i always feel guilty when that happens. Minsan nga gusto ko ipa xray yung head just to make sure but i read its not worth the risk especially if the baby seems normal and didnt lose conciousness..

beluy

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #38 on: August 03, 2015, 10:54:11 pm »
mahirap talagang maiwasan yan mga sis. even my daughter malingat lang ako saglit nauuntog na agad. sobrang likot din kasi. pero masama yung laging nauuntog kasi hindi maganda yung epekto nun.

iamABreal

  • Guest
Re: Laging nauuntog si Baby!
« Reply #39 on: August 04, 2015, 04:15:35 am »
Hi mga sissies!!!!!!!! kamusta po ang mga babies ninyo?

yung baby ko 7 months na sya, lagi nauuntog. hindi sa wall, sa floor.. yung room kasi namin is plywood lang, yung higaan nya kuchon, pero dahil malikot, ayun, nauuntog sa sahig.. haaay..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close