for me no spanking din, especially for kids 2yrs old and below, hindi pa nila alam what you're doing and might end up thinking na tama yun and worst gayahin nya pa yun.i grew up na pinapalo, pero during my elementary days yun and ayoko din gawin sa mga kids ko coz hindi sya masayang experience.that's for me lang po ha, nothing against those who use spanking as a form of discipline, iba iba po kase talaga ang mga kids.
fortunately effective ang masinsinang usapan sa eldest ko, yun lang pag kinakausap ko sya, sabay kaming umiiyak hehe. can't help but cry, masakit sa kalooban yung ganun di ba.gusto ko din kase ma-impart sa kanya na nasasaktan ako sa ginagawa nya. fortunately effective talaga, tong son ko sensitive sa feelings ng iba, kaya alam nya pag mali ang gagawin nya alam nya na may masasaktan. Now that he's big na, 9yrs old, di na mahirap i-discipline kase napurga ata ka usap ng usap ng usap kami when he was small pa. ginagawa ko pa nung maliit sya, pag tulog sya, i whisper to him that i love him so much and sana lumaki syang mabait etc etc. syempre iba pa yung pag gising nya and naririnig nya.di ko sure kung nakatulong pero so far, ok kami ng eldest ko when it comes to disciplining.
Also in disciplining, it helps kung katulong mo ang mga tao sa paligid mo. Like sa amin, nagusap kami ni hubby na pag pinagsasabihan ko ang bata, wag sya makikialam or hindi sya pwede sumabat, umawat or aluin ang bata. ako lang muna. kase kung makikiaalam sya, mababalewala ang mga sinasabi ko kung alam nya na may matatakbuhan sya. ang hirap lalo na kung si hubby ang kumakausap kay kuya, naririnig ko na lang minsan tumataas ang boses, hinahayaan ko na lang alam ko naman na magbe benefit din kami in the long run.
However, eto may however na...hahaha. mukhang dito sa youngest ko masusubukan ang patient ko, baby pa lang sobrang kulit na, sana effective din sa kanya ang style namin sa kuya nya. di pa namin masyado nata try since he just turned 1yr old. pag kinakausap pa kase sya di pa sya responsive so siguro in a month or so pwede na kami magpaulit ulit ng reminder na parang sirang plaka.mas maaga mag-start the better.