Author Topic: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby  (Read 92365 times)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #320 on: November 30, 2012, 03:03:55 am »
Masyadong magtanggol sa pamilya niya.oa.wala naman ako sinasabi na masama.tinanong ko lang naman siya kung kamusta yung pag uwi niya sa kanila nung isang araw.tapos nauwi sa nag open siya na papabili laptop sa kanya yung pamangkin niya na babae sa pasko.di na nga ako kumontra,kasi magagalit siya.sabi ko lang pabiro na “eh di bibilin mo naman” kasi nga nung nagsabi yung brother niya na bilan niyang dvd player,ibibili rin niya sa pasko.eh batugan naman yun.aba nagtaas agad ng boses.wag ko raw siya pakialaman,kasi di raw siya madamot.so madamot na pala agad ako?nagtanong lang naman ako kung bibilin niya nga yung laptop.sabi ko lang naman bakit ang bata pa ng pamangkin mo,nandyan yung daddy non,bakit sayo nagpapabili?alam ko naman di niya bibilan,pero pansin ko lahat ng relative niya,mahal na gamit ang pinabibili sa kanya ngayon magpapasko.

ang hirap ng ganyang asawa.masyado mabait.tapos porki pamilya  niya yon,bawal ako kumontra.alam ko pera naman niya yon.pero bilang asawa,karapatan kong makialam sa perang ilalabas niya dahil pera namin yon.dito ako natulog sa toy collection room namin.iniwan ko siya sa masters kasama anak namin.kasi parang alam ko na.bawal ako magsalita o makialam basta tungkol sa pamilya niya.kasi pera niya yon.akala mo kung sinong mayaman.ok lang kasi magbigay siya,pero wag ubusin yun pera namin.kasi wala naman kaming ipon.nagpapasikat,ni kotse di maipagawa,kalawang na,damit ng anak di mabili,lahat bigay.utang na loob pa.sabi-sabi pa ng S.I.L ko tuwing nakikita na suot yun mga bigay niya.oh well.pera nga naman niya yan,asawa nga lang naman ako,pamilya niya yon,kadugo niya.okay.ubusin niya lahat ng pera sa mga yon.di niya ako masisi galit ako sa pamilya niyang matapobre,judgemental,hari-harian,mga traidor.ni kahit minsan di ako naipagtanggol sa kanila.pag ako kaharap okay na okay ang usapan,pag kaharap na pamilya na,di na ko kilala,burado na sa isip niya na may usapan na kami.

france0220325143

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #321 on: December 03, 2012, 06:56:35 pm »
^mas okay naman yan sis, sa pamilya ginagastos.. yung hubby ko, sa sarili nya nauubos pera NYA. kung makabili ng damit, libo-libo ang halaga. akala mo naman mayaman palibhasa pasikat nga din. ok lang sana kung yung pamilya nya nabibili nya ng gatas or diaper man lang.. eh hindi. lahat ng gastos sa bahay sagot ko na.

tapos ang gusto pa, pinagsisilbihan sya. eh ako lumaki akong independent. ayokong may inaasa sa ibang tao. Eh sya kulang na lang subuan pa sa pagkain. buti kung wala akong trabaho eh pareho lang naman kami na may work.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #322 on: December 03, 2012, 07:14:04 pm »
^abusado na kasi kapatid niya.una dvd player.tapos ngayon pati binyag ng anak,sa asawa ko magpapagawa ng para sa invitation at tarpaulin.minamadali pa nila.eh may trabaho asawa ko,wala na nga halos pahinga.sila magulang ng bibinyagan,mga naka tambay lang lalo na ito si brother inlaw,nakukuha mag lustay ng pera sa mahjong,sarili gamit pati binyag ng anak,sa iba iaaasa.tapos ito asawa ko di man lang tumanggi.lahat puro oo lang.

ako naman sis sa bahay lang,pero pinagsabhan ko asawa ko na di porque nasa bahay lang ako,gagawin niya akong yaya.kasi mama’s boy eh.tubig lang sa ref magpaparinig pa na kuha ko siya,basta parang nag aasikaso ako ng 2 toddler dito sa bahay pag nandito siya..siya naman nagpatigil sa akin mag trabaho eh.pero wag ako gawin all around katulong.nakakapagod kaya.

as in ano yun sis yung anak niyo di niya nabilan ng diaper o gatas man lang?sana kausapin mo,ikaw binibilan ka naman ba niya ng kahit ano?baka ngayon lang siya nakaka enjoy bilan sarili niya?pero sana maalala niya di na siya binata,may asawa na siya at anak.

france0220325143

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #323 on: December 03, 2012, 08:10:31 pm »
same here, sis. parang dalawang bata ang alaga ko. mabuti na nga lang din at monthly sya umuwi dito sa bahay. sa pampanga kasi based ang work nya.

sa milk, hindi or anything that i ask him to, hindi nya binibili. sa groceries, appliances, ayun pag may natitira syang pera or bonus, bumibili naman sya. gusto nya sya nasusunod kung anong bibilhin nya. and right, minsan feeling ko, baka akala nya binata pa sya. maghilig sa branded polo shirts, perfumes, shoes. ayoko na lang pakialaman.

minsan lang din syang sipagin sa bahay at pag sinisipag sya, super linis/ligpit nya lahat but madaming comments on the side. sa isip-isip ko, "bakit di mo na lang pabayaan yang mga yan jan ng di ka mastress?"

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #324 on: December 03, 2012, 10:30:57 pm »
ang mga asawa talaga natin :o ang hubby ko naman siya bumibili lahat kasi siya lang may work sa ngayon.ang problema naman sa kanya tamad siya bumili ng damit niya,minsan nga ako na nagsasabi mukha na siya kawawa ayaw bumili ng original na damit,puro sa greenhills tiangge.nag vo-volunteer minsan tumulong pag nagsakit-sakitan ako hahaha.kaso uulitin ko rin yung gawa niya >:( paano kasi di malinis yung trabaho eh.masyado pang clumsy.ang laking tao pa naman...kausapin mo na lang asawa mo,diba hirap naman ng ganun,kahit naman pera niya yon,pamilyado na siya,isipin rin niya kayo lalo na yun bata.o kaya sis gawin mo,pag mag sho-shopping siya,sama kayo ng anan niyo,tapos pag namili na siya,utuin mo hahaha,sabhin mo bilan rin kayo para lahat kayo nag shopping,pa-libre ka sa kanya saka si baby mo. 8)

abbina

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #325 on: December 04, 2012, 01:25:00 am »
Bossy and Masungit  :(

babyphat

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #326 on: December 04, 2012, 11:35:32 am »
tatahimik nalang ako bigla then pag nagtanong sya kung may problem ba sasabihin ko wala or hindi ako iimik. basta umiiwas ako. yung pag naisipan ko nalang bigla yung ginawa niang flirt flirt before, ayun kahit maganda yung mood ko tatahimik nalang ako and magcocomment ako ng opposite ng sinabi nia kahit may point sya.


h_mische

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #327 on: December 04, 2012, 12:27:35 pm »
mabilis daw ako mabusit at hate na hate nya yun kasi nagrereflect talaga sa itsura ko. ang sabi ko naman, kung ayaw nya akong magbusit at magsungit eh wag nya akong bigyan ng dahilan.

web147

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #328 on: December 05, 2012, 08:06:28 pm »
MARAMI! hehe pero list ko yung konti lang

1. masyado daw ako friendly, kahit di ko kilala kinakausap ko. ayaw niya ko nakikipag usap masyado sa mga boys (nagseselos)
2. matalino daw ako (nasasapawan lol)
3. magastos sa pera (hindi naman eh, importante naman binibili ko)
4. makakalimutin
5. mabilis mainis


skyrimgal

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #329 on: December 07, 2012, 03:45:32 am »
1. laging late
2. manana habit
3. matagal mag-ayos (ligo, makeup, etc)
4. masyadong bina-baby ang mga alagang aso (spoiled daw yung chihuahua ko)
5. masyado maawain (uto-uto)


sweetviolet

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #330 on: December 09, 2012, 02:36:29 am »
1. late matulog kaka fb ::)
2. late gumising kase puyat ;D
3. pag tinamad talagang tamad to the max :-[
4. sobrang maawain kaya laging nauuto :'(

gentai_chan

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #331 on: December 09, 2012, 03:33:44 am »
Magastos (minsan lang naman) ;D
Pala-utos
Moody

 ;D

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #332 on: December 09, 2012, 10:36:24 am »
Sasabhin niya na nagrereklamo daw ako.kasi madalas ako ma stress lalo na walang maid.nakakapagod.malapas nahihilo ko pagtapos ko maglaba.ako lang nagliligpit.siya naman di makaligpit kahit plato.di ko alam parang ayaw yata niya na sa kanya ako mag vent out pag pagod ako.wala.naman ako ibang nakakausap.syempre mag asawa kami,kanino ko pa ba dapat sabhin?saka minsan may time na mainit talaga ulo ko,kasama na yung mood swings sa ugali ko bilang babae,saka di naman araw-araw yon.kakainis.palibhasa kasi siya maghapon sa office nakaupo,pa click-click lang sa pc,eh ako sa bahay buong katawan ko kumikilos.di niya naintindhan kasi di naman siya gumagawa dito >:(

pinkk

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #333 on: December 09, 2012, 10:58:47 am »
siyempre babae tayo and he hates busisi. Sometimes naman nahahawa na din siya,hm.

minaco_aino

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #334 on: December 11, 2012, 06:48:36 pm »
- Masungit
- Bugnutin
- Matagal daw akong pumili pag nagsashopping kami.


jhenpretty

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #335 on: February 22, 2013, 07:43:12 am »
Matagal naligo.
Matagal gumayak.
Tinatamad umalis ng bahay..

EllaBratin

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #336 on: February 22, 2013, 01:09:59 pm »
Palautos - sabi nga niya, bubuka pa lang ang bibig ko natatakot na siya, alam niyang may iuutos na naman ako...  ???  :P

fergel

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #337 on: February 22, 2013, 07:02:39 pm »
tingin ko lang ito ah..sobrang pasensyoso kasi si hubby
at d nya sinasabi ayaw nya
moody
selosa
sasabihin na ok lang ako kahit hindi naman..
late gumising minsan


chimponzi

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #338 on: February 22, 2013, 07:13:22 pm »
stubborn at di daw nakikinig minsan. parang ganito:

hubby: wag ka uminom jan kasi madumi yan.
me: nakakamatay?
hubby: oo.
me: sige, subukan natin. *sabay inom*

bwahahahaha. inis na inis siya sa ganun.  ;D

Katniss12

  • Guest
Re: Ugali natin na kinaiinisan ni hubby
« Reply #339 on: February 22, 2013, 09:22:01 pm »
EL DABOG!  -  Pinaka-hate ni Hubby sa ugali ko e yung nagdadabog pag nagagalit ako.  Pag nag aaway kami, di ako mabunganga pero hindi ko mapigilan ang hindi mag-dabog!  Kaya pag nakakarinig na sya ng malakas ng hampas ng pagsara ng pinto, drawers, nagco-concert ang mga plato, kutsara at baso, alam na nya na galit na akesh!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close