naiinis ako..kaka ubos ng pasensya! pumunta ko palengke kasi di ko talaga ugali bumili vegetables sa Sm kasi mnsan di maganda..so paalis na ako,nag po-poop si baby..dahil medyo nahirapan si baby,dapat mina-massage yun sa may pisngi ng b**t nya..ito si hubby ang bagal lagi kumilos,lahat ng bagay may orasyon pa..umiiyak na yung bata di pa lapitan..2 steps lang ang layo,inuuna pa ayusin buhok nya.so napikon ako,kasi ako kahit ano gnagawa ko except nasa c.r ha,basta nahihirapan mag poop si baby,ititigil ko ginagawa ko at lalapit ako sa bata..alam na ni hubby yan,5 months na tinuturo at nire-remind sa kanya pero parang utak maid siya minsan..tapos maiinis pa sakin,gusto ko raw instant kilos agad..alam naman na niya kasi yung routine,ayaw pa kumilos,nahihirapan na yun bata,inuuna pa ayusin yung paligid kaysa puntahan yung baby na 2 steps lang sa kanya..ako na lumapit sa bata,at nagpunta na ko palengke nun tumigil na umiyak yung bata..
12 noon na ko dumating,so ayon ligpit saka konti pahinga,..hanggang sa 2 na ng hapon naka amoy ako ng poop habang naglalakad,akala ko sa c.r,so sabi ko kay hubby kung malinis ba c.r kasi siya huli gumamit,pag siya kasi gumagamit expect ko lagi yuck talaga..

may naamoy na naman ako,yun pala,di pa pinalitan ni hubby ng diaper si baby,jusmiyo! 3 oras ako nawala,ano ginawa niya! eh natutulog yung baby nung time na naamoy ko na siya pala yon..so sabi ko kay hubby kung pinalitan na ba niya diaper si baby kasi may poop..di pa raw..so inulit ko,sabi ko,,kung kanina ba 3 hours ago,yun poop sa diaper na naamoy ko,yun ba yon?OO raw! ay naku sarap sipain!inuuna cellphone at games!kala mo bata..masyadong mama's boy..
aba sabi ko bakit di man lang pinalitan eh kanina pa?kasi raw tulog,kesyo magigising..sabi ko eh kanina iniwan ko sila papunta ko market,gising ang bata,naglalakad pa nga..ay naku..blah blah blah!!kasi raw kala niya pinalitan ko..alam naman na umalis ako diba?so nainis ako..sino ba di mainis?parang utak ng maid! sabi ko palitan na niya kasi baka naman makatihan or ma-infect yung bata kasi nababad na sa poop..iiyak raw.OK nag gawa ako milk para mag dede si baby at sabi ko bigay niya milk habang papalitan ng diaper para di umiyak..tapos inabot ko diaper,wipes,kasama feeding bottle..dedma,,nakatayo ako sa gilid ng pinto,aba di kumilos,,sige ng games..alam nyo super nang gigil nako,gusto ko na magtaas ng boses dahil galit na ko.pero dahil tulog yung bata,mahina salita ko..
ako na nagalis ng diaper,ako na naglilinis,sabi ko sa baby ko ligo na lang siya,.ayon saka nakipag unahan si hubby sa pag asikaso,di ako kumibo..tapos dinala ko sa banyo si baby,nandun si hubby..sabay na raw nya sa kanya maligo si baby..paglabas ko ng c.r,bigla ako sinabihan ang kulit ko raw,at BOOM!! sabay talpak ng pinto ng c.r!!! di ako kumibo,pero after ilang minutes parang naisip ko ako ba mali?ako ba dapat na magalit o siya?bakit ganon kasi..sino ba di magiging nagger kung ganyan kasama mo..parang bingi kasi,,pag nandito siya sa bahay,ang kalat-kalat.ang gulo-gulo,pati bata di maka tulog sa tanghali dahil sa kanya..naluha tuloy ako sa kitchen,tapos parang nagalit narin ako..parang di niya ko nirerespeto..pag natataasan siya ng boses,feeling niya HARI siya at siya nag tr-trabaho kaya wag siya gawan ng ganun..feeling niya dapat kahit galit ka na,lambingin mo pa siya..di naman lahat ng oras mag bo-bolahan tayo diba?kailangan rin minsan seryoso..sobrang naiinis ako..parang mama's boy masyado..pakialam ko ba kung sa kanila di siya napapagalitan,,sa kanila yon,pwes sorry siya kasi iba ang buhay may asawa..hay naku..kakainis...sobra!!! ano bang dapat ko sabhn sa kanya? any advice?