Hi sis ehlabart,
Una sa lahat,
hindi po ako vet! Pero magsheshare lang din ako ng mga ginawa ko sa mga aso ko na nagkasakit na before.
Nagsusuka ba dog mo? 3 dogs ko na ang nakaranas ng ganyang sakit, and thankfully lahat sila ay buhay pa ngayon.
'Yung first dog ko na nakaranas ng mga symptoms na sinabi mo, dinala talaga namin sa vet. Tapos ginawa na lang namin dun sa dalawang aso na sunod nagkasakit 'yung ginawa namin sa first dog.
Cause:1. Pwedeng nakakain ng matulis na buto (like sa manok) na nakasugat sa intestines niya. Nagsusuka ba ng dugo 'yung dog mo?
2. Pwedeng may ibang nakain na harmful sa kanya (like kalawang or basura)
What you can do:1. Always keep your dog hydrated. Kung ayaw uminom, basain niyo lang po yung nose niya ng wet towel or kahit kamay niyo na lang (or asawa mo para hindi ka mahawaan ng sakit). Or pwersahin niyo po using syringe.
2. Merong dextrose (powder) na nabibili for dogs. Ihalo lang sa tubig na iniinom ng dog. Meron sa mga vet and mura lang siya. I think wala pang P200 ang isang bote. Para makapagbigay po ng energy sa dog ninyo. Nakalimutan ko na yung brand, check ko mamaya sa bahay pagkauwi.
3. Sa ngayon, wag pakainin ng matitigas na pagkain like dog food, baka isuka lang. Kung ayaw kumain, subuan ng kain na may sabaw (kahit tubig lang) tapos yung hinimay na pinakuluang manok. Kelangan pilitin para magkalaman ang tyan. Kahit 2-3 subo lang. Yung dog ko na last nagkasakit, talagang pinwersa namin sis. As in may kutsara pa na sinusuksok namin sa bunganga ni dog tapos sinasara namin yung bibig niya using our hands para hindi niya iluwa.
4. Merong binigay yung vet ko sa kin na gamot dati, 100 lang ang isang bote. Pinainom ko din yung dog 2x a day. Nakalimutan ko ulit ang brand, check ko sa bahay mamaya.
5. Kung wala talagang fund para magpa-checkup sa vet, tumawag sa vet at i-consult over the phone. Tipong, "hi doc ganito kasi 'yung nangyari sa dog ko blah blah blah, ano po ba pwede kong gawin sa ngayon? After 2 days po kapag hindi pa nag-improve yung condition niya, dadalhin ko na sa inyo." Guilty ako dito, ginawa ko na twice. Wala kasi akong extra budget noon. Mabait naman 'yung nakausap ko noon.
6. Syempre, ipa-feel mo sa dog mo na binabantayan mo siya. Nakakaiyak kaya 'yung magtitinginan kayo ng dog mo tapos nakakunot pa yung noo niya na parang gusto niyang sabihin sa 'yo kung anong nararamdaman niya pero hindi niya masabi... Pwedeng salitan kayo ng mga kasama mo sa bahay sa 'pagbabantay.' Not necessarily 24/7 basta iparamdam mo kay doggie na you care for him. Corny, yes, pero I think malaking tulong ito sa paggaling ng mga dogs ko. Kinakausap ko pa nga sila noon eh

Again, hindi po ako vet! Shinare ko lang mga ginawa ko sa mga nagkasakit kong mga aso. Maaaring effective sa akin, not sure sa ibang dog owners.
Hope this helps and sana gumaling na ang dog mo soon!