watch now

Author Topic: MERGED: My dog is sick :( help!  (Read 348332 times)

shshshsh

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #580 on: March 03, 2014, 03:33:16 am »
^onga! tama ka diyan, feeling ko lumalaban yan si Ella. :))

twelve5

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #581 on: March 03, 2014, 07:13:04 am »
Hello mga sis! I hope ok na mga doggies nyo. Mahirap talaga pag may sakit mga pets natin. Prayers and a lot of patience and TLC ang weapons natin.


Yung isa kong alaga sinama ko sa shopwise cubao kahapon. Dun sya sa car park while i did a quick shopping. Naubos na kasi chicken nila. Anyway, kagabi parang may lagnat/sinat sya.  siguro mga 3x kagabi, i checked on him and mejo mainit tenga and singit.

This morning when he woke up he was licking his nose. Upon close observation, he was licking nasal discharge pala. Parang sipon na watery and clear.

Then He got up and Peed outside. Went back inside the house and ate his breakfast.... Meme sya now (as he always does - kain, tulog) and di na sya hot. Normal na temp nya when i touched his singit. Yung ears mejo cold pa ng konti.

I dunno what to make of it. Will observe him closely until i can call na VIP at past 9am.

Im torn between just keep him at home and going to VIP where he can catch pa more sakit. Baka common cold lang eh maka langhap ng ibang sakit... But i want to make sure also na di lang common cold kasi baka may iba pang issue. Tsk. Hirap ng praning na tulad ko.

It was a hot day yesterday. Aminado ako mejo mainit sa parking but he was drinking a lot of water naman daw, and yung kasama nya nag stay naman sila sa cooler part ng place.

Any input and suggestion, mga sis?

Sis ABU, last day ko today. Na-cancel kasi flight ko kaya na extend ako. Pero wala pa rin akong yaya. Huhu... Ayoko kasi kumuha ng di mahilig sa aso...

Swerte pets nyo, hands on kayo and may katulong na parents sa pag alaga... My mom will take care of them most days of the week until makakuha ng ok na yaya. padre pio, please....

 :)

rinapie

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #582 on: March 03, 2014, 10:35:35 am »
hi! made another thread since 30 pages na ito. here's the link:

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,282382.0.html

sana maka-recover ng tuloy tuloy na mga alaga natin.

@twelve5, observe mo muna kung mawalan ba siya ng gana kumain or patuloy yung discharge. kung maging normal naman sa maghapon, pwedeng okay lang siya.

@felicity_ong, sino nagbigay ng meds? vet ba and napa-check mo na din ba? pwedeng nag react nga lang siya sa vaccine. minsan kasi, after ng turok, nagkakasakit yung dogs e. sana tumigil na sa pagsusuka.

zenadrales

  • Guest
Re: MERGED: My dog is sick :( help!
« Reply #583 on: November 19, 2014, 12:00:48 pm »
hi almostalice, nakasurvive yung dog mo sa one week serum injection ng Canglob forte? ilang days sya nakaracover, yung akin kasi meron na syang trembling ng jaw pero kumakain na sya ng mas marami compared before. Please help po. Thanks!

ehlabart

  • Guest
May sakit ang Aso
« Reply #584 on: January 06, 2015, 02:14:06 pm »
Hi Mga sis! naexperience niyo na ba na magkasakit ang aso niyo? kasi yung dog ko ilang araw nang ayaw kumain,inom,nakahiga lang nahihiarapan tumayo. Awang awa ako, nasakto pa naman na bed rest din ako dahil sa threaten premature labor, tapos gusto ko ipadala sa animal clinic ang problem naman medyo tight ako sa budget.  :( ganon pala ang feeling,  :(masakit din sa dibdib parang anak mo na din, sa twing sisilipin ko parang umiiyak siya sakin.. di ko naman matouch din ang sabi me galis daw sa me bandang pwet niya.. haaay gusto ko lang magvent out kasi i feel helpless.. Ang hirap pala, dati naooahan ako sa mga pet owners na umiiyak kapag me sakit aso nila..

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #585 on: January 06, 2015, 05:20:02 pm »
Hi sis ehlabart,

Una sa lahat, hindi po ako vet! Pero magsheshare lang din ako ng mga ginawa ko sa mga aso ko na nagkasakit na before.

Nagsusuka ba dog mo? 3 dogs ko na ang nakaranas ng ganyang sakit, and thankfully lahat sila ay buhay pa ngayon.

'Yung first dog ko na nakaranas ng mga symptoms na sinabi mo, dinala talaga namin sa vet. Tapos ginawa na lang namin dun sa dalawang aso na sunod nagkasakit 'yung ginawa namin sa first dog.

Cause:
1. Pwedeng nakakain ng matulis na buto (like sa manok) na nakasugat sa intestines niya. Nagsusuka ba ng dugo 'yung dog mo?

2. Pwedeng may ibang nakain na harmful sa kanya (like kalawang or basura)

What you can do:
1. Always keep your dog hydrated. Kung ayaw uminom, basain niyo lang po yung nose niya ng wet towel or kahit kamay niyo na lang (or asawa mo para hindi ka mahawaan ng sakit). Or pwersahin niyo po using syringe.

2. Merong dextrose (powder) na nabibili for dogs. Ihalo lang sa tubig na iniinom ng dog. Meron sa mga vet and mura lang siya. I think wala pang P200 ang isang bote. Para makapagbigay po ng energy sa dog ninyo. Nakalimutan ko na yung brand, check ko mamaya sa bahay pagkauwi.

3. Sa ngayon, wag pakainin ng matitigas na pagkain like dog food, baka isuka lang. Kung ayaw kumain, subuan ng kain na may sabaw (kahit tubig lang) tapos yung hinimay na pinakuluang manok. Kelangan pilitin para magkalaman ang tyan. Kahit 2-3 subo lang. Yung dog ko na last nagkasakit, talagang pinwersa namin sis. As in may kutsara pa na sinusuksok namin sa bunganga ni dog tapos sinasara namin yung bibig niya using our hands para hindi niya iluwa.

4. Merong binigay yung vet ko sa kin na gamot dati, 100 lang ang isang bote. Pinainom ko din yung dog 2x a day. Nakalimutan ko ulit ang brand, check ko sa bahay mamaya.

5. Kung wala talagang fund para magpa-checkup sa vet, tumawag sa vet at i-consult over the phone. Tipong, "hi doc ganito kasi 'yung nangyari sa dog ko blah blah blah, ano po ba pwede kong gawin sa ngayon? After 2 days po kapag hindi pa nag-improve yung condition niya, dadalhin ko na sa inyo." Guilty ako dito, ginawa ko na twice. Wala kasi akong extra budget noon. Mabait naman 'yung nakausap ko noon.

6. Syempre, ipa-feel mo sa dog mo na binabantayan mo siya. Nakakaiyak kaya 'yung magtitinginan kayo ng dog mo tapos nakakunot pa yung noo niya na parang gusto niyang sabihin sa 'yo kung anong nararamdaman niya pero hindi niya masabi... Pwedeng salitan kayo ng mga kasama mo sa bahay sa 'pagbabantay.' Not necessarily 24/7 basta iparamdam mo kay doggie na you care for him. Corny, yes, pero I think malaking tulong ito sa paggaling ng mga dogs ko. Kinakausap ko pa nga sila noon eh  ;D

Again, hindi po ako vet! Shinare ko lang mga ginawa ko sa mga nagkasakit kong mga aso. Maaaring effective sa akin, not sure sa ibang dog owners.

Hope this helps and sana gumaling na ang dog mo soon!

argento

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #586 on: January 06, 2015, 06:15:36 pm »
 Ilang taon na yung dog? Vaccinated ba?

Bili ka ng hydrite painom mo

ehlabart

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #587 on: January 06, 2015, 07:26:08 pm »
beach_n_sunsets

Sis thank you talaga sa reply mo. Hindi naman siya nagsuka sis, pero meron parang galis sa may pwet niya.. ask ko c hubby if possible makuhanan niya ng photo. Hindi ko din sure kung nakakain siya ng buto na maliit pero natandaan ko yung new year bnigyan ng buto ng crispy pata, pero ang duda ko kasi di kaya naifect siya nung nakunan siya nung November? pero masayahin pa siya ng december neto lang talagang after ng new year naging matamlay siya, napansin ko din kanina medyo hirap siya sa paghinga. parang pilay kung maglakad ayaw tumayo, pagtinawag ko titingin lang siya tapos tutungo. Kahit pano nagkaron ako ng hope sa replies kasi natatakot talaga ako at talagang parang wala akong magawa para sakanya, sis pakiupdate  mo nalang ako kung ano yung mga gamot para magawa ko yung tips mo at makapgpabii ako kay hubby. Thank you ulit.

argento

2 years old na sya, small dog lang siya half na askal/lhasa apso, thanks.


beach_n_sunsets

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #588 on: January 06, 2015, 10:52:23 pm »
Hi sis, 'mondex' pala yung dextrose powder. 2 tbsp ang ihalo sa 1 cup water. P80 lang pala siya! White yung lalagyan tapos blue yung takip.

Kung walang mahanap si hubby, pwede dinwater na may asukal.

Baka sobrang nanghihina lang at wala ng lakas kaya mukhang pilay maglakad? Yung sa case nung last dog ko na nagkasakit, 1 week namin pinilit pinakain at pinainom. Tyinaga talaga namin sis. Tapos unti unting nakarecover, kumakain ng konti pero hnd pa ganun kagana for the next 2 weeks. Gradually bumalik yung lakas niya and appetite :)

Pero sis, hindi sa tinatakot kita, pero marami pa kasi pwedeng causes eh, pwedeng bacterial or viral infection. Or worms. Chineck ko yung bill sa vet P875 nagastos namin including yung 250 na pf ni doc and yung mga injectables, antibiotic, etc.

Pero kung wala pa talaga extra fund, basta keep your dog hydrated.

Again, hindi po ako vet. Mga opinion ko lang po ang mga ito based sa aking experience.

Hope your dog gets well soon!

ehlabart

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #589 on: January 07, 2015, 01:06:25 pm »
Thank you sis sa tips mo, kapag wala padin changes after niya magdextrose water dadalin ko na.. nagkataon naman kasi in 2 weeks time manganganak na ako, tapos ngayon sobrang tight pa sa budget.  :( I will update you sana nga gumaling na siya.

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #590 on: January 07, 2015, 03:54:02 pm »
Hi sis, you're welcome! Hopefully gumaling agad ang dog mo.

May similar threads na pala dito sa GT about dog sickness, baka makatulong sa 'yo:

Please Help, nagsusuka and ayaw kumain ng puppy ko
MERGED: My dog is sick :( help!

ehlabart

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #591 on: January 07, 2015, 08:41:46 pm »
sis, sobrang sakit.. wala na siya. Pinainom na namin nung mondex, pinilit namin kanina.. pero after ng dinner wala na siya :( :( :( yung guilt ko di ko lam kung paano.

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #592 on: January 07, 2015, 10:41:06 pm »
Omg sis so sorry to hear that.. I know how you feel kasi namatayan na rin ako ng aso (nasagasaan). At least sis nageffort ka magtanong tanong kung ano dapat gawin.

Wag ka masyadong ma-stress sis baka maapektuhan si baby. You'll get through this :)

Lesson learned na lang din siguro sis. Isipin mo na lang yung mga happy memories ninyo.

Healthy naman sigurona ilabas yung lungkot mo at umiyak, wag lang sobra hehe.

RIP, doggy.

chedz.03

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #593 on: January 07, 2015, 11:04:02 pm »
Awww... Now ko lang nakita ito. Sorry for your loss sis. Its so hard when we lose our four legged furkids because to most of us they are already part of the family.

Maybe next tiMe sis, meron tayo mga vet sa municipality if no budget talaga. Meron din sa PAWS and I believe they can give discount pa. PSPCA din is parang public animal clinic so mas makakamura dun.

argento

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #594 on: January 08, 2015, 12:54:24 am »
I had a feeling na hindi talaga makakasurvive yung aso.

Why, if it doesnt eat or drink for days did not do anything ganun talaga mangyayari. Kaya pag nagaso ka next time make sure na may pera ka pampagamot.

ehlabart

  • Guest
Re: May sakit ang Aso
« Reply #595 on: January 08, 2015, 11:28:21 am »
beach_n_sunsets

Thank you sis, yun nga libing namin siya mamaya sa likod. Mahirap pala, lalo guilt ang kalaban mo. Naiisip mo yung mga nagawa ng pet mo sayo vs sa hindi mo nagawa. Sana dumating na yung time na makamove on ako kasi mahirap pala, parang ang laki ng kulang pag wala siya. Sabi nga ni hubby may reason siguro bakit kinuha siya samin.

chedz03
OO nga sis, salamat.. pero siguro saka nalang ulit pag ready na ako, kasi kahit magadopt ulit ako ng new puppy parang sa tingin ko hindi na mapapalitan si Hershey ko. :(

argento
U think na wala kami ginawa para sa dog namin? think before you judge sir. But on the other side I admit that I also have a fault, if only I am not bed ridden and hindi maselan magbuntis nakagawa pa ako ng way..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close