Dati di naman ako mahilig sa branded. Kasi mahirap lang naman kami haha! Pero nung college ako branded lahat ang gamit ko from shoes, pants, tops kasi scholar ako nuon (naks!).. may stipend ako from DOST. so nakakabili ng k-swiss, skecher, hush puppies, puma, watch, pwera bag. Simpleng montanara kang bag ko nuon tig-200 lang.hehe... More on shoes kami magkakaklase para sa PE saka daily school shoes. Nakikisunod lang ako sa mga kapwa ko scholars nuon pag namimili. Kasi malapit lang sa mall. Kaya after school, pag may sale nagkakaayaan magshopping. Angsaya. Tropa-tropa!
O well, those were the days.. Then nun nagwork ako hindi din ako masyado mahilig sa branded pwera sa hiking shoes nun kasagsagan ng climbing career ko. Merell, TNF, columbia! Hindi kasi pede ang hindi branded sa hiking at mapeperwisyo ka talaga!
1st major hike ko Mt. Pulag, fila shoes ang gamit ko. Angsakit ng paa ko! Nabasa pa! Kaya parang na-hypothermia pa ako nuon sa saddle camp. Kaya bumili ako ng waterproof hiking shoes na worth 8k after nun hehe! Sulit naman dahil ilang years ko din nagamit at nakaabot ng Mt. Kinabalu yun shoes. Yung traction lang napudpod katagalan kaya pinamigay ko na din after..
Nung nabuntis ako nagbago ang lahat.hindi na ubra ang kung ano anong shoes lang. Minsan nagtsitsinelas na lang ako kasi manas lagi ang paa ko. Kahit tsinelas nagbabakat sa paa ko sa sobrang manas!!. Then after ko manganak,lumaki ang paa ko! From size 8 naging 10! Angtagal bago bumalik sa size 8...
Kaya yun mga old shoes ko naipamigay ko na kasi sayang lang. Di muna ako nabili ng branded kasi sayang lang..dun ako sa aesthetic at mura. May mga magaganda kasi design na hindi branded.
Fast forward, lately nahihilig ako sa sneakers na floral. Then mumurahin lang binibili ko like sa SM, yung kicks, juice.. yung tig-200 - 800 per pair. Masaya na ako dun angkaso, ambilis talaga masira lalo nat halos daily ko ginagamit kahit walking distance lang school ng anak ko nakasneakers pa rin ako kasi nga fave ko hehe.. Then iniwan ko na lang sa cebu kasi nga nasira kasi ginamit ko sa beach na mabato na panghilod!

minsan sa ukay ako nabili. Branded pero nabibili ko at natatawaran from 600 to 300 (kalahati talaga tawad ko hehe).
Then nun xmas holidays, my husband asked me kung magpapabili ako sa kanya ng sports shoes dahil sale daw sa outlet stores sa hk. Buong yabang kong sinabi na, hindi na kasi gradweyt na ako sa mga ganun. Sneakers lang kako na tig-200 solb na ako. Besides, buhay pa naman yun Merrell hiking shoes ko since 2009 pa yun kaya di ko na talaga need magpabili.
So mga pamangkin ko na lang binilhan nya. Anggaganda! While gini-giftwrap ko. Pero indi ako nainggit..

Then lately waley rin, di pa rin mameet ang daily need ko ng mumurahin kong shoes. Lagi na sumasakit ang paa ko. Then yesterday ive decided na bumili ng bago na super comfy sa paa ko, pero ang budget ko 1k lang..then tingin-tingin ako sa Parisian. May nagustuhan ako 800 lang. Then napadaan ako sa bradley ba yun. 900 lang pero mukhang mas matibay kesa sa parisian. Then bigla ako napadaan sa skechers at napansin ko yung new release daw nila na sneakers na GoFlex Walk nila! With Goga mat technology pa daw ha! Waw astig! Nagustuhan ko yung swelas kasi may mga cuts to absorb the pressure.. Anggaling ng ergonomics! Angkaso almost 4k! @___@
So angtagal-tagal ko halos 2hrs ako nagsukat-sukat. Nag-isip. Fineel ko yung shoes.. Naisip ko: "angsarap sa paa! ito ang kelangan ko! Araw-araw ako naglalakad! And this shoes will surely make me feel comfy! At sure ako indi to basta-basta masisira o maluluma! Iingatan ko toooh!" So i ended up buying it hehe. So...anong point ng pagkahaba-haba kong post? Wala lang. Akala ko kasi im not into branded shoes anymore eh.. Saka jina-justify ko lang yun purchase ko kahapon. Lagot ako ke hubs hehe! Di bale, anniv gift na nya yun saken. Saka malapit na balentayms diba??

Saka angsaya ko ha, naging size 37 na ang shoe size ko from size 38 without socks!