ako sobrang selected lang yung branded items ko at minsan, yung brand pa e hindi naman ganun kamahal.

lets start from head to foot.
make up - yung brand is avon, maybelline and chapstick lang.
shirt / blouse - puro tiangge, greenhills, mahal na yung 400.00 na damit sakin, ok yung 3 blouse for 1k

undergarments -triumph / bench sa bra, and for undies, avon / bench and soen
pants - jag lang.

shoes - not really, pinakamahal na yung rubbershoes na nabili kosa fila worth 2k and to think na naka 50% off pa siya. basta, comfy, at hindi madulas, okay na ako.
watch - eto talaga, dito ako nahilig. i have 2 gshock, 2 fossil, 1 philip stein, 2 swatch, 1 aldo. mahilig talaga ako sa watch, di ko alam bakit ko nahiligan, pero eto talaga, hindi ko tinitipid. gusto ko pa nga mag-add ng la mer, michael kors, rolex, tag and omega. pero unahin ko muna la mer and michael kors, di ko pa kaya yung tag, rolex and omega.

bag - hindi rin branded yung bags ko, meron lang isa, longchamp, pero pinamigay ko na sa sister ko. siya na gumagamit. ok na ako sa mga cutesy, matibay, pero sana, someday, magkaroon ako kahit coach lang.
earrings / necklace - isa lang meron ako na branded, yung chanel ko, bigay pa ng mom ko. the rest, puro accessories na puro cheap. meron ako isang necklace na di ko inaalis, 10 years na ata nasa leeg ko. kahit maligo ako, di ko inaalis. feeling ko kasi pag aalisin ko, mamalasin ako. haha
for me, ok lang magsuot ng fake, pero depende pa rin sa crowd at kung sino kasama ko.

pero so far, konting - konti lang ang gamit ko na fake at yung tipong nacutan lang ako kaya binili ko.

pero never ako nagpaka social climb.