watch now

Author Topic: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot  (Read 34888 times)

larseslu

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #60 on: April 19, 2012, 08:49:13 am »
only child din ako, raised by a single mom. never naman ako mahirapan at nalungkot. in fact ganda ng childhood ko. only child lang din anak ko, decision namin ni hubby. at the end of the day, it boils down to upbringing, family and socialization

kalaiyaan

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #61 on: April 19, 2012, 05:28:33 pm »
Isa lang ang baby ko at wala na akong balak sundan pa ang hirap kasing magpa-sexy.

Kaya ang goal ko nalang magkasama sama kami ng mga kapatid ko soon, para if magkakaanak sila
la-laking sama-sama ang mga anak namin parang magkakapatid.

Dahil alam ko kung gaano kasaya magkaroon malaking pamilya.



roxybrat

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #62 on: April 22, 2012, 09:25:02 pm »
only child din ako, growing up ok naman.. i must say spoiled ako but not to the point na lahat lahat talaga nakukuha ko. pero may time din noon na sobrang naiinggit ako sa may mga kapatid kasi kapag sila pinapapasok na sa mga bahay nila nakakapaglaro pa rin, tsaka minsan pede nila utusan kapatid nila.. hehe..

pero nun dumating na un point na my mom got sick, i really dont know what to do.. i have a 10 months old baby, my husband is an ofw and my dad is old na rin.. nahirapan ako magbantay sa ospital for a month, financially nahihiya din ako kasi si hubby rin tumutulong smen dahil wala naman akong ibang mahihingan ng tulong and my salary is not enough.. na stroke kc mom ko nun then when she was out of the hospital na bedridden sya for 3 months then she passed away.. sobrang nahirapan ako nun emotionally and financially, good thing some of my relatives on my father side help us out.. and i also thank god may asawa na rin ako kc may tumutulong sken..
then 2 years after,  my father in law died. 4 na magkakapatid sina hubby.. dun ko nakita na ang sarap pala ng may kapatid talaga, nagtutulungan sila.. kaya i decided na hindi ako papayag na 1 lang anak ko kahit cs pa ko.. basta gusto ko lang sana pagtanda namen ni hubby hindi mahihirapan un anak namen sa pag-alaga din smen..  :)


superbubly

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #63 on: April 23, 2012, 07:20:12 pm »
I am the only child of my parents, Sad to say, super lungkot. and at the same time natatakot ako kasi in the future, naiisip ko wala ko magiging karamay, someone to lean on pag may problema and medjo hindi masaya pag may special events kasi tatlo lang kame. Buti may ampon kame na nephew ko, anak ng cousin ko para umingay kahit papano..
wow, akala ko ako lang mag isang tao na nag iisip ng ganito, only daughter din ako, 26 na ako, tatakot na ako na mag-isa soon :'(  hindi dahil duwag ako kundi, wala akong magiging karamay sa panahon na kailang kailangan ko ng gaya sa parents ko pag may problema ako I know they will understand me no matter how big it is, hinding hindi ko matatagpuan yun sa mga pinsan ko or kahit kaibigan man lang. Akala ko paranoid lang ako at kakaiba yung fear ko sa buhay, yun pala yung gaya ko din na isang anak lang din....


ang lungkot lungkot mag isa  :'(  spoiled nga ako pero yung future ko ang fear ko ..... :'(

LBT Foodcartlink

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #64 on: June 05, 2012, 12:21:36 pm »
As an only child of the family, super lungkot talaga.. wala ka mkausap pag may time na For non-adults matters only dba? hehe. Tapos ako wala pa akong daddy, nsa Japan kasi sya. Wala na communication. Kaya, [textspeak!] I  can't help but it's true na sana may kapatid nlang ako. Kaya nga pag lumalabas ako, higpit lagi sakin e. Pag may kpatid naman daw, di mu mafifeel na important ka sknla kasi may favoritism e. Mbuti ndn siguro na solo child. Khit mlungkot, mahal ka nman ng family mo :)

izabelle

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #65 on: June 06, 2012, 02:59:29 am »
^ case to case basis sis.. dalawa kaming magkapatid and same lang tingin sa amin ng parents namin.. sobrang higpit din and sobrang mahal kami parehas. :)

IMO, wala yan sa kung only child ka or kahit isang dosena pa kayong magkakapatid.. nasa tao yan, nasa kung paano ka pinalaki, paano ka hinanda ng parents mo sa real world ika nga.. case to case basis though..

but for me, hindi ko sasacrifice ang quality ng life i can give to my child for the sake na magkaroon sya ng kadamay sa buhay. having a kapatid is not even an assurance na magdadamayan sila. iba iba kasi ng standards ang tao sa buhay.. For us ni hubby and sa ngayon, isang anak lang talaga afford namin but im open to possibilities pa din.. baka manalo ako sa lotto e.. LOL

marose17

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #66 on: June 06, 2012, 08:55:28 am »
^ Izabelle, case to case basis talaga.  I'm an only child but I have never felt lonely.  It helped that some of my cousins grew up in our house and I make friends easily.  I have a best friend whom I've known since we were in first grade, at only child din siya. :)  Yung isa namang best friend ko, since second year high school pa kaming magkaibigan.  I studied in an all-girls' school from grade 1 to high school. 

Actually, I have a couple of friends na only children din and same kami ng ugali, super friendly, masayahin and hindi brooding.  Depende sa character ng bata iyan.

ohcmon

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #67 on: June 07, 2012, 09:27:59 pm »
I'm an only child and I've never felt lonely naman. Nasanay na lang akong mag-isa, I guess. And it helps that my parents aren't that strict (although very protective of me) so feel ko magkakabarkada lang kaming tatlo. :) Mabilis din ako nag-mature kasi puro adults kasama ko sa bahay, ako lang bata.

Dilemma ko lang now is pag nag-asawa ako tapos malayo sa parents ko, kawawa naman sila. Walang kasama sa house. Hehe. Saka mahirap din 'pag Christmas, anniversaries, birthdays ganyan wala akong katulong na mag-isip ng gifts/surprise/whatever, solo ko lahat. Naisip ko din if both of them sabay namatay (wag naman sana) pano kaya gagawin ko sa buhay ko, mag-isa ko na lang. :D

But to be honest, I'm planning on having just one child as well. I want my kid to experience the same childhood I've had.

oceana

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #68 on: June 08, 2012, 04:27:15 pm »
i am an only child and yes mahirap pag dumating na ang panahon na magkakasakit na ang parents mo,kahit gusto ko ng mag abroad hindi ko maatim na maiwanan ang tatay ko na sakitin na sa ngayon.  Imagine na nasa ospital ang tatay mo at ang nanay mo na matanda ay nagbabantay sa kanya. OO nasa akin lahat magiging akin lahat ng ari arian pero sa hirap sosolohin ko din. Naging masaya naman ang childhood ko kasi madami naman akong pinsan at nakatira kami sa isang compound. Hindi ako nakikipag agawan pag may kainan kasi siyempre sa bahay busog busog ako sa pagkain nung bata pa ako, shy din ako at self centered. Nag improve lang ngayon tumanda na ako.  Im free naman nasa probinsiya sila nasa Manila ako kaya lang mas masaya pag may kapatid sana para mas malaya pang makapunta sa ibat ibang lugar:)  Kapag ako magkakaanak I hope bibigyan ako ni Lord ng 4-5 children hahaha

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #69 on: June 08, 2012, 10:47:09 pm »
i'm also an only child pero masaya naman ako. never ko talagang ginustong magkaron ng kapatid. naalala ko pa before mga 11 yata ako nun parang nadelay ang period ng mom ko akala nya buntis siya sobrang lungkot ko as in iyak ako ng iyak nung nagpacheck mom ko sa ob at negative naman daw para akong nanalo sa lotto. haha

happyb2b.2014

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #70 on: June 08, 2012, 10:53:55 pm »
only child din ako.

when i was a kid, enjoy ako kasi nasa akin lahat ng attention. pero nung mga teens na, hinahanap hanap ko din yung may kapatid para may masabihan ako ng secrets. the good thing is i grew up na close kami ng mga cousins ko. they alway treated me as their kapatid so less lungkot.

now ang worry ko is kapag tumanda na sila at nagkapamilya na ako. di maiiwasan na mahati ang attensyon at time ko. iniisip ko din na kunwari magkasakit sila or what shempre ako ang lang ang maaasahan nila. kaya nga as much as possible iniisip ko na mag-ipon para pagtanda nila eh kung ano man ang mangyari eh handa kami.

gusto ko naman sa future family ko is 1-2 kids lang lalo na with the cost of living nowadays. i want to provide them with a good future.

princesskiss

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #71 on: June 09, 2012, 12:12:48 am »
ii dont think that being an only child is equivalent to loneliness :) anyone can be sad because of anything and everything at all! maraming situations sa buhay natin ang malungkot kahit marami pa tayong mga kapatid, kahit nagiisa lang. marami din akong kilala na marami sila pero hindi naguusap, kanya-kanya. meron na mang solong anak pero masaya kahit nagiisa.

Find your happiness! Nasa isip lang yan :) Count your blessings. Di ka man nabiyayaan ng kapatid, pwede ka pa ring umastang kapatid sa  ibang tao, sa mga kaibigan mo, kamag-anak, sa isang stranger. di  kailangang magkadugo kayo para maisip mo na may kapatid ka. Nasa puso mo yan. If you know how to love other people then  they will love you in return. Remember, si Jesus solong anak din :)


i super agree with this!!! i'm an only child din.. raised singlehandedly by my mom.. sobrang okay naman.. i never felt alone and lonely.. one of the reasons din is we have very close family ties.. lahat ata ng occasion nagkikita.kita buong clan namen.. super close kami magpipinsan and we treat each other as sibs talaga.. i've got close friends din.. i think the reason for that is because only child na nga ako, i.dedeprive ko pa ba sarili ko sa pagkakaroon ng madaming tao sa paligid ko.. happiness is really a choice.. sobrang daming masayang events sa buhay ko, i dont dwell on sad things..

piatos

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #72 on: July 31, 2012, 01:52:19 am »
Ako gusto ko only child.  Ok din naman kung may kapatid ko basta achiever din ako kaso hindi ganun kaya i feel isolated.

ayami

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #73 on: August 01, 2012, 04:53:31 pm »
nakakaloka din maging only child dahil sa parental guidance haha. nung HS ako, di ako makapunta sa mga lugar beyond Pasig going south, palagi ako may sundo. wala akong alam, hindi ako street smart. pero maliban don, ayos maging only child kasi sa iyo lahat. atensyon, regalo, ari-arian ng magulang pag namatay na... wala lang. wala ring makakaagaw nun sakin kasi ako lang ang legit child :)

izabelle

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #74 on: August 11, 2012, 04:04:09 pm »
i think kahit naman 2 or 3 anak or higit pa kapag sadyang mahigpit ang parents eh mahigpit talaga. kami ng sis ko 2 lang, sobrang higpit ng mom and dad ko.. and nung nagka anak ako dun ko naintindihan kung bakit pala sila ganon. :)

EmvTaMi

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #75 on: September 19, 2012, 10:10:10 am »
Only child din po ako. Masaya naman ang childhood kasi I grew up with my cousins, dito sila iniwan nung single mom nila nung nag abroad sya. So nafeel ko na may kapatid ako, kasi my mom treats them like her own children din naman. Hindi din ako spoiled. Nasanay kasi ako na kung ano meron ako, meron din sila. Nalungkot na lang ako nung nag decide yung mom nila na pagawaan na sila ng sariling house. They had to leave. College na sila nun. Pero hindi din naman ako masyado naapektuhan kasi nag-dodorm na ko that time, mom and dad ko na nga lang naiiwan sa bahay.

Hanggang sa nakapag-asawa na ko and may baby na. Since only child ako dito muna kami samin nakatira. Pero syempre hubby and I were planning of having our own house din naman. Pero sa tingin ko ayaw ng parents ko na bumukod kami.  :( though naiintindihan ko sila kasi nga pano naman sila pagtanda, wala na silang makakasama kung aalis pa kami dito. But sa side namin mag-asawa, nahihiya naman kami na dito tumira at hindi makapagpundar ng sarili naming bahay.

missreese

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #76 on: September 19, 2012, 11:56:10 am »
i'm also an only child pero masaya naman ako. never ko talagang ginustong magkaron ng kapatid. naalala ko pa before mga 11 yata ako nun parang nadelay ang period ng mom ko akala nya buntis siya sobrang lungkot ko as in iyak ako ng iyak nung nagpacheck mom ko sa ob at negative naman daw para akong nanalo sa lotto. haha

pero ngayon sis.. may baby ka na? ilan na kids mo? if isa lang.. balak mo rin hanggang isa lang?

quinone

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #77 on: October 25, 2012, 05:06:17 pm »
(bakit feeling ko AA meeting ito? :D haha)

i'm an only child, no half siblings either.
my parents were separated. now they are both deceased.
buti na lang i have my boyfriend then, now husband, with me that time.

parang ito yung greatest fears nung iba dito e....na maiwan magisa.
draining siya emotionally for me, kasi on both cases nagbantay ako sa ospital ng 1 week
tapos i watch them die, tapos mag aasikaso ka pa ng paperwork like
SSS, Pag-ibig, the morgue/burial/cremation, transfer of bank accounts,
the disposing off of their personal items, etc.

going back to being an only child, ang naging issue ko dati is helicopter parent ang mother and grandparents ko. i was never allowed out of the house with friends, kahit may work na ako!!! laging hatid-sundo ng driver pati sa trabaho. kaya yung asawa ko tinuruan ako pumara ng jeep/taxi :)) to be honest with you...i think i never can quite forgive my mother & grandparents for this.

sa mga parents dito ng only child, kapag vacation sa school siguro healthy na i-enroll sila sa summers schools, like soccer or swimming, para di mag-isa lang sa house at ma-develop yung social skills chaka purchase a funeral&burial plan for yourselves, i-and/or ninyo yung mga bank accounts ninyo with your child para kahit bigla kayong mag-pass away wala nang paperwork.

kung onlychild ang anak ninyo, isipin ninyo kung pinalalaki ninyo ba siyang independent at marunong gumawa ng good choices on his/her own.

devilish_einjel

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #78 on: October 28, 2012, 08:00:41 am »
count me in. only child din ako at no chance na magkapatid.. medyo matanda na din mom ko e.. ayun malungkot nga, lalo na kapag may pupuntahan kami, tapos wala akong kakilala, nasa isip ko kung may kapatid lang ako di ako ma o.p dun.. tapos syempre iniisip ko ano kaya feeling ng may kashare ka sa problema, may masabihan ka ng secrets mo.. nakakaingit din minsan

saka pag only child ka andun din yung pressure.. syempre sa isip ko dapat lagi kong galingan para maging proud yunb parents ko, wala naman ibang magbubugay nun kundi ako lang

when it comes naman sa pagiging strict, basta magpapaalam ako ng maayos papayagan naman nila ako.. strict sila dati sa pag boyfriend, nung nalaman nila na sinuway ko sila.. syempre nagalit, pero later on naintindihan din nila.. alam naman nila na responsible ako at hindi gagawa ng kung ano... naalala ko before mom ko, pag andito yung bf ko nagkukulong sa kwarto yun, haha.. pero naging close din sila eventually

tapos kapag only child ka, mag assume na yung mga tao na spoiled ka..

france0220325143

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #79 on: October 31, 2012, 07:20:24 pm »
only child din ako but i was never malungkot naman being one. i mean, i grew up being the only kid at home so sanay na sanay ako to entertain myself. i can live alone in a house for forever without being sad or bored coz i'm used to it. nasa tao lang din siguro.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close