watch now

Author Topic: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot  (Read 34968 times)

gorgeouschef

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #20 on: October 14, 2009, 08:31:25 pm »
As an only child, para di malungkot kung [textspeak!]-anong org ang sinasalihan ko..  ;) kasi di ako tatagal ng walang kausap.. Kelangan may makakwentuhan ako.. Since my father used to stay outdoors, si mama ko din minsan lang magkausap kasi pag gising siya tulog naman ako.. Pero iba pa rin pag may siblings ka.. bakit kaya di ako binigyan ni Lord  :(.

apreal

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #21 on: October 15, 2009, 06:40:58 am »
He has His own purpose Sis... :)

Katuwa ka Sis you remind me of my teenage life...pag nasa house na and wala ng makausap I used to cry..

Cheer up Sis!!! dami kang pwede paglibangan and magawa.

charmed_chic

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #22 on: October 15, 2009, 08:55:58 pm »
i'm an only child too! noong bata pa 'ko super nalulungkot ako nun..kase talagang naghahanap ako ng brother and sister.. but since i'm so close with one of my cousins parang may sister na rin ako.. malungkot din in a sense na pag may okasyon, parang ang konti kase syempre tatlo lang kme..

but then now that i've grown up, ok din pala na ka-bonding ko silang dalawa.. mas masaya kami na minsan tatlo lang kaming nanonood ng tv, na nag-aasaran kami minsan kawawa pa yung isa kasi napagtutulungan.. :)

ang iniisip ko lang din, paano sa future... syempre pag matanda na sila at mag-aasawa na ko, maiiwan ko sila.. syempre paano ko sila mababantayan.. iniisip ko din, since wala akong kapatid, 'pag nawala sila, i'm all by myself talaga..super independent.. pero nevertheless, oks pa rin naman maging only child... :)

aoshi_01

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #23 on: October 16, 2009, 08:50:04 pm »
Sis oo mahirap and malungkot pag only child. But you have to adjust to whatever situation life throws at you.

I'm also an only child. Growing up, I didn't really have a lot of friends (although I kept a tight-knit group of gal pals). At home naman I consider our dogs as my siblings. he he. No more possibility of having siblings because operada pareho ang mommy at daddy.

Pero my parents didn't raise me as a spoiled brat. Hindi ako sinanay na lahat ng gusto, masusunod. And if I want something I have to work hard for it (having good grades, etc). They also raised me to be independent and to have a strong personality. I am thankful for that because I've been handling my own business (an internet shop for 3 years now), and sa dami ng personalities that I encounter every day...madali ako nakapag-adjust.

bmitch

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #24 on: October 20, 2009, 04:46:40 pm »
I have to take note of this kasi si Belle humihingi na rin ng kapatid

gorgeouschef

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #25 on: October 22, 2009, 04:46:25 am »
I have to take note of this kasi si Belle humihingi na rin ng kapatid

Kung financially stable ka sis and you are ready to conceive again, Why not... Sila sila din magdadamayan sa huli.. Gustong gusto ko talaga magkaroon ng kapatid pero may purpose nga si Lord bakit ako lang ang binigay sa parents ko..

Amphitrite

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #26 on: November 13, 2009, 02:42:59 am »
Napaisip tuloy ako kasi anak namin humuhingi na ng kasunod. Kaso kung hindi naman namin kaya suportahan financially, parang hindi rin ok ipilit sundan diba?

5 kami magkakapatid pero lahat kami magkaka-away so parang mag-isa rin ako. I grew up having a hard time to trust anyone with my feelings dahil na rin sa mga kapatid ko na lagi ako nasasaktan.

nadialicious16

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #27 on: November 20, 2009, 09:00:56 am »
my hubby is an only child.sabi nya mahirap at malungkot talaga.in times na may problem sya before,wala sya matakbuhan or makwentuhan aside from his parents.kaya nga nung maging mag asawa kami,ako din nahirapan kasi dami kong pinagdaanan sa nanay nya.lol :D

gorgeouschef

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #28 on: November 20, 2009, 09:23:24 am »
Napaisip tuloy ako kasi anak namin humuhingi na ng kasunod. Kaso kung hindi naman namin kaya suportahan financially, parang hindi rin ok ipilit sundan diba?

5 kami magkakapatid pero lahat kami magkaka-away so parang mag-isa rin ako. I grew up having a hard time to trust anyone with my feelings dahil na rin sa mga kapatid ko na lagi ako nasasaktan.

ganun sis? talagang may sibling rivalry ha..

reddog_lover

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #29 on: January 05, 2010, 10:01:23 am »
hay, yan din ang iniisip ko.parang ayoko na kasi sundan ang 7yo son ko.well,hindi naman siya humuhingi ng kapatid actually ayaw nya nga pag tinatanong ko sya ayaw daw nya kasi magkakaron daw sya ng kahati sa mga toys nya.pero yung asawa ko gusto pa daw nya kahit isa pa ako naman iniisip kong maige dahil mejo mahirap ang buhay ngayon marami pa nga din kaming mga plano na di pa namin natutupad.tsaka parang ntrauma na ko mag alaga ng bata parang feeling ko babalik nanaman ako sa simula ngayon pa nga lang medyo nagiging independent yung anak ko nakakapagod naman kasi talaga magpalaki ng bata diba.25 pa lang naman ako means may mga ilang years pa ko para mag isip.. :)

lilstar

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #30 on: January 06, 2010, 01:57:17 am »
^ same tayo sis. Gusto ko pa sana ng isa kaso natrauma ako sa panganganak e. Mukha naman masaya pag may kapatid ang anak namin. mag fo-4 pa lang naman sya. paplanuhin na muna namin kung kaya na financially  ready na kami, and physically ready na ba ako.

Amphitrite

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #31 on: January 06, 2010, 04:03:45 am »
ganun sis? talagang may sibling rivalry ha..

Super, emotional & physical na away ang nangyayari. Kaya nga I can attest na hindi porke may kapatid ay mas masaya. Depende rin yan kung paano papalakihin ng magulang ang anak nya. I have a friend na only child and she love it.

honey_iya

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #32 on: January 06, 2010, 03:27:24 pm »
^I agree! Same tayo sis :)

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #33 on: January 17, 2010, 01:59:23 am »
i have half sibs sa dad ko... pero we rarely see each other...

malungkot maging only child, especially during these times na may malay ka na sa mga nangyayari sa paligid, parang there are times na i long for someone i can fully trust like a sister or a brother na pwede ko ma-share-an ng mga nangyayari sa buhay ko, though im super close to my mom, shempre hindi naman lahat kaya ko ishare sa kanya.. :(
 
i wouldnt mind if magkaron ako ng kaagaw sa attention actually, kaya if given a chance, gusto ko sana na meron akong kapatid na kasama sa bahay, kabonding..

sweetypaula

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #34 on: February 03, 2010, 08:35:22 pm »
Totoong sobrang lungkot pag only child lalo na ako sa lola ako lumaki ndi sa mommy at daddy ko kasi naghiwalay sila. So kaming dalawa lang magkasama dati. Naaalala ko umiiyak ako at nagdadasal na sana magkaroon ako ng kuya which is impossible nga kaya natatawa na lang ako ngayon pag naaalala ko. Pero bumawi ako dahil nung nag-asawa ako naghanap ako ng parang kuya ko. hehe
Ngayon may only son kami at mukhang wala na balak sundan si hubby. Sabi ko sa kanya wag kasi naranasan ko yun kaso hindi sya makarelate kasi 5 silang magkakapatid. Hindi niya alam dinanas ko. hay...

marose17

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #35 on: February 06, 2010, 11:25:32 pm »
I'm an only child and I don't really feel the loneliness usually felt by only children.

I never felt the longing for a sibling that comes with being an only child.

When I was growing up, my cousins stayed at our house so I had playmates.

I have many friends and some of those who are really close to me, I consider as sisters.

Perhaps, it's because I'm the outgoing type and go around in many circles. Making friends is also easy for me since I am genuinely interested in people.  I'm blessed that way.  I also have many interests.

Tigershark09

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #36 on: February 07, 2010, 01:25:53 pm »
im not an only child pero pareho kami ng experience ni serendipity. sobrang strict ng parents ko at sobrang pressure din to be perfect sa school. hindi nga ako nagka-boyfriend til i reached 24. bantay sarado ako and i felt din that didn't trust me completely. kaya yang mga ganyan hindi lang nangyayari sa only child. depende talaga din sa attitude at mentality ng magulang.

but its true that it can be scary to think that when your parents die, you'll be left on your own. paano na di ba? but i believe naman that we all have our own support system. pag nawala sila, meron pa din tayong makakaramay sa buhay. malungkot pero you'll never be alone. neve ever. dapat lang talaga positive ang tingin mo sa buhay.

right now, i only have one daughter. takot din ako sundan siya dahil nahirapan ako sa pagbubuntis. but in God's grace, im hoping na magkaroon din siya ng kapatid. this thread made me think twice. salamat sa mga posts ninyo.


_ariadne_

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #37 on: February 09, 2010, 08:02:46 pm »
Decision ng parents ko na magkaroon ng isang anak lang. Hindi ako nalungkot or nag request ng kapatid sa parents ko.

I want to share my teenage experience.

Kapag date, hinahatid ako ng dad ko sa meeting place namin ng ka-date ko. Tapos kinakausap niya sandali yung lalaki, tapos aalis na siya. Sa mall lang naman madalas date, kaya nag-stay din siya sa same mall hangang matapos ang date. Di ba nung high school, naglalakad lakad sa mall kapag may date? Tapos ang liit lang ng rockwell, madalas kami tuloy nagkakasalubong ng dad ko. Shempre binabati naman namin father ko.

Kapag clubbing/inuman, hinahatid din niya ko sa place. Tapos hihintayin ako sa kotse. Matutulog siya sa kotse buong gabi. Hindi naman pumapasok dad ko sa restaurant/club. Well, minsan pumapasok siya kasi kakain pero hindi yung binabantayan ako na laging nakatingin. Hindi siya na-ki-ki-join sa group. Di ba inaabot ng umaga ang clubbing? Kaya after club, mag bbreakfast kami sa McDonald's bago umuwi.

E di nakikita ako ng father mo na lasing? Yes. Nakikita nya ako na inaakay ng friend papaunta sa kotse. OK lang sa kanya na malasing ako. Basta wag lang daw ako susuka sa car niya. Anyway, hindi naman ako nag ta-take advantage. Hindi lahat ng gimik lasing ako.

Ang weird ng set up namin, but I am OK with it. Hindi ko naramdaman na nasasakal ako at wala akong freedom.

tamarind26

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #38 on: February 09, 2010, 08:09:09 pm »
I never felt the loneliness of being an only child until my father passed away.

deesosexcy

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #39 on: February 10, 2010, 12:47:08 pm »
ako only child kasi adopted ako..

uhmm lumaki ako ng ako lang..at yaya..

pihikan sa pagkain, kulong lagi sa bahay..sunod sunoran sa mudra until nag highschool...ayun nag kasungay na..

tumino ng magka-pamilya.. hindi naman ako naghanap ng kapatid when i was little..parang nasanay din ako..

kaso as an adopted child,medyo kaiba pa din feeling pag may family gathering ..close ako pero andun pa din yun gap na ewan..kakaiba sa feeling..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close