watch now

Author Topic: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot  (Read 34909 times)

gorgeouschef

  • Guest
Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« on: October 03, 2009, 02:23:04 am »
I am the only child of my parents, Sad to say, super lungkot. and at the same time natatakot ako kasi in the future, naiisip ko wala ko magiging karamay, someone to lean on pag may problema and medjo hindi masaya pag may special events kasi tatlo lang kame. Buti may ampon kame na nephew ko, anak ng cousin ko para umingay kahit papano..

lilstar

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #1 on: October 03, 2009, 02:37:41 am »
^ ganun ba feeling nun sis? I have a son and wala na ako balak sundan kasi trauma ako manganak.. pero nakakalungkot naman pala maging only child..

gorgeouschef

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #2 on: October 03, 2009, 04:25:58 am »
yes sis. Malungkot.. Sa tuwing naiisip ko, panu kung matanda na parents ko, sino makakaramay ko pag kelangan ko ng tulong, Wala ako kasama pag bonding moments, puro friends lang talaga iba pa rin kasi pag kapatid mo.. Naiinggit talaga ako sa mga kakilala ko na nagkkwento about their brothers ako wala ma-ishare na bonding moments. There are times I feel so alone..

blooming

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #3 on: October 03, 2009, 08:47:45 am »
I think it depends din siguro. Sa Pinas kasi, sanay tayo laging may karamay at laging may kasama.  pupunta lang ng CR, kelangan din may kasama.

sa ibang bansa hindi naman ganun and they are perfectly fine. happiness is something within you, and not dependent on others. may mga nakita din ako magkakapatid, marami sila, pero nag aaway away, so parang wala din.

ms.rain

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #4 on: October 03, 2009, 03:37:30 pm »
sis, only child rin ako pero hindi ko nafeel na malungkot. maybe because close rin ako sa mga cousins ko and i have several friends na parang sisters/brothers na rin to me. though syempre, naisip ko rin before kung ano ang feeling ng may kapatid talaga.
 
nafeel ko lang na mahirap nung nagkasakit dad ko and naconfine sya thrice sa hospital in a span of 6 months. mom has to take care of work, kaya ako ang nagbantay sa papa ko sa hospital. mahirap kasi wala akong kasalitan magbantay and kelangan ko talaga magleave sa work ng matagal.

as for your concern na natatakot ka sa future, na wala ka ng karamay etc... i think naman by that time kasal ka na and you would have your own family na pagkakaabalahan, so wag mo na masyadong isipin yun. :D

simplemind

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #5 on: October 04, 2009, 12:26:56 am »
I'm the only child rin but im not that lonely naman, kasi i have a lot of cousin to be with, pero ang down side is iba pa rin talaga kung may kapatid sana na you can lean on in time of trouble, mahirap pala talaga na mag isa lang sa'yo lahat naka focus walang kalaban :D

Now naman baby ko rin is the only child, i know the feeling of being alone pero wala na talaga kasunod e, at wala na rin balak si hubby sundan kasi nakita niya paano ako mahirapan magbuntis twice  :(


Wish ko talaga kahit 3 man lang sana


prish

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #6 on: October 05, 2009, 12:06:30 am »
i am an only child and i'm quite happy being one.. i could say na mas magaan and peaceful ang life compared to those with siblings. i grew up very independent. if i were given a choice, gusto ko padin maging only child. :)

sweety_paige

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #7 on: October 05, 2009, 12:12:32 am »
Sabi nga ng kilala kong only child, malungkot nga daw.  Parang naranasan ko na din maging only child, kasi si hubby super busy sa paglalaro lagi din niya akong iniiwan, so lagi akong mag-isa, kaya sa ganun situation palang naiisip ko na mahirap pala talaga. 

Friends nalang Sis or kaya cousins para hindi ka naman masyadong malungkot.

akthung

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #8 on: October 05, 2009, 01:22:19 pm »
yes malungkot nga, pero may point din yung isang sis natin, like the family of my dad, sa sobrang away away eh parang only child sya. hindi na kami nakikirelate sa mga tito't tita. last time nakirelate kami, pulitika! damay damay kami. walang awa, pati pamangkin, ginawan ng issue.

opposite naman yung sa mother side ko. sa sobrang close knit nilang magkakapatid, parang walang pamilya ang nanay ko (kami). nakakalimutan na kami. may mangyari lang sa tito ko, paiyak iyak, araw gabi. nauuto din ng kapatid, kaya nahihirapan kami, pati tatay ko asar na. kung hindi lang mabait tatay ko at may prinsipyo, (very spiritual too) ay iniwanan na niya siya.
« Last Edit: October 05, 2009, 01:26:40 pm by akthung »

serendipity02

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #9 on: October 05, 2009, 02:29:29 pm »
Hinde lang mahirap at malungkot..
pressured at perfect ang tinging ng buong mundo saken,bawal magkamali dahil wala ng kapatid na sasalo at babawi para sa kamalian ko.
never din ako nag-grow sa mata ng parents ko, baby paren ang treatment nila saken.
YES im a certified unija hija.

I have a boyfriend for 7years yet hinde ko sya madala  sa bahay namin to the fact na hinde sya tanggap ng mama ko, pinaglaban ko, and i asked my MOM once,
"ayaw nyo ba kay BF dahil kapitbahaya natin sya, or ayaw nyo lang talaga ako magka-BF"
hinde sya sumagot ng diretso.
take note that my BF has a stable job already.
as far as i can remember i tried to invite him sa 50th bday ng mama ko, but then what happened was nagalit sya sabi ng mama ko, kameng dalawa daw ng BF ko ang papatay sa kanya. my mom claims she will have nervous breakdown and my dad has highblood.
But next year talagang ipaglalaban na namin, im 24yrs old and he is 26. i think its enough. 


minsan umattend kame sa burial ng mother ng family friend namin, nung ililibing na [textspeak!] mommy nila, lahat ng magkakapatid nasa tapat ng casket. Naisip ko lang(knock on wood) what if ako? ako lang mag-isa ang nasa casket na umiiyak at walang kadamay.

Saklap noh!

IT was never so easy to be an only child,hinde ko toh gusto but i have to bear with it for the rest of my life..

akthung

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #10 on: October 05, 2009, 06:42:38 pm »
ganun naman talaga ang magulang eh. eh pag tumagal tagal pa baka matanggap na siya

prish

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #11 on: October 05, 2009, 08:19:24 pm »
^^grabe naman parents mo sis.

luckily for me, hindi strict mama ko. they think because im an only child, very strict pero opposite yung mama ko. she wants me to enjoy life. tapos nung high school pa ako she already told me she wants me to get married early para assured na sya na may kasama na ako aside from her. toink

serendipity02

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #12 on: October 06, 2009, 03:52:35 pm »
I cant blame them, but still im so happy being an only child,still able to manage.
They just dont want me to be like some of my cousins na nagmadali mag-asawa or nabuntis.
I appreciate their concern.  Im so happy na hinde ako pinalaking spoiled, kasi ang notion pag only child spoiled in my case hinde talaga.
as far as i can remember i really wanted a bike before, [textspeak!] may palawit sa magkabilang gilid, i even cried on the bike shop, but my dad is very firm na he wont buy me that bike instead he bought me a walking doll and a lego blocks.

Later ive found out na may bata pa lang naaksidente within our village because of bike kaya hinde nya ko binili. he was so afraid na masemplang ako.

Im so happy where im at now..
stable and happy!

chinkywinky

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #13 on: October 07, 2009, 01:05:14 pm »
Kahit hindi ko pa nabasa tong post mo sis, I've also decided na ayoko lang ng isa o dalawang anak. Nakita ko rin kasi yung pros and cons. Maaawa yata ako sa anak ko kung nag-iisa lang siya or 2 lang sila.

Mahirap talaga, like si hubby ko, 2 lang sila magkapatid. Hindi pa sila sobrang close. Nung magkasakit mom nya, ang hirap ng bantay sa ospital, tatakbo for errands. Pareho pa sila nagwowork ng bro nya so sobrang hirap kung pano nila mabibigyan ng oras yung mom nila. Hindi rin sila pwedeng magtagal na absent, baka mawalan sila ng work. Like yung hubby ko, breadwinner siya sa kanila so kelangan nya yung job nya.

Pero sis, nasa sayo rin syempre yan on how you will make your life. Kahit mag-isa ka lang, find ways para maging masaya ka and meaningful ang life.

honey_iya

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #14 on: October 09, 2009, 10:28:54 am »
depende din siguro, kami 7 pero di magkakasundo...kaya all my life parang only child lang din ako :P

chinkywinky

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #15 on: October 09, 2009, 05:57:10 pm »
^sis kami rin dati parang aso't-pusa ng mga kapatid ko. Marami kami. Pero nung mag mature na, sobrang bonding namin. As in pag may problem yung isa, nakaalalay kaming lahat. At narealize ko na masarap din pala ang maraming kapatid  :)

excessive baggage

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #16 on: October 10, 2009, 08:17:23 am »
Happy to be an only child kasi...
Ikaw ang priority ng parents mo, lahat ng kelangan mo ibibigay, you'll feel very loved, and the best of everything pwede ibigay sayo since wala ng ibang pagbibigyan  ;D

Sad to be an only child kasi...
In times of unfortunate events in the family, ikaw mag shoulder ng lahat ng stress and anxiety, hindi naiispread like pag may mga kapatid.  :-[

Fortunately for me, I grew up with my titas and tito and cousins kaya parang may kapatid na din ako and big family. And best of it all, wala akong major stress and anxiety while growing up kasi I have these relatives to depend on.

Pero kung kami lang talaga ng biological family ko I think super lonely and every little issue will magnify.

 ;)

serendipity02

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #17 on: October 12, 2009, 12:00:17 pm »
Same weight lang ng pros and cons ang being only child  and ng my kapatid.

God has plans for us and its for us to live with it!

Sparkling

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #18 on: October 13, 2009, 05:22:59 am »
Some problems will never leave till you push them out. Come on, do some pushing!

apreal

  • Guest
Re: Being an Only Child.. Mahirap and Malungkot
« Reply #19 on: October 13, 2009, 08:22:49 am »
only child lang din ako,si Hubby parang ganun na din kasi may Sis man sya di naman na sila ngkikita matagal na.Kaya nga pareho kami gusto namin maraming anak.

Naalala ko nung bata pako bihira kami magkita ng mga cousin ko every weekend or pag may occasion lang. nalulungkot ako during weekdays after school kasi wala na akong kalaro nakakaumay kahit marami kang toys mag isa ka naman,ginagawa ko lalabas ako ng house yayayain ko yung mga bata tapos ililibre ko sila para lang may kalaro ako.

Nung ng HS nako syempre nawala na yung lungkot ko kasi andyan na yung class/school mate barkada,kami din magpipinsan magbabarkada,tapos nakikita ko sila na nagrereklamo about sa mga siblings nila,yung bestfriend ko nga sabi sakin pasalamat ka wala kang kapatid...pano sila ng ate nya lagi nag bubugbugan.

Parents ko naman never naging mahigpit sakin kahit only child lang ako pero di yun naging reason para maging sobrang pasaway ako. Maaga lang ako nag asawa,after college,kasi nga gusto ko magka pamilya na agad,di naman tumutol parents ko kasi gusto na din nilang mag ka apo,and ngayon nga mag 2 na anak ko and hoping for more....

 

Latest Stories

Load More Stories
Close