Mahirap nga ibalik ang tiwala sa isa't isa. Nkakalungkot lang, may mga tao talagang sadyang nagpapasakop sa bulong ng demonyo, kaya nagagawa nila mambabae or manlalake. Hindi ako magmamalinis. Hindi ako santo o taong hindi makasalanan., Once in my life, nagawa ko lokohin hubby ko, dahil sa pain na nagawa niya sakin.
Ngayong may mga matinding pagsubok na dumadaan sa aming pagiging mag asawa ulet, hindi ko na alam, paano pa magtiwala sa knya, kahit sabihin niya pang, nagbabago na siya.
Nasa kulungan siya ngayon, dahil hindi siya nakinig sakin, and inenjoy niya ang pagiging buhay binata niya, nung naghiwalay kami, way back 2009.
Ako din naman, naramdaman kong masaya ako, dahil nagagwa ko lahat ng gusto ko, lalo na, nakakapunta ako sa mga lugar na hindi ko mapuntahan nung nagsasama kami.
Pero, bakit ngayon, na nakakulong na nga siya, nagagawa niya pang magsinungaling sakin. Kung hindi ko pa sstressin sarili ko sa paghuli sa kanya sa loob ng kulungan, kung yung mga babae niya ay dumadalaw dun, hindi ko pa maririnig sa knya, na pagod na siya magsinungaling, at gusto na ayusin ang pamilya namin.
Maraming tukso sa paligid ko. May nakikipagkilala sakin, inspite of the fact, na alam nila na may 2 anak na ko at may asawa ngang pulis. Hay buhay nga naman. Sadyang may mga lalaki talaga na hindi makontento sa mga asawa nila at gf,. Ang sakin na lang, nakatulong ang pagbasa ko sa ibang comments ng mga tao dito., Dahil kahit papaano, alam ko ang gagawin sa mga circumstances na dumadating sda buhay ko.
Kaya ngayon, si God lang talaga ang kapitan ko. Sa knya lang ako huminge ng tulong na maging maayos ang lahat., Kaya sana nga, maging possible and impossible, na makalabas na asawa ko sa kulungan. At maging maayos na kaming pamilya.