Author Topic: on wife who cheat...  (Read 237541 times)

bravo86

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #320 on: March 16, 2011, 03:05:06 am »
TRUE STORY... i welcome the reaction of wives here na minsan ay naligaw ng landas at nagsisi nang lubusan.

Once upon a time, in a far, far away Kingdom of Binay... este, Makati, :-[  there lived a perfect family. hubby and wifey are both good-looking and in their early 30s. hubby is a junior exec in a multinational company, wifey was a domestic flight attendant and moonlights as a print ad model yet opted to become a full time mommy to take care of their adorable kids. eldest daughter was 10 and the youngest, a son, was 7.     

bagama't kasing POGI ko si hubby at habulin ng chix, kailanman, di nya nagawang mag cheat kay wifey. he's a good provider, no vices, athletic, multi-talented.

i just don't know the details and what was on her mind that time, pero, basta isang na lang, iniwan nya si hubby and their two kids at sumama sa isang binatang executive ng company (whose product she used to endorse). dey lep da Pilipins and lib abrod sins exec was asaynd en der mader campani.

there was no explanation why wifey left nang ganun-ganun na lang. no letters, no clues, no close friends knew of her plans, not even a member of her family (in the province) knew about her whereabouts. basta na lang she simply abandoned her kids and hubby. (ayaw ko nang i-narrate, just imagine how devastated hubby and the kids were after they found out that mommy is gone).

it was the flower month of May when she left with her lover. after 8 months, she came back alone. she appeared in their doorsteps crying  her heart out. she hugged her kids for minutes, and only Buddha knows how many times she uttered the word "sorry". she then knelt in front of her hubby crying, asking for forgiveness.
(it was her first Christmas without her kids and hubby, blah, blah, blah...)

CUT!!! ...a good man that he is, hubby forgave wifey. wala nang ceremonyas. walang sumbatan. no conditions whatsoever. kids went on with their studies... and they lived happily for the next 7 years.  :D

the couple, now in their late 30s, the kids are now young adults. ate just passed the UPCAT, bunso is a sophomore, and hubby is now an EVP. wifey continued being a full time mommy, keeping herself busy with house chores, garden, pets, kids' stuff. never entertained her kumadres outside of their abode. never went out shopping/groceries without hubby/kids. 

and then lightning struck! BOOM! nagkalindol ng otso-otso, nayanig ang mundo ni wifey. nagka-tsunami sa dami ng iniluha.

when she found out... confirmed! hubby has a mistress.
naka-garahe na. ooops!... naka-condo pala :) ...sa kanto ng Ayala at Buendia. 19th floor.;D
barely 3 months as of presstime... este, post time. :)
mistress is barely twenTEENone. fresh graduate.
graduated with honors in one of the universities/colleges along Taft Ave/LRT 1... nasa bandang kanan pag papunta ng Monumento. ;D
was on OJT in hubby's company (when they first met) and was directly hired by the company after she graduated (kasi malakas recommendation ni sir hubby).

kids are clueless, as daddy still goes home every night. sweet pa rin kay mommy. tuloy pa rin ang weekends with family. parang walang nangyari. di halata kasi di amoy sabon ng motmot pag umuwi. ;D
yon nga lang, palaging overtime na at maraming emergency calls. :)

NOW!... here's the problem.

wifey don't know what to do.
should she confront her hubby?... huh?! :o ???
paano?
does she have the moral ascendancy to do so?

kayo mga sissies, if you are in the shoes of wifey, ano gagawin nyo?


(wag nyo na akong tanungin o i-try nyo maging nobelista by making dugtong-dugtong o hula-hula as to what really happened nung lumayas si wifey ha? ;))


 

Mr.Punch

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #321 on: March 16, 2011, 05:54:58 am »
^ bravo86, that's your best post so far.  ;D  Mas matindi pa sa Inception ang scenario.

showermist

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #322 on: March 16, 2011, 06:31:15 am »
^^waah, hirap naman ng sitwasyon ni wife. Pero kung ako sya, susumbong ko sa HR na may illicit affair ang dalawa. (hoping the company is not into this kind of relationship sa mga tauhan nila. Eeek! What if walang pakialam kumpanya?)

december

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #323 on: March 16, 2011, 09:09:37 am »
kung ako si wife siguro di ko nalang susumbatan si hubby kasi baka isumbat pa sa akin ang nagawa ko in the past. 

ang hirap naman ng sitwasyon ni wife ngayon.  kung sumbatan nya si hubby baka pagtawanan lang sya at isumbat sa kanya ang paglalandi nya noon at sa pagiging incompetent mother nya sa pag-abandon sa mga kids nya nung sumama sa sya kabit nya. 

hopelessromantic

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #324 on: March 16, 2011, 09:20:17 am »
^^hmmm,kaya lang kung iisipin mo mas malala pa nga ginawa niya e.kasi hindi lang siya basta basta nagka affair iniwan pa niya mga bagets niya.yan  ang mahirap n situation.di mo alam kung san ka lulugar.

bro naiintriga ka ako kung sino ito.google google google! ahahaha

wag_alamin

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #325 on: March 16, 2011, 09:28:32 am »
yes napakahirap ng situation nya.. lagi sinasabi sakin ni hubby na [textspeak!] ang gagawin ko pag sya ang nangaliwa.. lagi ko lang sinasabi sa kanya, na wala akong magagwa kundi tanggapin lahat.. everyday parin ang away namin.. mga masasakit na salita ang lagi nyang sinasabi sakin.. kaya lahat ng ginagawa ko feeling ko walang kwenta.. as in wala akong kwentang tao.. hindi ko na rin kilala minsan kung sino ako.. lalo na pag sobrang sakit na ng sinasabi sakin ng asawa ko. minsan sasabihin nalang nya sakin na hindi magtatagal at makakahanap na sya ng babaeng hindi sya lolokohin. iiwan daw nya ako pag nakahanap na sya.. walang araw na hindi nya ko sinusumbatan, pinariringgan, tinatanong na kapag sinagot ko ng totoo, para sa kanya nagsisinungaling parin ako..
wala ko ibang ginawa kundi magdasal nalang. na sana matapos na ang lahat..

greenpease05

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #326 on: March 16, 2011, 09:46:04 am »
Nakakaloka ang situation! Bilog talaga ang earth!

Yes gunaw ang mundo ni wifey now that she learned about the affair that hubby is having. Pero I can also imagine the feeling of her hubby when she did the same to him before.

Its only either she bites her tongue and suffer the consequences let her and the kids life continue as long as hubby is supporting all their needs. (emotional torture nga lang ito for her).

Or she goes all out talking to the hubby about the affair, fights magsumbatan o kung ano pa man but in the end need to compromise on how to do things with the kids kung sakaling mapagkasunduan nilang maghiwalay.

Kahit na saang anggulo tignan meron at merong masasaktan sa situations ito.




snowyice

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #327 on: March 16, 2011, 02:01:44 pm »
yes napakahirap ng situation nya.. lagi sinasabi sakin ni hubby na [textspeak!] ang gagawin ko pag sya ang nangaliwa.. lagi ko lang sinasabi sa kanya, na wala akong magagwa kundi tanggapin lahat.. everyday parin ang away namin.. mga masasakit na salita ang lagi nyang sinasabi sakin.. kaya lahat ng ginagawa ko feeling ko walang kwenta.. as in wala akong kwentang tao.. hindi ko na rin kilala minsan kung sino ako.. lalo na pag sobrang sakit na ng sinasabi sakin ng asawa ko. minsan sasabihin nalang nya sakin na hindi magtatagal at makakahanap na sya ng babaeng hindi sya lolokohin. iiwan daw nya ako pag nakahanap na sya.. walang araw na hindi nya ko sinusumbatan, pinariringgan, tinatanong na kapag sinagot ko ng totoo, para sa kanya nagsisinungaling parin ako..
wala ko ibang ginawa kundi magdasal nalang. na sana matapos na ang lahat..

sis sa mata ng tao at sa mata ng nagDIyos nagkamali ka at pinagsisihan mo na iyon so I don't think you deserve that kind of treatment from your husband.  You don't have to punish yourself sa ganyang paraan.  For me it's time to pack up things and leave hindi para magmalaki but para ipakita sa kanya na hindi porket nagkasala ka eh babastusin ka na niya.  If sunduin ka niya then  decide kung gusto mo pa talaga siya.

kalaiyaan

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #328 on: March 16, 2011, 02:15:48 pm »
pa subscribe.

:)

RuChe

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #329 on: March 17, 2011, 08:45:35 am »
I think kelangan ni wifey kausapin si husband. It won't be easy and siguradong away at sumabatan yun pero hindi naman pedeng ipikit na lang nya ang mata nya. At least ma-settle nila ang mga issues especially kung pano ma-protect ang mga kids. Be ready na lang for the worst. Pero sana mapagusapan pa at maayos pa.

@wag_alamin,
maybe you can try marriage help programs. Para na rin maintindihan ni hubby ang pinagdadaanan mo at eventually eh mapatawad ka na nya. You should also start forgiving yourself. Wag mong isipin na wala kang kwenta dahil hindi totoo yun.

miss resilient

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #330 on: March 17, 2011, 09:48:04 am »
^ Point, eh?  O sige na nga, tutal ikaw yung threadstarter, ano ba ang point ng thread na ito?

Ayaw mong jina-judge ang mga nangangaliwa, so ano?  Support group ba ito para sa mga babae na nangangaliwa ng mister nila?  Sharing of tips kung paano hindi mahuhuli?  Ano ba dapat ang mangyayari dito?  Magyayakapan kayo at magsasabihan na "It's okay, it's not your fault.  You are not a sinner.  I was there, I know."  (*Sabay tulo ng luha.)

I'm okay with not judging, but if you want the so-called "holier than thous" to not post in this thread, then you should have said that in the very first post.

Just to clarify, I'm not holier than thou.  Actually, I'm quite the sinner.  But I call a spade a spade, and I wish most cheaters would do the same and not hide under the lame "you never went through what I went through so don't dare judge me" argument to somehow justify their cheating.

Ang point ng thread na ito? ang magshare ng sariling kuwento. everyone is free to post in regards sa opinion nila sa sitwasyon na ito. kaya humahaba dahil nga sa iba't ibang opinyon. nagmagaling ka na naman sa mga posts mo. married ka ba at experienced para kondenahin ang mga tao dito? kung ikaw ay may kalayaan na magbigay ng opinyon gayundin kami. At kung aawayin mo lang ang mga nagpopost dito i suggest gumawa ka ng sariling thread mo na walang makikialam sayo.

nadialicious16

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #331 on: March 17, 2011, 11:08:09 am »
Ang init na ng balitaktakan dito ah.  :-X Cool lang tayo.  :) Basta ang point, masama ang mangaliwa.

miss resilient

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #332 on: March 17, 2011, 12:35:41 pm »
^cool lang naman eh, umiinit lang dahil sa mga posters na akala mo kung sinong magaling na magcomment na akala mo na alam niya ang lahat. peaceful naman ng una..you can read back if you wish to.

*CuTiE*

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #333 on: March 17, 2011, 01:14:26 pm »
bravo86, waley akong masabi sa kwento mo... ang sakit naman ng nangyari sa pamilya nila...  :'( i pity the kids... :(

if i were the wife, i would talk to my husband. will ask him if its his way of getting back at me. i wont make sumbat, will do that sa mahinahong paraan. tatanungin ko din sya kung may chance pa bang mabuo ulit ang pamilya namin na kaming lang, walang ibang nakikisawsaw. at sa buong time na magkausap kami, i will try not to cry, to show him na naiintindihan ko ang sitwasyon nya. at tanggap ko dahil ako ang unang nagkamali...  :( so sad....

edited to add:

pero hindi ko na alam ang gagawin pag ang sagot ni hubby ay "mahirap ng ibalik ang dati" or "di ko na kayang iwan si mistress"...
« Last Edit: March 17, 2011, 01:18:48 pm by *CuTiE* »

wag_alamin

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #334 on: March 18, 2011, 10:20:44 am »
@wag_alamin,
maybe you can try marriage help programs. Para na rin maintindihan ni hubby ang pinagdadaanan mo at eventually eh mapatawad ka na nya. You should also start forgiving yourself. Wag mong isipin na wala kang kwenta dahil hindi totoo yun.
[/quote]

thanks sis..

 nag born again kami ni hubby last week lang.. nag attend narin kami ng bible studies.. pero ganun parin. everyday parin akong sinusumbatan. dahil sinusumpong daw sya kaya tuwing sinusumpong sya, sinusumbatan nya ako, tinatanong na hindi naman pinaniniwalaan ang sinasagot ko sa kanya. pag sinumpong nya lahat ng galit nilalabas nya sakin. alam ko ako ang may kasalanan kaya sya ganito ngayon. alam ko din na hindi nya ginustong magkaganito. pero wala na akong magagawa dahil hindi ko na maibabalik pa ang nagawa kong pagkakamali. lagi nya sinusumbat sakin na kaya ko daw nagawa na saktan sya dahil mas mahal ko yung guy kaysa sa kanya. sinabi ko naman na pareho silang mahal ko nun. at hindi ko alam at maintindihan ang sarili ko nung mga panahon na iyon kung bakit ko nagawa. aminado ako na hindi ko sya nirespeto noon, na binalewala ko lahat ng ginagawa nya sakin noon. kaya nga lahat ng ginagawa nya sakin noon, hinihigitan ko ngayon. kahit na nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon, ok lang sakin.. kahit anong ipagawa nya, ginagawa ko, kahit anong gusto nya binibigay ko kahit minsan hindi kaya ng katawan ko, ginagawa ko parin.. kaya lang minsan talagang hindi ko makaya mga masasakit na salitang sinasabi nya sakin.. like yung "dapat lang sayo ang ganyan dahil sinaktan mo ako! hindi ko ginusto ang ganito pero ng dahil sayo nasira ang buhay ko! mahal lang kita kaya hindi kita maiwan." parang gusto ko ng mawala sa mundo pag sinasabi nya sakin yan everyday.
napakahirap ng ganito na feeling mo buhay ka pero deep inside patay ka na.
 

*CuTiE*

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #335 on: March 18, 2011, 11:47:30 am »
sis wag_alamin, ang hirap naman ng sitwasyon mo. but kaya mo pa ba? oo nagkamali ka at nasaktan mo sya, pero napatawad ka naman na nya di ba? oo hindi madaling makalimutan but kelangan bang ulit uliting balikan ang masakit na nakaraan? im so sorry pero parang hindi na yata worth it na magsama pa kayo... this is just me sis ha im just basing sa kwento mo na everyday e ganyan ang sitwasyon nyo. parang talaga lang mahal ka nya with the way he treats you? kasi parang for  me if he really loves you, sya mismo pipilitin nyang kalimutan ang pagkakamali mo. and yeah once in a while, maalala nya but not na pag naalala nya e susumbatan ka...  :(

im sorry, negative ata ang sagot ko kasi parang hindi ko kaya ang sitwasyon mo sis...

showermist

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #336 on: March 18, 2011, 12:26:51 pm »
^^may friend ako na ganyan(she's in california now). tiniis nya yung verbal abuse at kung [textspeak!]-ano  pang galing sa lalaki. minsan physical abuse din.  my friend admitted naman na nagkasala sya. kaya tiniis nya yung mga ganung attitude ng asawa nya towards her. at hindi daw sya sumasagot. sobrang pagpapakumbaba daw talaga ginawa nya.  tumagal yun ng 7years. last dec2009 na lang yung huli nilang 'word war.' it helps din siguro na mas madami na silang problem na dapat pagtuunan(mortgage, schooling ng anak, etc) ng pansin kesa mag away pa. pero pag daw nakakaalala yung lalaki, nagpaparunggit daw, hindi na lang pinapatulan ng kaibigan ko para hindi na humaba. kasi nakakapagod daw.
aside sa pagpapakumbaba ng husto (in which i don't agree lols), she's acting like she's jealous kahit di naman talaga sya nagsiselos, mas malambing daw sya, at umaktong mas clingy hahhah ewan ko kung bakit naging epektib to sa asawa nya. okay na sila. pero kung naaalala daw ng kaibigan ko yung pinagdaanan nya ng pitong taon, it's not wort it ang 'kumabit' (dahil pitong taon ang balik. her word. lols)

snowyice

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #337 on: March 18, 2011, 02:11:45 pm »
^^may friend ako na ganyan(she's in california now). tiniis nya yung verbal abuse at kung [textspeak!]-ano  pang galing sa lalaki. minsan physical abuse din.  my friend admitted naman na nagkasala sya. kaya tiniis nya yung mga ganung attitude ng asawa nya towards her. at hindi daw sya sumasagot. sobrang pagpapakumbaba daw talaga ginawa nya.  tumagal yun ng 7years. last dec2009 na lang yung huli nilang 'word war.' it helps din siguro na mas madami na silang problem na dapat pagtuunan(mortgage, schooling ng anak, etc) ng pansin kesa mag away pa. pero pag daw nakakaalala yung lalaki, nagpaparunggit daw, hindi na lang pinapatulan ng kaibigan ko para hindi na humaba. kasi nakakapagod daw.
aside sa pagpapakumbaba ng husto (in which i don't agree lols), she's acting like she's jealous kahit di naman talaga sya nagsiselos, mas malambing daw sya, at umaktong mas clingy hahhah ewan ko kung bakit naging epektib to sa asawa nya. okay na sila. pero kung naaalala daw ng kaibigan ko yung pinagdaanan nya ng pitong taon, it's not wort it ang 'kumabit' (dahil pitong taon ang balik. her word. lols)

wow! buti at nakayanan niya dahil kung ako yan goodbye!

showermist

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #338 on: March 18, 2011, 02:47:35 pm »
May anak kasi sis :(

*CuTiE*

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #339 on: March 18, 2011, 03:18:18 pm »
yun ang hirap pag may involve na bata... ang hirap mag-decide.

congrats sis showermist sa friend mo, at least happy ending pa rin sila...  ;) at sana tuloy tuloy talaga. deserve nila ang masayang pamilya...  :)

sis wag_alamin, sana katulad ng friend ni sis showermist din ang maging ending ng pamilya mo. pero sana sa mas maigsing time, wag naman 7 years... :-\ good luck!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close