watch now

Author Topic: Sa mga OFW  (Read 23782 times)

JINJIN:*

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #40 on: April 09, 2012, 08:52:16 pm »
^^ pareho tayo sis...

layasan na naten tong Dubai. either uwi nalang or puntang lugar.

me loan din ako pero hindi naman ganung kalaki, kaya namang bayaran till matapos ang contrata ko.

Sis, goodluck saten at sana ay matupad ang mga pangarap naten hahaha.

shoutingwind

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #41 on: April 09, 2012, 08:53:41 pm »
True!! when you wish upon a star...your wish comes true!

LOL.

Basta malapit na din yun... importante may plano na.

p3ntium4

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #42 on: April 10, 2012, 02:27:49 pm »
mag 5yrs na ako dito sa SG sa Oct 2012 .. PR na din ako
Hubby ko nadala ko na din dito. 2yrs na sya. pero di pa sya PR.
minsan naiisip ko ng bumalik ng Pinas...
kaso ngayong magkakababy na ako naiisip ko ang future nya kung sa Pinas sya lalaki...

Siguro for now dito muna kami sa SG hanggat ok ang kita namin at maganda ang work namin...


mameejhy

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #43 on: May 19, 2012, 07:55:34 am »
We've been in Qatar for almost 4yrs already. Wala pa kaming balak umalis dito although may investments na kami sa Pinas (paper assets + properties + business) so anytime pwede naman umuwi... :) Pero, sayang ang kinikita dito at ang benefits :(

Sabi ni hubby, baka dito muna kami until mag college ang kids kasi nandito rin sila. Wala pa 2yrs old si bunso ao matatagalan pa yun ;D unless, mawalan kami ng work (wag naman). :(

mrs.S.

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #44 on: July 28, 2012, 11:27:37 pm »
Kung kayo ang masusunod hanggang kelan nyo gusto magstay sa pagtatrabaho abroad?

By the time siguro na tapos na sa pag aaral anak namin. Ok naman dito sa US, we do get homesick but in my case hubby and son are here so contented na din ako.

paulavalerie

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #45 on: July 29, 2012, 12:54:27 am »
^ sis sorry ha, but i don't get it?

2.5 years palang ako sito SG. Sanay na ako sa life here and siguro babalik lang ako ng pinas pag nasa retirement age na ako.

jamila_19

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #46 on: March 13, 2013, 06:22:43 am »
i am enjoying my stay here in saudi arabia pero of course ang tao hindi makuntento may hahanap hanapin kapa rin na mas magandang buhay aside sa buhay na meron kana ngayon.

wife2be

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #47 on: March 13, 2013, 04:08:35 pm »
k na din ako dito sa Dubai. Hinihintay ko na lang pumunta ang husband ko dito... Stay for 2-3 years more, and then either work on migrating to Australia o umuwi na kami for good.

JINJIN:*

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #48 on: March 13, 2013, 08:13:27 pm »
another 2 years..so till December 2015 pa.

JINJIN:*

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #49 on: April 15, 2013, 09:57:22 pm »
update lang po: when I started this thread sabi ko I will stay sa Dubai for as long as I can.

Ngayong April 2013, one month after ko i-post ^^^ a very good news came...I got my US visa. So dahil jan...parang hindi na ata ako makakauwi sa Pinas hehe.

single parin ako ngayon..so tingnan naten kung hangang saan naman ako aanudin sa America.

mameejhy

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #50 on: April 15, 2013, 11:24:40 pm »
Wow, God bless and good luck sis! :)

JINJIN:*

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #51 on: April 16, 2013, 08:42:34 pm »
^^ thank you sis..pero kung makarating man ako sa america at mag for good dun. Yun na ata ang wala ng balikan sa Pinas.  Baka sa retirement na.

xtine

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #52 on: April 16, 2013, 09:43:05 pm »
^Wow! Congrats sis JINJIN*.  Dyan ko balak magretire, particularly within the bay area.  Kahit andito ako sa SG for two years now, last resort ko umuwi ng pinas.  Although I used to earn almost 6 digits sa pinas, hindi ko na nagugustuhan ang environment.  Good thing malapit lang ang SG sa pinas kaya nakakauwi ako madalas sa atin.  Kahit weekend, pwedeng umuwi. 

About the TS question:  I plan to stay here in SG hanggang sa marami na ako paper assets / properties sa pinas.  In this way, pag retiring age ko na, I can come home and travel more often sa ibang bansa for leisure.  Gusto ko na kahit retiring age ako, umiikot yung naipundar ko kaya I can buy whatever I want ng hindi tinitignan ang price tag.  He he he.  Pero sa nakikita ko sa pinas, malabo pa na bumalik ako not because di hamak na mas malaki kita ko dito sa SG but for comfort na rin like commuting, traffic, customer service, taas ng bilhin at utilities sa atin.  I wish our country would prosper, no more corruption at good governance na para ang mga OFW tulad natin makauwi na para makapiling ang mahal sa buhay.  Pero while the Philippines is still in the slums because of our current economic situation, mahirap pa tayo umuwi.

JINJIN:*

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #53 on: April 16, 2013, 10:51:21 pm »
^^ thanks.. ang totoo ayaw naman talaga naten wag bumalik sa Pinas diba. Syempre masarap kaya na kapiling ang mga mahal sa buhay. Pero yun nga, people and plans change pag napunta na sa ibang bansa.

ceejhei

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #54 on: May 02, 2013, 03:35:19 pm »
^been an OFW 2 years ago. natalo ako ng homesickness ko kaya napauwi ako ng wala sa oras.
mas ginusto ko nalang umuwi from dubai back to pinas kasi yung naging employer ko ay hayop pa sa hayop.
akala siguro niya mga pilipino katulad ng mga pakistani at mga bangladesh na uubra nalang kahit anong iutos niya.
biruin niyo tatawag siya saamin ( i work as a pastry chef) 8am papasukin kami, since 12 hours ang trabaho kahit sa contract eh
8hours lang dapat, di naman nasusunod yan, minsan 1am na di pa kami pinapauwi. walang water provided sa working area
so bibili pa kami. wala man lang food (for overtime). ay sabi ko, jusko, ibalik mo ako ng pinas, may pinag aralan ako
at wag mo akong itulad sa mga ibang lahi na kayan-kayanan niyo lang mga amo.

she's not even a local of uae. tunisian siya. yung isang pinoy na kasama ko, nagalit na din dahil 12 years na siya sa abroad
never daw siyang naka experience ng ganyang klaseng employer. ayan, kita kami sa labour. siyempre arabo sila mag usap,
di namin naiintindihan, yun pala binabaliktad na kami, sabi nung bakla kong kasamang pinoy nakakaintindi na arabic
ang sabi daw ng employer eh kami daw yung laging undertime at pinagbibigyan niya lang.

ang hatol, buy your own ticket, we will cancel your visa. ayun! okay na din kesa magtiyaga sakanya. pero tama kayo,
iba pa din sa abroad. kaya susubok ulit kami, this time kasama ko naman husband ko. sarap lang kasi sa uae, tax free
di katulad dito makikita mo sa payslip mo kung gaano kalaki kinakaltas. pag sumahod ka ng mataas ang laki din ng tax,
parang sweldo na ng isang minimum wage earner.

euwie

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #55 on: May 02, 2013, 05:51:34 pm »
^grabe naman sis yung employer mo! Parang naaalala ko kwento mo, nakwento mo na ba to dati? Yang tunisian isa sa mga lahing grabe sa sama ng ugali! May saltik talaga!

Ako naman, gusto ko na umuwi sa pinas. Parents ni mister, nasa US pero ayaw ko talaga dun, sa pinas ko pa rin gusto maski ano mangyari. Ni hindi ako interesado kumuha us visa kasi tinatamad ako. :P lalo na ngayong magkakababy na kami, siguro at least 5 more years, tapos ayoko na talaga. Mag 8 years na ako dito sa dubai, halos wala na akong alam sa pinas. Tiis tiis na lang muna para makauwi na for good.

ceejhei

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #56 on: May 03, 2013, 08:33:54 am »
^sis euwie nasa pregnancy thread ka din diba? :) babies due by 4th quarter of the year? hehe
balak ko bumalik diyan pagka panganak pero ayoko na dumaan ng agency, mas okay pa din yung diyan maghanap ng work
makakapili ka pa ng mapapasukan mo. ayoko na maulit yung nangyari sakin noon. na kahit mag ccr lang ako, bigla
nalang akong iiyak at itatanong sa sarili ko kung bakit ba ako napunta sa employer ko na ito.

though nung mga later part, dami na nagooffer saakin ng trabaho ibang employer, pero na-trauma na ata ako at
naging sarado na isip ko sa ibang job opportunities so mas pinili kong umuwi nalang ng pinas.

euwie

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #57 on: May 03, 2013, 05:04:42 pm »
^oo sis andun nga ako sa thread na yun, babies due 4q. At alam kong ikaw TS ng tiktik--true ba? Hindi ko lang minemention sa babies due 4q kasi baka matakot sila hehe. Pauwi na kasi ako pinas next week for a very very very long maternity leave. Hay! I really need this break! Next year na ulit balik ko and hindi pa kami decided ni mister kung dadalhin ko ba si baby dito sa dubai or not. Ang gastos naman kasi kumuha ng yaya.

Ok na rin siguro sis ginawa mo that you've taken a breather muna. Mahirap magtrabaho kung ang sama sama ng loob ano. Kaya ako sa pinas, never ako nakatagal sa work. Awa ng Diyos dito sa dubai ok naman ako, minsan nakakainis sa workplace pero normal naman na yun sa maski anong trabaho, at least overall, ok naman. Ang matinding kalaban talaga yung homesick. Kaya ang motto namin ni mister: tiis tiis lang muna. Hay. Kaya natin to for our future!!!

ceejhei

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #58 on: May 04, 2013, 06:47:00 pm »
^ yes sis tama. tiis tiis lang, saka mas masarap diyan, walang tax. dito subsob ka na sa trabaho tapos
makikita mo payslip mo ang laki laki ng tax. namiss ko tuloy dxb. hehe..

sana pagbalik ko diyan sana makita kita hehe..

euwie

  • Guest
Re: Sa mga OFW
« Reply #59 on: May 05, 2013, 03:27:26 am »
^ay oo sis sige ok yan! Magkita tayo sana kapag bumalik ka na dito. Wala rin ako masyadong friends dito, kasi yung dati kong friends sa previous job ko ang layo ng nilipatan ng company accommodation nila. Sa may discovery gardens malapit sa ibn batuta e sa al nahda kami. Tapos binawal pa makitulog sa kanila. Dati nakikitulog ako madalas sa friends ko nung nasa bur dubai lang sila kasi nga nakakalungkot yung mag isa. Naranasan ko dati birthday na birthday ko, pag uwi ko ng flat, wala flatmate ko. Mag isa lang ako. Tapos galing pa ako sa exams. Walang handa. Kanin at canned tuna lang food ko. Ay grabe ang iyak ko! Tapos kelangan ko rin mag aral that day kasi may exams pa kinabukasan. Buhay ofw nga naman oo! Feeling ko magte-10 years pa ako dito. :o titiisin ko na lang muna, mag iipon at pundar muna. Mahirap talaga buhay sa pinas e :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close