watch now

Author Topic: dakak, dapitan city, dipolog city  (Read 61842 times)

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #80 on: June 16, 2010, 09:39:14 pm »
^ganun na nga. kahit sa dapitan nun kumakain kami sa bbq-han pinapak din kami ng lamok.  ;D talagang dapat magdala ka ng OFF para sure.  ;)

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #81 on: June 17, 2010, 08:03:29 pm »
so malamok pala talaga don.. kanina tumawag ako sa manila office, ibang rate nanaman sinabi sakin. gulong gulo na ko. tas wala pang kasama fantasyland ngayon. dati sabi sakin meron na  :( sa mga nag book sa manila office nila, pumunta pa ba kayo don or eemail na lang nila voucher and via bank deposit na lang ang down?

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #82 on: June 18, 2010, 08:26:22 am »
^see? kaya yun sa dapitan na lang ang kontakin mo hehe

italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #83 on: June 18, 2010, 09:25:22 am »
^ceb pac sis. maraming nadelay ang flight nun. ewan kung ano talaga reason kasi ang sinasabi lang nila e yun the usual reason na late yun turnaround aircraft ek ek. anyway.. ok lang naman overnight sa Dakak pero kung mag isa ka lang, you have to pay yun Single Supplement nila. so ang ia-avail mo ba e yun Gab-i package na may buffet breakfast na included? almost 3k yun kung mag isa ka lang. not sure kung may free fantasyland ticket din yan. pero kung included ganito na lang gawin mo:

Day 1:
Dakak (use the free transfer c/o Dakak)
- beach bumming ka na lang whole day. kung may free fantasyland ticket. wag mo na gamitin. sa next day mo na lang gamitin since malapit lang yun Monina sa Fantasyland. ipa-validate mo na lang ulit before ka magcheck out sa Dakak. pwede yun.
- cultural show if Fri or Sat ang punta mo.

Day 2:
early morning - go to Repeater for the overlooking Dakak view.
10 or 12nn lang ang check out nila dun. padrop off ka sa Monina's pension house. or kung tipid mode Villa Pilar. mas malapit sya sa  Fantasyland. nasa Sunset Blvd itong mga ito.
- trike ka na lang going to Rizal Shrine for your Dapitan tour
- fantasyland sa gabi

Day 3:
- airport


eto yun mga tips na nipost ko sa kabila:

==============
1. mas mura yun Montano spanish sardines sa main branch nila sa Dipolog. 60 lang dun yun spanish sardines in corn oil. sa supermarket doon may 3.50-4.50 na patong per variant.

2. sarado ang mga shops pag sunday. kahit yun Montano na shop sarado din.

3. from the airport kung magc-commute lang kayo going to Dapitan, sakay kayo ng trike to Dipolog Terminal. 60 lang yun per trike. walang labis walang kulang. based on exp, maraming mandaraya na trike drivers dun sa airport e. nakakainis. yun una napara namin sinisingil kami ng 40 per head ata. e sabi namin 60 lang per trike according dun sa loob na tourism counter. itinuro kami sa ibang trike. tapos yun next sinisingil ba naman kami ng 20 per head na parang tiket or something bukod pa sa 60 pesos na charge talaga. Nung sinabi ko na maghahanap na lang kami ng ibang trike at magpapatulong sa airport personnel, ayun pumayag sa 60 lang pero dagdagan daw ng konti kasi may mga bagahe. hello backpack lang kaya mga dala namin. saka daw yun sa flyer na pinakita ko e dipolog city proper lang. mas malayo pa daw yun terminal. nag agree na rin kami kahit magkano lang naman daw idagdag. pero in the end sa Lee Plaza na lang kami nagpababa at 70 lang binigay namin sa kanya. abusado e. kainis. (sorry napahaba itong tip #3).

4. from Dipolog Terminal, pwede kayo sumakay ng Evergood mini bus going to Dapitan. 20 pesos ang pamasahe. naloka ako dito! nag iiba iba yun konduktor hehe. so kung magpapababa ka lang sa isang lugar, sa driver mo sabihin at wag sa konduktor.

5. 7 php lang ang min fare sa trike. yun iba kasing trike driver porke alam na hindi ka tiga dun. 10 pesos, 8 pesos ang ich-charge sa iyo. pag may mga ganun na pagkakataon, maghanap na lang ng ibang trike.

6. mahal ang food sa dakak. bow. tignan nyo muna ang food before kayo magdecide kung aavail nyo o kung hindi. iba iba ang menu everyday. mag a la carte na lang kayo kung group naman kayo. mas mura pa kakalabasan.

7. may lunch buffet every sunday sa Kamayan ni Manay sa Dapitan Sunset Blvd. lunch lang yan meron. walang dinner.

8. dun sa tapat ng Gloria's Fantasyland, may bbq-han. mas mura kumain dun kaso naka-kamay kayo. wala silang spoon and fork na binibigay.

thanks so much sis lakwatsa for your tips!  :D good suggestion na sa 2nd night na nga lang ako magFantasyland pag nasa Dapitan City nako since free naman yung ticket from Dakak, papavalidate ko na lang ulit.

may few additional questions sana ko:


1.  nag email ako sa Monina Pension house on how to Dipolog airport for my flight back to MNL, yung papuntang Dakak kasi may transfer na kasama so pabalik, commute na lang ako, eto yung reply ng Monina:

"get the pedi-cab that will take you to the bus crossing and or  bus station.  From there just make sure you tell the driver of the bus that you just want to stop at the airport crossing ,  in front of the GSIS building. You can then take a Pedi-cab and or walk to the airport from the crossing. " --> ganito rin ba ginawa nyo pabalik ng airport?

2. Sa Repeater, mga what time best pumunta in the morning? like before 7am? ok lang kaya kung mag-isa lang ako, hindi naman delikado?

3. Itong mga spots kaya lahat puntahan by trike/ are they near each other?
City Plaza
St James Church
Relief Map of Mindanao
Rizal Shrine
Ilihan Hill

4. I've read na sa Gloria de Dapitan, may mga shops na rin para mabilhan ng pasalubongs and souvenirs? and may mga good restos diun ba dun or sa Sunset Blvd na lang? it's my birthday kasi so I want to eat sana at a nice resto for the last night of my visit  ;D

thanks so much  ;)

italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #84 on: June 18, 2010, 09:32:21 am »
so malamok pala talaga don.. kanina tumawag ako sa manila office, ibang rate nanaman sinabi sakin. gulong gulo na ko. tas wala pang kasama fantasyland ngayon. dati sabi sakin meron na  :( sa mga nag book sa manila office nila, pumunta pa ba kayo don or eemail na lang nila voucher and via bank deposit na lang ang down?

hi sis yikee, nung tumawag ako sa Manila office ng Dakak, same rate lang din binigay nila kasi tumawag na din ako sa Dakak directly, my rate was 2,950, (1,850 for the room, breakfast and transfers- 2d/1n lang plus 1,100 single supplement), sabi ng Manila office, pwede daw pumunta mismo sa office nila to pay or pwede ko daw ibigay work address ko/meet up kung san malapit sa kin and pupuntahan ako ng 1 travel agent nila for the payment.  Parang I prefer the former na ako na lang magbayad mismo sa office nila.

sabi din sakin ng nakausap ko mismo from Dakak directly, may free ticket na to Fantasyland, they have free shuttles to and fro din around 8-11pm daw lagi to Fantasyland, di kasi alam tong mga details na to ng Manila office, so call Dakak directly na lang din

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #85 on: June 18, 2010, 11:02:40 am »
yun nga sis e, dati pagkakaintini ko kasama na yung ss fantasyland sa rates, pati free scheduled shuttle. kaya nagulat ako nung tumawag ulit ako kahapon. parang di ko na alam sino ang credible sa kanila. tas full payment na daw kami, dati sabi sakin 50% reservation. sa bagay mas ok din sakin na dalin na lang sa office nila ang payment, yun nga lang ang effort hindi kagaya ng mga ibang resorts di ba na bank dep lang then email exchange na lang mga confirmation letter and voucher.

sige tatawag ako sa Dakak mism para mas maliwanag din. thanks sis!

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #86 on: June 18, 2010, 03:28:24 pm »
ganito ginawa namin. sa dakak office sa dapitan mismo kami kumontak. tapos nag 50% deposit. then yun deposit slip pinakita lang namin nun nag check in kami.

sis italiandoll, from your pension house, mag trike ka going to Dapitan Bus Terminal. 7 pesos lang isa. tapos from there, sakay ka nun Evergood mini bus going to Dipolog. 20pesos pamasahe hanggang Dipolog terminal. tapos trike na lang ulit going to airport.

o kaya ganito na lang gawin mo since gusto mo ng pasalubong, dumaan ka sa Montano's. nasa residential area yun bahay nila. imbis sa Dipolog Terminal, bumaba kami noon sa may malapit sa city hall yata yun. basta yun sa may rotonda na may mga statues na nakataas kamay parang may itinataas na batya (lol batya talaga, basta yun). tapos from there, naglakad kami. medyo malayo kasi may bitbit kami e. so magtrike ka na lang para di ka pawisan. 7 lang naman hanggang Montano's. may bilihan dun ng pasalubong (spanish sardines, tarts from Cathy's Kitchen) at souvenirs. meron daw t-shirt pero di na namin gano na explore kasi nga nagmamadali kami that time kala namin male-late kami sa flight.
o kaya i-kontrata mo na lang si manong trike driver para hintayin ka nya habang namimili ka ng pasalubong dun sa Montano's para sya na rin maghatid sa u sa airport. siguro naman papayag na sya kung 50pesos di ba?

sa Fantasyland meron na rin bilihan ng souvenir pero dun ka lang sa labas wag yun mga nasa malapit sa entrance kasi mahal. yun magnet dun 65 e dun sa labas 35 lang. tshirt 199, ewan ko sa labas kung magkano. tipong ganun.  ;D

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #87 on: June 18, 2010, 04:51:09 pm »
thanks sis! sige sa dakak na nga lang talaga ako ko-contact.. duda talaga ako pag yung dito e..

italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #88 on: June 23, 2010, 02:30:01 pm »
ganito ginawa namin. sa dakak office sa dapitan mismo kami kumontak. tapos nag 50% deposit. then yun deposit slip pinakita lang namin nun nag check in kami.

sis italiandoll, from your pension house, mag trike ka going to Dapitan Bus Terminal. 7 pesos lang isa. tapos from there, sakay ka nun Evergood mini bus going to Dipolog. 20pesos pamasahe hanggang Dipolog terminal. tapos trike na lang ulit going to airport.

o kaya ganito na lang gawin mo since gusto mo ng pasalubong, dumaan ka sa Montano's. nasa residential area yun bahay nila. imbis sa Dipolog Terminal, bumaba kami noon sa may malapit sa city hall yata yun. basta yun sa may rotonda na may mga statues na nakataas kamay parang may itinataas na batya (lol batya talaga, basta yun). tapos from there, naglakad kami. medyo malayo kasi may bitbit kami e. so magtrike ka na lang para di ka pawisan. 7 lang naman hanggang Montano's. may bilihan dun ng pasalubong (spanish sardines, tarts from Cathy's Kitchen) at souvenirs. meron daw t-shirt pero di na namin gano na explore kasi nga nagmamadali kami that time kala namin male-late kami sa flight.
o kaya i-kontrata mo na lang si manong trike driver para hintayin ka nya habang namimili ka ng pasalubong dun sa Montano's para sya na rin maghatid sa u sa airport. siguro naman papayag na sya kung 50pesos di ba?

sa Fantasyland meron na rin bilihan ng souvenir pero dun ka lang sa labas wag yun mga nasa malapit sa entrance kasi mahal. yun magnet dun 65 e dun sa labas 35 lang. tshirt 199, ewan ko sa labas kung magkano. tipong ganun. 


thanks sis lakwatsa for your very helpful tips!  ;)

forsix10

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #89 on: July 04, 2010, 11:19:43 am »
sis yikee alam mo kami hindi hiningan ng deposit. june 18-20 kami nandon. tumawag lang yung sister in law ko sa dakak resort mismo. pagdating namin don saka lang kami pinagbayad. wala kaming deposit. 3 barkadahan package ang pinareserve namin. 5,900 per room 3days/2 nights, free airport transfer pero no breakfast.with free fantasyland passes food for 4 persons each room(me mga kasama kasi kami kids sa room,sila lang ang ibinili namin ng ticket don na mismo sa fantasyland). 8-11pm free shuttle ride to fantasyland.

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #90 on: July 05, 2010, 10:07:41 am »
ah talaga pwede naman pala talaga di magdeposit noh sis.. ok lang din naman magdeposit kaya lang kase sa iba ibang mga sinabi sakin ng mga nakausapko sa office nila sa manila, parang ayaw ko na maniwala kaya sa dakak na lang mismo ako cocontact..  ;D tas pag sa resort mismo, kasama na fantasyland tickets, pag sa manila office hindi e.

italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #91 on: July 13, 2010, 11:22:49 am »
Confirmed my flight na, Cebu pac had a 50% sale so 2,216 lang ang RT to Dipolog City.  Pwede na.   ;D

batanglaboy

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #92 on: July 16, 2010, 06:49:30 am »
weeeh booked to dipolog on nov 27-29,, Php770 lang 2-way na
Thanks Cebupac!

italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #93 on: August 08, 2010, 06:51:04 am »
girls, mayroon na ba sa inyo nakapgstay sa Villa Pillar? sold out na daw kasi sa Monina for my stay dates and  nila yung Villa Pillar, sa may Sunset blvd din daw yun.  Need to reserve na kasi sa Oct na trip ko.  Ok ba sa Villa Pillar?  TIA  :)

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #94 on: August 08, 2010, 11:12:08 am »
^ako sis. sa villa pilar kami nag stay for 1 night. ok naman sya. basic accommodation. may aircon. wala nga lang yatang hot/cold sa shower. cold lang hehe.
kung di ka naman choosy pwede na sya. ilang bahay/establishments lang ang pagitan nya sa Gloria's Fantasyland :)

italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #95 on: August 09, 2010, 11:41:29 am »
^thanks sis lakwatsa.  :)

so walking distance lang din ang Villa Pillar from Gloria's Fantasyland?  Di naman ako choosy, as long as safe naman, malinis and may a/c, ok na sakin yun. More of sa location ako concerned, malapit na rin ba sha sa mga tourist spots? Pano kayo nagpa-reserve by calling them directly?

Thanks much.  ;)

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #96 on: August 09, 2010, 03:42:34 pm »
^yun kasama ko yun nagbook sis. eto daw nicontact nya - 09202708378

yup, walking distance lang sya sa Fantasyland. kahilera nya lang.
think about Roxas Blvd dito sa Manila. ganun ang itsura nya. katapat nya yun dagat. :D

yun sa Rizal Shrine, kelangan mo magtrike. wala naman yatang accommodation na malapit talaga dun hehe.


italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #97 on: August 09, 2010, 04:24:52 pm »
^thanks so much sis lakwatsa, you've been a great help sa upcoming trip ko  :D

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #98 on: August 09, 2010, 07:55:52 pm »
^welcome sis! enjoy your trip  ;)

mine121305

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #99 on: October 11, 2010, 11:49:27 pm »
Hi mga sis!

punta kme dipolog this february 19-22, 2010

wala tlg akong idea sa dipolog..aside sa dakak na d ko din maxado alm..pwede ba humingi ng suggested itinerary...on those dates?
feeling ko antagal ng araw na un..hai nabigla kc ako sa pagbook sa ceb pac dhil sa 10.10.10..pero i can say na cheap tlg un..sana nlng magenjoy pati parents ko..4 persons kme sa trip...

advise nman.///thanks!
« Last Edit: October 12, 2010, 12:00:51 am by mine121305 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close