watch now

Author Topic: dakak, dapitan city, dipolog city  (Read 61769 times)

forsix10

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #60 on: April 08, 2010, 06:49:12 pm »
^ilan kaya sila sis adikako kasi nakuha lang nya yung 3,888 per head na 3,999 sa website. ok din yung package na yon kasi me mga food ng kasama. baka kapag hindi kayo umabot sa 10 eh isama kayo sa ibang grupo to complete the package lang. eto pa isa pa website baka makatulong. nandyan yung barkadahan package na sinasabi ko sa yo. mas updated yung rates dito: http://www.dakak.org/

iggypop

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #61 on: April 08, 2010, 07:11:00 pm »
sis lakwatsa am sure hindi kayo mabo-bore sa 4d/3n. kami nga ayaw na namin umalis sa dakak, if not for the waiter who convinced us to take the city tour, hindi talaga kami aalis. sarap kase sa resort dahil sobrang laid back ang atmosphere. buti na din na we took the city tour dahil maganda din makita ang yung Dapitan...

sis forsix, sa labas ng resort yung river cruise. although nabanggit ng staff samin na pwede din daw sa resort kayo manggaling. pero usually dun talaga ang start sa restaurant outside the resort. mga 30 minutes yun from the resort.

sensya na we were not able to go to Fantasy Land kaya i don't know if may resto sa loob. kung wala naman, siguro pwede kayong kumain sa labas. meron kaming nadaanan na seafood restaurant sa tapat ng beach malapit din sa fantasy land, i forgot the name. baka pwede kayo don.

:)

two_zero

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #62 on: April 08, 2010, 11:29:39 pm »
sis from airport pwede na kayo deretso sa ct tour saglit lang naman yun eh, pero dapat tell the dakak office na deretso na kayo ng ct tour kasi kung hindi po just in case na meron kayong kasabay na sinundo sa airport hindi kayo makakaderetso sa ct tour dahil may kasabay kayong guest din.

sa river cruise para syang loboc river pero minimum of 10 nga rate is 3500 so kung 4lang kayo babayaran nyo pa rin ang 3500 maganda lang ito kung marami kayo.

catty.

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #63 on: April 09, 2010, 02:01:07 am »
maganda din ang dakak, although hindi na sya sikat tulad ng dati. actually parang mas okay na hindi na sya ganun ka hyped, mas affordable na sya ngayon.

calm, peaceful and stress free naman dito. btw, when in dapitan mag tour na din kayo dun madaming historical sites dun. 

finally, buy montanos spanish sardines, sarap sya  :)

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #64 on: April 12, 2010, 09:50:15 am »
thanks mga sis. 5 lang kasi kami e. hehe

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #65 on: May 26, 2010, 04:03:46 pm »
mga sis, nakabili ba kayo nun bottled sardines/bagoong? ni- hand carry nyo ba yun mga yun o check-in dapat?

ano pa ba mga must-buy na pasalubong dun?

riandrew

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #66 on: May 27, 2010, 05:41:14 am »
^ hi! lakwatsa season na ulit? :D
siguro like any other "smelly" pasalubong, dapat wrapped and sealed tightly. dapat nakadyaryo right? o kaya customize your booking, add P100 nalang para sure. hihi

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #67 on: May 27, 2010, 06:48:53 pm »
^korek. eto na ang simula. haha!

yup, magpapa add talaga ako ng check in bag. kaso lang di ko sure kung ilan. kasi naman di ba pano kung 3 bote lang pala mabili ko. haha! baka pwede naman hand carry na lang kesa tatalbog talbog sa check in  ;D

ano pa kaya pwedeng ipam pasalubong? may mga fruits in season ba sila dun? like halimbawa ang davao may mangosteen, suha at durian di ba. tapos yun camiguin may lansones. may "specialty fruit/s" din ba ang dipolog?

italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #68 on: June 14, 2010, 04:28:03 pm »
hi mga sis! sa tingin nyo ba safe ang dakak/dapitan city for a solo woman traveler? planning to go there for my solo travel kasi...tia.  :)

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #69 on: June 14, 2010, 09:48:03 pm »
just got back from dipolog. :)

hmmm... frankly speaking di ko sya masyado na enjoy. delayed yun flight papunta almost 3hrs then yun pauwi naman is delayed din ng 2hrs.

yun Dakak naman, grabe ang hirap nya puntahan so talagang dapat kasama sa kanila yun transfers. hindi ko rin na-feel na 5-star sya. or hindi naman talaga? kasi yun mga nagwwork dun di naman warm ang treatment sa mga guests. kumbaga hindi pang 5-star hehe. parang mga nag-o-OJT lang silang lahat.

hindi rin masyado malinaw ang tubig sa beach sa dakak mismo. mas malinaw pa dun sa island na pinuntahan. pero rip off yun island tour. wag na kayo mag avail kasi isang island lang naman yun pupuntahan tapos yun included na lunch e plated lang tapos hindi naman seafood ang sinerve at hindi bottomless yun drinks. sulit pa yun sa boracay na fun tours kasi andami pupuntahan tapos buffet pa yun lunch na kasama. ang sulit lang dun sa island e yun mga nagbebenta ng daing na pusit kasi 280 lang per kilo. hehe  ;D


italiandoll

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #70 on: June 15, 2010, 04:38:42 pm »
ganun ba sis lakwatsa, may I ask anung airlines nyo? tia.

i'm planning to go there sana last quarter of this year, by myself lang.  I'm planning na 1st day : Dakak overnight (swim, then Gloria Fantasyland) then 2nd day: transfer to Monina Pension House in Dapitan City and then DIY tour ng city (Sunset Blvd, etc) then 3rd day flight back to Manila. 

your suggestions are most welcome po, tia sa mga sasagot.   :)

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #71 on: June 16, 2010, 09:25:15 am »
^ceb pac sis. maraming nadelay ang flight nun. ewan kung ano talaga reason kasi ang sinasabi lang nila e yun the usual reason na late yun turnaround aircraft ek ek. anyway.. ok lang naman overnight sa Dakak pero kung mag isa ka lang, you have to pay yun Single Supplement nila. so ang ia-avail mo ba e yun Gab-i package na may buffet breakfast na included? almost 3k yun kung mag isa ka lang. not sure kung may free fantasyland ticket din yan. pero kung included ganito na lang gawin mo:

Day 1:
Dakak (use the free transfer c/o Dakak)
- beach bumming ka na lang whole day. kung may free fantasyland ticket. wag mo na gamitin. sa next day mo na lang gamitin since malapit lang yun Monina sa Fantasyland. ipa-validate mo na lang ulit before ka magcheck out sa Dakak. pwede yun.
- cultural show if Fri or Sat ang punta mo.

Day 2:
early morning - go to Repeater for the overlooking Dakak view.
10 or 12nn lang ang check out nila dun. padrop off ka sa Monina's pension house. or kung tipid mode Villa Pilar. mas malapit sya sa  Fantasyland. nasa Sunset Blvd itong mga ito.
- trike ka na lang going to Rizal Shrine for your Dapitan tour
- fantasyland sa gabi

Day 3:
- airport


eto yun mga tips na nipost ko sa kabila:

==============
1. mas mura yun Montano spanish sardines sa main branch nila sa Dipolog. 60 lang dun yun spanish sardines in corn oil. sa supermarket doon may 3.50-4.50 na patong per variant.

2. sarado ang mga shops pag sunday. kahit yun Montano na shop sarado din.

3. from the airport kung magc-commute lang kayo going to Dapitan, sakay kayo ng trike to Dipolog Terminal. 60 lang yun per trike. walang labis walang kulang. based on exp, maraming mandaraya na trike drivers dun sa airport e. nakakainis. yun una napara namin sinisingil kami ng 40 per head ata. e sabi namin 60 lang per trike according dun sa loob na tourism counter. itinuro kami sa ibang trike. tapos yun next sinisingil ba naman kami ng 20 per head na parang tiket or something bukod pa sa 60 pesos na charge talaga. Nung sinabi ko na maghahanap na lang kami ng ibang trike at magpapatulong sa airport personnel, ayun pumayag sa 60 lang pero dagdagan daw ng konti kasi may mga bagahe. hello backpack lang kaya mga dala namin. saka daw yun sa flyer na pinakita ko e dipolog city proper lang. mas malayo pa daw yun terminal. nag agree na rin kami kahit magkano lang naman daw idagdag. pero in the end sa Lee Plaza na lang kami nagpababa at 70 lang binigay namin sa kanya. abusado e. kainis. (sorry napahaba itong tip #3).

4. from Dipolog Terminal, pwede kayo sumakay ng Evergood mini bus going to Dapitan. 20 pesos ang pamasahe. naloka ako dito! nag iiba iba yun konduktor hehe. so kung magpapababa ka lang sa isang lugar, sa driver mo sabihin at wag sa konduktor.

5. 7 php lang ang min fare sa trike. yun iba kasing trike driver porke alam na hindi ka tiga dun. 10 pesos, 8 pesos ang ich-charge sa iyo. pag may mga ganun na pagkakataon, maghanap na lang ng ibang trike.

6. mahal ang food sa dakak. bow. tignan nyo muna ang food before kayo magdecide kung aavail nyo o kung hindi. iba iba ang menu everyday. mag a la carte na lang kayo kung group naman kayo. mas mura pa kakalabasan.

7. may lunch buffet every sunday sa Kamayan ni Manay sa Dapitan Sunset Blvd. lunch lang yan meron. walang dinner.

8. dun sa tapat ng Gloria's Fantasyland, may bbq-han. mas mura kumain dun kaso naka-kamay kayo. wala silang spoon and fork na binibigay.

jaded1025

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #72 on: June 16, 2010, 01:17:57 pm »
Thanks for the info sis!

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #73 on: June 16, 2010, 02:32:37 pm »
^^ sis thanks for the info.. medyo parang di na ko ginanahan sa dakak ah.. excited pa naman ako.. anong room kinuha nyo sa kanila sis? tama ba may bfast na kasama? iniisip ko kase kung magbbuffet pa ba kami o ala carte na lang since di naman pala ganun ka ok ang food.

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #74 on: June 16, 2010, 03:24:33 pm »
welcome mga sis.

^barkadahan yun kinuha namin. wala kasamang breakfast dun. pero since 5 kami, yun isang pax e yun dakak ta' bay ba yun o yun gab-i..basta yun 3d/2n package tapos may single supplement lang. may kasamang breakfast ito. de luxe room yun pareho.

may araw na ok yun buffet. nattyempo lang kami sa di masyado ok yun food. tapos paminsan pala walang buffet. plated yun ibibigay sa u na breakfast. depende sa dami daw ng guests nila. buti nun andun kami e weekend so palaging buffet.

kung may buffet man, icheck mo muna sis kung ano ang menu, saka kayo magdecide kung buffet or a la carte na lang. :)

magulo sila kausap dun sa rivercruise. kasi before kami magcheck in at during check in palagi namin tinatanong kung meron din bang iba na nagiinquire para makabuo kami ng 10pax. wala daw. tapos nun check in kami may nakita kami naka post yun island tour nga 475/pax min 15pax. yun sa rivercruise wala nakapost. (so parang di nila pinopromote???) nagtataka nga kami ang dami daming tao tapos wala interesado mag river cruise e parang isa yun sa attraction di ba.

so napilitan kami mag island tour na lang since wala kami iba gagawin. tapos yun nameet namin sa island tour nagtanong din pala sila about dun sa river cruise! so ayun. nagdecide kami magpa arrange kinabukasan. e kaso ang sabi nun nasa reception itatanong daw. katapos tapusan, gagawin daw na breakfast yun rivercruise kasi daw high tide. e hello may free buffet breakfast kami e. saka ang layo naman ng difference ng food ng breakfast buffet sa lunch buffet di ba. so ayun di na lang kami nag avail.

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #75 on: June 16, 2010, 03:34:02 pm »
yung room naman nila sis, yung deluxe ok naman, i mean malinis? basta malinis keri na kase di ba.. ah oo nga masilip muna ang buffet para sure.. sayang naman yung sa rivercruise, parang iniignore nila noh.. nakita ko sa trip na trip parang kamuka siya ng sa loboc..

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #76 on: June 16, 2010, 03:58:43 pm »
yup parang sa loboc sya. napanood nga rin namin sa TV..yun travel asia yata yun. sayang talaga at di nila pinopromote. kasi di rin daw pwede mag walk in lang dun. dapat pinapa arrange talaga sa Dakak.  :D

medyo ok naman yun room. yun sa min pagdating e naka ON na agad yun aircon so malamig na. pero nun nicheck ko yun sink sa CR parang di naman sya kakalinis lang. madami kasing langgam. saka for 2 lang yun towels na andun. di gumagana ang phone so di kami nakatawag sa housekeeping para magpa add ng towel at pillow. andun pa rin yun extra kuchon for the 4th pax. pero inalis naman ng housekeeping nun naglinis sila kinabukasan. tapos dinagdagan na rin ng towel.

tapos medyo malamok pala ha. bring mosquito repellent.

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #77 on: June 16, 2010, 04:06:27 pm »
ganun, di pa malinis ang sink?  :( at di pa gumagana ang phone, effort pag may kailangan ito.. malamok sa mismong kwarto sis o sa labas lang? sorry sis dami questions kase may bata kaming kasama if ever e

lakwatsa

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #78 on: June 16, 2010, 05:31:13 pm »
^parehas sis. :D

yikee

  • Guest
Re: dakak, dapitan city, dipolog city
« Reply #79 on: June 16, 2010, 05:38:06 pm »
hanu ba yan.. parehas  ??? paliliguan ko ng off si junakis [textspeak!] ganon.. hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close