watch now

Author Topic: your favorite saint and personal testimonies  (Read 118325 times)

green-aholic

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #80 on: September 22, 2010, 03:58:07 pm »
sisses, di ko pa din na-try as in na magpray sa isang saint. sorry ha pero nagpapkatotoo lang. but i want to change this na. i want to start praying and becoming a devotee na. before naman i prayed na to st. claire ata yon for sickness. i just can't remember and also to st. roque and we have novenas din back in HS pa.

mga sis, is it everyday you pray the novena for a given saint? could it be possible na madami kang pagdasalan na saint everyday?

please help me. i want to be closer to the Lord as well as to the saints and i want to have deeper faith with them. I never lose faith naman, i just want that it gets more stronger.

frapuccino

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #81 on: September 29, 2010, 10:08:03 pm »
Update lang mga sis. I posted just recently na we are new devotees of St.Pio and we prayed na bigyan na kami ng anak. On 23rd, pag-uwi namin galing sa St.Pio chapel to hear mass, I took a PT and it's positive. I'm so thankful na dininig agad ni Lord and ni St.Pio and prayers namin mag asawa. I didn't expect na ganun kabilis sasagutin ang panalingain namin. I knew that he lead us to Baclayon Church when we were in Bohol para hindi kami maka-missed ng Sunday na hindi sya nabibisita dahil he already answered our prayers tsaka nalaman pa namin na I am pregnant on his feast day. It's really an answered prayer.

Now we are praying naman to have a healthy pregnancy and to deliver a healthy and normal baby.
« Last Edit: September 30, 2010, 08:53:41 pm by frapuccino »

green-aholic

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #82 on: September 30, 2010, 10:23:10 am »
^nice sis, congrats! :)

let's just keep believing...

bulec

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #83 on: October 15, 2010, 10:27:29 pm »
st.pio is really powerful we also prayed for our baby after a month it turned out positive since ten i alwasy pray the novena.

domestic diva

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #84 on: October 19, 2010, 09:21:28 am »
thank you, st. joseph of the holy cloak!

part one of my prayers plus bonuses were granted!

rinapie

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #85 on: October 29, 2010, 11:24:21 am »
hay...tagal ko na hindi nakabibisita kay Fr. Pio. parang express way to God si Fr. Pio sa mga prayers ko pa naman. ahaha! sana in a few weeks, pati si St. Claire, mapuntahan ko na ulit.

matchykoi

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #86 on: November 02, 2010, 10:59:33 am »
^^ The saints are not in the bible. Some of them were canonized way after the Bible was written by different authors. We pray to the saints to intercede for us. We do not worship them (that belongs to God) however they are remainders that God's love work through common humans. I love reading their stories and their sacrifices.

I am also a devotee of St. Pio. Recently lang, I don't have any miracles to mention but small things such as getting a ride pag mahirap sumakay, kay St. Pio ko dinudulong. Everytime I visit him sa Libis, I feel replenished and calm. Iba talaga ang chapel na yun. Before kasi hindi ako devotee ng kahit sinong santo or mama Mary, pero I prayed to God to make me closer to Him this year and I'm happy He's fulfilling my wish. I dreamt of the word Pietrelcina once, and I dunno where I saw it. When I checked the 'net, it was the birth place of St. Pio. I really went there to just visit the place and I am happy that kahit papaano St. Pio is working through me.

arlene5781

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #87 on: November 02, 2010, 11:31:46 am »
Same here mga sissies.. with the help of intercession of Padre Pio, God gave us our bundle of Joy im now 6 weeks pregnant TCC for 4 years mga sis... matagal ko na sya nadidinig before but i ignored, this year nung bumalik kami pinas sinadya talaga namin yung church nya sa libis sobra iyak ko mga sis nung pagdating sa church... after a month ayun... prayer granted were doing novena everymonth ni hubby and also attended his feast dito sa Sg. Got a chance to kiss his used cover hands po ba yun.. everything is his time..sobra nagpapasalamat kami sa lahat ng nagpray with us as well.


FOURever

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #88 on: November 02, 2010, 11:41:05 am »
ang mga saints, sila yung sinasama natin sa dasal natin sa DIYOS para ipagdasal din tayo ng mga santo na ito kay GOD. Ito yung namimisinterpret ng ibang relihiyon. At ito rin namimisinterpret ng mga katoliko mismo. Yung iba, sa santo na talaga sila 'sumasamba'. Pero, i am still proud kasi madami pa ring katoliko lalo na dito sa gt, na alam pa rin pagkakaiba ng saints at ni God.ü

Ako, pag nagdadasal ako kay God, kasama si st.therese of child Jesus. Tinutulungan nya ako. Naniniwala ako na kung may mga miracle man ang mga saints na ito, ito ay galing din kay God. Dahil hindi naman sila naging santo dahil sakim sila. Naging saints sila dahil follower sila ni God. And God gave us benefits to inspire other people, yung mga saints lang talaga, ibang level yung way ng pag inspire nila..ü

arlene5781

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #89 on: November 02, 2010, 11:49:25 am »
indeed true FOREver

green-aholic

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #90 on: November 02, 2010, 09:50:27 pm »
mga sis, kelangan ba talaga na sa simbahan lang magnovena or pwede din sa bahay? like for example if you want na magnovena kay st. jude?

PINKAHOLIC

  • Guest
LOVE MY HUB =)
« Reply #91 on: November 02, 2010, 11:38:49 pm »
:'(
« Last Edit: November 04, 2010, 06:31:50 pm by PINKAHOLIC »

rinapie

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #92 on: November 03, 2010, 02:15:38 am »
^wag ka mag-alala... sa palagay ko naman, sis, walang nade-decieve pa ng diablo o kung sinu man dito sa amin. nasabi na nga ni sis FOURever na hindi naman talaga sila dinadasalan. tinutulungan lang nila kami/tayo sa mga specific na dasal o panalangin...parang backer(haha! tama ba yang spelling ng backer na yan?) ba... at sa bawat dalangin o hiling na nasasagot ni God dahil sa tulong ng mga santo, isa ito sa nakatulong para mas napapalapit kay God.

iginagalang namin kung hindi ka naniniwala sa mga santo o sa mga ginagawa namin pero masasabi ko at masisigurado ko na hindi kami nag aaksaya ng panahon at walang ni saglit na pagkakataon ang nasasayang sa mga oras na iginugugol namin sa kanila dahil lahat ng iyon ay tumutulong sa amin mas pagkilala at mahalin si God.

may iba-iba tayong paraan ng pagsamaba o pagkilala kay God. kung saan ka mas napapalapit sa Kanya, dun ka. at kami, sa ganitong paraan, sa pamamagitan o tulong ng mga santo namin. sana maintindihan mo din yon. salamat!  :)

btt: grabe pasasalamat ko kay st. claire. yung huling loveletter ko kay God, sa kanya ko kasi ipinaabot. hayun...granted! ayos!
« Last Edit: November 03, 2010, 02:25:39 am by rinapie »

FOURever

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #93 on: November 03, 2010, 05:26:11 am »
^minsan lang ako mabisita kay st.claire pero pag pumupunta ako dun, iba talaga pakiramdam ko, nararamdaman ko malakas presence ni God dun..ü st.claire is the patron saint of something about rain. Tama ba? I don't know nga lang kung para tumigil ang ulan or para magbigay ng ulan..
.
Anyways, regarding dun sa PAGDADASAL SA SANTO, kanya kanyang IMPRESSION lang yan. Ang mahalaga yung intention ng NAGDADASAL at hindi ng NAKAKAKITA AT HUMUHUSGA. =) and i made it clear na regarding sa pag  dasal, depende na lang sa mga nagbabasa yung pag intindi. Kung positive or negative thinkers sila, we'll see..ü and i want to emphasize this:

We are all given the same chance/opportunity/life/or whatever you call it to be followers of God. But we HAVE FREEWILL. Kaya nga these saints chose to live their life that way. Pareparehas tayo pwede maging saints. Nagkakatalo lang sa willingness natin na ibigay sa Diyos. But God doesn't mind kung over over ang effort natin. Basta He feels that we BELIEVE in Him. Sabi nga sa bible, kung ang isang tao, mula pagkabata naging malapit na sa panginoon, parehas pa rin ang 'reward' nya sa taong huli na NAGSISI.
.
Ngayon, kaya ginawang santo ang mga ito, kasi sa kabila ng mga paghihirap nila para maging follower ni God, wala silang hininging kapalit. Hindi masama ang intention nila. Ang gusto nila, mainspire ang mga tao na totoo ang Diyos dahil meron sa kanila nakakita kay God. THEY ARE HERE TO INSPIRE. Kung hindi from God yung mga nangyayari na hindi mapaliwanag ng science, eh bakit ang impact ng mga saints ay for us to pray to God and to be followers of God?
.
Napahaba na ako. Sorry.ü anyways, kaya nga tinawag na faith eh. We believe on something we don't see at di natin sure kung totoo yun, basta we just like to believe. If you have FAITH, YOU KNOW WHAT I MEAN. ;)
.
Good thing na pinalaki ako ng parents ko na magbigay galang sa mga relihiyon. =) positive thinker and believer ako pagdating sa religion. Kaya hindi ko makayanan na humusga ng ibang religion at paniniwala kasi i know how it feels na mabastos on something i believe in. I think every religion has its own flaws.. But the best thing about them is the people who don't doubt. =p
« Last Edit: November 03, 2010, 05:31:00 am by FOURever »

rinapie

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #94 on: November 03, 2010, 02:13:42 pm »
@ FOURever, isa yun, mag-aalay ng itlog para hindi umulan. dinarayo din ng mga estudyante yun lalo kapag malapit na mga board and bar exams. malapit lang kasi ako sa sta clara kaya madaling puntahan. at very true! kapag nandun ka, feel na feel mo ang pagdadasal, na kausap mo si God! highschool ako nawili magsimba talaga dun kahit may mas malapit na ibang simbahan, dahil nga malakas presence niya. kahit madaming tao, makakapagdasal ka talaga. college na ako nagsimulang humiling talaga... in all fairness, hindi inaabot ng buwan bago ma-grant kaya naman tuwang tuwa ako. ganito din kay fr.pio, ang lakas ng presence ni God at ang bilis din sumagot.  :D

FOURever

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #95 on: November 03, 2010, 06:32:24 pm »
^^actually, kapag dumadalaw kami sa sinasabing mong SILA, ano ba nakikita namin dun? simbahan yun. SI GOD PARTICULARY JESUS ANG NASA GITNA. YUNG CROSS ANG NANDUN. asan sila? andun sila sa sulok. hinihingan din sila ng tulong para ipagdasal kami kay God. kung siguro dahil nakalagay dun sa pangalan ng simbahan ay yung pangalan ng santo, para yan sa bigay galang sa kanila pati sa DIYOS. pero hindi ibig sabihin nun, PATI SILA, SINASAMBA. kumbaga, patron saint yun eh. WELL, HINDI MO NAMAN MAIINTINDIHAN yung sinasabi namin dahil hindi bukas ang puso mo. at siguro, hindi mo pa nararanasan makakita ng aktwal na TOTOONG KATOLIKO na nagdadasal sa simbahan. SUPERFICIAL yung nakikita mo. hindi dahil lang sa nakita mo sa tv na nakaluhod ang mga tao sa loob ng simbahan na ipinangalan sa santo, yung santo ang sinasamba.

funny man, pero alam mo sinasabi ko sa mommy ko kapag natutupad kahilingan ko? sabi ko, si san miguel kasi tumulong sakin para magrant ni God yung wish ko. :P

sis, you are in the wrong thread yata. don't ever generalize a crowd. :) stereotype ba? or sadyang nilalahat mo lang kami?

I don't think we need saint to communicate God. .
Bakit di ba natin kaya ang direct na MANALANGIN, MANALIG at MANAMPALATAYA Sakanya?
For sure maraming naiinis sakin at di ko pinagmamalaking marami akong kaalaman sa Biblia but ang akin lang, kapag inintindi natin ang Aklat ng MABUTI, malalaman natin na Sya lamang ang dapat sambahin, dasalan at sampalatayanan at di natin kaylangan ng mga ibang backer upang makarating Sakanya.
Sabi nga, ang tamang panalangin ay Inuumpisahan sa Pangalan ng Ama at hinihiling sa Pangalan ni Cristo Jesus.
May iba kasi na OBVIOUS na MALI basta nakasanayan at pinaniniwalaan talagang di na hihiwalay sa maling pananaw.
MAGBASA NG BIBLE KUNG MAKIKITA NYO BA ANG MGA SAINT CLAIRE, PIO na yan or kung talaga bang may espesyal silang tungkulin sa Biblia.

Kasi sa pinakabuod ng Biblia umiikot lang talaga sa pagitan ng Panginoong JesuCristo at ng AMA.
Kahit nga ang Ina ni Cristo na si Maria tinawag Nya lamang sa '' BABAE''
Bakit? Dahil ba sa hindi nya ginagalang ang kanyang ina?
No, tnawag Nya sa ganong salita dahil pinakita Nya ang Kanyang KAPANGYARIHAN na bagamat ina Nya ay mas nakata2as Sya sapagkat Sya ay Diyos.
So alam na natin na kahit si Maria ay di tinuturing na makapangyarihan sa Biblia, . .
Sana nakuha nyo ang point ko, manalangin kayo DIRECT to GOD at tiyak mas aayos ang Buhay Nyo kasi kahit yung ibang walang alam sa Biblia, when they heard saint na sinasamba MALING MALI NA TALAGA.
sa bible, pinapangalanan ba ang mga tao sa hinaharap? hindi. kaya malamang wala dun yung mga santo.

tinawag na BABAE si maria dahil BABAE siya. anong panahon ba yun? malamang wala pa dun na mga words for endearment. BABAE ang tinawag sa kanya. pero tinawag syang BLESSED VIRGIN MARY. umakyat sya sa langit. kaya mo ba yun? tatanungin kita, may miracle na nangyari sa kanya, mamili ka: galing kay God yun, o galing sa ibang ELEMENTO? dyan mo ihambing ang mga santo. may mga himalang nangyayari pero hindi ibig sabihin nun, sila may gawa nun. ANG DIYOS. paulit ulit na lang.

yung directly na pagdadasal, oo. directly kami nagdadasal. kung nabasa mo mga posts namin, sabi namin, humihingi lang kami ng tulong sa mga santo.

Nasa Bible ba ang mga saint na yan?
Baka naman magselos c God kung sa iba kayo nananalangin, sabi pa naman sa Bible, ang Diyos daw ay mapanibugho.
Kapag rebulto, totally di ko sinasamba, don't believe na may miracle sila. .
But kung meron man, for sure it's not a God things.
Dios lamang ang nakagagawa ng mabuting miracle.

sis, bakit ginagawa mong reason ang bible kung ang kinukwestyon mo ay mga santo NA MINSAN NAGING TAO RIN? if you don't know, BIBLE WAS NOT WRITTEN DIRECTLY BY GOD. HE USED PEOPLE TO WRITE IT FOR HIM. and if you don't know, there are still some parts missing. OKAY, my religion is using the bible. BUT DON'T EVER USE THE BIBLE TO CONTRADICT OUR BELIEFS HERE. kasi parang magulo. kinukwestyon mo yung mga santo na tao before pero ang gamit mo na defense ay gawa mismo ng tao. how can you explain that? HUWAG MONG SABIHIN NA SI GOD ANG NAGPASULAT NG BIBLE SA MGA AUTHORS. dahil ibabalik ko sayo yung ganyan na reasoning, KUNG GANUN, BAKIT MAGIGING IMPOSIBLE NA GALING KAY GOD YUNG MGA TULONG NG MGA SANTO?

i don't want to argue anymore. basta ako, HAPPY AKO SA RELIGION AT PANINIWALA AT FAITH KO KAYA HINDI KO KELANGAN MANIRA PA NG IBA O KWESTYUNIN. :)

at by the way, kung magtatanong ka, siguraduhin mong makikinig ka sa isasagot ng tinatanong mo. ang nangyayari kasi, MAY SAGOT KA NA SA TANONG MO. PARA SAAN PA PAGTATANONG MO SAMIN? saan hahantong ang usapan na ito? para pilitin kami na ANG SAGOT MO ANG PANIWALAAN? sorry na lang po ate, mas kapanipaniwala ang pinaniniwalaan ko kesa sa sinasabi mo. WAY OF ARGUING pa lang, hindi na credible eh. :)

---


^hayaan mo na yan sis. mahirap makipagtalo sa HINDI WITNESS. :) respetuhan na lang yan. kung parehas natin sya ng relihiyon, SIGURO MAY PINANGHUHUGUTAN SYA. kung iba naman relihiyon nya sa atin, let her/him judge us. wala naman mawawala satin di ba? mapapagod din yan. she/he cannot prove anything to us kasi we are TRUE BELIEVERS and we don't question things pag dating sa religion.
« Last Edit: November 03, 2010, 07:21:09 pm by FOURever »

domestic diva

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #96 on: November 03, 2010, 07:03:00 pm »
Totoo yon, 'no?  When you're at Santa Clara, you really feel God's presence there. It's so serene.  Even my kids feel it and they feel safe and at peace there. They enjoy praying then lighting a candle for their intentions.

I have yet to visit the Chapel of Padre Pio. Maraming parking din ba doon?

FOURever

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #97 on: November 03, 2010, 07:10:07 pm »
@ FOURever, isa yun, mag-aalay ng itlog para hindi umulan. dinarayo din ng mga estudyante yun lalo kapag malapit na mga board and bar exams. malapit lang kasi ako sa sta clara kaya madaling puntahan. at very true! kapag nandun ka, feel na feel mo ang pagdadasal, na kausap mo si God! highschool ako nawili magsimba talaga dun kahit may mas malapit na ibang simbahan, dahil nga malakas presence niya. kahit madaming tao, makakapagdasal ka talaga. college na ako nagsimulang humiling talaga... in all fairness, hindi inaabot ng buwan bago ma-grant kaya naman tuwang tuwa ako. ganito din kay fr.pio, ang lakas ng presence ni God at ang bilis din sumagot.  :D

thank you sis :) confirmed na. hehe! :)

^sis, di ko lang sure. parang gusto ko rin bisitahin :)

socxymom

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #98 on: November 03, 2010, 07:20:34 pm »
pasali mo..share ko lang din yung personal experience ko...ako naman devotee ako ni st.jude..actually nakilala ko lang siya when i'm about to review for my board exam last 2007..sinaman ko ng friend ko and sabi niya nga madami din daw board takers na nag-ppray kay st.jude..and i can attest to that because i believe na tinulungan niya din ako para maka pass sa board exam..and until now nagnonovena pa din ako sa kanya.... :)

if i may add sa comment ni FOURever, hindi naman yung rebulto yung sinasamba natin...yung rebulto is just a symbolism..it serves as model..na kapag nakita ng tao yun,maalala nila na yung sini-symbolize nung rebultong yun ay banal at malakas ang pananalig sa Diyos na dapat tularan...tha's it..and because they are already saints and they are already with God in heaven they can help us grant our prayers...i dont mean also to argue, i just only want to clarify para naman maintindihan tayo ng ibang tao na namimis-interpret yung ginagawa natin..God bless us all... :)

FOURever

  • Guest
Re: your favorite saint and personal testimonies
« Reply #99 on: November 03, 2010, 07:23:15 pm »
^amen to that sis :) thanks. that will be my last argument sa kanya. mahirap makipag debate sa taong may sagot na sa mga tanong. hehe :) GOD BLESS US ALL.

sana maging inspirasyon sa atin yung mga santo na dating mga ordinaryong tao pero dahil sa pagmamahal nila sa Diyos, hinahangaan na sila ngayon at nagiging gabay sila sa mga prayers natin :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close