Author Topic: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)  (Read 46061 times)

bjgem

  • basta..
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 214
eto din problema ko ngayon kaya para wala ng makaaway na kapitbahay eh..ipapaayos na lang namen house namen para magkaroon ng garahe..lumiit tuloy sala..haaayy  :(
Women have strengths that amaze men.  They bear hardships and they carry burdens, but they hold happiness, love and joy....If there's one flaw in women, it is that they forget their WORTH

leonilyn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
eto hindi koproblema.. problema ng kapitbahay namin... sobrang bastos nung isa naming kabitbahay... isipin nyo.. 2 na yung car nila.. 1 for his tito na tenant ng house and 1 for him na nakatira sa tito niya.. ngayon may bagong lipat sa tabi nila may adventure.. pag nag park mejo lagpas.. e etong si pamangkin dun nag papark sa sa house next sa may bagon lipat.. so napagitanaan nag house nila at house nung pinag parkan nya..

akalain mo ba naman minsang lumagpas ng onti ang park ni bagong lipat kinatok niya ng madaling araw pinaurong yung car kasi lalagpas na ata cya sa gate ng pinag parkan nya.. i maldita meari dun.. slam kung slam ng gate de baleng magasgasan car na nakaparada.. so okay na lumabas c bagong lipat at inurong yung car..

one day umalis cla ng house.. itong kumag na pamangkin dun nag park sa harap ng house nung bagong lipat  :o kung hindi ba naman siya bastos na talga.... tapos eto na pumalag c bagong lipat.. lumabas ngayon si tito.. ibinida na kesyo matagal na daw silang nakatira dito... magbigayan na lang daw??!!! hallerr!!! harap ng me harap kaya yun.. so nagwala c wife bagong lipat.. eh di tinanggal ngayon car ni pamangkin..

kanina nman nangatok ulit.. lumagpas daw.. susmaryosep.. buti sana kung umaga.. dis oras ng gabi.... ewan sa kanila naasar ako.. me parking naman sana na nakabakod ayaw gamitin.. susme!

jhaney

  • I'm a goddess and a...
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 312
  • Life's a B*TCH!!!
    • International/Domestic Flights, Hotels, and Tour Packages
^Nakakagigil talaga ang ganyan. Sa mismong garage niyo na nagpark.

Share ko din ang story ko. I live in a village na middle class pababa ang nakatira. Yung katabi naming house sa min pinapark yung sasakyan na ginagamit ng school service. Wala man lang pasabi na magpapark siya sa min. Kaya nagulat na lang kami at everyday na siyang nakapark dun sa spot na yun. Ang nakakainis pa dun ay sobrang dumi ng spot kung san siya nag park. May time pa na aalisin niya yung sasakyan pag nagwawalis maid namin tapos saka ibabalik pag nakalinis na. So I told my maid na never linisin yung spot kung san siya nagpark. I know hindi yun yung driveway namin pero I think we have the right na wag magpapark dun forever. Okay lang naman sa min na may magpark pero di masiyadong matagal.

Our reason kung bakit di kami nagpapark dun because may mga tumatambay dun from squatters' area kasi nga naman nahaharang sila ng car. Siyempre disturbing sa min yun baka mamya may iba na silang ginagawa at mababa pa naman ang gate namin so madaling akyatin. One time may na poo poo pa dun sa area na yun.

Yesterday, I argued with that neighbor pero about our mango tree ang dahilan. But they opened the parking thing since di na sila nagpapark sa min for almost a year. Ang sabi ba naman nila di naman daw yun part ng binayaran namin na lupa at pare parehas lang kami na hindi pa bayad ang mga bahay. Ang sabi ko sa kanila it's our right kasi tapat namin yun at kami naman ang naglilinis ng area kung san sila nagpapark. I forgot to mention na threat sa ming safety yung pagpark nila dun.

Actually meron naman silang parking space at dun na sila nagpapark ngayon. Sakit sa ulo. I realized ang hirap talagang makipagtalo sa mga taong narrow minded. Di nila kasi alam ang courtesy at respect.
International/Domestic Flights, Hotels, and Tour Packages

http://www.facebook.com/mjdptravelandtours

ysa.belle

  • picking up the pieces...
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2757
  • I know in that God will guide&protect us always.
@web147, ang kapal naman ng trabahador na iyon.

♥ Life is a journey from one point to another. You know where you will end up, but you don't know what route will get you there... ♥

rhumbafrapp

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1633
  • Vaaaaiiiin!
Sana no, magkaroon ng law, di ka pwede bumili ng car pag wala kang parking space. Di ka pwede magka-rehistro.

I mean really, if you can afford a car, you can bloody afford a parking space!

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1280
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
^very well said!

@web147: sana nilagyan nyo ng pako sa loob ng garage nyo. hehe!

michi247

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 824
ako rin natatakot pag may ibang tao na nagpapark sa house, kinakabahan talaga ko. ang problem namin since last year, may bagong lipat sa tapat namin na lagi pinapark sa tapat lang ng bahay kahit may parking space. 2 way lang yung daanan sa min so wala makakadaan pag di pinasok ni hubby yung car pag darating siya, so nahihirapan siya ipasok at ilabas kotse. sabi ko kay hubby, kausapin na lang niya yung neighbor namin. pero ang ginawa niya, nung umalis yung kotse nung tapat namin, nilabas niya yung car namin at pinark sa tapat lang. so nung dumating yung kapitbahay, no choice siya na ipasok car niya, hirap na hirap ang loko, tapos may isang beses na di niya mailabas kotse niya sa takot na mabangga yung sa min kasi di pinasok ni hubby, buti na lang lumabas si hubby at sakto na aalis rin siya.

kaya simula noon, pinapasok na niya kotse niya at narealized niya na mahirap lumabas at pumasok.
« Last Edit: May 02, 2011, 06:33:54 am by michi247 »

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6909
Ibang level naman yang trabahador na yan.

Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

iluvescadasport

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 579
sa amin kakainis yun neighbors namin. kasi residence house yun amin. pero kapitbahay namin business nila is reparing cars. E madaming customers siguro, lagi nagpapark sa harap ng house namin. Tuwing aalis kami, pagopen ng garage, lagi nakaharang yun cars ng customer nila. Sabi ng tatay ko, bakit ayaw nila maghanap ng bigger space (kasi mayaman sila) that can accommodate all their customers.

ako naman naisip ko, if your business is fixing cars, you should at least allot a big space in your area. Or just accept what you can. Hindi yun kinukuha mo na space ng iba.
"Discouragement and failure are two of the surest stepping stones to success."  - Inspiring Women

anneG

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 394
we live in an industrial area, yung tapat namin residential/bodege may gate naman din sila kaya lang ginawa pa ring stock area yung part ng gate nila. Ang siste ganito meron silang 2 cars & 2 fordfierras..yung 2 cars nakapark sa labas ng gate nila at sa gilid ng gate namin ganun rin yung fordfierras nila & most of the time hassle sa amin kasi lumalagpas sila sa gate so yung pag turn namin alanganin,buti na lang super luwag ng parking namin sa garage kasya 7-8 cars atleast hindi kami nakaka perwisyo ng kapwa..puede bang gasgasan na lang yung kotse nila??!!!  >:(

ravena

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 446
we have good relationship with the parents ang matitigas lang na ulo ay ang mga anak. Ako, i gave up telling them not to park in front of the drive way they don't listen at dahil sa ayaw makinig straight to the car ang bunggo ng motorcycle. kasi naman common sense i-park ang kotse malapit sa malikuan at may humps? haha. ayun, so good luck na lang sa kanila! HAHA. natatawa na lang ako kapag naalala ko. abala na ginagawa nila sa kapwa may kapalit din agad. HAHA. :) :) :)
« Last Edit: June 20, 2011, 12:33:09 am by ravena »
The key to succeeding in a relationship is not finding the right person; it's learning to love the person you found.

rychel07

  • Working, living my life and having fun being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 477
yung katabi katapat naming house, they have 2 cars only, pero madalas may pumupunta sa kanilang relative ata, na may suv. and parang at least 3 times a week may mga bisita sila na may sasakyan din.  two-way street namin, maluwag naman, okay lang sana if mag-park sa tapat ng house na katapat namin, kaya lang di man lang isampa sa sidewalk yung sasakyan eh kasya naman, minsan pag na late ako ng uwi ng weekend or paalis ako ng weekday and i have to use the car, need ko pang antayin na may lumabas sa kanila para lang iusog yung sasakyan nila, medyo nakaka-annoy lang kasi what if nagmamadali ako diba? eh kung isinampa nalang sana nila atleast yung half side ng sasakyan para maluwag na makakalabas or pasok yung sasakyan namin eh di hindi na rin sila naiistorbo.

I mean really, if you can afford a car, you can bloody afford a parking space!

exactly sis! super agree!
Always choose to be happy. :)

jazzygelable

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 213
kami din sa subdivision may mga nakapark na car sa kalye pero we make sure na walang mapeperwisyo. kapag may mga bisita nga, pinagpapark namin sila sa may kalayuan pa kasi dun vacant lot at walang issue. common courtesy naman kasi yan. di na kailangan sabihin o ipaskil yung rule simpleng consideration lang.

ilykeee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 105
Share ko lang ang kwento ko, nung bago bagong lipat pa lang kami sa subdivision, one time may bisita yung kapitbahay sa tapat(kaliwa), nagising na lang kami na nakapark na sa loob ng garahe namin yung sasakyan, then kumatok na lang yung boy nila na papark muna raw ng suv nila. Sa una nainis kami kasi walang paalam, pero nung nagsabi um-ok na kami wag na lang talaga mauulit, after nung pangyayari every morning hinaharang na namin yung malaking garbage can na may nakadikit na papel na "no parking", di na umulit. Then yung mismong katabi naman namin sa harap ng window namin nagpark kahit meron naman silang garahe, pinasabi namin sa roving guard na pakiayos yung parking kasi ayaw namin may nakaharang sa bintana namin di makita ang labas, di na umulit. Then itong kapitbahay(kanan) yung bisita lagi nagppark sa driveway naman namin medyo matagal kahit maluwag naman yung tapat nila, pinakausap ko kay hubby na yung katabi namin pinagbawalan namin na magparada sa harap baka maaring sila rin wag dun at sa harap na lang nila, nag agree naman at di na umulit. Dati sakit talaga ng ulo ang mga kapitbahay namin na basta na lang nagpapark sa harapan ng bahay namin, nakakainis kasi kada bahay ay meron covered parking na kasya ang dalawang sasakyan. Ang spot kasi namin walang katapat, kalsada na T shape ang tapat kaya sobrang luwag, pero di ko talaga pinapalampas kasi ayokong mamihasa. So far ok na, kelangan lang talaga na sa una palang mapahalata mo na hinde mo gusto yung ginagawa nila.

mhy_pie03

  • IT Consultant, Health & Financial Literacy Advocate, Newbie Blogger and super duper CAT LOVER
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
    • Mumay's World
Naku naalala ko na naman yung kapitbahay namin. Dating kumare ng nanay ko kaso dahil sa sobrang inggit sa amin eh ilang beses na silang nagkabaranggayan. Aba isang umaga eh nagpark ba naman sa harapan namin, as in HARAP NA HARAP tipong paglabas mo ng gate eh yun na ang bubungad sayo. WTF? Matagal ng may bad blood tas ganun? Talagang nangaasar edi nakatikim na naman sila sa nanay ko. Uso rin sa subdivision namin yung paradahan ng sasakyan sa labas. Paano isang kotse lang kasiya sa mga garahe nila dahil maliit land area nila. Sakit talaga sa ulo ang mga mayayabang at walang modo.
http://mumaysworld.blogspot.com/
”For everyone who exalts himself will be humbled, and he who humbles himself will be exalted.”
Luke 14:11

stephyes89

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
Hi po! Silent reader ako dito sa FN. Nag sesearch po kasi ako sa Google regarding sa parking etiquette and nakita ko nga thread na to. Permanent resident po kasi kami dito sa village namin and meron kaming katapat na 6 units na apartment. Before wala ako problema kasi yung nasa tapat namin mismo wala naman silang car and now meron na as in katapat na katapat namin then yung sa may right na tapat naman na apartment may car din. Ang kalsada po kasi sa street namin two lanes na sakto lang sa sukat ng isang sasakyan ang isang lane, nakapark po yung parehong sasakyan nung dalawang tenants ng apartment sa daan kahit na meron silang sariling garahe. Kapag lalabas po ako nahihirapan ako kase baka maatrasan ko yung isang sasakyan sa tapat then pag uuwi naman ako di po ako maka bwelo ng maayos papasok sa garahe namin dahil yung sasakyan sa right tapat namin ang nakapark sa daan.

Nakiusap na po ilang beses yung Mom ko sa landlord ng apartment pero ang sabi po nila matitigas daw po ulo ng mga tenants kahit na sinabihan na sila walang improvement. Then ngyari na nga po ang worst tumama yung bumper ng sasakyan ko sa gate namin habang pumapasok ako kasi hirap na hirap akong makabwelo. So ang Mom ko nakiusap na dun sa mother nung may ari ng sasakyan sa tapat namin pero ang sinagot lang daw nung anak eh kung gusto ko daw bumili daw ako ng sarili kong daan.

Pasensya na po kung medyo magulo kwento ko hehe mixed emotions na po kase habang tinatype ko to.

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6909
^Ipa barangay mo sis. Technically, hinde sila dapat nakaharang sa drive way. Gasgasan mo car nila hahaha
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

ficklemind

  • Free as a Bird
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1259
"kung gusto ko daw bumili daw ako ng sarili kong daan." -  walang urbanidad!
pabarangay mo sis, or if sila nakagarahe tiyempuhan mo minsan ikaw naman magpark sa labas para mahirapan sila sa pagbwelo (kaso baka ikaw naman magasgasan)

may garahe din tapat bahay namin pero madalas nakapark sa labas, tamad lang magpasok? ewan!  hinde kami makalabas or makapasok, totally walang bwelo.

Minsan may bisita kami nagpark sa harap ng bahay namin, nung dumating sila, grabe makabusina ng paulit ulit, nakakaeskandalo.
Eh sila na always nakaharang, never kaming nagbubusina -  doorbell , kumakatok at laging pakiusap na i-usad sasakyan para makadaan kami.
 kahit anong asar ni hubby lagi ko reminder na maging magalang kako.  ::)


madami na din kasi sasakyan ngayon no? madali na ma-afford?
Nung bata pa ako, ang luwag sa village ng parents house ko, ang saya maglaro! iilan lang may sasakyan at nasa loob lahat ng garahe. Pero ngayon pag nagvivisit kami punong puno ang kalsada, wala ng space maglaro mga bata. :( kami ang walang maparadahan (nagiging reason pa kung bakit tinatamad asawa ko, hirap daw parking) eh tutuusin kasya 2 sasakyan sa labas ng house namin.

may garahe parents' house  ko but minsan hinde na din nila pinapasok kasi pag nasa loob ng garahe aba papatusin na din ng iba yung harap ng gate.
« Last Edit: August 09, 2019, 03:43:19 pm by ficklemind »

lyrahs

  • i'm addicted to YOO
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 869
  • someday my coffee prince will come :)
pabor ako na ipatupad ang no parking space, no car policy na gusto ipatupad lalo sa mga main street na ginawa na talagang parking spot ng mga kotse nila kundi man ang sidewalk e ang mismong kalsada. Lalo nakakasikip sa daloy ng sasakyan.

Kung sa mga private subdivision naman, kung may garahe ka, dun i-park ang kotse mo. Kung wala naman, IMO, pwede naman siguro i-park sa tapat ng bahay mo or kapitbahay mo as long as hindi ka nakakaharang sa driveway nila (kung meron man) or sa service gate nila.

Nasanay lang din siguro ako sa ganitong setup kasi nung nasa UK pa ako pwedeng mag-park ng kotse kung saan bakante basta hindi nahaharangan ang driveway nila. Lalo sa mga residential area na mangilan-ngilan lang ang may parking slot. Kahit sa kabilang kanto ka pa magpark kung doon may bakanteng slot na hindi nakakaharang ng driveway, pwede mag-park.

Buti na lang din sa subd namin sa Bulacan, wala namang kapitbahay na nagpapark na nakaka-abala
Life's a beach....Enjoy!!!

 


Latest Stories

Load More Stories
Close