watch now

Author Topic: Re: Parking in front of the house ( sino ba ang mas may karapatan mag park?)  (Read 100634 times)

rhumbafrapp

  • Guest
Il share this kwento with you mga sis
Our street is small, kasya lang 2 cars na magkatabi ang width. Actually, truth be told, our street is not sosyal at all. The people living there belong the the midlevel to mga 2 to 3 notches down. Im not being mean, im telling the fact as i see it.
Sa buong street, our house (duplex) is the only one lang na has garage. The others park lang in the street.
This is what really enrages me, our kapitbahays park their motorcycles, jeeps,bikes, car in front of our duplex and driveway.
This happens on a daily basis. they even block our garage and my father talaga gets angry because he has to call pa the owner of car na nakaharang to move his car so that we can drive the car out of the garage. The hassle, the waiting, Ugh!!
One neighbor was so stupid to tell my father na " Di naman inyo ang kalsada". Which i remarked na " Di din naman inyo, e bakit kayo nakapark dyan? Bili bili kayo ng car, e wala naman kayo space to park it. Driveway nga e"

And eto pa, i mentioned na 2- car street width capacity lang, and they park at our side of the street.
I dont frreaking care if you buy whatever vehicle, car or van, or even bike. Basta di ka nakaka-hamabalang.

For me, ganito lang e, If the owner of the house does not have a vehicle and driveway, it would be okay to park there and as courtesy, ask the owner's permission din. AND make sure you are not totally nanhaharang, meaning, the people residing inside the house can get out of the door with no difficulty, no skirting around just to be able to get out.

One of these days, i will hire a raker talaga, hayaan mo na to spend a bit, it would be so worth it na makitang i-tow yun car nila,!!!

kanino kaya or what goverment unit pwede icontact regarding this matter?

beautify

so true, tingin ko din courtesy and respect  nalang talaga to.

charitea

  • Guest
Yes dapat lang courtesy naman sa neighbors.

beautify

  • Guest
kamusta na pala sis mai ano na ang nangyari?

brownpinay

  • Guest
Nakakapang init nga ng ulo ito sis....subukan mong pumarada sa harap naman nya at sya naman tyak ang manggigil, hay naku, mga walang respeto sa iba. 

persimmon

  • Guest
 sa amin din dito palaging nag-aaway tungkol sa parking. recently nga nagpatawag ng meeting ang mga barangay officials regarding parking.akala ko pa naman, sila ang nag-initiate yun pala yung taga Dep't. of Public Order and Safety (DPOS) kasi may nag-request nga daw na isang resident.

tamang-tama din, a day before the meeting, aba may nagpark din sa tapat ng gate namin.eh yun na nga lang natitirang space kasi nga daanan. so kung lalabas kami ng gate wala ka na talagang madadaanan kasi puno na ng sasakyan. di para kaming na-trap sa loob ng bahay. so ang ginawa ko, kinuhanan ko ng picture tapos  I printed it. kinaumagahan, pinakita ko sa mga kagawad. at least yun, may ebidensiya talaga.

selyado

  • Guest
i have a friend who lives in pasay, sa may sandejas st.  may garahe naman sya pero syempre yung mga bisita nya eh no choice but to park sa kalsada.  so minsan pumunta ako sa kanila, ipa park ko sana sasakyan ko sa tapat ng house ng kapitbahay nya since occupied na yung sa tapat ng bahay ng friend ko.  aba di pa ko nakaka ayos ng parada lumabas yung may ari ng bahay at pinaaalis ako.  sa kanila daw yung paradahan sa harap ng bahay nila.  susmio, muntik ko na bulyawan na "kelan mo pa nabili itong kalsada dito???"  i mean, it's not even a subdivision.  pampublikong kalye yun.  hay naku, buti na lang kami eh nakatira sa subdivision at medyo wala pa kaming problema sa mga ganyang nakahambalang na sasakyan.

GabBeaMariz

  • Guest
ang nakakainis minsan bibili ng 2nd car wala naman sila garahe para sa 2nd car na yun, eto ang problema ng parents ko  ::)

tiggerlily

  • Guest
mas nakakainis kung may parking naman pero sinasadyang i-park sa harap ng bahay mo. ganun itong kapitbahay naming perwisyo. kinausap ko na rin ng maayos pero hindi pa rin inurong. minsan huhulugan ko yun ng bato from our roofdeck and they will know the meaning of "park at your own risk".

Len143

  • Guest
Hay.. yung worker nung nagpapagawa ng bahay sa tapat namin hinarang mismo sa gate ng parking lot ang buhangin na galing sa truck(parang *****).  Pinatanggal namin. Tapos todo park pa sila mismong malakinng gate lalo na sa umaga. Hay... lahat ng workers nila sa tapat namin nagpapark na walang paalaman. May bakante namang lupa mismo sa ginagawa nilang bahay pero buti nalang tapos na yung bahay.

Heto kinaiinisan ko sa owner naman. Alam na niyang pag pinapasok-labas ko sasakyan eh talagsng nasasakop ng husto ang daan na halos dumikit na ang sasakyan sa bakod-gate nila eh nagpapark pa siya sa tatamaang daan ng sasakyan ko. Di pa naman makukuha sa isang urungan lang kasi masikip nga garage ko. Sa harap ng bahay naman nila siya nakapark  kaya lang sana naman iusog pa ng konti para pare-pareho kaming hindi naiistorbo tyaka pang 2car naman parking space nila bat di nalang ipark sa loob lalo na kung hindi naman sila aalis kaagad.. Kaya tuloy minsan gusto kong umalis di ako makaals dahil di ko malabas car ko hinihintay ko nalang silang umalis(di pa kasi sila nagsstay talaga sa bahay nila..  Minsan kasi nakakahiya ding pumunta o bumusina sa kanila at ssabihing makikidaan-paulit-ulit nalang.

Salbahe ba ako?   :)

tiggerlily

  • Guest
^ ofcourse not... stups lang sila!

dona626

  • Guest
kahit na lagyan ng malaking "no parking, driveway" or "keep driveway open" mag papark at mag papark talaga ibang tao. My dad really gets angry pag may nag papark sa gate namin. Reason nya what if may emergency, hindi agad maka alis ang sasakyan namin. Sana lang maintindihan ng mga neighbors yun para walang gulo.

dona626

  • Guest
mas nakakainis kung may parking naman pero sinasadyang i-park sa harap ng bahay mo. ganun itong kapitbahay naming perwisyo. kinausap ko na rin ng maayos pero hindi pa rin inurong. minsan huhulugan ko yun ng bato from our roofdeck and they will know the meaning of "park at your own risk".

hulugan mo 1 bato a day nang matuto sya haha

tiggerlily

  • Guest
yeah, i'm just waiting for a good opportunity. may parating na bagyo di ba? (*evil laugh)

moonie

  • Guest
Ireklamo mo sa barangay para yun na kumausap sa kanila.

evilwoman

  • Guest
sa lugar ng in laws ko, pag nakipark ka sa tapat ng bahay ng may bahay at di nagpapaalam, expect mo na magagasgasan ka or walang hangin ang 4 na gulong ng sasakyan mo. kaya pag napapagawi kami dun at need talaga makipark, todo paalam kami sa mayari ng bahay..  :)

thess

  • Guest
Share ko lang din kasi nasa loob din kami ng maliit na subdivision eh yung isang house na isang unit lang pagitan sa amin ginawang collection office, ngayun syempre may mga car sila two car pina park nila, dun pinark yung isang kotse sa harap ni neighbor na nasa pagitan namin eh gusto siguro bgyan ng driveway si neighbor, inusog hanggang sa amin in short dinidikit sa sampayan at mga halamanan ko dumidikit nga sa mga sinasampay ko..sinasabihan ko pag inaabutan ko na wag masyado ilapit sa sampayan saka yung mga halaman ko masisira..eh ang kulit ewan kung bakit gustong gustong idikdik yung kotse sa mga halaman ko sa inis ko nga one time naglalba ako yung malalaki like unan o kumot pinapatulo ko sa kotse nya..tas one time sa inis ko sinabuyan ko ng suka...eh ngayun may car na kami weekend lang namin ginagamit di na sila maka park :(  hehe

ravena

  • Guest
some people doesn't care just for their own convenience maka park lang kung saan saan okay na.

kapag may nakapark mismo sa tapat ng gate namin dahilan kung bakit mahirap umatras paparada na lang kami sa tabi ng gate namin bali matatabihan namin yung kotseng buwisit. so, no choice siya kasi we are on the right track sa tapat ng bahay namin kami nakapark, aalis na lang siya kasi magpark ba malapit sa palikuan malapit pa sa humps, geez, saan ba pinagkukuha yung mga ganyang drayber!! no sentido comun.

tiggerlily

  • Guest
update sa inconsiderate neighbor namin. fresh na fresh hot off the press kasi this happened just an hour ago. dahil takot ako sa karma, wala akong ginawa sa sasakyan nila. hindi na kotse ang ipinapark nila ngayon dyan sa harap ng bahay namin kundi PUJ na. isang mahabang PUJ! PUJeta naman o! at dahil mahaba sya e nahaharangan nya na rin ng 1/4 ang service gate namin. anyways, since maaga pa naman kanina nun dumating ako kinatok ko at ipinaurong ko. wala daw yung driver. sabi ko gusto mo urong ko na lang? nasa driver daw yata yung susi. pero kaya ko daw ba. e kaya ko naman yun e. sabay naalala ko na may trick nga pala kapag nag-i-start ng jeep. well, nai-start ko naman kaso namamatay din kahit irebolusyon ko pa. kaya itinulak na lang nila. hehe! *evil laugh. e di naurong. sana wag na sila magparada ng PUJ nilang bulok. hindi ba dapat may sariling parking ang mga ganun just like mga bus bago nagkakabigayan ng rehistro?

eicia

  • Guest
haiks! ^sis wala ba kayong parang homeowners cherva para maireklamo sila?

sa subd naman namin, pwede naman magpark ng magkatapat dal di masikip ang daan kaya lang yung kapitbahay namin palagi na lang masama ang tingin tuwing magpapark ako. ang nangyayari kasi pag pareho kaming nagpapark eh meh enough space lang for 1 car na dadaan in between ng cars namin. ang siste pag yung katapat na kapitbahay nagpapark, palaging konting space lang natitira for dadaang sasakyan. ang nakakaworry baka mamaya masagi ng mga nadaan yung mga sasakyan namin although nakapark sya sa tapat mismo ng bahay namin. nakakainis pa na meh bakanteng space naman sa tabi ng kapitbahay namin, di na lang nya itapat bulok nyang sasakyan dun  >:(

Latest Stories

Load More Stories
Close