watch now

Author Topic: Low appetites  (Read 165232 times)

yapeegurl

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #20 on: May 04, 2010, 09:59:18 pm »
^what about pediasure sis?

antagonist

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #21 on: May 04, 2010, 10:27:56 pm »
yung baby boy ko lakas sa milk, ayaw sa solids. i asked his pedia kung ano gagawin coz he really doesn't want to eat solid foods, hanggang tikim lang. sabi nya ok lang as long as malakas pa sa milk. siksik si baby since birth so hanggang ngayon ganun parin, hindi mataba, hindi payat= SIKSIK! ;D

although i'm really starting to worry kasi next month he'll turn one na at di pa malakas sa solids. diba dapat less milk na but more na sa solid food? hayyy! nagmana sa tatay, ang choosy sa food! hmp!

delisyus

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #22 on: May 05, 2010, 12:25:59 am »
you can try different ways of getting your child to eat... like letting him feed himself with the appropriate finger foods, offering smaller portions but more snacks, and decreasing the aount of milk you give (not diluting ha, decreasing the amount) so he won't feel full and content na...

antagonist

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #23 on: May 05, 2010, 09:22:52 am »
^we tried that sis. kahit sobrang gutom na sya ayaw talaga sa solid food. maglulupasay pa yan pag di binigyan ng milk. if naman we give him his food para sya ang mag-subo sa sarili nya, nilalamutak lang nya then itatapon. i thought masasanay din kaso na-master lang nya ang paglamutak ng food.

frustrating na nga, just to be honest. yung ibang babies sa neighbors na mejo ka-age nya ang lalakas kumain. dun sa thread ng starting solids kakainggint ang usapan, kaya dito nalang ako nag-post. :-[

may babies kaya na ganito talaga? is it just a phase? sana lang kasi he can't live with milk alone.

i can't say na maybe because he's teething kasi ever since he started solid food ganito na sya. though at one time he loves sayote and only sayote kaso after a few weeks ayaw na nya. he hates tomato based dishes. he hates fruits. he doesn't want to drink fruit juices. we wasted a lot of earths best jarred food. before kasi nagustuhan naman nya 'to, but now tikim palang diring-diri na sya.

nakakatuwa na nakaka-bwiset pag kumulubot na ang mukha nya tapos iiling-iling na. if i-try na subuan ulit sisigaw na yan at iiyak na parang ang saklap ng buhay nya.

hayyyy!...

literati

  • Guest
Re: decreased appetite
« Reply #24 on: May 05, 2010, 03:39:03 pm »
baka nga nagngingipin lang.  try mo bigyan ng teething biscuits. or offer other solids. baka nagsawa lang sa lugaw.

yapeegurl

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #25 on: May 05, 2010, 09:12:32 pm »
@antagonis, ilan taon na son mo sis?

antagonist

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #26 on: May 06, 2010, 09:29:51 am »
turning one year old this month sis.

literati

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #27 on: May 06, 2010, 05:14:11 pm »
i can relate to your situation, ANTAGONIST. Ganyan din first baby ko. Sobrang worried din ako kasi premature a siya then ayaw nga kumain ng solid foods.  More often than not, she plays with the food rather than eat it. Sobrang praning ko na kulang yung nutrients that she's getting kaya nagcocompute pa talaga ko ng caloric intake, protein, calcium, etc.  Pati yung consumption ng milk, i used to measure.  Linabas ko na rin ang lahat ng acting, singing and dancing skills ko just to make her eat her food pero konti talaga kumain. 

when i asked our pedia about it, nagprescribe siya ng appetite-booster.  nagwork naman pero hindi pa rin ganun karami ang intake ng solid food.  i was assured naman na as long as she's gaining weight, kahit superkonti, she's doing fine.  plus, she meets naman all developmental milestones on time, so i stopped worrying na.

she's turning 2 this year, mahina pa rin kumain compared to other kids but she's doing well naman healthwise.  she's not sickly and she's very precocious.

yapeegurl

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #28 on: May 09, 2010, 09:30:22 am »
^ako din ganyan sis! as in nag cocompute pa ako kung ilan ba daily ang need na vitamins/minerals na dapat for my son's age.. sa milk sya malakas.. average 42oz a day.. solids everyday meron konti.. as in konting intake.. actually depende sa mood nya.. kasi meron days na ang dami nya nakakain.. so akala ko if we'll cook the same food the following day eh madami pa din makakain pero the next day iba na mood kaya wala na..

anong appetite booster ginamit mo?

literati

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #29 on: May 09, 2010, 08:47:08 pm »
^Appebon syrup for 1 month. Nag gain naman siya ng weight.  Plus cherifier immunomax kasi naging sickly coz of primary complex.

Ok naman siya ngayon, bumibilog na ng konti.  We just shifted her milk from nan 3 to progress gold.  Medyo kumonti milk intake pero she eats plenty if she likes the food. Usually she eats a lot when we have soup.

How old na ba anak mo now? parang andami naman ng 420z a day?


lenieliam

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #30 on: May 10, 2010, 07:48:04 am »
sis, when you say payat are you refering to how he looks or his weight?  kasi minsan there are kids na payat tingnan pero when you check their weight, okay naman.

you may want to check the weight of your baby.  but do consider his birth weight.  minsan, sa likod ng baby book may graph dun.  you can check your baby's weight kung below, above or within the line graph.  pero make sure that you consider your baby's birth weight para tamang chart ang titingnan natin.

yan din naging problem ko with my baby dati after he got sick.  sobra syang pumayat.  what i did was to increase the dosage of his milk, di naman kasi sya constipated with his milk.  that worked!

hindi din sya mahilig sa sold food nun.  habulan kami sa house before i nya maubos isang bowl ng cerelac.  but di namin sya pinipilit.  now, that he's 17 months, super takaw na sya.  lahat kinakain na.  pati ampalaya, kumakain sya.  i don't know what happened or what we did right to encourage him to eat.  pero ngayon naman super gana to the point na nag tatago kami ng food.  :)

babymom20

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #31 on: May 10, 2010, 11:54:59 am »
sis S26 din si baby ko dati. Nung nagsawa siya sa lasa, her pedia wanted her to switch to Gain Advance pero hindi rin type ni baby. So sabi ni pedia Enfapro A+ nalang. Akala ko ok na siya dun pero 1 month lang ayaw na naman. So ngayon naka NAN 2 kami. Sna tumagal naman. Sabi nga ng pedia baka maubos na ni baby sa pagtry yung lahat ng infant formula brands e.
sis baby ko nung 1 - 6 months nya nasubukan namin halos lahat ng klase ng gatas.. enfalac a+ (11wks), s26 (2wks), similac advance (5wks), similac lactose free (1 wk), bonna (isang timpla lang, hindi nya ininom hehe), nan one (5wks) .. parang nagsasawa nga kasi sya sa lasa, pag bago ang lasa ng milk biglang lalakas ang intake tapos pag tumatagal na hina na naman..

nung 6 months sya, nag start sya ng heraclene at enfapro a+ milk, nag improve yung intake nya.. dati 16-18oz a day lang sya, ngayon nakaka 25-30oz na rin sya..at wala na syang ibang gustong inumin kundi enfapro a+. i tried gain advance and promil gold sa kanya but then hindi nya ininom, 2 sucks lang tinatabig na yung bottle..siguro natitikman nyang hindi yun yung milk nya..

sa solids naman wala kaming problema, parang mas gusto nya pa nga ang solids kesa sa milk. 4 months pa lang sya, takam na takam na sya pag nakikita kaming kumakain, ako lang ang ayaw pa masyado pakainin,one food within 3 days lang sya nun at puro patikim tikim lang talaga.. pero ngayong 7 months na sya, go ko na yung solid at lahat ng pinakain sa kanya e gusto nya except camote at gerber first foods. di nya siguro gusto lasa ng gerber. tinikman ko rin kasi hindi naman masarap.. yung camote naman siguro may phobia sya dun hehe..kasi nung 5 months sya, dun sya nasamid, nabilaukan sya nun, my fault hay! pag nakakita sya ng kumakain, panay ang smack ng lips, parang hindi na mapakali..pag sinubuan sya , siguradong bubuka ang bibig hehe.. pero mas importante pa rin daw yung milk kesa solids sabi ng pedia kasi mas complete nutrients pa rin daw yun.. unti unti lang daw pakainin ngayon para daw paglaki hindi sya pihikan sa pagkain.at least daw ngayon iintroduce na sa kanya yung variety of flavors..

julia_hart

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #32 on: May 10, 2010, 07:21:07 pm »
hi mga sis...

@literati.. ilang months ang baby mo nung nag appebon sya?? pwede na ba yan sa baby ko 6 months palang ngayon??

mga moms, problem ko din yan, si baby mahina din mag dede, 6 months na sya pero mga 27 fl oz lang ng milk ang naiinom nya a day, malakas sya mag water, actually mas gusto pa nya ang water kesa sa milk.. bilog naman si baby kaso parang feeling ko di enough yung milk intake nya, madalas sapilitan talaga pag pinapa-dede ko sya, at pag tulog madali sya padedehin, siguro talagang ayaw nya na ng milk nya, di naman ako makapag-experiment mag change ng milk kasi may cow's milk allergy sya so ngayon isomil2 ang milk nya, nagpalit ako ng similac hw plus pero di din nya gusto kaya 1 small can lang eh balik uli kami sa isomil...
 
haysss, di ko na alam gagawin ko para magdede sya ng madami, naloloka na ko kay baby..

7.6 kg ang weight nya last month, next week visit uli kami sa pedia nya, sana naman nag gain sya ng weight, hayysss

satumom

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #33 on: May 11, 2010, 02:59:46 pm »
hello...ako din problem ko din payat yung baby ko.  At 11months he's only 9kgs.

Last week visit namin sa pedia nya and sabi nya base sa Height and Weight Chart, nasa tama lang yung bigat at laki ng baby ko.  Sabi nya, we're just accustomed to seeing chubby kids.  And sa isip natin, basta mataba...healthy, but according to her hindi daw ganun.  Mas okay na tama lang yung bigat at taas.  Yung intake, depende din sa kaya ng baby.  May mga bay kase na malakas talaga ang intake ng food and milk pero hindi talaga tabain. With that said, medyo napanatag ako. Basta hindi sakitin okay sa kin..

Pero syempre mapilit pa rin ako na bigyan ng pampataba...she gave me Propan Syrup (appetite booster) pero ang pag take lang is 1mL T-Th-S,  M-W-F-S nya is Propan TLC na.

babymom20

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #34 on: May 11, 2010, 03:14:36 pm »
^^ wow sis you mean 7.6kgs si baby mo at 5 months?? then napapayatan ka pa? ang baby ko 6.5kgs at 7months.. birth [textspeak!] nya naman kasi 2.8kgs.. pero may mas malalala pa dyan akong nakakasabay sa clinic ni dra..mas malilit pero hindi naman sakitin at masisigla..

julia_hart

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #35 on: May 11, 2010, 08:53:39 pm »
@babymom20  - alam mo sis, nasubaybayan ko paglaki ng baby mo sa mga forums dito, hehe, lalo yung mga conversation nyo ni dra. lelet, hehe, kakatuwa nga...

naku, lamang lang pala si baby ko ng 0.1kg nung pinanganak, kasi 2.9kgs lang sya nung pinanganak ko, ang liit nga pero na-sc parin ako, hayss..

sis, nagwowory lang kasi ako sa weight ni baby, kasi yung pinsan nya 2 months palang eh 7.3kgs na, nakakaloka talaga, nagmumukha tuloy bonsai si baby ko pag tinatabi sa pinsan nya.. heheh..

yapeegurl

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #36 on: May 11, 2010, 11:23:29 pm »
How old na ba anak mo now? parang andami naman ng 420z a day?

sis 17 months old ang baby ko.. 42oz average sya pero kasi ang solids nya ang konti.. mga around 1 1/2 tablespoons lang ng rice sya per meal.. iluluwa na nya agad..

satumom, luz! same prob pala tayo! lol.. gayahin ko ang sched ng propan syrup and propan tlc mo.. how long mo bigyan baby mo ng propan syrup?

babymom20

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #37 on: May 12, 2010, 10:56:15 am »
^^ sis julia_hart.. hehe.. sis wala yan sa anak ng in law ko, kapatid ng asawa ko.. weight ni baby ko ng 3 months old e weight na ng anak nya at 3 weeks old.. kaya pag pinagtabi sila nun, mukhang dwende si baby ko hehe.. ahead yun ng 6 weeks.. but hey! believe it or not, mas advance ang development ng anak ko.. esp social development..even lakas ng tuhod.. si baby ko two months pa lang parang nakakaintindi na,, laging tawa na.. yung anak nya 3 months + na e hindi pa rin marunong ngumiti o tumawa..pag kinausp tulala.. sabi nga pinaglihi daw kasi yun sa sama ng loob hahaha..si baby wala pang one month, naiaapak na paa nya, kaya na katawan..pati leeg nya madali yung control.. yung pinsan nya, 3 months na hindi pa rin..sabi naman baka daw kasi masyadong mabigat yung katawan at ulo..hirap iangat ang leeg hahaha!

ok na ko ngayon sa weight nya kasi nasa range na.. at buti ngayon dumedede na talaga.. sino ba naman ang hindi mappraning pag ayaw dumede ng anak.. hindi lang low appetite o mahina kundi talagang ayaw..imagine 3 months na e pahirapan makaubos ng 2oz then tumatagal naging 1oz na lang.. waaaa! kulang na lang luhuran ko lahat ng santo nun eh hehe..kahit sinong tao dito kapal muks na kong nag ppm hehe.. buti na lang mababait yung mga nakilala ko.. isa na po si sis yapeegurl dyan and sis lelet talaga.. and alot more.. OT na ko.. sorry po..

going back, tingin ko nakatulong sa baby ko yung therapy nya sa bibig at yung heraclene.. sa therapy, nagsuck na ulit sya..sa heraclene naman dumami milk intake nya.. ;D

yapeegurl

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #38 on: May 12, 2010, 09:35:42 pm »
@babymom, naloka ako sa kwento mo! but am happy to hear na ok na ang baby mo.. sobrang hirap talaga kasi pag hindi malakas kumain si baby.. and believe it or not, ang sakit pag nacocompare si baby sa mga matatabang bata.. as long as your baby's developments are at par with the standard then kampante na tayo dun.. basta if you still need help, PM ka lang.. :)

babymom20

  • Guest
Re: Babies with low appetite
« Reply #39 on: May 13, 2010, 10:11:39 am »
^ ay oo sis..sobrang nakakainis pag parang minamaliit ang baby dahil kesyo maliit or payat daw..pero habang tumatagal esp pag pumupunta kami ng clinic ang dami kong naoobserve na ibang bata.. yun iba mataba lang tingnan pero yung mga milestones parang mas nauuna pa ang baby ko.. payat lang tingnan pero hindi naman sakitin. yung iba dun ang tataba nga pero may mga sipon o ubo then mga iyakin. and also mas mahaba ang baby ko.

eto pa isang kwento, sa clinic ulit, one daddy nagtanong sakin,
daddy: how old is your baby? * me: 5 months.. * daddy: ahhh, babae naman kasi.. * pakiramdam ko nun parang naliitan na naman sya sa baby ko kaya sya napasabi na "babae naman kasi" , kasi yung baby nya boy taz medyo chubby, but not much naman..basta mas bilog sya syempre kesa ki baby.. then heto na.. likot likot si baby boy, pinatayo nya sa isang chair , then i asked how old is he.. sabi nya 6 months 2 weeks.. nyay! paka rinig kong ganun,, sus mga mommy, pinatayo ko rin si baby sa chair sa harap namin,, nakita ko parang nagulat ang daddy, tiningnan pa talaga si baby ng head to toe and toe to head.. kasi ba naman si baby boy nya e halos hanggang mata lang ni baby ko sa height! hahhahahaa!

provided hindi na underweight at nagdedede na si baby at walang sakit, ok na ko dun.. hindi na ko magrereklamo.. kasi may mga baby talaga na hindi tabain especially kung genetic factor na.  pareho kami ni hub na mga payat nung bata pa.. hindi lang naman sa physical yan like pagiging mataba.. sabi nga sa isang article e mas marami pa daw complications yung mga obese na bata..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close