watch now

Author Topic: Siquijor-Dumaguete  (Read 127851 times)

mrscolunga

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #400 on: January 13, 2013, 08:43:03 pm »
may naka-stay na ba sa hotel essencia sa dumaguete? feedback please!
http://www.hotel-essencia.com/

tammy1979

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #401 on: January 14, 2013, 02:46:42 am »
sis riandrew, sana nga ok ang weather. Nagwo-worry kami kasi panay ang ulan lately lalo na sa Mindanao at Visayas. pag nagkataon, baka masyadong maalon, kakatakot naman yun..:(

San kayo mag stay sa Siquijor?

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #402 on: January 14, 2013, 11:02:28 am »
thanks sis rocky...magulo pa rin talaga ang IT namin hehe.. torn kasi ako kung mag overnight lang kami sa siquijor, dun nga sa coco grove, ang mahal naman kasi talaga ng rate hehe. and baka hindi naman din kami mag Apo Island kasi hindi kami lahat marunong lumangoy. Ano pa ba pwedeng gawin sa dumaguete bukod sa food tripping? any suggestions sis?
pwede din namang daytour kayo sa siquijor sis pero medyo bitin yon kasi dapat before 3pm nasa port na kayo pabalik ng duma. sa duma, pwede nyong puntahan yong casaroro falls & pulang bato falls saka lighthouse sa tierra alta. ;)

riandrew

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #403 on: January 14, 2013, 01:56:12 pm »
after so much kalituhan sa boat sked and all, we decided to drop siquijor.

ano plano nyo sa 19 or 20? gusto nyo mag-manjuyod sandbar? sa dumaguete lang to

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #404 on: January 14, 2013, 02:05:38 pm »
^magulo talaga boat sched dun hehe. mas ok kung may contact kayo dun sa siquijor (ex. trike driver pang tour) para ma update kayo kung ano ang latest sa boat sched nila. :)

ok din dyan. pero dapat marami kayo kasi mahal yun rent ng boat. unless matunton nyo kung san yun fishing village at makapag arkila ng bangka sa mga mangingisda. kaso ewan lang kung may dolphin ngayon.

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #405 on: January 14, 2013, 03:55:45 pm »
^^korek, iba2x talaga sched lalo na pag nag-uulan. kaya ginagawa namin pag umaga bumibili na kami ng ticket para alam namin anong oras kami pupunta ng port pa-siquijor. dami rin kasing ferry na bumibyahe hindi lang delta and jaylan, yong pabalik kami ng dumaguete parang barko yong nasakyan namin :)

tammy1979

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #406 on: January 14, 2013, 11:16:20 pm »
hala..kakatakot naman pala pag di sigurado ang byahe ng ferry...pero yun nga mag overnight na lang kami sa Siquijor para di naman ngarag, then 2 nights sa dumaguete at least nasa sibilisasyon na hehe at medyo affordable.

sis riandrew, wala pa kami definite na plan sa dumaguete, baka konting ikot lang at kung ano pa pwede magawa. Mag ma-manuyod ba kayo? ilan kayo? baka pwede tayo mag-share para makatipid din hehe..kung ok lang sa inyo sis...bale 3 girls lang kami sa trip na to..:)

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #407 on: January 15, 2013, 09:45:48 am »
^nong bagyong auring na-stranded kami sa siquijor. walang bumibyaheng ferry kasi malakas ang alon sa dumaguete hindi maka-dock mga ferry. so ayun, nasayang yong reservation namin sa hotel and plane ticket pa-cebu. sobrang parusa yong byahe namin kinabukasan kasi nag-bus na lang kami pa-cebu, 7am kami umalis ng siquijor tapos 4pm na kami nakarating ng radisson blu (cebu) :-\

riandrew

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #408 on: January 15, 2013, 11:15:39 am »
sis riandrew, wala pa kami definite na plan sa dumaguete, baka konting ikot lang at kung ano pa pwede magawa. Mag ma-manuyod ba kayo? ilan kayo? baka pwede tayo mag-share para makatipid din hehe..kung ok lang sa inyo sis...bale 3 girls lang kami sa trip na to..:)

opcors! email email tayo! 3 din kami

tammy1979

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #409 on: January 17, 2013, 10:15:36 pm »
Ask ko lang, may iba pa bang tour guides sa Siquijor bukod kay Joam? natext ko na sya pero may nag hire na sa kanya sa date na plan namin. At saka any info kung magkano ang trike rate mula sa port hanggang sa Coco grove? para hindi naman kami tagain sa price pag alam nilang turista kami..thanks

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #410 on: January 18, 2013, 09:25:29 am »
^ask mo si kuya joam baka may mairekomenda syang iba. yun nasa notes ko kasi sya lang and a certain Clyde. pero di ko yun naitext.

Siquijor Tour contact:
1.   joam camingao (tour guide - 09276932095, 800 tour nya pag tricycle, 1800 pag multicab) [pick up at the port/drop off at resort]
2.   Clyde – 09202240117



rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #411 on: January 18, 2013, 11:56:19 am »
^ok lang kaya sis kay joam yong pasundo kami sa port then hatid sa coco grove tapos kinabukasan na yong tour then hatid naman sa port? kasi march 1 dating namin & attend muna ako ng kasal ng friend ko sa coco grove. :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #412 on: January 18, 2013, 02:51:22 pm »
^pwede naman siguro yun sis. tanong mo na lang kung magkano pag ganun arrangement. naaalala ko mabait naman kausap yun si kuya joam. sayang nga lang at di kami natuloy noon sa siquijor.


rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #413 on: January 18, 2013, 05:55:32 pm »
^thanks sis, ayan book na kami sa gohotel, hotel nicanor & coco grove. kontakin ko na lang si kuya joam para sa tour. mukhang 2nd home ko na talaga ang siquijor ;)

tammy1979

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #414 on: January 22, 2013, 01:20:36 am »
time ko naman mag share..sis rocky, may sagot ako sa tanong mo, hehe...kinontak ko si kuya joam a day before kami pumunta sa Siquijor. Kaso mukhang lahat na lang ng pumupunta dun si kuya joam lang ang contact kaya lagi syang fully booked. so may ni-refer sya na kasama, si Kuya Tata, same rate lang naman so ok lang sa min. plan namin derecho muna kami sa coco grove then kinabukasan  na kami papasundo for the tour tapos derecho na sa port. Commute lang kami from port to Coco Grove, pagdating namin, ang dami agad drivers na lumapit para mag alok na ihatid kami sa Coco Grove, nung nag ask ako kung magkano, may isa nag offer ng 150, yung isa 250 tapos biglang may tumawag sa name ko. Sya pala si Kuya Tata, hehe..na confuse ako kasi di naman kami nagpasundo pero nung malaman ng mga drivers na guest kami ni Joam, ayun ipinaubaya na kami kay KUya Tata. 250 daw ang singil nya papunta Coco Grove then sabi ko dun sa isa 150 lang. Sabi naman nya, wala naman daw problema kung yun na lang din ibigay namin. So inihatid nya muna kami sa resort tapos usapan, sundo nya kami kinabukasan ng 10am para sa tour then sakay kami ng 2:30pm na ferry. Ayun, ok naman tour namin, mabait naman sya, medyo tahimik lang kaya kami na ang chumi-chika sa kanya. Hindi kasi yata masyado marunong magtagalog kaya medyo nahihiya. 0935-192-7565 ang number nya kung gusto nyo ng ibang option kasi busy lagi si joam. 1k ang bayad namin sa kanya para sa sundo-tour-hatid plus yung 150 na hatid sa Coco Grove nung 1st day.

Later na ko magse-share about sa trip namin at masyado na mahaba post ko, hehe..basta naloka lang ako sa alon nung dumating kami, parang nanadya. super lakas, nun lang ako nakakita ng ganung kalalaking alon sa buong buhay ko. tapos yung nasakyan namin na ferry is yung Jaylan, mabagal pala yun, 1 hr and 30mins yata ang byahe namin. yun lang kasi ang inabutan namin kasi almost 2pm na kami nakarating sa Dumaguete, super delayed ang 10:45am na flight namin dahil sa traffic sa runway mismo, 12pm na kami umalis, kumusta naman, hehe. Sa sobrang lakas ng alon, pagsakay pa lang namin ng ferry sobrang hilo na ko habang nagsasakay ng pasahero. ang daming pasahero na suka nang suka dahil napaka rough na byahe, grabe! ako din, pinapawisan na ko ng malamig kasi alam ko anytime bibigay na sikmura ko, hehe.Never ko talaga makakalimutan ang trip na yun kasi ito ang pinaka-parusang byahe ko. Kaya nga takot na takot ako pag super maalon, ayoko ng nahihilo sa byahe, hehe.. to be continued na lang muna kwento, hehe..

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #415 on: January 22, 2013, 10:28:38 am »
^yes sis, hindi sila masyadong marunong mag-tagalog kaya tahimik sila. since cebuana ako, walang problema sa communication. ok na yang 150 na hatid sa coco grove kasi medyo malayo rin from port. grabe yong experience nyo sa ferry, baka kaya inabot ng 1.5 hour dahil binagalan talaga kasi hindi pwedeng lumaban sa alon yon. nong na-stranded kami sa siquijor kinabukasan maulan pa rin pero hindi naman maalon. kaya nga mas gusto ko pa rin delta ferry sakyan kasi mabilis. :)

tammy1979

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #416 on: January 22, 2013, 12:45:06 pm »
^^ baka nga binagalan nila since open yung ferry, unlike yung sa ocean jet na aircon. nung pabalik kami yun ang nasakyan namin, maalon pa rin pero super bilis ng byahe, halos 35 mins lang yata. kung ganun sana kabilis yung nasakyan namin papunta keri na. ang sarap mag stay sa Coco grove, ang dami nga lang lamok, tinadtad nila ako ng kagat sa reception pa lang.. pero very ideal sya sa mga gusto mag relax at honeymooners...yun nga lang, maghanda ng maraming anda hehe..

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #417 on: January 22, 2013, 02:10:46 pm »
^korek mahal nga sis pero ganda din kasi ng resort! since don mag-stay ibang guest ng friend kong ikakasal fully booked na lahat ng deluxe rooms. no choice kami, tree top 4100/night. keri na rin since free dinner dahil sa wedding. hehe! yong pangatlong pool malapit sa function hall, sabi ng owner matatapos daw yon before march kaya sakto sa wedding ng friend ko, open na yon. ;)

cartman

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #418 on: January 24, 2013, 03:51:46 am »
sis tammy haba ng post hehe, nice to meet you!
salamat at naka pag uwi kame ng silvanas.hehe

rocky

  • Guest
Re: Siquijor-Dumaguete
« Reply #419 on: January 24, 2013, 09:56:40 am »
binago ka na itinerary ko, agahan na lang namin punta sa siquijor tapos pa-drop sa coco grove para iwan gamit then tour na. since 5pm pa naman wedding ng friend ko. para next day maenjoy namin swimming ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close