time ko naman mag share..sis rocky, may sagot ako sa tanong mo, hehe...kinontak ko si kuya joam a day before kami pumunta sa Siquijor. Kaso mukhang lahat na lang ng pumupunta dun si kuya joam lang ang contact kaya lagi syang fully booked. so may ni-refer sya na kasama, si Kuya Tata, same rate lang naman so ok lang sa min. plan namin derecho muna kami sa coco grove then kinabukasan na kami papasundo for the tour tapos derecho na sa port. Commute lang kami from port to Coco Grove, pagdating namin, ang dami agad drivers na lumapit para mag alok na ihatid kami sa Coco Grove, nung nag ask ako kung magkano, may isa nag offer ng 150, yung isa 250 tapos biglang may tumawag sa name ko. Sya pala si Kuya Tata, hehe..na confuse ako kasi di naman kami nagpasundo pero nung malaman ng mga drivers na guest kami ni Joam, ayun ipinaubaya na kami kay KUya Tata. 250 daw ang singil nya papunta Coco Grove then sabi ko dun sa isa 150 lang. Sabi naman nya, wala naman daw problema kung yun na lang din ibigay namin. So inihatid nya muna kami sa resort tapos usapan, sundo nya kami kinabukasan ng 10am para sa tour then sakay kami ng 2:30pm na ferry. Ayun, ok naman tour namin, mabait naman sya, medyo tahimik lang kaya kami na ang chumi-chika sa kanya. Hindi kasi yata masyado marunong magtagalog kaya medyo nahihiya. 0935-192-7565 ang number nya kung gusto nyo ng ibang option kasi busy lagi si joam. 1k ang bayad namin sa kanya para sa sundo-tour-hatid plus yung 150 na hatid sa Coco Grove nung 1st day.
Later na ko magse-share about sa trip namin at masyado na mahaba post ko, hehe..basta naloka lang ako sa alon nung dumating kami, parang nanadya. super lakas, nun lang ako nakakita ng ganung kalalaking alon sa buong buhay ko. tapos yung nasakyan namin na ferry is yung Jaylan, mabagal pala yun, 1 hr and 30mins yata ang byahe namin. yun lang kasi ang inabutan namin kasi almost 2pm na kami nakarating sa Dumaguete, super delayed ang 10:45am na flight namin dahil sa traffic sa runway mismo, 12pm na kami umalis, kumusta naman, hehe. Sa sobrang lakas ng alon, pagsakay pa lang namin ng ferry sobrang hilo na ko habang nagsasakay ng pasahero. ang daming pasahero na suka nang suka dahil napaka rough na byahe, grabe! ako din, pinapawisan na ko ng malamig kasi alam ko anytime bibigay na sikmura ko, hehe.Never ko talaga makakalimutan ang trip na yun kasi ito ang pinaka-parusang byahe ko. Kaya nga takot na takot ako pag super maalon, ayoko ng nahihilo sa byahe, hehe.. to be continued na lang muna kwento, hehe..