watch now

Author Topic: Maarte ka ba? pasok ka dito...  (Read 68651 times)

MissJanelle

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #80 on: December 31, 2009, 04:08:28 pm »
i don't consider myself maarte, pero maraming nagsasabi na maarte daw ako... ???

i appreciate beauty, comfort, and the nicer things in life but i don't mind eating in turo-turo, sleeping on the floor, hiking in the mountains, running errands without make-up, wearing old non-branded clothes, or taking public transportation. i do these all the time

so perhaps those that think i'm maarte only see one side of me or have a different version of "maarte" than i do...

petitebetise

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #81 on: December 31, 2009, 04:23:08 pm »
Very entertainig ang thread na 'to!

Cowboy ako most of the time, pero I do have my pet peeves:
- Mapili ako sa taxi, sana naman huwag yung bulok! Babayad ka rin lang ng parehong presyo.
- Sa Jeep, ayoko sa harap na laging pinapasahan ng bayad at ang hirap lumabas kasi dulo na  :P
- Kahit na recently lang ako nag make up araw araw, mapili ako sa kung ano linalagay ko sa mukha. Dapat trusted.
- I don't mind roughing it sa ukay-ukay (so many great finds!). I can't stand cheap quality clothes that are all over sa mga tiangge. Kakadiri lang sa ukay pag may ipis yung hinahawakan mong damit o sinusukat na sapatos (the worst!)
- Hate men/women spitting near me
- Hate overly perfumed people. Nakakahilo.
- I don't have a regular hairstylist/salon, pero ill never have my hair cut in a certain low end salon. Bangs na lang di pa magawang maayos!

sugardrop

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #82 on: December 31, 2009, 05:30:57 pm »
Ayaw ko ng mga fake stuff pa pala. :P

Antigone

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #83 on: January 01, 2010, 08:09:45 am »
Di naman ako masyadong maarte, pero eto ako:

- Ayaw ko ng fake na bags, gamit, o ano man. Gumagamit ako ng mga SM bags, kahit yung mga bags na bigay ng med rep okay lang, pero ayaw ko talaga ng fake.

- Maarte ako sa make-up kasi sensitive masyado balat ko. So I guess hindi yun kaartehan. :P I think okay lang yun, iisa lang mukha ko naman. At ayaw ko na ginagamit sila ng iba. Naiinis ako talaga kahit nanay ko pa yan. (Kaya naiinis din siya sa akin. :P)

- Ayaw ko ng may kumukuha sa plato ko. Kung gusto mo, manghingi ka, bibigyan kita. Pero ayaw ko ng kukuhanin mo sa plato ko ikaw mismo.

- Simple lang mga damit ko, pero gusto ko cute mga sapatos ko. Maarte ako sa sapatos. Dahil na din sa size ng paa ko, size 10.

- Ayaw ko hinahawakan mukha ko. Dati nagpa eyelash curl ako, yung naggagagawa pinapatong kamay niya sa ilong at cheeks ko, asar na asar ako kaso di ako makaimik baka mamaya naman masundot niya mata ko.

Isip pa ko...

Isip pa ko...

babypowder99

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #84 on: January 01, 2010, 01:20:03 pm »
@petitebetise parehas tayo ayaw ko din ng taxi na bulok mabaho at mahina ang aircon at ayaw ko din ng jeep na kakarag karag at masyadong mausok at ayaw ko din ng nasa harapan nga na taga abot ng bayad lol!! ::)

yun nga ayaw ko din ng walang manners na kasama like spitting all around errr.. ayaw ko din ng masyado mabilis kumain yong akala mo wala ng bukas or parang di kumain ng isang taon sa sobrang laki at bilis ang pagsubo tapos may tunog pa sa pagnguya yaikkkss talaga!

ayaw ko ng  taong papansin at kulang sa atensyon lol!!
maarte din ako kasi ayaw ko matulog pag walang kutson ang higaan may napuntahan kasi ako na house before papag lang as in ang higaan my gosh! halos mabali buto ko nung humiga ako sa dami namin na andun ako lang ata ang di nakatiis sa ganung sitwasyon kaya everyone's telling me ang arte ko daw so what e sa di ko kaya mahiga sa papag lol! ::)

Maarte din ako sa damit ayaw ko ng second hand kasehodang branded pa yan basta second hand no no for me!
ayaw ko din na hinahawakan hair ko, ayaw ko na nadidikit ako sa mga damo kasi nagkaka allergy ako kaya di ako pwede sa mga camping etc kaya siguro maarte talaga ako hehe yon lang muna for now isip isip pa ako ;D


spoiled_brat

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #85 on: January 01, 2010, 01:22:43 pm »
sali rin ako dito.. hindi rin ako maarte pero I guess all of us are maarte in some ways.. its just that.. nasa level lang ng kaartehan na pinapakita natin..

here are some arte moments na naiisip ko sa ngayon;
° mapili ako sa cr like others, if wala na talaga kong choice pinupunasan ko rin yung toilet seat ng tissue with alcohol before using it kahit na hindi ako uupo
° im not fond of branded things kung bibigyan or bibili ako ng gamit mas maapreciate ko pa yung walang brand kesa fake (tapos may malaki pang tatak sa harap.. yoko nun)
° i only use 2 specific brand of soap since I was 5y/o.. at pag di yun sabon ko di na lang ako magsasabon, nagpapantal kase ako pag ibang brand ng soap
° ayoko ng pinagpapawisan ako... simangot nako pag mainit.. pero ayoko rin naman ng sobrang lamig.. kase lamigin ako.. basta ayoko ng malagkit.. yun pa pala yung may didikit sa yo tapos ang lagkit.. haay
° ayoko rin hinahawakan yung mukha ko... hehe
° before nung madalas pako magcommute mapili ako sa jeep, ayoko ng maraming pasahero.. ayoko nung pag sakay mo sa dulo ka uupo tapos minsan kalahati lang ng puwet mo ang nakaupo in the end
°hindi rin ako maarte sa mga kainan, kahit saan pwede ako.. pero.. gusto ko yung spoon/fork nabanlian man lang or nasa hot water.. esp sa mga carinderia.. yung baso rin na mamantika or may bakat pa ng lipstick which is madalas sa mga fastfood
°kahit saan pwede ako as long as may nabubuhay na tao dun, pero kasama ko mga kakikayan stuff ko like sunblock, facial cream, lotions and the likes sa pag-alis ko (na sinasabi na kaartehan na daw)
° i like big bags kase amrami ako dala lagi.. sabi nga nila parang cabinet bag ko sa dami ng laman.. may kapareha ako dito sa thread na to, na sa bag ko marami pang pouch sa loob.. kase ayoko ng kalat kalat ang gamit ko sa loob ng bag.
° sa bahay, ayoko rin ng makalat.. mainit na ulo ko pag ganon.. ayaw nila ako naglilinis kase daw hindi na daw nila makita gamit nila pag ako nagtabi..

hmm haba na.. yan muna..
« Last Edit: January 01, 2010, 01:27:28 pm by spoiled_brat »

justbeingme

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #86 on: January 02, 2010, 11:02:22 am »
I use different soaps/wash depende sa part ng body. Iba soap sa legs, iba sa feet, iba sa back, iba sa chest, iba sa private parts, iba sa face.  Mahilig ako mag experiment e. Ganon din sa lotion/body oil.

Dati maarte ako sa hair. Palagi asa salon and different hair products gamit ko. Ngayon di na. Nagsawa na ko.

Ang towel ko di pwedeng hawakan ng ibang tao. Nakahanger sya so don mo hawakan pag gusto mo ilipat. Asa loob sya ng kwarto. Hindi pwede ilagay sa banyo. Di pwedeng madikitan ng ibang bagay. Bad trip mommy ko sa ugali kong ito. LOL.

Ang toothbrush ko hindi din pwede ilagay sa loob ng banyo.

Hindi pwede umupo sa bed ko if you are wearing street clothes.

Dedma akong tao pero umiinit ang ulo ko kapag masakit sa tenga ang boses. Lalo na pag ngawa ng ngawa buti sana kung maganda ang voice.

Ayoko ng nasasaktan physically. Ayoko ng nabubunggo, nasisiko, natatapakan. Kahit pa yan kid ayoko. Kaya maaga ako sa mall para pauwi na ko pagdating ng maraming tao.

Ayoko ng sun.
« Last Edit: January 02, 2010, 11:03:55 am by justbeingme »

sweetubeng

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #87 on: January 02, 2010, 12:42:45 pm »
Happy New Year Everyone!!!

@sugardrop parehas tayo ayaw ko din ng bali balikong kutsara i remember nung bumisita ako sa house ng friend yong spoon and fork na nasa plate bali baliko ginawa ko na lang sinabi ko na lang na im eating using my hands  make sure na properly cleanse though di talaga ako marunong masyado magkamay na kumain pero mas prefer ko pa kumain ng ganun kesa gamitin yong balikong kutsara at tinidor lol!!

@ spoiled_brat madami tayo similarities , maarte din ako sa banyo dapat properly sanitized parang diko kaya mag toilet pag madumi at may naiwan pang mga hair sa sink dapat may alcohol at air freshener palagi, and if ever di man ako bibili ng branded stuff i make sure na brandless than buying those fake clothes, bags din

Before mapapakain mo naman ako sa carinderia pero sa dami ko naexperience na bad service like maduming plates, balikong kutsara't tinidor maduming baso at di ganun kagandang place never na talaga akong kumakain i'de prefer eating at Mcdo if ever nagtitipid ayaw ko din ng makalat na house kalat kalat na gamit OC kasi ako kaya dapat vereything is organize kasi masakit sa mata at ulo pag may nakikitang akong makalat at magulo

usually pag umaalis ako madalas malalaki bag ko sabi nga nila dala ko na daw buong gamit ng house lol!! dami din kasi ako pouch sa loob like pouch for my makeup, pens and personal stuff, complete din ako ng dala dala like umbrella extra clothes slippers and emergency kit haha ;)




jamboo

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #88 on: January 03, 2010, 11:25:51 pm »
maarte sa mga gamit pero hindi ako pa-gurl magsalita
maarte na dapat sa bawat bagong okasyon, bago ang suot head to foot (including accessories)
basta maarte hindi umaarte at nagiinarte hehe

it_girl

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #89 on: January 04, 2010, 02:51:29 pm »
ako ayoko sa mga humahatching ng malakas sa loob ng fx ng hnd man lang nagcocover, and ayoko pumasok sa loob ng putikan at palengke. ayoko din ng nadidikitan ako ng taong pawisan haay yan lang ang ilan sa mga kaartehan ko  ;)hahah

babypowder99

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #90 on: January 24, 2010, 03:04:44 pm »
yesterday nasubukan pagiging maarte ko na kumain ako ng fries nabuhos yong ketchup sa blouse ko as in talaga gross ayoko namang lumakad na ang dungis ng shirt ko so i bought tee's sa david and goliath napabili ako na di oras shocks! ok lang kesa naman pagtyagaan ko ang kadiri na shirt ko with ketchup stain ewww haha lol!!!

tinnnnn076

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #91 on: February 13, 2010, 02:00:38 am »
maarte ako sa gamit..kelangan branded lol!kasi di ba i'm paying for the quality naman eh.
maarte ako sa food..i don't eat sa jollibee, mcdo, or greenich, kelangan sa chef d angelo, pizza hut, hap chan, sbarro, superbowl, peri peri, savory,etc. di hamak na mas masarap at mas busog ako dito noh!
i don't ride jeepneys. kelangan may aircon. tric oo kasi di ako makakalabas ng subdivision eh or pag nandyan si driver pahatid pa ko kahit sa labasan.
i don't go to the market, kadirs din lol!except sa mall :)
kelangan laging partner underwears ko lol!
i don't use the mrt or lrt din..di naman dahil sa kaartehan ko..di lang ako marunong lol!
ang  circle of friends ko lahat dapat pretty or may itsura man lang lol!
di ako maarte magsalita, di rin ako nagiinarte at di rin ako umaarte..mapili lang ako sa everything coz i want the best of the best! lol!


greenpease05

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #92 on: February 19, 2010, 05:38:27 pm »
Di naman ako ganun kaarte. Ayaw ko lang ng mga bagay bagay. hehe! di rin ako maarte sa pananalita at pagkilos. 

Eto lang ang kaaretehan ko

* sa food ako maarte  di naman kailangang sa sosyal na resto mo ako dalhin pero gusto ko indoors naman  at pagserve ng food ay may serving spoon ito. Pwera lang kung sa mcdo ito or fast food. Pero pag sa pipitchu na reato i really ask for hot water para sa kubyertos ko.

Pag out doors ang kainan mas feel ko na ako ang magpe prepare ng food.o di kaya I'd eat nalang sa bahay ng mga friends kasi alam ko malinis ang gawa. sigurista eh noh. hehe!

* ayaw ko na nahahawakan ako lalo na pag may pawis ako o yung hahawak sa kin ay pawisan. sarili ko nga ayaw ko hawakan eh siya pa  di ba?

* Di ako mahilig pumunta sa sale lalo na pag  sale sa mga malls dito sa tin. Super dami ng tao waaaah!

*hate ko yung binabangga ako pag naglalakad. Sa HK natuto akong umiwas sa ganyan.

* hate ko mga taong di marunong gumamit ng pedestrial lane or ng over pass. Hello kaya nga nilagay yan di ba?

* Mga drivers na di alam ang mga road signs. Katakot!

ano pa ba? isip pa ko teka




pinkpie

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #93 on: February 22, 2010, 11:43:00 pm »
-ayoko makakaamoy ng mabaho, as in super sensitive ako sa amoy
-ayoko ng matapang na pabango at nasusuka talaga ako

milkeeway

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #94 on: April 02, 2010, 05:18:11 pm »
sali ako, maarte din ako!   ;D ;D

-may kakaibang tono yung salita ko, some says maarte, some say kakaiba lang.
-ayoko din madikitan sa jeep lalo pag pawis, pero ok lang na ako magabot ng bayad, huhugas na lang ako ng kamay pagbaba ko, hehe
-ayoko ng durara!
-kelangan magkapreho ng style ang spoon at fork na gagamitin ko
-at ayoko nakikipagbeso sa kung kanikanino lang! lalo pag makapal ang makeup, naku magwave ka na lang and say goodbye. :)

Antigone

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #95 on: April 02, 2010, 05:46:41 pm »
Ako din. Di ako mahilig magbeso, or humawak ng tao ng walang dahilan. Kung pasyente okay lang pero hndi ako touchy otherwise.

summersong

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #96 on: April 02, 2010, 09:51:02 pm »
Hehe, lahat naman tayo may taglay na kaartehan to a certain degree. Eto sa 'kin:

- Mapapasakay mo ako kahit sa jeep, tricycle, bisikleta, pero di ako mapapaangkas sa motorsiklo.
- When I'm driving, don't fiddle with the radio/music player. Leave it the way I set it.
- I avoid queues as much as possible. I visit banks, malls, and supermarkets during the least crowded hours. Di ako pumupunta ng mall pag may weekend sale.
- Makakatulog ako kahit sa papag, sleeping bag, bangko, banig, depende sa sitwasyon. If I have to stay in a hotel, kahit hindi naman 5 star, as long as the place is clean, the beds are not surot magnets, and there's adequate ventilation/airconditioning/heating whichever's necessary. Oh, and there has to be a window. And nonsmoking.
- Kung sa food, go lang kahit carinderia or street food, as long as maayos ang pagkakaluto at handling. Mineral water lang iniinom ko kung sa tubig. Di rin ako bumibili ng sa-malamig. Madaling mag-alburoto ang tummy eh.
- I'd rather buy generic nonbranded items of clothing, bags or accessories kaysa fake. But I buy only the most comfortable footwear possible. Dito ako nagiindulge.
- I'm picky with makeup only because super-sensitive skin ko at pili lang ang brands na pwede. And I never lend these out. Same with brushes and combs.
- Wag ka ring biglang dudukot sa plato ko habang kainan. Ask muna at bibigyan ko naman. Or ioorder ko na lang ng panibago.
- I'm not very particular about clothing brands, basta I'm satisfied with the quality. I'm particular though with the way they're washed.
- Di rin ako mahilig mag-beso. A handshake will do. As much as possible, I don't go to restrooms at the mall or rest stops unless I see na sobrang malinis.

charmmi_kitti

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #97 on: April 04, 2010, 09:23:59 am »
aliw ang thread na to.. ;D
sali ako..

-OC ako, lahat ng gamit namin sa bahay eh organize, kahit sa mga CD eh inayos ko in alphabetical order.. ;)
-i don't buy fake anything basta fake..
-every week ako naglilinis or nagpapa-linis ng nails.
-maarte din ako sa makeup, ayoko ng local..gusto ko MAC  ;D
isip pa ko.. ;)

ms. honey

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #98 on: April 06, 2010, 01:32:08 pm »
maarte ako kasi "maarte" ako magsalita, take note maarte at di nag-iinarte.  to be honest, i really hate the way i talk, pero ganun na talaga ako.  para daw akong si kris magsalita, grrr!!

maarte ako kasi i like branded stuff, terno-terno pa.  if its an LV bag, dapat LV wallet din  8)

maarte ako kasi i dont like fake bags/stuff and pirated DVDs  ;)

maarte ako kasi dapat zara and gingersnaps lang ang clothes ni mini-me  8)

maarte ako kasi cant use my mac face powder without putting johnson's baby powder first, basta gusto lang  ;D

maarte ako kasi cant leave the house without an umbrella, whether commute or with car  8)

maarte ako kasi i dont like the sun, ayoko ng mainit at pawis. id rather shop than go to the beach ;D

maarte ako kasi when i shop i go to Glorietta, Greenbelt and Shang. i dont like megamall, super kahilo at parusa ang parking  ::)

maarte ako kasi cant sleep without a blanket and pillows on my sides and feet  ;D

maarte ako kasi im already a mom and yet i still love hello kitty  ;D

maarte ako kasi i super duper like pink  :P

sweetubeng

  • Guest
Re: Maarte ka ba? pasok ka dito...
« Reply #99 on: April 12, 2010, 08:08:36 pm »
^ parehas tayo super like ko ang pink ganda kasi sa paningin ko and girly girly, pati hello kitty cute na cute ako dun basta gusto ko lahat ng things ko dapat pink ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close