ako din sali din ako dito... mula pagkabata ko maarte na talaga ang description sa akin... kahit hindi ko pa maintindihan noon kung bakit kasi simple lang naman ako sa tingin ko.
During elementary and highschool days, dapat lang clean uniform and shoes, may simpleng hair accesories (barrets or clip or band pero dapat hindi mauulit within one week para hindi nakakasawang tingnan - maarte reason#1), my bag should be color coordinated sa uniform - maarte reason #2, tapos earrings lang ang jewelry na suot ko.
Nung college na ako, halos ganun din, pero nadagdagan lang, yung mga toiletries ko dapat isang scent line sila, kung M&S peach ang powder, ganun din ang deodorant, lotion, body spray at body wash - maarte reason #3. para isa lang ang amoy.
Nung nagkawork na ako, syempre mas nadagdagan... kasi may sarili na akong pera pambili ng mga gusto ko... skin care talaga ako nag-i-indulge, sa clothes wala akong pili as long as its clean and it fits well on me, ok na yun sa akin, at saka hindi rin ako masyado pala sunod sa uso, i follow my own fashion statement - maarte reason #4. ayoko nung pakiramdam na pag tingin mo sa paligid, makikita mo sa ibang tao yung laman ng closet ko or worst yung suot ko - maarte reason #5. Kaya i go for classic pieces of clothes para hindi masyadong striking at hindi madaling matandaan ng mga tao kung nasuot mo na, tapos add na lang ng accessories.
Never din ako bumili, gumamit or nagsuot ng imitation brand - maarte reason #6. Pakiramdam ko kasi masyado akong trying hard nun, kung hindi ko afford yung particular brand na yun, sorry na lang ako... pero i will never settle for a fake one... buti pa "brandless" na lang bilhin kong gamit at least comfortable ako dun at hindi ko maiisip everytime na gagamitin ko yung gamit na yun kung mukha ba syang orig... or halatang fake?
Sa shoes naman kahit dati pa, gusto ko yung shoes na classic, comfortable at matibay kahit mahal pa yan... mapili ako sa brand ng shoes - maarte reason #7. and it has to be color coordinated with my dress or bag - maarte reason #8. I used to have a collection of shoes na ibat ibang kulay para sa ibat ibang kulay ng damit ko, pero ginive-up ko na rin at nagshift na lang ako sa mga mas dependable and classic shoes (yung neutral and basic colors na lang) pero binabawi ko na lang sa brand, kung dati ok na sa akin ang celine, ngayon dapat rockport or naturalizer na - maarte reson #9.
Sa tingin ko hahaba ito ng husto pag nilista ko pa yung mga maarte reasons ko, pero for me at sa tingin ko and for everyone here, its not all about ka-artehan but knowing what we want, what we deserve and asserting them. Wala namang masama di ba??? At least honest tayo sa mga sarili natin at nakukuha natin ang Happiness natin! ;-)