watch now

Author Topic: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]  (Read 36188 times)

tennisgirl

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #80 on: May 23, 2011, 10:47:06 am »
eto lang pansin ko sa mga kakilala kong nasa abroad:

 ayaw magsabi kung anong trabaho nila doon  :-X

mooncake and leaves

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #81 on: May 23, 2011, 11:01:02 am »
^ I do that. A lot of stuff abt work, income, which city I live in- I never reveal. Magsabi man ako, in general terms. That part I keep private talaga because first, it's no one's business and two, I don't trust people. Paranoid ako eh. :P

icegayle

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #82 on: May 23, 2011, 02:44:32 pm »
^me too. I never tell it to anyone specially kung hindi ko naman ka-close. Family and close friends ko lang ang nakakaalam.

kettlekorn28

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #83 on: May 23, 2011, 03:19:40 pm »
Ugly facts? naku andami! di pa naman ako nakakapag-abroad pero i have lots of friends and relatives abroad. nagkekwento lang sila ng mga experiences nila doon.

yung mom ng ninang ko, isinumpa na nya ang pag-aabroad. never na raw sya lalabas ng pinas. she worked, i think, in singapore or hongkong. ok naman yung mag-asawang amo nya. tapos bigla-bigla na lang nagbago ang pakikitungo nung babae sa kanya. napagseselosan daw kasi palagi na lang raw sya inuutusan ni mister. eh hello, si lola lang naman ang katulong nila. eh tapos maganda pa si lola nung kabataan nya. ayun, grabeng pambubugbog ang inaabot nya araw-araw tapos kinukulong sya palagi sa cr at di pinapakain. 1 month ata sya minaltrato nung babae. tsk! umuwi sa pinas si lola na tadtad ng pasa.

yung friend ko naman na nasa US, masama ang loob sa mga kamag-anak nya. mabait sya at tumutulong naman sa pamilya. dun na sila nakatira mag-asawa kasama yung family ng hubby nya. ito raw mga kamag-anak nya, kapag hindi raw napautang eh nagagalit sa kanya at kung ano-anong masasamang sinasabi sa kanya. kesyo nakapag-abroad lang daw eh naging madamot na. eh sabi nya, nasa US nga raw sila pero hindi ibig-sabihin nun eh mayaman na sila. kailangan nilang mag-asawa na magtrabaho ng tatlong ibat ibang trabaho para lang makasurvive at makatulong sa family sa pinas plus need rin mag-aral para mas madali makahanap ng mas magandang trabaho. eh eto namang mga nasa pinas akala mo naman kung manghingi.

totoo rin daw na kung mahirap magtiwala sa mga hindi kalahi, mas mahirap magtiwala sa kapwa pilipino kapag nasa ibang bansa ka. yung isang tito ko napagbintangan ng isang bagay na di naman nya ginagawa. ang nagpahamak pa sa kanya yung kasamahan sa trabaho at kaibigan na pinoy, kasama rin nya sa bahay. tapos pinahamak lang sya. nawalan tuloy ng trabaho yung tito ko.

and then, another uncle experienced the same maltreatment from a kapwa pinoy. when my grandma died, nagpa-alam si tito na uuwi muna ng pinas para sa libing ni lola. ang paraan lang daw para makauwi sya ng pinas sabi ng boss nya eh makipagpalitan daw ng sched si tito sa isang pinoy din. aba, ginipit ba naman sya nung pinoy na katrabaho. hindi pumayag dahil uuwi rin daw sya ng pinas para magbakasyon sa boracay kasama ng family nya. nakiusap sya na kahit 2 days lang para makapunta sya sa libing ni lola. ayaw talaga at kung ano-ano pang pangit na salita ang narinig nya. buti na lang may arab sya na katrabaho na nakiusap sa boss nila na sya na lang muna ang pumalit kay tito. magbabakasyon rin daw ang arabo na ito with his family pero tinulungan pa rin nya si tito. grabe talaga yung iba, gigipitin ka talaga kahit kalahi mo na.

nadialicious16

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #84 on: May 25, 2011, 07:07:28 am »
I don't know why pero bakit ganyan ang ibang kapwa pinoy makitungo sa kababayan nila? One year pa lang ako dito sa Australia pero ang dami ko ng nasaksihan na hindi magandang pag-uugali ng mga pinoy. Sa party pa lang anjan na yung magpapayabangan na sila .. Yung mga boss kong puti nagagalit kapag tinatawag mo silang SIR or BOSS, gusto nila first name lang nila ang itawag mo. Yung isa kong boss na pinoy nuknukan ! kainis tawagin ko raw syang Boss or Sir. bwiset !

cruxito

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #85 on: May 25, 2011, 07:20:29 am »
hindi sila sumisikat sa abroad kasi they all the same stand.. kaya bumabalik ng pinas to prove they are rich na... :D wala pa akong kilalang pumunta ng abroad na nagsabi na they want to grow old and stay there for lifetime :D

twelve5

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #86 on: May 25, 2011, 07:34:30 am »
^ I do that. A lot of stuff abt work, income, which city I live in- I never reveal. Magsabi man ako, in general terms. That part I keep private talaga because first, it's no one's business and two, I don't trust people. Paranoid ako eh. :P

I do this also esp pag di ko naman talaga ka-close. I dont give out my home addy and phone number... Kasi naman yung iba, gagawing hotel yung house mo pag napunta sila sa country. Ang hirap ng may bisita! Buti sana kung may maid at driver ako. Asikaso mo lahat  - food, transpo at pasyal... Tapos meron pang di gracious guests.  Ni isang boy bawang walang dala para sayo.


twelve5

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #87 on: May 25, 2011, 07:52:20 am »
Sa mga taga US, pansin nyo ba walang mga expiratiion dates mga grocery items? Mga chips na galing pinas - jack n jill, clover... Banana ketchup... Magnolia butter... Lahat walang expiry dates. I dont know kung ganun talaga yun pag imported or binubura nila.



- walang unlimited gravy sa kfc.. so sad..


You. crack me up, sis! Hehe

mooncake and leaves

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #88 on: May 25, 2011, 07:54:33 am »
^^ lol @ boy bawang. ;D

'di ko napansin. ang tanda ko meron yung mga pinamili ko pero check ko ulit mamaya :)

tennisgirl

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #89 on: May 25, 2011, 08:51:39 am »
^ I do that. A lot of stuff abt work, income, which city I live in- I never reveal. Magsabi man ako, in general terms. That part I keep private talaga because first, it's no one's business and two, I don't trust people. Paranoid ako eh. :P
bakit naman paranoid ka sis?  ???

mooncake and leaves

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #90 on: May 25, 2011, 11:18:35 am »
^ because that's info that could fall into the wrong hands. and you can't trust people, even your friends, to safeguard them. so i don't tell them anything. :P

tennisgirl

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #91 on: May 25, 2011, 11:40:03 am »
^yes, details about your work, income and address should be kept private talaga. pero for example your occupation in abroad is a caregiver/teacher/housekeeper/nanny, pwede naman sabihin diba? wala namang masama doon. meron kasing mga pinoy na iba ang sinasabi sa mga friends nila dito sa pinas. for example tutor ayun pala nanny/housekeeper  :P

showermist

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #92 on: May 25, 2011, 11:53:05 am »
^ hahahah that's true!  may nakilala ako dito sa canada na live-in caregiver. galing sya ng hong kong as dh, op kors! 

pero dito pinagpipilitan nya na tutor sya.  pinagtatawanan tuloy sya ng ibang pinoy dito.  at isa ako sa natatawa.  duh. anong masama sa naghongkong?!  e stepping stone yun ng ilan para makapunta ng canada'. hay. at kahit domestic helper marangal na trabaho yun. ewan ko kung bakit ikinakahiya.

just like mooncakey, i don't give infos too. i am not oblige to tell anyone. tsaka baket?! 

mooncake and leaves

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #93 on: May 25, 2011, 11:57:21 am »
^ ah baka they're not comfortable saying that they're caregivers. 'di din maganda ang connotation ng caregiver minsan eh. baka isipin na under the table. under the table- kadalasan illegal. and if they're illegal, that again isn't something you'd like to talk about. :P

pressany

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #94 on: May 25, 2011, 12:02:47 pm »
Yung mga boss kong puti nagagalit kapag tinatawag mo silang SIR or BOSS, gusto nila first name lang nila ang itawag mo. Yung isa kong boss na pinoy nuknukan ! kainis tawagin ko raw syang Boss or Sir. bwiset !

You are comparing two different cultures here.  I worked in the US both with Asians and whites.  Pag Asians big deal satin ang recognition ng title.  And I'm not talking about Pinoy lang ha. Even with Chinese and Japanese.  You don't call them by their first name, lest you'll be branded as arrogant or disrespectful.  Si husband nga, who works with Japanese, hindi sila basta basta first name lang, may "san" lagi ang name as a sign of respect.  Conservative Japanese kase ang company. 

With Americans naman (I am now working with them), kahit directors or VPs first name basis talaga.  It's a culture thing, ayaw nila magpatawag ng sir or ma'am unless rural midwestern.  Again, hindi rin lahat ng midwest merong nagpapatawag ng sir/ma'am yung iba ayaw.   

Cut some slacks for the Aussie Pinoys, wag kang masyadong mayabangan sa kanila.  When we are abroad we should look after one another.  Have more faith to your kababayans.

Advice lang din sa iba pang Pinoys abroad, iwasan nating ijudge ang kapwa natin pinoy, have more faith in them.  Open your eyes and your minds, marami pong mas mabuti sa atin kesa masama at stop saying "Yang mga Filipino na yan" as if hindi tayo Filipino.  Unawain pero wag kunsintihin, mahalin pero wag pagtakpan!

Lastly, pay forward, pag may gumawa ng mabuti sa atin na kapwa Pinoy let's pay it forward.  When it circles back mas marami ang blessings na babalik sa atin.

showermist

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #95 on: May 25, 2011, 12:09:32 pm »
^ ah baka they're not comfortable saying that they're caregivers. 'di din maganda ang connotation ng caregiver minsan eh. baka isipin na under the table. under the table- kadalasan illegal. and if they're illegal, that again isn't something you'd like to talk about. :P

dito sa canada sis, proud naman syang sabihing nanny/caregiver sya. pero yung work daw nya sa hongkong eh 'tutor.'  she kept on denying na DH sya sa hk. wala namang masama kung dh sya. ang masama nagsisinungaling sya.  baka ikinakahiya nga nya.

showermist

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #96 on: May 25, 2011, 12:17:00 pm »
Advice lang din sa iba pang Pinoys abroad, iwasan nating ijudge ang kapwa natin pinoy, have more faith in them.  Open your eyes and your minds, marami pong mas mabuti sa atin kesa masama at stop saying "Yang mga Filipino na yan" as if hindi tayo Filipino.  Unawain pero wag kunsintihin, mahalin pero wag pagtakpan!

Lastly, pay forward, pag may gumawa ng mabuti sa atin na kapwa Pinoy let's pay it forward.  When it circles back mas marami ang blessings na babalik sa atin.

I agree. Madaming mabubuti.  Pero we can't deny na madamin ding manloloko.  As in!   

tennisgirl

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #97 on: May 25, 2011, 12:31:06 pm »
@sis mooncake: talaga?! caregiver na under the table? meron pala nun? i thought mahigpit ang western countries pagdating sa mga caregivers  ???

@sis showermist: may kilala din ako na nagwork as nanny-tutor sa hk. ayaw nyang paalam na nanny din sya. ang lagi niyang sinasabi tutor sya. with regards naman sa mga caregivers sa canada, di na sila mahihiya kasi malaki naman ang sweldo  ;)

phurple0515

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #98 on: May 25, 2011, 12:38:04 pm »
ako naman, di ko sinasabihan na uuwi ako (except my family pero sinasabihan ko rin sila wag ipagsabi) kasi naman, parang ginagawa nila na 'must' manghingi ng pasalubong, imbes na itanong kung kumusta ka abroad, uunahin pa sabihin, 'pasalubong naman dyan!'

tapos minsan, yong ibang Pinoy, di nila iniisip na if may magawa man sila na di maganda, di naman name lang nila dala nila, laging iisipin ng mga foreigners, 'Ah, Pinoy yan.' Tapos pag me ibang pinoy na di naman ganon ugali, magdadalawang isip na sila...

then, sama ako sa walang unlimited gravy sa kfc, hehhe, plus idagdag mo na ang ibang fast foods sa pinas, di siya fast abroad, hehe (like kfc, ambabagal ng crew, buti pa sa atin mabilis).

Lauren_GT

  • Guest
Re: The Ugly Facts about Life Abroad [Round 2]
« Reply #99 on: May 25, 2011, 12:44:48 pm »
You are comparing two different cultures here.  I worked in the US both with Asians and whites.  Pag Asians big deal satin ang recognition ng title.  And I'm not talking about Pinoy lang ha. Even with Chinese and Japanese.  You don't call them by their first name, lest you'll be branded as arrogant or disrespectful.  Si husband nga, who works with Japanese, hindi sila basta basta first name lang, may "san" lagi ang name as a sign of respect.  Conservative Japanese kase ang company. 

With Americans naman (I am now working with them), kahit directors or VPs first name basis talaga.  It's a culture thing, ayaw nila magpatawag ng sir or ma'am unless rural midwestern.  Again, hindi rin lahat ng midwest merong nagpapatawag ng sir/ma'am yung iba ayaw.   

Cut some slacks for the Aussie Pinoys, wag kang masyadong mayabangan sa kanila.  When we are abroad we should look after one another.  Have more faith to your kababayans.

Advice lang din sa iba pang Pinoys abroad, iwasan nating ijudge ang kapwa natin pinoy, have more faith in them.  Open your eyes and your minds, marami pong mas mabuti sa atin kesa masama at stop saying "Yang mga Filipino na yan" as if hindi tayo Filipino.  Unawain pero wag kunsintihin, mahalin pero wag pagtakpan!

Lastly, pay forward, pag may gumawa ng mabuti sa atin na kapwa Pinoy let's pay it forward.  When it circles back mas marami ang blessings na babalik sa atin.

i love how positively you've expressed your point. what a breath of fresh air! thank you :D i'll try to deal with our kababayans with the same kindness---but i will keep my guard of course. i am one with you about 'paying it forward'.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close