watch now

Author Topic: D & C  (Read 330867 times)

frapuccino

  • Guest
Re: D & C
« Reply #200 on: December 01, 2010, 08:22:26 pm »
sis pink_blush01, I'm so sorry to hear what happened to you and your baby.  Kung malapit ka sa Marikina you can try Dra.Caballa  sa Marikina Valley Hospital. I had D&C with her last June outpatient din. 18k lang bill namin. The procedure was done in 10 minutes pero magstay ka muna recovery room for 1 hour after ng D&C. After ng D&C as in totally wala akong naramdaman na pain. 

baby2011

  • Guest
Re: D & C
« Reply #201 on: December 02, 2010, 11:54:54 am »
sis pink blush, sorry to know what happened.. i can relate sa experience mo ganyan din yung heartbeat ng baby ko dati at around 70. i know mahirap talaga mawalan ng baby.. :'(  be strong.. God bless

barbwire

  • Guest
Re: D & C
« Reply #202 on: December 02, 2010, 12:30:37 pm »
Sis pink_blush, its really sad.. :(  I also lost my baby. I had D&C last Nov. 14, 2010. Always remember there is reason for everything. God bless.

hi_landprincess

  • Guest
Re: D & C
« Reply #203 on: December 02, 2010, 07:01:34 pm »
my hugs and kisses for you sis pink blush and barbwire. sis pink_blush, sobrang naiyak ako sa  story mo... ramdam na ramdam ko yung sakit. hanggang ngayon, hindi ko mapigilang maiyak. sis, patsek ka baka may APAS ka. kasi nagka-heart beat si baby, unlike sa case ng sister ko before na blighted ovum talaga sya.

darating din sa atin ang hinihingi natin in God's perfect time. ako din ttc and we've been married for more than 4 years na, 3 1/2 years ng ttc. sa ngayon, may baby na kami - he was born last nov 30 pero hindi galing sa akin. anak sya ng tita ko na binigay nya sa amin. :) sabi ko nga sa prayers ko kay God, i'm thankful sa blessing Nya kasi may baby na kami pero sana yung manggaling sa amin ni hubby ko. :)

baby dust sa ating lahat sis... have faith...

hayne22

  • Guest
Re: D & C
« Reply #204 on: December 03, 2010, 12:00:43 am »
sis pink_blush01, i've been waiting for your post sa isang thread and there i found out what happened..i know how you feel..though may baby ako ngayon alam ko yung feeling ng mawalan ng baby..i know how you wanted that baby, don't worry God will give your own angel at the right time..He just wants you be prepared sa malaking gift na ibibigay nya sayo..cry if your hurt, don't suppress the feeling..you have your hubby on your side..

*virtual hug*

Lei_Glee

  • Guest
Re: D & C
« Reply #205 on: December 04, 2010, 04:25:24 am »
sis pink _blush,
naiyak naman ako sayo sis parang kelan lang na sa 2 week wait thread ka..sis pacheck ka kung you have apas and other immunologic issues.
ganyan din ako sis, on my 6th week tvs for heartbeat, a hemorrhage was found din, but my ob dismissed is a nothing but when I tried to read and post sa APAS thread, mga sis doon told me it is a big deal na talaga pag apas ka. it is your baby fighting for his life na pala.
Stay strong sis, kaya natin to. Ako din eh ganyan din ko bigla bigla na rin na umiiyak kasi naiiisip ko yung baby ko na I lost..

ebbah

  • Guest
Re: D & C
« Reply #206 on: December 04, 2010, 10:32:24 pm »
sis pinkblush, sorry to hear what happened to your angel. naiyak naman ako dont worry everything will be fine GOD is good. maybe HE is really testing our faith. hold on sis. ibibigay nya rin sa atin ang pinakammithi naten in GODs perfect time. be strong sis. **hugs**

joey09

  • Guest
Re: D & C
« Reply #207 on: December 05, 2010, 12:07:06 pm »
sis pinkblush,nakaka relate ako sayo ganyan din kasi nangyari sa akin before 7 weeks si baby nung mawalan din siya ng heartbeat.wala naman ako ibang naramdaman may spotting lang.sabi din OB ko nun after ng TVU mag bedrest ako kaso yun nga wala na pala heartbeat.
May plano si GOD kung bakit nangyari yun basta paniwala ka lang sa kanya bibigay din niya sa atin yung mga angels natin.GOD BLESS

j2736

  • Guest
Re: D & C
« Reply #208 on: December 09, 2010, 04:39:02 pm »
sa saturday, iraraspa ako. pang 3rd ko na kasi, yung first 2, kumakapal palagi lining ng uterus ko tapos may mga maliliit na myoma ako sa walls ng uterus ko, kaya lagi akong heavy bleeding. nagstart itong condition ko 2005 pa. tapos last nov 7, sumobra sakit ng puson ko. na -ER nga ako. at as usual, hirap na naman tumigil mens ko. sa result ng ultrasound ko, meron akong adenomyosis. kaya sabi ng ob-gyne ko, iraraspa ako ulit. sabi ko gusto ko na hysterectomy kasi hirap nako e. pero ayaw niya, sabi niya, titingnan daw nya muna loob ko. syempre, biopsy again. (hopefully, this time, hormonal pa rin - hindi cancer).  dati, outpatient lang ako kasi hindi ako naka-insurance noon kaya pwede naman daw outpatient. e kaso ngayon, under insurance, sabi ng ob-gyne ko confinement. kaya bukas, icoconfine na ako tapos procedure saturday ng umaga tapos sunday ng umaga uwi ko.

magkano kaya this time magagastos ko? kasi dati, hospital bill lang at pf nung anaesthesiologist na discounted pa. tapos yung ob-gyne ko, hindi nagpapabayad kasi colleague niya yung ate ko na ob-gyne din e. (la na kasi dito sa Pilipinas ate ko, kaya nirefer na lang niya ako sa kasamahan niyang ob-gyne). nagkataon, nung naginsurance na ako, yung ob-gyne ko e accredited dun sa insurance company kaya siya pa rin duktora ko. kaya, ngayon ko lang maeexperience ma-confine ng 2 nights para sa raspa lang. kinakabahan tuloy ako sa gagastusin ko. sa Medical Center Muntinlupa ang hospital. Mahal ba dun? first time ko kasi dun e. Dati kasi, sa Christ The King dito sa amin sa Las Pinas. meron naman akong Philhealth (required naman yun sa insurance). haay, pag malaki magagatos ko, mag-iingat na talaga ako. mahirap hysterectomy dahil sigurado, mas mahal yun.

shinta

  • Guest
Re: D & C
« Reply #209 on: December 10, 2010, 08:09:00 am »
^ sis, sinong OB mo sa MCM. dati kasi dun ako nagpapatingin, pero umalis na yung OB ko dun kaya dumadayo pa ako sa las pinas doctors.

magkapresyo lang siguro sa las pinas doctors at mcm. nung na-d&c ako, 1k lang ata binayaran ko. sagot na ng HMO at philhealth yung iba. 21k ata ang bill ko nun. di ko na matandaan kasi yung orig receipt, sinubmit ko sa clinic sa office dati. for sss naman.

j2736

  • Guest
Re: D & C
« Reply #210 on: December 13, 2010, 08:28:23 pm »
hi shinta, si dra. codilla ob-gyne ko dun. natapos din sa wakas d&c ko. umabot ng P33K+ pero P212.80 lang binayaran ko kase sagot ng healthcard at philhealth ko. mahal din pala dun. naghallucinate ako at namigat left chest ko. akala ko nga matetepok nako. matindi ata yung anaesthesia na ginamit sakin. nag 140/100 nga bp ko kaya binigyan ako ng catapres 75 mcg (sublingual). conscious na kasi ako nun at naririnig ko mga usapan nila tapos matanong pa ko  ;) kasi naman, nung una at pangalawa kong raspa e hindi naman ako nagkaron ng hallucination at wala akong numbness na naramdaman. basta groggy at nakatulog na lang ako. tapos paggising ko, wala naman akong naramdamang numbness. sabi pa nga dati nung ob-resident sakin "gising na, naghihilik ka pa" pero naka-smile naman siya at sweet ang pagkakasabi niya. pero dito sa latest raspa ko, wow, kung [textspeak!]-anong vision nakita ko. may matandang lalake pa nga akong nakita na hawak-hawak nya dextrose niya pero din naman sya nakasuot ng pang-pasyenteng damit. una, andun sya sa paanan ko nakaupo sa isang bench. tapos after a few minutes, nakita ko naman siya nasa left side ko nakaupo din sa isang bench. nung namigat naman ang left chest ko, papunta nako sa point na parang hindi nako makakahinga kaya nagsalita nako at sinabi ko sa kanila na mabigat dibdib ko kasabay hawak sa pwesto sa dibdib ko kung saan ko yun nararamdaman. bago ako lumabas ng room, pumunta yung resident ng cardiologist at kinumusta ako about sa chest ko. that time, wala na yung pamimigat. so tinanong ko bakit ako nagkaganun. ang sabi, nangyayari daw talaga yun dahil under aneasthesia daw ako. mukhang totoo nga dahil sa tingin ko nga, matindi yung anaesthesia na ginamit sakin. kaya, based sa experience ko, mas type ko dun sa Christ The King sa Las Pinas. kasi, okay ang response ko sa anaesthesia na ginamit nila sa akin dati. sarap-sarap ng tulog ko noon - walang hallucination. wala nga lang mga panaginip na sweet LOL.

pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos at sa mga medical professionals sa MCM. maayos naman sila at naramdaman ko naman na they did their best to save me.  :)

sa ngayon, kakarampot na light brownish spotting na lang naeexperience ko na bihira din naman. walang pain, ang masakit lang e yung portion sa braso ko na pinagsaksakan ng suwero at nung anaesthesia. pero very tolerable naman. i'll be back on friday to my ob-gyne for check up. and advise ng cardio na pag ok na daw ako, to see him to fix my triglycerides (mataas kasi) at pati siguro yung naramdaman kong pamimigat sa left chest ko.


zhajhei_08

  • Guest
Re: D & C
« Reply #211 on: December 13, 2010, 11:29:48 pm »
glad to hear natapos na din ang D & C mo po.
ako po advised mag d& c to remove endo polyps po.

dapat nga po ngayon na gagawin kaso kinakabahan pa po ako eh.
tpoz ngpraypray pa din ako..naniniwala sa himala.

balik ako after 3 mos, to check ulit.
pag andun pa din, huhu d & c na eto..

shinta

  • Guest
Re: D & C
« Reply #212 on: December 14, 2010, 07:05:02 am »
^^ glad to hear na tapos na din D&C mo sis. sino kayang OB sa MCM ang marunong sa hysteroscope?

33k pala inabot ng bill mo. most prob ganyan na din sa LPD ngayon. yun sakin kasi last Dec 2007 pa yun and partial anesthesia lang. gising ako habang niraraspa at nakikita ko pa na nagrereflect sa salamin nung OB yung ginagawa niya. medyo gross nga eh. hehe.

^ sis zhajhei, sure ka na sa D&C? next year na rin ako magpapatingin ulit. hanap ako ng bagong OB for 2nd opinion.

Lei_Glee

  • Guest
Re: D & C
« Reply #213 on: December 14, 2010, 09:34:52 pm »
sis zhajhei,
what is endo polyps sis? is that same with endometriosis or endo cysts?

sis j2736,
sis is this your third pregnancy na ba? are you apas sis?

zhajhei_08

  • Guest
Re: D & C
« Reply #214 on: December 14, 2010, 10:27:15 pm »
Lei_Glee: An endometrial polyp or uterine polyp is a mass in the inner lining of the uterus.No definitive cause of endometrial polyps is known, but they appear to be affected by hormone levels and grow in response to circulating estrogen.[2] They often cause no symptoms.[3] Where they occur, symptoms include irregular menstrual bleeding, bleeding between menstrual periods, excessively heavy menstrual bleeding (menorrhagia), and vaginal bleeding after menopause.[2][5] Bleeding from the blood vessels of the polyp contributes to an increase of blood loss during menstruation and blood "spotting" between menstrual periods, or after menopause.[6] If the polyp protrudes through the cervix into the vagina, pain (dysmenorrhea) may result.[4]

shinta= ayoko talaga magpa d & c huhu, di ba nasabe ko sayo nagtake ako ng herbal meds, naniniwala kase akong gagaling ako, bahala na si lord, kaya instead na ngayon na gawin yung d & c, after 3 mos na lang daw, para macheck kung me himala ba, pag andun pa din, ayun d & c, huhuhu, pero nag-aalala ako sobra kase bata-bata ko pa, me pamahiin pa man din samin, na ninipis ang matris at baka mas lalo mahirapang magkaanak, single pa man din ako, @ age of 25 ko pa gusto mag-asawa huhu, mag-22 na ko this 28, shinta, hehe, bata pa din di ba.

basta kip faith in god..




shinta

  • Guest
Re: D & C
« Reply #215 on: December 14, 2010, 11:04:43 pm »
sis zhajhei,
what is endo polyps sis? is that same with endometriosis or endo cysts?

ang alam ko sis magkaiba ang endometriosis sa endometrial polyps. endo polyps ay overgrowth or "kuntil" na tumutubo sa uterus.

yung endometriosis ata is pag yung mismong endometrium grows outside of the uterus. mas malala atang condition ito than endo polyps.

i don't know about endo cysts.

Angela_Gayle

  • Guest
Re: D & C
« Reply #216 on: December 16, 2010, 05:37:38 pm »
mga sis ask ko lang, did you experience any symptom before it was diagnosed na wala na heartbeat ang baby?

Lei_Glee

  • Guest
Re: D & C
« Reply #217 on: December 19, 2010, 03:00:33 pm »
Sis shinta & zhajhei,
Thanks sa info. Thanks for enlightening me.

Sis angela_gayle,
On my 9th week I was supposed to have a Doppler ultrasound on my 10 th week pero wala marinig na heartbeat. A few days after ng check up ko, i had faint red spots when i checked kaya I went to my ob. She did a tvs and found no fetal heartbeat, no cardiac activity na baby ko.   And no I did not feel anything weird before I saw the spotting.

prettymish98

  • Guest
Re: D & C
« Reply #218 on: December 20, 2010, 01:48:11 am »
hello mga sisses, newbee lang ako sa thread na to. as per my OB i have polyp at additional 22% daw ang pregnancy pag tinanggal sya. pero sabi nya naman dati daw hindi nya pinapansin ang polyp. she costs me 80k for the procedure pero hindi ko maremember term kasi medyo hilo ako nun from my HSG procedure. basta tanda ko para daw yun raspa pero mas advance. ito ba sis yun laparoscopy?

shinta

  • Guest
Re: D & C
« Reply #219 on: December 20, 2010, 08:51:22 am »
^ sis, baka hysteroscopy yun. 80k siningil sayo? grabe ang mahal, huhuhu  :'(

san ospital po yan?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close