sa saturday, iraraspa ako. pang 3rd ko na kasi, yung first 2, kumakapal palagi lining ng uterus ko tapos may mga maliliit na myoma ako sa walls ng uterus ko, kaya lagi akong heavy bleeding. nagstart itong condition ko 2005 pa. tapos last nov 7, sumobra sakit ng puson ko. na -ER nga ako. at as usual, hirap na naman tumigil mens ko. sa result ng ultrasound ko, meron akong adenomyosis. kaya sabi ng ob-gyne ko, iraraspa ako ulit. sabi ko gusto ko na hysterectomy kasi hirap nako e. pero ayaw niya, sabi niya, titingnan daw nya muna loob ko. syempre, biopsy again. (hopefully, this time, hormonal pa rin - hindi cancer). dati, outpatient lang ako kasi hindi ako naka-insurance noon kaya pwede naman daw outpatient. e kaso ngayon, under insurance, sabi ng ob-gyne ko confinement. kaya bukas, icoconfine na ako tapos procedure saturday ng umaga tapos sunday ng umaga uwi ko.
magkano kaya this time magagastos ko? kasi dati, hospital bill lang at pf nung anaesthesiologist na discounted pa. tapos yung ob-gyne ko, hindi nagpapabayad kasi colleague niya yung ate ko na ob-gyne din e. (la na kasi dito sa Pilipinas ate ko, kaya nirefer na lang niya ako sa kasamahan niyang ob-gyne). nagkataon, nung naginsurance na ako, yung ob-gyne ko e accredited dun sa insurance company kaya siya pa rin duktora ko. kaya, ngayon ko lang maeexperience ma-confine ng 2 nights para sa raspa lang. kinakabahan tuloy ako sa gagastusin ko. sa Medical Center Muntinlupa ang hospital. Mahal ba dun? first time ko kasi dun e. Dati kasi, sa Christ The King dito sa amin sa Las Pinas. meron naman akong Philhealth (required naman yun sa insurance). haay, pag malaki magagatos ko, mag-iingat na talaga ako. mahirap hysterectomy dahil sigurado, mas mahal yun.