watch now

Author Topic: hinanakit kay hubby, meron ka ba?  (Read 70371 times)

sexyvamp

  • Guest
hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« on: August 03, 2009, 11:49:28 am »
share naman kayo ng mga hinanakit nyo sa husband nyo  kung meron, kahit ano
like me madalas namin pag awayan yung everytime we have to plan or decide on something, icocunsult nya muna yun sa mga kapatid nya, then kung ano sabihin nila yun yung napag dedesisyunan. feeling nya lagi sila tama, bunso kasi sya e, naiinis lang ako kasi parang nababalewa ako, i have to agree on their plan nalang palagi, di naman masama na humingi sya ng opinion sa kanila pero di ba dapat kami naman ang magdecide kasi kami ang mag asawa e. para tuloy wala na kong sinabing tama. sinasabi ko nga sa kanya yun pero deadma lang sya, di naman daw ganun.

blinkinglights

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #1 on: August 03, 2009, 01:03:18 pm »
madami ako nyan sis.
unang-una yung since babae ka, ikaw ang gagawa ng mga gawaing bahay na mentality. tho' d naman nya sinabi yan sa akin pero naman, wala talagang kusa tumulong man lang. nung preggy ako talagang todo silbi parin ako sa kanya kahit bigat na bigat na ako sa belly ko. umiiyak na ko everytime na nagluluto kasi sobrang naiinitan ako sa kitchen. so kumuha na ng helper.
tapos now na may baby kame, ako parin ang mostly nag-aalaga. palpak naman ang yaya kasi parang di din gaano nakakatulong. di kasi stay-in. nung first month ni baby umiiyak din ako pag umiiyak ang baby kasi napapagod na ako. so ayun every night shifting na kami ng pag-aalaga sa baby. sleep na ko ng 9pm tpos gising ng 2am para sya naman ang matulog. buti nalang now, mae-establish na ni baby ang sleeping pattern kaya sleep lang sya mostly at night.
mega away kami ni hubby nung pikon na pikon ako sa palpak na katulong (ginamit kasi yung slippers ko nung naglinis ng cr e bawal mabasa yung slippers kc cloth yung straps tpos dine-deny pa nya na ginamit nya.) tapos imbis na intindihin ako ni hubby, nagalit pa sa akin na kung bakit galit na galit ako. sinabi ko na gamit ko kaya yun, binigyan na ng sariling tsinelas ang katulong pero ang akin parin ang gagamitin. sa sobrang galit ko kay hubby sinigawan ko ng "never mo talaga ako naiintindihan. pero sa katulong ang bait-bait mo. nakikisuyo ka lagi pag inuutusan pero pag sa akin ok lang sayo nakikitang napapagod ako. e kung palit nalang kame, ako nalang ang katulong at sya na ang asawa mo. magsama kayo!!!"
edi sapul yon sa kanya. mabait na sya ngayon pero ako parin sa house chores mostly. waaaah!

sexyvamp

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #2 on: August 03, 2009, 03:04:35 pm »
mentality kasi nila lagi kung sino ba ang lalake at sino dapat masunod, dun ako inis na inis. parang tautauhan ba tayo? kaya nga nag asawa para may makatuwang sa buhay hindi para maging katulong. i know naman na sila nagtatrabaho, to provide for the family pero sana konting konsiderasyon naman sa mga nagagawa natin sa baha at pag aalaga ng baby.

mami violy

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #3 on: August 03, 2009, 03:16:08 pm »
hinanakit kay hubby ay naku meron ako nyan... super insensitive kapag tinatanong mo naman ayaw magsalita ang gusto nya kung ano yung sinabi nya yun ang dapat paniwalaan at tapos na ang pag-uusap.

kainis >:(

koi1028

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #4 on: August 03, 2009, 03:22:45 pm »
sa household chores, no problem ako kay hubby very hands on and pati sa baby namin, maasahan. yun nga lang, our communication idoesnt improve, parang wala masyadong connection, we are not able to talk things about our future or yung mga kwentuhan lang, how's our day.. mas nanonood ng tv.. physically present, ok na sa kanya... e siyempre, ang asawa dapat ang una natin napagsasabihan ng mga frustrations natin pero medyo hindi siya ganoon..

sexyvamp

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #5 on: August 04, 2009, 11:01:54 am »
oo nga bat ganun mga lalake, kala ko dati kilalang kilala ko na sya pero ngayon mag asawa na kami parang kakaiba pala sila no.minsan big deal na sating mga girls pero sa kanila deadma lang, yung tipong umiiyak iyak na ko sa inis pero para sa kanya la kwenta yung dahilan

aquacharly

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #6 on: August 04, 2009, 12:56:30 pm »
Hinanakit?  Dati, marami... daig pa ang 4 rosaries (4 na mysteries na ngayon eh di ba?   :)  )

Pero ngayon, wala na.
Irritations...  meron pa rin, now and then.

The thing is -- when a crisis you do not expect hits you.. you will be forced to focus on what is important to you.

My husband had a medical crisis last year.
Siguro it was fortuitous that before that medical crisis, last July 2006 we decided, each on our own, that we will start anew with our marriage.  Maliwanag na sa amin last July 2006 what was negotiable and non-negotiable to our ownself... and vis-a-vis the other... kaya mo ba or hindi to give that to me?

When the medical crisis hit... it was really far from expected...  I was forced to see things really objectively.  Doon ko na forgive sya, doon ko na understand that we each have our own needs, at doon ko din na accept that love is a great power but not everything.

As in,  I will do everything (but not anything) to take care of him and to stay married to him. 
BUT,  if he will seek anything other than me... kaya ko to step back (not step aside, there is a big difference therein ha).  And because "I love you" ...  sige go and do whatever... pero because I also love myself.... it will be the beginning of the end talaga.

Life is short.
We should seek what will make us happy in the end.
And let others seek what will make them happy in the end.
Regardless of where the chips may fall.
Life is short.  Life can be over in a heartbeat. So make the most of it.

So hinanakit?  I no longer burden myself with such.  Basta may hindi ako gusto, or something unsettles me... I bring it up for discussion agad.  Nothing like clearing the air.

honey_iya

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #7 on: August 04, 2009, 04:19:12 pm »
Ako wala kasi kapag may hindi gusto or may bumabagabag (naks ang lalim) eh ora mismo sinasabi ko sa kanya, good thing good listener si hubby kaya naso-solve agad :) ayoko kasi nung isip ng isip ;D

lukaretchi

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #8 on: August 04, 2009, 04:29:03 pm »
^meron din ako hinanakit kay hubby, kapag tungkol na sa family nya mga kasamaan ng ugali ayaw nya pinag-uusapan kasi alam ko naman nasasaktan din siya, kaya lang hindi ko maalis na magcomment sakanila lalo na mga  maling ginawa nila sa akin dati. Once na nakapagsalita na ako tutuldukan nya na agad iyon at patitigilin ako, para lang hindi kami mag-away sa akin na lang lahat ng hinanakit ko. At hindi ko alam na nagpapadala sya ng pera sa family nya feeling ko kasi napapassby ako ang gusto ko lang ipaalam nya sa akin..hindi ko naman sya pinagbabawalan, isa pa siya naman may hawak ng pera.

mameejhy

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #9 on: August 05, 2009, 02:29:09 am »
sa household chores, no problem ako kay hubby very hands on and pati sa baby namin, maasahan. yun nga lang, our communication idoesnt improve, parang wala masyadong connection, we are not able to talk things about our future or yung mga kwentuhan lang, how's our day.. mas nanonood ng tv.. physically present, ok na sa kanya... e siyempre, ang asawa dapat ang una natin napagsasabihan ng mga frustrations natin pero medyo hindi siya ganoon..

sis super pareho tayo ng hinanakit sa hubby! napatingin nga ako sa username mo kasi baka ako hehe

haiku

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #10 on: August 05, 2009, 10:11:36 pm »
Yung husband ko, hihiwalayan na daw niya ako. So ngayon, accept ko na, sabi ko sa kanya ok lang. After that, hininto na niya allowance ko (housewife lang ako) and kailangan ko ilista ngayon each and every expense down to starbucks latte tapos kung hindi ko sasabihin kung sinong kasama ko for a particular lunch or merienda (cost for each meal about P700), ayaw daw niyang bayaran. My point is,I can pay naman for these little things but siya na nga yung nagloko, humingi ng hiwalay tapos siya pang yung galit at nangaabuso sa akin. To top it off, super yaman siya and he's just doing this to give me a hard time. Grabe!

ivo

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #11 on: August 06, 2009, 01:17:45 pm »
I have same issues with other girls here but different in a way. I have this partner. Partner because I can't claim if him as my husband because we are not married but we happen to have a baby. We have been in a relationship for 7 years before the baby came. I really hate him so much because he has other woman. I can't really explain how angry I felt when I found out that he was having an affain that time and to add fuel to fire, I even found out that the woman is married and has a daughter. I was so pissed of and couldn't give back my trust on him. I am also very much angry to the girl. She is very irratating! I hate both of them until now. I don't know if I could still bring back the trust.

koi1028

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #12 on: August 06, 2009, 10:10:59 pm »
natawa ako mommyjhy... may mga parepareho tayo na expereinces.. pero tama naman si aqua, mga hinanakit but tolerable.. basta kung pwede pagusapan ginagawa ko yon, minsan ayaw na lang niya sumagot, unlike me daw, sagot ng sagot, ayaw magpatalo..

ganyan ang mga babae, mas dapat matured.. may hangganan nga lang, i believe..

mami violy

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #13 on: August 07, 2009, 10:54:59 am »
ay korek mga sister kung may di magandang nararamdaman sabihin agad kapag may nakitang mali ipakita agad kasi the more na tumahimik ka akalain nila ok lang you understand pero darating din ang time na mapupuno kaya kapag nagsabi ka na sasabihin pa sayo ano ba itong drama na ito, kayo talagang mga babae masyadong ma-drama wag na nga kayong manood ng mga teleserye sa TV.

ngayon nakikinig na sya sakin kasi I already told him pagod na ako and this time iba na ang priority I must love myself more than I love him.

kaya yang mga lalake na yan takot din naman kapag nalaman nilang puno na tayo kaya babalik ulit sa dati kapag nakita tayong lumalambot na naman haizz back to square.

I hope this time di na kami back to square. I am still fixing it and more firm now

kyuting13

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #14 on: August 13, 2009, 02:16:31 pm »
magshare din ako... and hope na maybe someone can elighten me what to do...

nag-away kami ni hubby kagabi...bakit? sa sobrang babaw na bagay, pero it triggered something in me...

last night, nasa sala ako lumabas ng kusina si hubby at pasigaw na pinagalitan ako bakit di ko daw tinabi sa ref yung ulam kagabi... parang nagblack-out ako at pasigaw ko din syang sinagot na - iniwan ko yang ulam kagabi para sa kapatid mo. I wanted to point out na bakit ako ang sinisisi nya, eh pareho kaming wala sa bahay at hindi nagdinner dun. Yung kapatid nya ang naiwan at naghapunan so siya dapat ang nagtabi. Sabi nya sa akin, bakit di ko daw chineck. Sabi ko iniwan ko yan kagabi para sa kapatid mo, ako pa ba ang hahabol sa kanya para magligpit. Ako na lang ang gumagawa ng lahat sa bahay.

Backtrack... ang kapatid nya po mas matanda sa amin. Dumating sa amin para maghanap ng work. Kaso paano naman po ako matutuwa... umaga na natutulog at tanghali na gumigising. Pag uwi ko ng mga 3 ako pa ang magluluto ng tanghalian at siya ay nag-aalmusal pa lang. Wala po siyang work, so pati bisyo ng paninigarilyo sagot pa namin. Nakakainis minsan kasi siyempre dun sa sala may sarili siyang kama. So pati tv sakop nya... di na ako makapanuod minsan. Gagawin ko dun na lang ako sa kwarto para di makasagap ng usok ng yosi.

Ang kasalanan ko, di ko kinausap si hubby tungkol sa hinanakit ko. Take note, ako pa naglalaba ng damit pero sige ok na lang kasi washing machine naman. Pero ang isa pang di ko ma-take (sorry kung OA) pero yung sa toilet bowl na maliligo ka ng umaga tapos may patak-patak yung uupuan mo, at di pa nagflush. Siguro masyado akong maarte sa bahay, pero siguro naman normal lang na gustuhin mong malinis ang bahay di ba?

So back to the situation last night... after nyang marinig yung sagot ko na -iniwan ko yun sa kapatid nya, naisip nya sigurong tama ako, sabi nya bakit daw ganun ko na siya sagutin. Never ako nagtaas ng boses sa kanya, kagabi lang talaga, siguro super sama ng loob ko. Sabi ko sa kanya - ikaw ang nagsimula. Hanggang ngayong umaga di kami nagpapansinan. Masama pa rin ang loob ko at sa totoo lang di ko feel umuwi ng maaga, siguro magkakape muna ako mag-isa para magpalamig.

hope things will be better... magweekend na and ayoko ng hindi kami nagiimikan...

honey_iya

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #15 on: August 13, 2009, 02:23:57 pm »
^sis, siguro mabuting sabihin mo sa hubby mo yung about sa kapatid nya, dapat sya ang magsabi dun. ok lang naman magpatira pero naman marunong naman makisama, nakikitira na nga lang.

yung sa pagsigaw naman ni hubby mo syo, mali nga sya pero at least na-realize nya (sana) na mali yung ginawa nya. huwag nyo na patagalin yang walang imikan nyo. mag usap kayo. dapat lahat ng hinanakit at ayaw mo sabihin mo sa kanya. nasa paguusap lang yan sis, goodluck :)

kyuting13

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #16 on: August 13, 2009, 02:30:08 pm »
thanks sis honey_iya...

yup, yun naman ang point ko na sana marunong makisama. yung konting effort naman kasi baka mastroke na kung tulog-kain lang ang ginagawa.

i think dapat ilista ko ang hinanakit ko para ma-address lahat... haha... naisip ko, itext ko siya mamaya, makipagmeet ako pero hindi sa bahay at mag-usap kaming 2 lang.

honey_iya

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #17 on: August 13, 2009, 02:48:23 pm »
^o kaya i-email mo para mahaba-haba haha. mas ok din yun para kapag nagusap na kayo ng personal eh pareho na kayong mahinahon at di na nagsisigawan. tama, mag date kayo...i'm sure tanggal ang tampo mo ;D

kyuting13

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #18 on: August 13, 2009, 03:08:38 pm »
sana nga... sabi ko sa kanya since dumating kapatid nya nakalimutan na nya ako...

ito ata yung inipon kong isang buwan na di masyado kami naguusap...

kailangan talaga may drama ang buhay hehe  ;D

blinkinglights

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #19 on: August 13, 2009, 08:38:11 pm »
sometimes i text hubby ng mga hinanaing ko lalo na kung madrama, kasi baka maunahan ako ng iyak pag sinabi ko face to face. e pag umiyak na ko di na ko maka-explain ng mabuti. it helps narin para pag nagkaharap na, explain-explain nalang.
« Last Edit: August 13, 2009, 08:41:53 pm by blinkinglights »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close