watch now

Author Topic: being eldest!  (Read 38666 times)

marish

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #80 on: March 18, 2010, 03:26:32 pm »
sis aishen1208, ganyan din kami ng nanay ko, nagcclash, misunderstanding... pag kinukwento ko nga sa bf ko sasabihin pa sakin wag ko daw awayin kasi nanay ko daw yun. ang sakit kasi pag nanay mo nagsalita sau eh db??? parang murahin ka na ng ibang tao harap harapan pero iba yung impact pag nanay mo eh ;D,  sinasabi ko na lang sa bf ko,"e hindi naman tayo parehas ng nanay eh, nanay mo mabait akin hindi!!!". sakin ang sinabi naman, "oo ikaw yung tapos ng college, ikaw yung magaling" yun bang pinapamuka sayo na kinakayankayanan mo na lang sila or nilalampasan at ako pa yung hindi daw makaintindi, actually naiintindihan ko naman kaya lang wala talaga ako ilalabas kasi nun sa previous employer ko pa ako, so liit pa sweldo... ayoko kasi na hinihingian ako tapos wala akong mabigay, naiinis ako dun sa nahingi kasi alam ng wala hihingi pa at sa sarili ko din kasi nga panganay. yun talaga nagpush sakin na lumipat ng ibang company after ng away na yun... ngayon kinsenas katapusan may abot ako, hindi na kami nagaaway...  ;D hehe... hindi naman sa mukang pera nanay ko kasi nga naman ang pera naman talaga ngayon ang bilis mawala, dadaan lang sa palad mo. naiintidihan ko pa din kahit panu...

harlet

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #81 on: March 18, 2010, 04:29:25 pm »
^ganyan din ugali ko sis, ayokong hinihingian ako pag wala akong pera...nakakainit ng ulo...

pag naaalala ko yung laging sinasabi ng parents ko..."ikaw ang matanda/panganay ikaw ang umintindi o magparaya."  feeling ko unfair ata yun....parang ang mga bunso o bata sa 'yo ok lang kung ano gawin tapos pagpasensiyahan mo.....tapos pag ako me mali, ang litanya naman, "ikaw ang panganay di ka marunong maging ehemplo ng mga kapatid mo."  hayz....

marish

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #82 on: March 18, 2010, 10:47:14 pm »
tapos sayo mahigpit, pero yung mga kapatid mo bata pa nakapagcell phone na, nakakalabas kahit gabi, nakapagbulakbol, sa house kaw pa din yung uutusan kesyo mas marunong ka kasi malaki ka na, mas madali ka umintindi... lam nyo un??? yung mga ganung factor?? kaya minsan hindi mo na mapigilan mainis eh...  >:(


harlet

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #83 on: March 19, 2010, 01:06:23 am »
hayz sinabi mo pa sis.....i remember, high-school ako noon, nagre-review ako para sa exam, etong bunso kong kapatid na lalaki, naglalaro sa kalye....eh nasagi ng sasakyan, di naman grabe..... sus, ako pinagalitan ng father ko, di ko daw binabantayan kasi, dios mio, eh 3 taon lang tanda ko dun, kailangan ko pa bantayan pag naglalaro? sama-sama talaga ng loob ko nun....

sabi nga nila, dapat ang eldest, siya ang favorite kasi kung baga, talagang bunga ng pagmamahalan.....pero ewan!!!

hairt mini

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #84 on: March 31, 2010, 08:03:44 pm »
Naiyak ako sa mga stories dito.
Eldest din ako. And I would say na sa amin tatlong magkakapatid ako ang pinaka swerte, malaki kasi ang age gap namin. When I was a kid sunod lahat ng luho ko kasi parehong may work ang parents ko at syempre nag iisa pa ako. from pre-school to high school catholic school ako nag aral yung 2 kong kapatid ng public school (nawalan kasi ng work dad ko when I was 13). Di ako inilipat ng school ng parents ko kasi ayaw ng lolo ko (father ng mom ko) sya ang nag support sa studies ko (galing sa pension nya). Nung college na Thank God nakapasa ako sa isa State Uiniversity so hindi ganun kalaki yung tuition fee ko, kaya lang uwian ako from manila to laguna (ayaw akong payagang mag dorm) pero mahal yung course na napili ko, super daming projects and naranasan ko rin na ang baon ko lang is eksaktong pamasahe lang and ang schedule ko is from 7:30am to 9:00pm broken sched kasi kami. may baon lang akong tinapay and pack lunch buhay na ako nun. super tipid mode. and kita ko ang hirap ng parents ko as in minsan naririning ko si mommy umiiyak sya kasi wala kaming pamsahe or pang tuition nung mga kapatid ko.  :-[
kaya noon sabi ko kay Lord, maka graduate lang ako tutulungan ko parents ko and my siblings. Thank God uli (God is good to me) after grad naka hanap agad ako ng work though di ganun kalaki ang sweldo but then at least kahit yung bills eh ako na nag babayad. hanggang sa eto dito na ako sa abroad now and minsan as in allowance na lang ang natitira sa akin kasi kailangan nila ng pera. Sabi noon ng mom ko, anak di mo kailangan bayaran lahat ng paghihirap namin sayo, wala kang obligasyon sa amin responsibilidad namin yung bilang magulang. At never din naman talaga silang nag hingi sa akin except pag talagang di na kaya ng powers nila. Pero kahit di sila mang hingi nag bibigay ako. ganun yata talaga ang mga panganay super family oriented.
This year ikakasal na ako, after I said YES to my fiance sinabi ko agad na package deal ako, pag minahal mo ako I assume na mahal mo rin pamilya ko at hindi ko puputulin ang pag tulong ko sa kanila. Though hindi na nga lang din siguro ganun kalaki ang maibibigay ko sa parents ko but siguradong magpapadala pa rin ako ;D. deal or no deal.. :P...good thing DEAL naman ang sagot nya..LOLs..

marish

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #85 on: May 02, 2010, 04:30:13 pm »
@sis hart mini
ako din yung age gap namin nung sumunod sakin 8 yrs, tapos nung solong anak pa lang ako bigay lahat, nasa abroad pa nun tatay ko. so nakita ko talaga yung kung ano yung feeling ng meron tapos biglang nawala... ang hirap, yung walang baon, pang ulam naranasan din namin yan, na naiyak na nanay ko. nagdecide kasi tatay ko magstop magabroad kasi nakita nya na di ako close sa kanya since lumaki akong wala sya. ayun! nung umuwi sya nawili na sa kapatid kong lalaki... naubos lahat yung ipon...

ngayon nagbibigay ako, ang makakasama ng loob pag nagkaron kayo ng misunderstanding, isusumbat pa sayo mga binibigay mo... which is ang totoo gusto mo lang tumulong, hindi para kayan kayanan mo sila. minsan namimisinterpret. last time nasagot ko na naman sila, minsan nakakainis talaga. i'm planning to save my salary for the whole 2 months since maliit nga ang gastos sa house kasi walang pasok sa school, nung nagaway kami lately ako na naman yung masama... sabi ko hindi na ako magbibigay, mabuti at masama intensyon mo ganun pa din ang tingin sayo. pero hindi ko pa din matiis... feeling ko talaga masama ako pag sinosolo ko yung blessing ko... ugali ko na kasi simula nung nagkawork ako na dapat even just a small part of my salary may maibigay ako sa pamilya ko... tapos pag hindi ako nag bigay nyan, pustahan may maririnig na naman ako... haaayyyy...  :(

Cheesecak3

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #86 on: May 10, 2010, 07:40:03 pm »
ganon nga siguro, kung hindi makakapagbigay madaming maririnig na masasakit. ako hindi lang nakapagbigay ng isang buwan dahil inasikaso ko muna ang pagbubuntis ko at yon kung ano ano na ang kwento sa mga kamag anak at syempre ang mga kamag anak na walang alam sa totoong nangyayari kung [textspeak!] ano na ang sinasabi sa akin.

masakit lang kasi alam ko na pera lang ang habol, hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kanya. lahat naman ng tulong binigay ko na. ako nga nagpapaaral sa mga kapatid ko at pati rent nila sa bahay ako pa rin. pero may naririnig pa rin akong hindi maganda.

nakakasawa na talaga...  kaya ngayon hindi ko na sya kinakausap.

rainebowbrite

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #87 on: August 12, 2010, 11:47:54 am »
i love this thread.

eldest din ako of four kids. my brother is two years younger than me and my next two sisters are 8 and 10 years younger naman. i'm super close to all my siblings.

my mom passed away two years ago, aneurysm. si mommy ang main breadwinner namin and she was the bind that keeps us all together. my dad is the quiet type. sila ng mommy ko have a business tapos my mom is also a professor and consultant. mom was the brains talaga behind the business kasi very technical yung business namin eh. si dad ko was more of the manager.

ang laki ng change ng lifestyle ng family namin after my mom died. hindi pa naman hirap pero natatakot ako na baka mapunta dun. buti na lang medyo nag okay na ulit ang business ni dad at sana magtuloy tuloy na.

five years na ko working and wala ipon. in fact baon sa utang. hindi kasi kami maluho naman kahit buhay pa mommy ko, enough lang. kaya nung nagkaroon ng sariling pera, i enjoyed my money.

the period after my mom's death was one of the darkest peroids of my life. i was so lost. mommy ko kasi is my guide. hanggang ngayon lost pa din naman ako pero happier na kahit papano. nung mawala siya, nabaon ako sa utang. wala naman akong malaking binili etc pero i spent my days na laging eat out. hindi naman ako gumigimik. mahilig lang ako kumain ng masarap na food. i told myself na okay lang kasi i'm trying to be happy and food yun.  nagloan ako to payoff cc debt din tapos nung nalungkot ako, nagshopping spree ako with my cc. so naging dalawa tuloy yung binabayaran ko.

since late last year, i've continuously been trying to fix my finances. bihira na ko mag eat out and tipid na talaga (for me). 1/4 of my salary is going to paying off debts na hopefully by next year ay tapos na. I'm also renting an apartment kasi my family is in laguna so dagdag gastos din yun for me.

i try to give when i can. if my siblings need money for something sa school, bigay naman agad ako. hanggang dun pa lang kaya ko i extend na tulong. sana maging mas malaki na.

thankful ako my siblings are great and none of them are pasaway. hindi din sila maluho. they know the value of money and how hard it is to earn it. i'm relearning this too and i'm trying to live my life the way i used to do before lumaki sweldo ko.

i've thought of trying to find work abroad pero natatakot ako. and ayoko din mawalay sa two youngest siblings ko kasi kakastart pa lang nila halos ng college. i mean, wala na nga mommy namin tapos mawawala pa ko? kahit na hindi ako masyado nakakatulong financially, i'm sure na the fact na i'm around and always there for them to talk to, iba pa rin di ba.

lennix

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #88 on: August 17, 2010, 02:14:50 pm »
Panganay din ako, anim kami magkakapatid. Right now ako lang ang nag wo work, mejo mahirap!

pearlrae

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #89 on: August 17, 2010, 05:34:07 pm »
pa-subscribe mga sis... im also the eldest, 4 girls kami and yong bunso lang ang lalake...

health.gal

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #90 on: August 18, 2010, 03:57:08 pm »
im the eldest (and only girl) of three.

im also the eldest sa mga magpipinsan na naiwan dito sa 'Pinas

chimponzi

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #91 on: August 18, 2010, 04:29:18 pm »
haaaaaaaay naku.. ako din eldest.. 4 kami magkakapatid. ang age gap namin ng sister ko ay 15 years tapos after ng sister ko, 1 year naman age gap nya sa kambal.

since i'm already working, i'm helping my parents send my siblings to school. mahirap din kasi hindi ka pwede basta basta na lang mag-let go sa mga responsibilities mo as the eldest kasi sa case ko wala naman stable job ang parents ko. kahit minsan sobrang gusto ko na mag-asawa, napapa-isip din ako dahil nga sa situation ko.. pero ngayon, ok naman daw sa parents ko na mag-asawa na ako dahil 27 na ako. heller?! haha. pero nung mga younger days ko explicitly nila sinasabi na wag muna.. as in wag.  ;D

Quote
thankful ako my siblings are great and none of them are pasaway. hindi din sila maluho. they know the value of money and how hard it is to earn it. i'm relearning this too and i'm trying to live my life the way i used to do before lumaki sweldo ko.

tulad ni rainebowbrite, hindi din maluho ang mga kapatid ko dahil medyo tipid mode na ang parents ko. ako lang yung medyo nasanay sa material things dahil solo lang ako dati pero tipid mode na din ako ngayon. hehe  ;D

at ayun, kung mag-aasawa man ako at sasabihin niya na i-stop ko ang support ko sa mga kapatid ko, wag nalang kasi hindi ko gagawin yun. gusto ko maging fair sa mga kapatid ko.. kung nakapag-aral ako sa magandang school, dapat ganun din sila.  :)

pero mahirap.. mahirap talaga. can relate ako sa mga plight ng ibang mga sisses natin dito.  :-[
« Last Edit: August 18, 2010, 04:32:47 pm by chimponzi »

ishko

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #92 on: August 18, 2010, 04:44:23 pm »
i'm not the eldest pero nakakarelate ako...

actually, wala nang nag-aaral sa amin.. kaso yung (3) brothers ko ay may mga pamilya na.. kaso mga walang tinapos kaya drivers lang.. pag may problema, laging umaasa.. nakakapagod na.. hays.. mabuti pa nga sila, palaging umaasa pero at the end of the day, sila may bahay at mga sasakyan.. pero ako-- wala, laptop nga lang ang nabili ko para sa sarili ko.. wheew!

eto, nagtext na naman yung isa kahapon.. umuutang na naman na wala nang balikan

pearlrae

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #93 on: August 18, 2010, 09:54:18 pm »
syempre sis nakakahiya naman singilin pa eh kapatid mo naman...

haay...

freeswan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #94 on: August 20, 2010, 09:09:21 am »
totoo yan. my brother, who by the way has a family na, and my sister ang laging nangungutang sa akin. i'm married na and i left our house 8 years ago. my sister is living with my parents and so is my brother and his family. nakakairita lang pag nangungutang sister ko para pambayad ng kuryente, tubig, etc.. eh sila kaya nakatira sa bahay. siyempre nakakahiya maningil kasi alam mo may utang pa na laptop, sala set, etc. na hinuhulagan pa. haaay.. yung brother ko naman, simula nung nanganak misis niya nung june, sure thing pating na, mag aabono ako. few weeks after, nagkasakit ang baby, may uti, padala na naman. nung july, si sis in law na naman inoperahan dahil sa mastitis, abono ulit, then just last week, nagka amoeba ang bro ko, as usual, ganun pa rin. partida, pag umuuwi ako sa amin, libre gatas and diaper ang baby. kahit maningil ka, alam mo naman walang ibabayad sayo. haaaay.. kaya d na ako halos makabili para sa sarili ko.

hairt mini

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #95 on: August 23, 2010, 09:01:58 pm »
hirap maging eldest mga sis. Ikaw ang may responsibilidad sa lahat. At feeling ko mas may pressure sa tin. dapat maging maayos ang buhay natin kasi tayo ang magiging example ng mga younger siblings natin. :D

chrlxmyot

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #96 on: September 10, 2010, 09:00:09 pm »
 :'(sobrang hirap maging ate sa tatlong matitigas ang ulo na kapatid! hirap tumayo na nay-tay kasi mga parents namin nasa ibang bansa so far, almost 10 years na akong nag-titingin sa mga kapatid ko and i would say na mas gugustuhin ko na ngayon na kahit ako nalang ang magtrabaho abroad kesa mag-alaga sa mga kapatid ko malalaki na kasi sila and mga pasaway na kaya nawawala na ako ng authority sa buhay nila..

jaded1025

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #97 on: September 10, 2010, 09:53:26 pm »
Eldest din ako. 2 younger sis and 2 younger bros.

7years gap ng sumunod sakin sa sis ko kaya naenjoy talaga namin ang maluhong buhay. Pero masaya din naman na 5 kami. Kasi im 24 pero 12 pa lang ang youngest namin.

Medyo mahirap lang dahil kelangan aware ka sa mga ginagawa ko dahil ako ang model ng mga kapatid ko.

I'm not obliged to send money but syempre nagbibigay din ako like gifts on bdays, pag may honors or kung pag umuuwi ako magdadate kaming magkakapatid at mga pinsan. Eldest din kasi ako sa magpipinsan sa mother side at halos isang compound lang kami nakatira.

Mahirap pero fulfilling maging eldest especially pag may honors or yun pag naglalambing mga kapatid ko dahil may papabili. Though afford naman ng parents ko, nakakataba ng puso pag sakin pa nila gusto manggaling yun pinapabili nila.

At dahil andito ko sa manila, message na lang sa fb or minsan manghihingi ng load para maitext daw ako. Asus! Haha!
« Last Edit: September 10, 2010, 09:55:21 pm by jaded1025 »

sachism

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #98 on: May 03, 2011, 08:49:45 am »
i am also the eldest sa family and i must say that i enjoyed naman the life that i wanted. binigay sakin ng parents ko lahat ng needs ko kaya right now na sila may kelangan since retired na father ko, OK lang sakin even if married nako. OK lang din kay hubby. i give allowance to my siblings who still go to school, tuition minsan, paglumuluwas or naglalambing parents ko, i give them money, too. when i started working, i assumed all the household bills, basically gastos lahat sa bahay dito sa metro. but when i got married and moved out, siblings ko na lang naiwan, i still give them allowance but yung sa ibang gastos, parents ko na. i always pay for everything, eating out, travel, etc.

it seems quite a big responsibility for me considering that i already have my own family, but im blessed that God made me capable of doing this for my family/ies and having a supportive husband. kaya i think mga sis, na ginawa tayong panganay kasi kakayanin natin :) aja aj!

thebratinella

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #99 on: May 03, 2011, 12:32:39 pm »
buti pa yung mga eldest kids na tumutulong sa parents. may kilala ako eldest daughter siya tapos lahat ng needs and luxuries provided ng parents. bigla nabuntis. parents pa rin nagprovide ng needs niya and ng baby from the medical expenses, milk, vaccines, clothes, baptism and birthday parties and shelter. she spent more than 6 years in college but didn't graduate. when her parents lost their money due to bad investments and lay-off sa company, she completely lost respect for them. she even slapped her mom during a petty quarrel to think that her mom is one of the kindest people we know. buti hindi sila pinalayas ng mom niya.

i feel blessed because my parents provided me with everything i need. kahit after college, my mom let me spend my own money. they never demanded for anything. ako lang nagbibigay sa kanila. stop na nga lang ako sa panlilibre sa brothers ko now that i'm married.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close