watch now

Author Topic: being eldest!  (Read 38689 times)

Pretty_ava

  • Guest
being eldest!
« on: August 01, 2009, 02:54:14 am »
hello mga sis!

I just want to share my story.  I'm the eldest in my family.  I have a 3 siblings.  Yung next sa akin is graduate na ng Nursing and unfortunately di sya pinalad sa Board exan nung June.  My other two sisters are in college right now.

Last year, we had a major test in our life, my mom suffered from stroke and as in naapektuhan lahat kami.  She is still with us and still working sa munisipyo sa amin.  My dad is a gov nurse and has a minimum wage lang.  puro kaltas pa gawa sa utang sa pag papaaaral sa college.  My mom earns a lot kasi head na sya sa isang dept sa Munsipyo...

never kong na experience mag promisory note nung college ako sa CEU.  I was blessed kasi, di ako nahirapan sa tuition fee ko nun, kahit ubod ng taas ng tuition fee sa CEU.  sunod luho ko pati ng mga kapatid ko, but now, hindi na ganun, naawa ako sa mga kapatid ko na nasa college pa. 

I received a text message kaninang morning pero sa kasamaang palad gabi ko na nabasa, ang text is "  ate do you have savings pa?  pautang naman, si nanay di pa kasi nagpapadala ng pang bayad sa tuition namin, last week pa kami ng promisory note and deadline na now, textback ka ate ha"  nasundan pa nang 3 messages na ate textback ka naman, gabi ko na nabasa, at wala akong kamalay malay na ganun na pala ang ngyari.  naiyak na lang ako, kasi ang isip ko eh, kawawa naman ang 2 kong sisters

I feel bad for my two younger sisters, they used to be on time sa payment and sunod luho nila, di sila naglalaba kasi may nirerentahan si nanay na labandera and taga plansta for them.

After I graduated, work kaagad ako and for 3 years nakatulong ako kila nanay, nagbibigay ako ng pang allowance ng 3 siblings ko and I could say na good job ako dun, pero last year, I got pregnant and eventually got married.  wala ng tulong coming from me.  ang ginawa ko naman is binigay ko lahat kay nanay yung savings ko nung single pa ako, parang last tulong ko na, kasi magkakaroon na ako ng pamilya ko.

right now, hirap sa finaces sila nanay and tatay ko, di nga makabili ng new dress si bunso para magamit sa debut ng friend nya.  maintainance kasi ng meds ni nanay.  nagi guilty ako kasi di ako makatulong, I'm the eldest and dapat lang talaga na tumulong ako, kaso ano naman magagawa ko, sakto lang yung earnings namin na mag asawa para sa baby, sa yaya, sa milk, rent and kung ano ano pa.

naiisip ko na unfair naman yata ako, I never experienced na magtiis or mag promisory note.  Naawa ako sa family ko now, pag umuuwi ako sa kanila, lagi ko nadidinig na wala tayong pera. tapos ang ulam is laging galunggung.  nag kakarne lang sila pag weekend.  gawa na rin siguro kay nanay di na sya pwede mag meat lagi.

akala ko after maka graduate ni otoy, magiging maayos na sa finances nila nanay, ang mahal kase mag paaral ng nursing pero hindi pa din pala.

I feel bad for my sisters.  ewan ko ba?  nalulungkot ako pag nababasa ko yung text ng sis ko na ate please mag reply ka naman. feeling ko wala akong kwentang kapatid, panganay pa naman ako.

kayo sis, sino dito ang panganay?

sorry for the long post.  gusto ko lang mailabas.

thanks for reading!


Cheesecak3

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #1 on: August 01, 2009, 03:22:25 am »
ako din eldest at sa tingin ko sis mas swerte ka kasi kahit papano naging sunod luho ka nong nag aaral ka pa. Hindi kasi mataas ang income ng parents ko non kaya wala akong choice kundi magtake ng scholarships o kaya magworking students. simula non hindi na ako tumigil sa pagtulong sa mga kapatid ko. hanggang ngayon na married na ako, tumutulong pa rin ako sa pag aaral ng mga kapatid ko.

minsan mahirap at pinapaintindi ko naman sa kanila na meron ng limit ang pagtulong ko kasi nga may asawa na ako at anak. mabuti na lang din at mabait ang husband ko at willing naman syang magbigay sa family ko.

sa case mo sis siguro nanibago ka lang kasi ngayon lang nangyari sayo to pero kung wala ka pa sigurong maitulong ngayon explain mo na lang sa kanila ng maayos. siguro wala na rin ibang mapuntahan ang mga kapatid mo kaya sila sayo din ang punta kasi ikaw ang eldest. sana gumaling na agad ang mom mo para balik na ulit sa normal ang situation nyo.

God Bless!

theotherjeckay

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #2 on: August 01, 2009, 03:30:10 am »
I am the eldest din. My only brother is 5 years younger than me. May business naman ang parents ko and minsan nga sila pa ang tumutulong sa akin kasi I am a single mom. 

Nakakaguilty minsan kasi di ako nakakbigay ng money.  Feeling ko kasi since nagkaanak ako, nagkasunod-sunod na ang problems sa bahay. and since naoperahan ang dad ko, di nya sya makapagwork and retired na rin si mama.  It made a dent sa finances pero nakakaraos pa rin naman kami. Ang importante eh buo pa rin ang family namin.


siguro sis, pwede ka tumulong kahit konti. kahit allowance ng sisters mo or budget para sa food. i guess malaking tulong na yun for them. tsaka once makagraduate na yung 2 sisters mo eh I am sure tutulong na rin sila and baka ibalik din sa yo  yung nagastos mo.



Wala naman din magtutulongan kung hindi kayong pamilya.


Good luck sis and God Bless!

Pretty_ava

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #3 on: August 01, 2009, 03:30:30 am »
^thanks sis.   

sana nga maayos na lahat.  di ko alam kung paano ako makakatulong sa kanila, may sarili na kasi akong pamilya.  mahirap kasi pag may responsibilidad ka na.

naninibago lang ako, hindi ako sanay.  naiisip ko pa sana nung time ko na lang naging ganito, kaya ko mag tiis.  yung mga kapatid ko kasi eh di talaga sanay.


theotherjeckay

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #4 on: August 01, 2009, 03:39:26 am »
^sis, siguro kung ano lang kaya mo. ako kasi i have 4 kids kaya di rin ako nakakatulong masyado.  tulong ko na yung bibili ng food minsan, gamot ni mama etc.

tell them lang kung ano yung kaya mo. kahit siguro food nila for 1 meal or 1 week na gamot ng mama mo.


harlet

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #5 on: August 01, 2009, 04:21:27 am »
for now sis, stop looking back kung ano yung noon na meron kayo....kasi nakakadagdag lang ng depression, mas naaawa ka lang sa sarili or sa mga kapatid mo...

i agree na kahit paano, for the meantime, magbukod ka kahit konti para sa kanila, isama mo na sa budget mo muna like yung sabi ni sis  theotherjeckay, kahit sa maliit na ambag lang....

freeswan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #6 on: August 01, 2009, 04:36:58 am »
sis, alam mo ganyan talaga tayo mga eldest. we tend to worry kasi innate na sa atin ang pagiging maasikaso sa pamilya.

ako din, i was lucky to have entered in the best school in the city and able to finish college on time. yung mga kapatid ko nakatikim muna ng public school. lucky for us, matitino kami and graduate na kami lahat. my brother is a nurse working in a hospital and my sister is a preschool teacher.

then just this year, our dad had aneurysm, inoperahan siya sa brain. financially draining kasi magastos yung meds. naaawa lang ako sa mga kapatid ko kasi they just started working and parang obligado sila sa house to pay for the bills and meds ni dad kasi dun sila nakatira. im living na kasi on my own and i thank my parents that ever since i started working, d nila ako inobliga to give them money or to pay bills. i just constantly give them pang gimik, pang parlor ni mommy, pang date ng bro ko, pang parlor ni sis, etc.. for 4 years, akin lang yung sweldo ko tapos yung mga kapatid ko, eto ngayon ngabibigay na sa parents ko and although ako din naman nagbibigay. naaawa ako talaga sa kanila pero ganun talaga ang life. tapos ikakasal pa ako this year, ang daming gastos so parang konti lang naibibigay ko sa kanila. i really feel bad and guilty about it. although my mom would say go ahead and just go through our wedding,ok naman daw sila, meron pa ring yung feeling na "no, i want to help you.." ganun nga lang siguro mga sis pag eldest.

then just a few hours ago, my bro's gf for 7 years texted me if alam ko ba daw na may iba yung bro ko.. turns out, may ibang gf yung bro ko. this girl happens to be his patient kasi yung girl may cancer. ayun, nahuli nung original gf so mega gulo sila sa house kanina.. super text sa akin. ewan ko ba, pag ate talaga, feeling nila I have the last words. kahit yung mom ko sinabihan ako na pagsabihan ko raw kapatid ko..

Pretty_ava

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #7 on: August 01, 2009, 04:37:52 am »
thanks sisses sa reply.   nakadagdag pa yung pag bagsak ng bro ko sa board exam, pina ngutang pa ng tatay ko sa GSIS yung pang review nya.  naawa ako sa bro ko kasi kahit okay lang kina nanay yun pagbagsak nya, syempre nahihiya yun sa kanila, kasi sya yung nasa bahay now kasama nila, naririnig nya yung walang pera na bukang bibig ni tatay.  kaya pressured sya.

would you believe na 2k lang every 15th and 30th of the month ang sweldo ni tatay, dahil sa loans nya, lahat yata ng pwedeng utangan na ahensya sa gobyerno ni tatay eh , nautangan na nya.  ganun din si nanay.  Umaasa lang sla sa RATA na narereciv ni nanay kada buwan, allowance yata yun ng mga head ng dept sa gobyerno.  syempre napupunta yun sa tuition and allowances ng 2 sisters ko.

pag umuuwi ako sa quezon, nagaabot ako kahit 500 or 1k sa kanila, pang dagdag din sa gastusin nila yun.  hindi nila tinatanggihan, dati kasi di ganun.  hindi din ako makapag abot ng malaki kasi, we are still on the starting point of building our own family. saka tama lang ang income namin ni hubby.  sa mahal ba naman ng gatas ngayon.

theotherjeckay

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #8 on: August 01, 2009, 05:38:13 am »
^naintindihan ko sis na mahirap talaga when you have a family of your own to prioritize.  I am sure hubby will understand if you just allot a small portion of your income to help your parents.  I assure you na kapag graduate na yang mga kapatid mo and time comes na ikaw naman ang may kailangan hindi ka rin nila papabayaan.  Kapatid ko kasi minsan tumutulong na rin yan sa kin like sya ang bahala sa kunchbox ng kids ko or he'll buy toys for my boys.

kahit konting amount in cash or kind would be really appreciated and malaki na matutulong nyan.



blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #9 on: August 01, 2009, 07:42:40 am »
never kong na experience mag promisory note nung college ako sa CEU.  I was blessed kasi, di ako nahirapan sa tuition fee ko nun, kahit ubod ng taas ng tuition fee sa CEU.  sunod luho ko pati ng mga kapatid ko, but now, hindi na ganun, naawa ako sa mga kapatid ko na nasa college pa. 

sis, I guess you are referring to the promissory note, kaya ka naawa sa mga kapatid mo.

regarding luho, kahit wala nyan, ok lang. it builds character anyway, and eventually they would come out to be stronger after this mess.


naiyak na lang ako, kasi ang isip ko eh, kawawa naman ang 2 kong sisters

Nakaka guilty.  Pero my question is, bakit ikaw lang ba ang makakasalba sa kanila?  What is the situation of your mom?  Hindi ba sila nags stay sa same place kaya "padala" ng mom mo?  Have you checked with your mom kung hindi nga nagpadala?  Sister mo naman yan, I suppose you trust them. Pero kasi kung malayo kang lugar, at ako ang sister mo, bakit ikaw ang it text ko.  Andyan naman parents, and maybe other relatives and friends.

ang ginawa ko naman is binigay ko lahat kay nanay yung savings ko nung single pa ako, parang last tulong ko na, kasi magkakaroon na ako ng pamilya ko.

sis, napakabait mo parin. question ko lang - why do you feel obligated? hindi mo naman ginusto magkaron ng 3 pang kapatid? 



right now, hirap sa finaces sila nanay and tatay ko, di nga makabili ng new dress si bunso para magamit sa debut ng friend nya. 

Sis, you sound as if "need" mag-gown para maka attend ng debut.  Feeling ko kahit "okay" ang finances ng parents mo, things like these should be spent prudently. Question is pano ang retirement ng parents mo?  Are they secured na ba? 



maintainance kasi ng meds ni nanay.  nagi guilty ako kasi di ako makatulong, I'm the eldest and dapat lang talaga na tumulong ako, kaso ano naman magagawa ko, sakto lang yung earnings namin na mag asawa para sa baby, sa yaya, sa milk, rent and kung ano ano pa.

maintenance meds, ok tumulong. Pero other than that, if you ask me, you should not feel obligated. Obligation ng parents paaralin ang mga anak and hindi obligation ng eldest paaralin ang mga kapatid. Sorry ha, pero I find your parents so irresponsible for passing on to you such a big responsibility.  You have your own life to live and sana naman ma ease up yung burden na yan from you.

As for sa mga kapatid mo, dapat matuto narin sila tumayo sa sarili nilang mga paa as they are not getting any younger.  They have to face reality din somehow na life is not that easy. Facing reality early on can make them more responsible in the future, to take care of themselves, their families and your parents.



naiisip ko na unfair naman yata ako, I never experienced na magtiis or mag promisory note.  Naawa ako sa family ko now, pag umuuwi ako sa kanila, lagi ko nadidinig na wala tayong pera. tapos ang ulam is laging galunggung.  nag kakarne lang sila pag weekend.  gawa na rin siguro kay nanay di na sya pwede mag meat lagi.


I thought your mom has good pay?


« Last Edit: August 01, 2009, 07:49:09 am by blooming »

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #10 on: August 01, 2009, 08:11:58 am »
Sorry for being the devil's advocate here.  Ever since, ito ang kinamumuhian ko sa society natin.

Pagdating sa pera, laging magkakakabit ang lahat ng tao.  Feeling ko lang,  bakit hindi puede maging masaya buong pamilya by making sure that each person eh maging responsible sa dapat nyang gawin.  Para walang hihingi, walang maawa, walang magagalit or tampo kung hindi nabigyan, walang mag-guilty.

I was brought up kasi in a different way.  I guess. Kaya siguro iba ang mindset ko. Lumaki akong deprived.  But hindi ko naman naranasan magutom or mangutang at never manghingi (well with the exception on when I was a child, manghingi sa parents lang ang rule namin, otherwise, sampal ang abot namin if marinig ng parents namin nanghihingi kami sa aunt/lola, etc).  Ironic? 

I consider myself deprived kasi my parents only provided us the necessities.  EDUCATION and FOOD above all.  Pagdating sa gifts - christmas lang at birthday.  I never had a birthday party or debut.  Alala ko pag bday, my mom would cook spaghetti, buy me a cake and ice cream, tapos tawagin nya playmates ko na kapitbahay to celebrate with us.  that's it.  I used to remember why my classmates had all those Sanrio items samantalang ako hindi mabili ng mom ko.  Hindi kami yung family na laging may bagong damit kung bagong taon.  Bihira din kami lumabas nun, hindi kami nag o-outing or mall. Laging "tipid" mode kami.  And I did not understand it then. Why ganun. Pero we have our own house, car, etc

Now that I am married and have a family, now I understood.  Tipid mode sila ever since and only providing the necessities.  Kasi they DO NOT want to depend on us once they grow old.  They want to make sure we live our own lives and that we make sure that their grand children will also have that privilege to run their own lives without the previous generation pulling their finances down.

Point is - before they spend on something - ang question nila hindi lang "can you afford this?"  ang question is, will it make a dent on your future commitments whereby most of it is still unknown as of this point?  Kung binigyan nila ang eldest ng debut, ma-afford parin ba nila bigyan ng debut yung mga susunod pang mga kapatid years from now (they also tried to be as fair as possible samin magkapatid).  kung nakapag aral sa private school ang panganay, can they sustain that also for the rest of the siblings?  Mga Long term na tanong.

Now that they are getting old na. Ako na napipikon at times sa sobra nilang tipid. I keep on telling them, all their lives, hindi lang nila ako dineprive, pero pati nga mga sarili nila. Sabi ko, it is about time na naman siguro na they enjoy what they have worked for!  Mga graduate na kami and they just have to spend lahat ng earnings nila since I would not want any of their mana. I want them to enjoy what they have sacrificed for.

and alam nyo ano ba ang sagot ng parents ko?  Ok lang, because they still do not know how much medical bills they have to face in the future, not only for them but also for my grandparents.   :'(

Hanga lang naman ako, kasi simula nung pinanganak nila kami ng kapatid ko, they have always put my grandparents and us as a priority in all their financial decisions.  Even if it means, walang debut, second-hand books and hand-me-downs na uniforms. 

But I guess it all paid off.  Walang utang-utang or whatsoever.  We treat each other once in a while when we go out. Pag kami nagsama sama, lahat kami laging nag-uunahan who will pick up the bill.  I treat my parents once a year din for a trip abroad or within phils kasi ayaw nila gumastos, para naman makarelax sila somehow. 

Sorry ha, hindi ata ako nakatulong. Pero nagshare lang ako how to make it right.  At least for your generation and the next.  Otherwise, if you continue to just look at the short term, hindi titigil ang pattern.  If you and your spouse do not think of your retirement and potential meds in the future pag may edad na, chances are you would also rely on your kids for that, and the cycle repeats itself. Sa future, do you want your kids to be in your situation or in your siblings' situation?

As for your parents, will have to have another post, otherwise ang haba na nito. 
« Last Edit: August 01, 2009, 09:06:04 am by blooming »

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #11 on: August 01, 2009, 08:47:34 am »
What to do naman para naman sa parents and siblings mo. 

You have to talk to your siblings. Na sana maintindihan nila ang situation. Each person has to be responsible for their finances since your parents are not getting any younger.  Habang bata pa mga kapatid mo, they have to face reality. Let them apply for scholarships if necessary.  Let them find their own means to be able to finish their studies. At sa graduate mong kapatid, bahala sya humanap ng makakain nya.  Wala eh, since your parents cannot provide, alangan naman ikaw - nabanggit ko narin nga sa isang post ko, hindi mo naman sila inanak, and secondly, you also have your family to think of.

Kahit pa naman baby lang ang anak mo, isipin mo how much you have to set aside for his/her education.  sabihin mo nang Php 50k/yr * 14 years (6 yrs gradeschool, 4 yrs HS, 4 yrs college), that is already P700k.  May 700k ka na ba ngayon?  This is assuming pa na hindi tataas ang bilihin, at wala pang books and allowance AT higit sa lahat ISANG bata palang yan.  So you have to double it up once naging dalawa na kids mo, etc.  Secondly, yung retirement ninyo ni hubby.  Emergency funds kung mawalan ng work, etc.  Hindi ko pa nga na-m-mention dito ang bahay.  So in short, marami ka kelangan pag-isipan on how to make it right for your generation. 

Therefore, your siblings have to step up.  Kasi hindi mo kakakayanin.  Bata pa sila, they can work while studying. Maraming paraan.  Hindi sila lumpo o handicapped para umasa lang sayo at mag-antay lang ng grasya.

Now for your parents.  Unfortunately, they are aging narin. Lesser potential to earn, etc.  Kaya I would suggest you to help them.  Pero pero pero, you have to be careful on this.  Kasi maraming situations whereby people helping their parents financially e napupunta sa siblings ang pera, and the money sent did not serve its purpose, only to end up having a strained relationship with the parents kasi nga feeling ng parents mamatay na sila, e wala pang paki ang anak nila sa kanila.  Which in the first place, hindi naman totoo, kung ginamit lang sana nila ang pera para sa kanila at hindi para sa mga kapatid.

You also have to take into account yung future ng parents mo into your plan.  Pano kung nagretire na sila, who will provide their allowance?  Pano kung nagksakit sila, ma ospital, sino ang magprovide?  this is the reason why I am telling you now, to prioritize your family, your emergency fund and savings.  Define what is emergency to you ba?  Para sakin, if it concerns your parent's health, or kahit na your siblings. If it concerns life and death. That is the time you have to help them.  Pero kapag hindi lang makakain ng meat, eh may gulay at fish naman, O kaya kung hindi lang makabili ng luho, or moreso, hindi makabayad ng tuition. I would not help them. And it is not because I do not want to. But because I have to be able to help myself first before I can help them. 

Isipin mo nalang, if you keep on helping them now, maiipit ka. If you buy them food for 1 meal, that is at least P1000.  Kahit ba sabihin mong once a wk yan, thats 4k a month and 48k a year.  you keep and save that money nalang, para if you EXTREMELY need it, you won't feel guilty, or worse, feel self-pity.  What if next year, merong nahospitalize (knock on wood), ano nang mailalabas mo kung you wipe out your current savings for their welfare (ie education, better food - at may nakakain naman sila)?  Kaya habang manageable pa yan (wala pang mamamatay kung hindi ka maglabas ng pera), I suggest hwag ka magbigay and keep it for future's emergency purposes for health or life/death situations.

Mahirap. Pero sabi nga nila, that's called tough love. you should know what is right for everyone kasi it seems your parents did not know any better (I recognize naman that they love you and your family and tried their best in rearing everyone)
« Last Edit: August 01, 2009, 09:07:53 am by blooming »

freeswan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #12 on: August 01, 2009, 09:10:07 am »
^ the thing sis with pretty_ava is that even the basic needs of her sisters like the education, d na kayang ibigay ng parents niya. that's why she tends to worry.

ako, self made din ako right after I graduated so I know how hard it is to get money and how easy it goes. like what my mom would always say, save the money for rainy days pero ang turo naman sa amin, magtulungan kayong magkakapamilya. and my lolo's and lola's would instill in our minds when we are still young and pag nag aaway kami, na wag kami mag aaway kasi magkakapatid kami and dapat magtulungan kami. pagtumanda daw parents namin at pagnagkasakit, karamay namin ang isa't isa. siguro it really depends sa upbringing mo. pinalaki kasi kami knowing that we need to help each other.

when i was still in college, my ex asked me to get married na. i told myself d talaga muna ako magpapakasal hanggat d pa graduate yung mga kapatid. I swear, I talked to Papa Jesus about this. sabi ko Lord, mahal ko siya but I love my family and my parents so much d ko pa kaya. what i was thinking then is when i get married, it means leaving my family na. and naisip ko what if may mangyari sa parents ko, then I will be the one to take care of my siblings, emotionally, physically and financially. again, d ako obligado nito pero that's how i think when it comes to my family. and yes, true enough. right after my siblings graduated, my fiance proposed. and tamang tama, nung may nangyari sa dad ko which turned our loves to 180 degrees, may trabaho na kami lahat and we told our mom to retire na. kaya eto kami ngayon, we take turns in paying for dad's medicines and his rehabilitation.

PinKisH_23

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #13 on: August 01, 2009, 10:36:34 am »
To the thread starter, naiyak ako sa nashare mo na story nyo. I can relate.

Panganay din ako, I'm married pero walang anak pero technically hubby and I started from zero, so until now nagbibuild parin kami ng financially stable family.

Anyway, I have a sister, yung sumunod sa akin, just like your brother bumagsak din sya sa board recently, we were hoping na papasa sya kasi talagang sobrang laki ng gastos sa nursing, sobrang magastos kung magrereview pa sya ulit for the next board.

Yung brother ko naman, youngest, asa college na, mom was kinda forcing him to go to a semi private school para naman makaipon na sila kaso gusto talaga ng brother ko dun kasi dun din ako nag aral nung college, imagine ang tuition sa UE for HRM eh umaabot na sa 30K per sem, first year palang yun, wala pang uniform, books, shoes and other school needs. Sobrang gastos.

Just this year nung medyo stable na yung finances namin biglang nagtext din sister ko, sabi nya kailangan nya ng pang finals, otherwise di sya makakapag exam, naoperahan kasi si papa sa gal bladder kaya dun napunta yung pang finals nya. Good thing nitext nya ako around 2 weeks before the exam, kulang nalang di ako matulog sa kakatrabaho para mabuo ko yung 8K para sa finals nya. God is really good kasi nung talagang kailangan ko ng work biglang nagdatingan ang mga extra trabaho, di ko na kinailangan galawin yung savings namin ni hubby.

Tapos I also helped her dun sa pang review nya, it's so difficult na sometimes I blame myself na di ako nakapag abroad to provide for them. Na sana di ako nag asawa agad, siguro mas nakakatulong ako financially.

Di naman nila ako pinalaki sa luho, actually nung bata ako I don't remember na nagpaparty sila for my birthday, kahit sa mga kapatid ko, siguro lang sakto lang talaga ang lahat para sa amin. Mas priority kasi namin ang education.

Pero pag dumadating talaga ang panahon ng tag gipit dumadating din sa point na kailangan nating mamaluktot, oo kawawa talaga mga sisters mo, ganyan din nararamdaman ko, iba ata talaga pag panganay ka, pero siguro isipin mo nalang sis na pag nakaraos sila dyan, the experience will make them stronger. It will make them a better person. God has plans for everyone, di nya papabayaan ang family mo.

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #14 on: August 01, 2009, 11:52:45 am »
^^ sis freeswan, thanks for sharing din.

I know education is a basic need. and it does not mean hindi mo sila tutulungan. ang point ko lang siguro is that mas importante na may money set aside for the well being of everyone (ie health concerns and retirement of parents na wala right now).  and education can wait and siblings can help out, puede gawan ng paraan. And siguro you are right din sis, nasa pagbring up din.  kung hindi makaaral this yr, puede pa next yr.  hindi naman ibig sabihin hindi makapag aral this yr eh titigil na.

I remember nung nag graduate kami ng college yun na.  My mom did offer me kung gusto ko daw ba mag MBA.  I decided to go to a local school nalang and take on loans kasi I know na ang obligasyon ng parents ko naman eh hanggang college.  Kahit pa nag offer mom ko, I would want them to enjoy nalang din kasi I can see their sacrifices.  Point is, malalaki na ang siblings ni sis Ava.  And hindi sila mga lumpo. By handing them money now, baka makasama pa sa overall finances ng lahat.  By not handing them money, but ensuring to be answerable for emergencies, I think is more important.  Kasi kung tutulong ka lagi, without any savings in your account, come crunch time, alangan naman lahat kayo titingala nalang para magdasal. That, is a very desperate situation, at nadamay ka pa, na I would not prefer to be into, and I think no one does. 

Yung fish statement ng mga tao.  Teach them to fish, yan ang kelangan ng siblings ni Ava, esp sa newly grad.  Pero kung lagi silang aasa sayo, mahihirapan talaga si sis Ava.  And the initial post ni sis Ava, mukhang sya ang tatayong parents ng buong bayan.  Unfair naman ata, dahil lang sya ang naging eldest.

though dont get me wrong. the eldest should be there to guide, and not necessarily to provide. Kung walang makain na, then help. Pero kung meron pa naman, better manage everything earlier, kesa later on lahat kayo hirap. Guide through your siblings such that lahat kayo happy sa inyong buhay, at may pinatutunguhan ang future. 


sis freeswan, pareho pala tayo!  I had a long engagement as well (10+ yrs). Essentially bec I wanted to make sure that me and future hubby will be able to provide sa kids namin at hindi kami maiipit.  At ayoko na aasa kami sa parents nya or sa parents ko.  (and not bec may obligasyon kami sa parents namin - actually wala nga, sya lang siguro, which we provide naman ngayon. but we had to make sure na established kami for us to be in a better position to help others)


I think I posted na this before, I read fr Colayco's book --- analogy nito eh yung pag nawalan ng oxygen sa airplane. Ang instruction sa mga adults e sarili muna lagyan ng mask, bago lagyan ang bata. Kasi oras na natepok ka, sure tepok ang bata. Therefore, to be able to help others, you should first be able to help yourself. 





blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #15 on: August 01, 2009, 12:22:51 pm »
another article i read before, "women in red" ata yun na website, whereby they have a financial advisor advising financial issues ng iba't ibang tao.

there was a case there - college education ng bata or retirement ng parents. ano daw ba uunahin at limited lang ang funds.  if they spend for college education daw, they will need to depend on their son/daugher na kapag nag-graduate, obligahin to provide for them. kasi daw the money that will be spent for education is meant for their savings sa pagretire.

ang answer nung advisor, is between the 2 options, retirement mo or college education. unfortunately, retirement daw (or savings) ang dapat mo piliin. kasi ang college education - puede pa gawan ng paraan. for instance yung anak, can still work muna then study, or di kaya take on loans.  and he has 40 years to pay off that loan.  pero yung retirement, wala ka nang potential to earn pa.  moreso you have bills to worry, sabi ng adviser, lulubog kayo once you spend for college. at marami pang what-ifs.  what if, hindi nakapagtapos yung pinag-aaral mo?  aawayin mo ba sya? hindi mo din magawa at anak mo yun. oe say suddenly nag-asawa o di kaya, nakapagtapos tapos hindi ka tinulungan. ano ang gagawin mo? you can stand as the guarantor of the loan or something, help him get a loan, etc but he has to help, kasi malaki na sya, hindi sya bata or lumpo.




Pretty_ava

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #16 on: August 05, 2009, 06:09:11 am »
hello mga sis!

thanks for the advices, I went home to visit my family and bday na din ni nanay kasi. 


sis blooming(thanks for the correction, actually naisip ko din yun tinamad na lang ako baguhin.), yes, my mom earns a lot, pero it's just enough for the tuition and allowances of my siblings.  and syempre sa expenses sa house like kuryente and pang bayad sa kasama nila sa house and the meds.

ang point ko kasi hindi na kagaya ng dati ang buhay namin,....kaya naawa ako sa mga kapatid ko kasi di sila sanay sa ganun...dati kasi, isang hingi lang nila ayan na agad and may sobra pa.  yun yung di pa nagkakasakit si nanay.

saka nagi guilty ako kasi di ko naranas yun, na sana ako na lang ang nakaranas nun.  i also thought na sana di muna ako nag asawa agad eh di tuloy tuloy pa sana pag bigay ko ng pera sa kanila.

syempre eldest ako kayanaiisip ko lahat yun, nag one on one talk kami sa house nung umuwi kameng lahat, and yun, sabi sa akin nila nanay, di naman daw ako ino obliga, saka alam daw nila na may pamilya na ako.Kaya naman daw nila.

naawa kasi ako nung nagtext si bunso, 1st time ko kasi naka tanngap ng ganun text coming from her.

actually mga sis, naubos ipon nila sa pag papaaral sa aming 4.  we never experienced na magkaron ng 2nd hand books, or shoes/uniforms... always bago lahat kami every school year.    I guess, naninibago lang ako.

hanggat kaya ibigay nila nanay, ibibigay nila and about the retirement, they are blessed din kasi, pag sa govt ka aasahan mo every month may matatanggap ka, depende pa kung gaano katagal sa service.

I gusee nag over react lang ako sa text message na natnggap ko, pag uwi ko kasi sa quezon, sabi ni nanay, wag ka na mag worry, kasi ayos na ang tuition fee nila, na delay lang yun pag kuha ko sa pera ko kasi yung  treasurer eh absent.

Thanks mga sisses sa reply and kay sis blooming, I know your point.  sis freeswan,  how's the wedding preps?Sis pinkish, hirap maging eldest talaga, sana strong tayo lagi.
sis theotherjeckay, galing mo naman, 4 kids, God bless.
Sis harlet, thanks for the advices and to sis cheesecake than k you din sa iyo at naiintindihan mo ako.

theotherjeckay

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #17 on: August 06, 2009, 11:03:04 pm »
^i am happy for you sis! ^_^

nadialicious16

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #18 on: August 07, 2009, 10:46:57 am »
ako din eldest, at super ka stressful maging panganay. my mom went to abroad,para mag trabaho my dad has no work na.i am married and my hubby is asking me na bumukod na kami,pero lagi namin pinag-aawayan ang usaping ito.kasi am always telling him na i can't leave my family na may problema pa.lagi naman nyang sagot na,kasal na daw ako at may sarili na ring pamilyang dapat asikasuhin. i always tell naman my hubby na,he wouldn't understand me kasi only child sya at hindi sya nakakaranas ng prob ko.ang hirap hirap ng respon- sibility being panganay pero pilit ko naman kinakaya,now i know how my mom feels kung gaano kahirap ang mga ganitong bagay. :(

blackgreen

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #19 on: August 07, 2009, 12:20:27 pm »
hi mga sis! ako rin eldest. tapos nung 3rd yr college ako namatay parents ko. buti na nga lang nung nagaaral ako meron kaming nakuhang pera from GSIS and SSS kaya malaking tulong na rin yun sa pagaaral ko. saktong pagkagraduate ko eh naubos din yun money na nakuha namin. kaya nung nagwork ako, ako na sumagot sa pagaaral ng kapatid ko. ako na gumagastos sa lahat ng need namin magkapatid. 2 lang naman kami eh.

almost 3 years na rin ako nagwowork. graduating na rin siya ngayung taon. kaya sobra ang hirap ko ngayun. kaliwa't kanan ang gastos, puro utang na nga ako sa mga kaibigan ko. sana nga matapos na siya. nakakasama lang ng loob kasi minsan kapag hindi ko naibibigay agad yun kailangan niya eh sinusumbatan niya ako na nung time daw na ako ang graduating eh hindi ako hirap sa gastos kasi nga may pera kami from our parents. pero diba sana naman naisip niya na ako naman lahat gumagastos sa bahay. maliit lang naman sweldo ko. 

actually, last tuesday lang nag-away kami ng sister ko kasi may pinapabili siya sa akin eh hindi talaga namin kaya bumili nun ngayun. tapos ang dami dami na niyang sinasabi na nakakasakit ng feelings.  hindi naman sa nagbibilang ako ng gawain sa bahay, pero ako na nga nagwowork at gumagastos sa bahay tapos ako pa ang kumikilos para gumawa ng household chores. mahal na mahal ko lang talaga yun kapatid ko kaya nagtitiis ako ng ganito.  siya na lang pamilya ko eh.

buti na lang i found this thread, meron ako napagsabihan ng sama ng loob ko. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close