Hi mommies!
I'm writing down an Information Sheet for my prospect na yaya. I want to know my prospect that's why I prepared a list of questions to be answered. I know pwede naman magsinungaling but at the very least, I have some basic info.
Please give your feedback if I miss some things or if you think there's a better way to rephrase some questions. Or baka not my business na iyong ibang tanong.

Can I ask if kelan nya balak gusto mag-asawa?

If you can suggest situational questions to help me determine her traits, I'd really appreciate it.
Btw, my prospect is a high school graduate, single.
I. Personal information
Name
Address
Address sa probinsya
Cell phone Number
Birthday
Birth place
Mother’s Name
Father’s Name
Mga kapatid
Mga kamag-anak sa Las Piñas
Pinakamataas na antas sa paaralan
Nagkasakit ka ba sa nakalipas na isang (1) taon? Kung oo, ano ito?
May iniinom ka bang gamot para sa ano mang karamdaman?
I. Work experience
May karanasan ka ba sa pag-aalaga ng bata?
Ilang taon ka nag-alaga sa bata?
Ilang taon ang batang inalagaan?
Ano ang mga kasamang trabaho sa pag-aalaga ng bata?
Saan ang huling trabaho? Maaring ibigay ang pangalan ng amo.
Magkano ang sweldo sa huling trabaho?
Ano ang dahilan ng pag-alis sa huling trabaho?
Anong mga gawaing bahay ang kaya mong gawin?
III. Mga hilig
Ano ang kadalasang ginagawa mo sa iyong day off?
Mahilig ka ba sa showbiz? Sinong mga artista ang paborito mo?
Anong mga programa ang kadalasan mong pinapanood?
Mahilig ka ba magbasa? Ano ang mga binabasa mo?
Saan ka madalas mamasyal?
IV. Mga nais sa trabaho
Magkano ang inaasahan mong sweldo?
Ano ang gusto mong mga katangian ng amo?
Anong araw ang gusto mong makapag-day off?
Ano ang mga dahilan upang ikaw ay magtagal sa isang trabaho?
That's about it. Ang hirap umisip ng questions in Filipino!
