We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
based on my experience, naramdaman ko lang yung pain nung nawala na yung anaesthesia after kong mailipat sa room ko from the recovery room. actually it's not that painful pero i was uncomfortable eh gusto ko ng matulog kaya i asked them to give me a pain reliever. i was told na may slight pain reliever na yung IV ko kaya ang ginawa ko, natulog na lang ako. tinulugan ko na lang yung pain.sa mga sis na i-CS, wag masyadong matakot sa mga nababasa nyong sharing namin dito. on the day of your operation and even while on the operating table, mag-relax lang kayo. mahirap na baka tumaas ang bp ninyo, mas lalong mahirap kapag ganun ang mangyayari. relax and pray to God that everything will turn ok. on my second CS, ako nga lang mag-isa sa hospital. pinasunod ko lang yung yaya ng anak ko sa hospital para dalhin yung mga gamit namin ni baby at para may magbantay sa bag ko. check up ko pa kasi kaya unexpected yung panganganak ko on my 36th week. my husband wasn't around din dahil nasa ibang bansa sya. ang sabi nga nila sa akin and my in-laws, matapang daw ako... ang lakas daw ng loob ko dahil kung sila daw ang nasa kalagayan ko eh iiyak na sila. sabi ko naman nasanay na kasi akong mag-isa lang kapag check up ko at kahit noong 2x akong dinugo eh ako lang talaga ang pumupunta sa ER para magpa-admit unlike dun sa ibang mga buntis na dinugo na isang batalyon ang kasama. sa umpisa may konting kaba pero nasabi ko, i have to be brave for my baby. wala naman kasing maidudulot na maganda kung pati ako eh mag-aalala. and for the first two weeks ramdam kong na-CS talaga ako but after that parang wala na. 6th months post-op na ako ngayon and every time na nakikita ko ang baby ko parang wala lang yung mga pinagdaanan ko paghihirap during my pregnancy, on the day of operation and the days after.
mga sis ask ko lang gaano kayo katagal nagbinder?