sis jheiyd!! same case tayo! grabe, ano kayang nag-ca-cause talaga ng bell's palsy.
here's my story naman:
march 1 i gave birth
mga around march 25, nakakaramdam ako ng left side ng face ko na parang pagod.
march 26, gabi noon, napansin ko nagdo-drool ako everytime magtu-toothbrush ako, lumalabas ang water sa gilid ng mouth ko.
march 27, talagang nagmanifest na sa face ko. napansin ng husband ko tabingi ang mouth ko pag ngumingiti, then yung left eye ko laging teary-eye dahil na rin sa hindi sya sumasara ng sabay sa right eye ko, hindi nagfu-fully close ang left eye ko. nagpanic ang husband ko, akala nya mild stroke (kasi may ofcmate sya na yung wife nagka-mild stroke after manganak) so talagang natakot sya, itinawag agad namin sa OB ko yung condition ko, and right away, ipinasugod ako sa hospital (Medical City kasi ako nanganak). exclusively breastfeeding ako that time, (although bumili kami ng formula, pang-emergency lang). isinama namin ang baby ko, kasama and MIL ko. bilin ng OB ko wag na isama, kaso sobrang nag-alala ako sa baby ko baka magutom sya, so ipinasama ko na. this is the first time na nagformula ang baby ko.
itinawag na ng OB ko sa mga residents nya ang condition ko, kaya pagdating namin sa emergency ng Medical City na-attend ako agad, at informed na rin ang mga neurologists dun, nga pala i used my healthcard kaya wala kaming binayaran for the entire checkup. so tinest ako dun sa emergency, ipinataas hands, feet ko, pinukpok ng konti ang knees ko, lahat ng test na kailangan pinagawa sa akin, lahat nagawa ko naman. kinurot ng bahagya ang left side ng face ko at naramdaman ko naman. verdict: BELL'S PALSY.
worried kami ng husband ko sa condition ko, inexplain sa amin na self-limiting ang sakit na ito, meaning kusang nawawala at kusang nag-hi-heal. one cause daw nito is viral infection daw, stress could contribute din. hindi ako inadmit sa hospital kasi hindi naman daw critical yung ganun, i was just advised to go back para makapagpa-therapy.
march 30, bumalik kami para makapagpa-therapy, 4 lang na doctors ang tumatanggap ng schedule. lahat sila gang April 30 puno na ang sched, pwede daw ako pumunta dun around 8pm kung gusto ko daw, hindi feasible ang sched na yun so we did not chose to go back to Medical City for the therapy. and besides i live in south ko hindi talaga feasible, walang magdadrive for me din.
april 1, nagdecide kami ng husband ko mag-walk-in lang sa Asian hospital. naghanap kami ng Neurologist na affiliated ng healthcard ko (intellicare), only to find out hindi na pala tumatanggap daw ng healthcards ang mga neurologists, pero pwede atang ipa-reimburse sa company yung nagastos sa checkup. so yun nga, nagpunta kami sa isang Neurologist, hindi namin sinabi na na-diagnose na ang condition ko. basta nagpunta lang kmi dun na kunwari first time checkup. ang ginawang tests sa akin same lang din, pinaglakad ako, pinangiti, taas baba ng kamay, at nicheck kung may nararamdaman ako sa left side ng face. same findings: BELL'S PALSY din. hindi na inadvice ng doctora ko na yun na magpa-therapy ako, binigyan nya ako ng exercise na gagawin ko everyday on my own. then binigyan nya ako ng option kung gusto ko daw mag-steroid, pero that doesn't confirm na gagaling ang bell's palsy ko. as i remember sabi ng OB ko, miracle drug daw yang steroid, pag walang drug na specific sa sakit ang maibibigay, steroid ang nirereseta daw normally.
nagdecide kami ng husband ko na wag na akong magsteroid dahil inaalala nga namin ang baby ko, at pinili talaga namin na wag mag-steroid. same ang sinabi ng mga kamag-anak ko, BINAT nga daw, pero syempre sa atin na naghahanap ng kasagutan sa condition natin, we want an explanation to that BINAT na sinasabi nila.
around mid of April, napapansin namin na nagiimprove na ang condition ko. and around 3rd wk of April, fully recovered na ako. May 19, nakabalik na ako sa work in normal condition. thank GOD!
sis, paguwi ko sa haus, i'll try to send you yung mga exercises na ginawa ko rin to help improve my condition. i-pm mo sa akin email address mo. hanapin ko rin yung details nung neurologist na pinuntahan ko sa Asian Hospital.
sorry napahaba.