watch now

Author Topic: All About C-Section Part 4  (Read 343787 times)

mizhelle

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #100 on: October 01, 2009, 02:22:19 am »
ako nakaligo na after more than a two weeks. hindi ko na kasi matake yung amoy ng pawis sa ulo ko. pawisin kasi ako eh.

ako naman naligo right before i left the hospital..

sis m.o.i pwede na yun as long as tuyo na yun wound mo :) love ace water.. sayang malayo na ako ngayon jan..

^^ sorry to hear about it.. but glad u are recovering.. ako naman 18hrs nag labor bago nahati heheh kasi 1cm lang ako hahah re contractubex, advisable yan during the initial stage pag nagdevelop na mahirap na.. i used binder til mga 9mos+ post OP..

younis

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #101 on: October 01, 2009, 11:18:22 am »
sis jheiyd!! same case tayo! grabe, ano kayang nag-ca-cause talaga ng bell's palsy.

here's my story naman:

march 1 i gave birth
mga around march 25, nakakaramdam ako ng left side ng face ko na parang pagod.
march 26, gabi noon, napansin ko nagdo-drool ako everytime magtu-toothbrush ako, lumalabas ang water sa gilid ng mouth ko.
march 27, talagang nagmanifest na sa face ko. napansin ng husband ko tabingi ang mouth ko pag ngumingiti, then yung left eye ko laging teary-eye dahil na rin sa hindi sya sumasara ng sabay sa right eye ko, hindi nagfu-fully close ang left eye ko. nagpanic ang husband ko, akala nya mild stroke (kasi may ofcmate sya na yung wife nagka-mild stroke after manganak) so talagang natakot sya, itinawag agad namin sa OB ko yung condition ko, and right away, ipinasugod ako sa hospital (Medical City kasi ako nanganak). exclusively breastfeeding ako that time, (although bumili kami ng formula, pang-emergency lang). isinama namin ang baby ko, kasama and MIL ko. bilin ng OB ko wag na isama, kaso sobrang nag-alala ako sa baby ko baka magutom sya, so ipinasama ko na. this is the first time na nagformula ang baby ko.

itinawag na ng OB ko sa mga residents nya ang condition ko, kaya pagdating namin sa emergency ng Medical City na-attend ako agad, at informed na rin ang mga neurologists dun, nga pala i used my healthcard kaya wala kaming binayaran for the entire checkup. so tinest ako dun sa emergency, ipinataas hands, feet ko, pinukpok ng konti ang knees ko, lahat ng test na kailangan pinagawa sa akin, lahat nagawa ko naman. kinurot ng bahagya ang left side ng face ko at naramdaman ko naman. verdict: BELL'S PALSY.

worried kami ng husband ko sa condition ko, inexplain sa amin na self-limiting ang sakit na ito, meaning kusang nawawala at kusang nag-hi-heal. one cause daw nito is viral infection daw, stress could contribute din. hindi ako inadmit sa hospital kasi hindi naman daw critical yung ganun, i was just advised to go back para makapagpa-therapy.

march 30, bumalik kami para makapagpa-therapy, 4 lang na doctors ang tumatanggap ng schedule. lahat sila gang April 30 puno na ang sched, pwede daw ako pumunta dun around 8pm kung gusto ko daw, hindi feasible ang sched na yun so we did not chose to go back to Medical City for the therapy. and besides i live in south ko hindi talaga feasible, walang magdadrive for me din.

april 1, nagdecide kami ng husband ko mag-walk-in lang sa Asian hospital. naghanap kami ng Neurologist na affiliated ng healthcard ko (intellicare), only to find out hindi na pala tumatanggap daw ng healthcards ang mga neurologists, pero pwede atang ipa-reimburse sa company yung nagastos sa checkup. so yun nga, nagpunta kami sa isang Neurologist, hindi namin sinabi na na-diagnose na ang condition ko. basta nagpunta lang kmi dun na kunwari first time checkup. ang ginawang tests sa akin same lang din, pinaglakad ako, pinangiti, taas baba ng kamay, at nicheck kung may nararamdaman ako sa left side ng face. same findings: BELL'S PALSY din. hindi na inadvice ng doctora ko na yun na magpa-therapy ako, binigyan nya ako ng exercise na gagawin ko everyday on my own. then binigyan nya ako ng option kung gusto ko daw mag-steroid, pero that doesn't confirm na gagaling ang bell's palsy ko. as i remember sabi ng OB ko, miracle drug daw yang steroid, pag walang drug na specific sa sakit ang maibibigay, steroid ang nirereseta daw normally.

nagdecide kami ng husband ko na wag na akong magsteroid dahil inaalala nga namin ang baby ko, at pinili talaga namin na wag mag-steroid. same ang sinabi ng mga kamag-anak ko, BINAT nga daw, pero syempre sa atin na naghahanap ng kasagutan sa condition natin, we want an explanation to that BINAT na sinasabi nila.

around mid of April, napapansin namin na nagiimprove na ang condition ko. and around 3rd wk of April, fully recovered na ako. May 19, nakabalik na ako sa work in normal condition. thank GOD!

sis, paguwi ko sa haus, i'll try to send you yung mga exercises na ginawa ko rin to help improve my condition. i-pm mo sa akin email address mo. hanapin ko rin yung details nung neurologist na pinuntahan ko sa Asian Hospital.

sorry napahaba.

auburn

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #102 on: October 01, 2009, 01:36:34 pm »
walang tegaderm sa mercury yung tulad sa pang-dress ng sugat. kahit pa nga yung mga malalaking branches nila wala noon. either sa hospital ka lang talaga makakabili noon. in my case since sa mcu sa caloocan ako nanganak, doon din nakabili husband ko. 57 pesos lang ang isa.

the mercury drug branch i went to was las pinas perpetual, they do have tegaderm there.  nexcare and 3M ang brands and they carry different sizes.  however, mahal nga lang talaga.

candyzire

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #103 on: October 01, 2009, 09:18:03 pm »
safe ba contractubex while breastfeeding?

younis

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #104 on: October 01, 2009, 10:33:48 pm »
^i breastfeed and i put a little amount in my CS scar as per OB's advice.

jheiyd

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #105 on: October 03, 2009, 12:22:35 pm »
sis younis dpa ako pwede mg pm or d ko lang alam kung panu ;D panu ko kaya ibigay xo yun email add ko?

iamasinger

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #106 on: October 03, 2009, 02:24:10 pm »
ask ko lang kung hanggang kelan yung pagbe-bleed ninyo? kasi yung sa akin after more than 2 weeks huminto ng 2 days then bumalik na naman. 1 month na ngayon mula noong nanganak ako.

candyzire

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #107 on: October 03, 2009, 02:54:53 pm »
Tegaderm nakabili si hubby sa Bambang..yun mga store dun ng mga medical supplies. mas mura dun compare sa Mercury kung meron man or sa pharmacy in hospital.P170/pc yung malaki na
« Last Edit: October 03, 2009, 03:04:35 pm by candyzire »

iamasinger

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #108 on: October 03, 2009, 03:00:44 pm »
^yung nabili ng husband ko PHP67 ang isa. mas mura dun kaso i'm not so sure kung pwede bumili kahit hindi doon na-confine.

ella

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #109 on: October 04, 2009, 12:13:56 pm »
re tegaderm, if you want to try meron po sa mercury espana. mas maliit lang siya, mga 8 size. sabi naman ni ob ok lang daw yung size na yun.

pie06

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #110 on: October 05, 2009, 02:38:59 pm »
ask ko lang kung hanggang kelan yung pagbe-bleed ninyo? kasi yung sa akin after more than 2 weeks huminto ng 2 days then bumalik na naman. 1 month na ngayon mula noong nanganak ako.

sis, yung lochia (bleeding) could lasts up to 6 weeks.  Sa akin 5 weeks yung lochia ko. An OB told me na pag CS ka and di nagpapabreastfeed, it can lasts up to 6-8wks mas matagal

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #111 on: October 05, 2009, 07:29:54 pm »
sis m.o.i pwede na yun as long as tuyo na yun wound mo :) love ace water.. sayang malayo na ako ngayon jan..

sana nga sis,masubukan ko na uli 'to... soon..

anyone nakapag pa bodyscrub / whole body massage na?

younis

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #112 on: October 05, 2009, 10:28:20 pm »
^ako sis nakapagpa-massage na ng ilang beses na rin. basta ang bilin ng OB ko, NO abdominal massage, the other parts of the body ok lang.

boohoo

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #113 on: October 06, 2009, 03:35:11 am »
makikisali kahit medyo OT:

jheiyd and younis, nagulat ako, kasi ako rin nagka-bell's palsy 6 years ago! ako naman it lasted 2.5 weeks lang din. pero it was one of the saddest times talaga kasi you wouldnt know when you will get better and why you had it.  ako i took steroids and antiviral meds although I know na there is no proof naman that they help in treating the virus.  ang doctor ko na laging naga-attend sa akin was an ENT doctor. tine-test din lagi non ang hearing ko.

and di ko matandaan kung me exercise ako non pero ang alam ko, parang pinapa-try din na ipa-move sa akin lagi yung facial muscles ko.  i also used this special eye cover to be used sa eyes (kasi nga di ba di nako-close nang kusa?) and artificial tears to prevent them from drying up.

i had it 9 months after giving birth to my eldest, so i guess hindi pregnancy related yung sa akin.

younis

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #114 on: October 06, 2009, 09:24:35 am »
^shax! what's with giving birth that makes us experience bell's palsy!!

ako man binigyan nung neurologist ng No Tears drops ba yun i forgot the brand, basta artificial tears din, kasi d ko rin mai-close ng kusa ang left eye ko. sobrang natakot talaga ako noon, kasi binanggit sa akin na yung iba nga daw matagal mawala at yung iba mag-improve man, hindi nawawal totally.

tama ka hindi na pregnancy related yun, i remember sabi ng OB ko, within 4wks ba or 6wks lang ang duration na pag nagkasakit tayo from the day we gave birth eh pwedeng sabihing pregnancy related.

@sis jheiyd, i forgot kagabi hanapin yung prescription ng neurologist, try ko mayang gabi paguwi ko ah!

iamasinger

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #115 on: October 06, 2009, 04:58:57 pm »
sis, yung lochia (bleeding) could lasts up to 6 weeks.  Sa akin 5 weeks yung lochia ko. An OB told me na pag CS ka and di nagpapabreastfeed, it can lasts up to 6-8wks mas matagal

sis, yung lochia na lumabas sa akin ay lumipas na. that's the one that has a reddish brown color at iba ang amoy nun sa blood. lately yung mga lumalabas na discharges ko ay kulay blood na. mabuti na lang at tumigil na yung discharge ko. nagpapa-breastfeed po ako simula noong una and until now nagpapabreastfeed ako.

mizhelle

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #116 on: October 07, 2009, 01:31:40 am »
sana nga sis,masubukan ko na uli 'to... soon..

anyone nakapag pa bodyscrub / whole body massage na?

i had a full body massage back then after i think 4 or 5 mos post op.. pero shempre u need to tell your therapist na operada ka hahah para walang sobrang pressure..

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #117 on: October 07, 2009, 08:19:42 am »
^ayaw pa din ako payagan dito samin.. hanggang foot and back massage lang daw ako. next year na lang daw ace spa and full body massage... huhuhu

auburn

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #118 on: October 07, 2009, 01:20:49 pm »
hi mom.of.inchikoy! bakit naman daw po bawal? ilang months ka na post op? my OB encouraged me to have full body massage basta no abdominal massage or stretching and very light pressure.  para safe, advise your therapist before hand na bagong panganak or CS ka.  i had mine around 3 months after i gave birth. 

sayang nga i did not try having a massage while i was pregnant. natakot din kasi ako  ;)

mizhelle

  • Guest
Re: All About C-Section Part 4
« Reply #119 on: October 07, 2009, 11:35:29 pm »
^^ uu nga sis.. sabagay minsan talaga mahirap pag may oldies na kasama.. tho wala rin naman masama kung susunod ;)

^ ako sis nagpapamassage nun preggy.. pero hanggang nun 5mos na lang ata.. foot massage na lang lagi til the day before i gave birth :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close