watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes?  (Read 291861 times)

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #540 on: November 09, 2013, 07:58:56 pm »
Insulator lang ang klangan kc eh iniipit lang sya between the roof at sa steel trusses. Malaking bagay talaga kapag may insulator ang house kasi eh hindi sya masyadong mainit kahit tanghali. 

As far as I remember may 2 types sya eh,  back to back ang aluminum at yong single lang. For our house, we used yong single sided na 1/2 inch ata. I am not sure about the price sa labas since sa cousin ni hubby kami bumili ng insulator, parang around P4500 for 2 rolls na.

Pakiusapan mo na lang ang contractor para isabay na nila paglalagay ng roof. Sobra naman ang P20K!!! Hindi nga kami hiningian ng bayad ng contractor namin for the insulator, kami na lang ang nagbigay kahit papano para may kunswelo.

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10202445497608843&set=a.10202445497168832.1073741845.1536167197&type=3&theater
« Last Edit: November 09, 2013, 08:04:24 pm by GABJUMZ »

kristetay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #541 on: November 10, 2013, 01:22:56 pm »
after 1 year delay naturnover na din unit ko.. haay salamat.. simulan na ng gastos sa extension.. mga sis, alam nyo ba kung pwedeng iparent yung bahay sa iba? di ko maalala kasi parang madaming bawal diba?

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #542 on: November 10, 2013, 04:47:24 pm »
Alam ko hindi naman bawal iparent ang house after ng turnover. Nasa prerogative syempre ng owner kung sino ang gusto nila tumira dun kaya lang personally ako, ayaw ko syempre na iba ang tumira sa house na pinaghirapan naming mag asawa lalo pa at usually ang mga nagrerent eh wala naman malasakit sa house hindi tulad ng totoong may ari.


kristetay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #543 on: November 10, 2013, 05:26:23 pm »
oo nga sis eh, yan din sabi ng mom ko..

mga sis, kapag pala magpaparenovate ka kapag private contractors need mo magbayad ng bond pero kapag isa sa mga existing contractors ni camella magrerenovate wala palang bond yun.

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #544 on: November 11, 2013, 11:53:19 am »
BAGJUMZ, nagpapabayad talaga contractor namin. Grabe talaga. Nakakabadtrip. Pero kinonsulta na rin namin yung Engineering Dept. ng Camella. Sila rin nagbigay ng price, 20K. Pero may choice kami, labor lang then kami na sa materials.

Share ko lang: July 2013 nagemail na kami ng mga requests/modifications sa bahay. August 2013 sinimulan na yung construction. Nagfollow-up kami regarding our requests, initial assessment, hindi pwede papalitan yung sukat ng mga bakal, like the one suggested by sis Chedz. The rest, walang feedback until binalikan namin sila nung Saturday dahil nakita naming next na ikakabit yung bubong yet, wala pa silang sinasabi sa amin. After 3months, kami pa ang nagfollow-up.

Eto yung iba pa naming requests:
-2 bedrooms instead of 3 (carmela model kami). Pwede. Pero wala kaming discount sa kung ano kahit hindi na nila kailangan ikabit yung isang pader at isang pinto.

-butas para sa aircon = 5K. I-stencil daw nila yan para hindi kita ang mga wirings and kasama na daw breaker.

-Kitchen cabinet near back door instead of drawers. Nakita kasi namin sa model house drawers yung nakalagay. Baka same yun sa turnover kaya nirequest ko na kitchen cabinet para don namin malalagay yung LPG tank.

Question pala. Napansin ko walang exhaust fan yung mga C.R. Ganon ba talaga?

kristetay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #545 on: November 11, 2013, 01:10:43 pm »
wala talaga sis, ako kinausap ko yung contractor tas bumili ako ng exhaust fan para ilagay habang ginagawa yung CR

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #546 on: November 11, 2013, 03:16:42 pm »
Kristetay, may additional charge sila? Papapalitan din sana namin shower eh. May bayad din kaya yun?

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #547 on: November 11, 2013, 07:41:02 pm »
^sabihin mo nalang sis papalitan nyo ang shower kayo bibili ng ipapalit then if gusto nyo ipa less yun amount ng mga shower na supposed to be ilalagay dapat give nila sanyo magkano yun amount ng mga shower na yun. Wala na dapat bayad labor nun kasi magkakabit naman talaga sila ng shower eh.

About the bakal na gusto nyo palakihan, oa nila ha di pa sila pumayag eh pangpatibay nga yun plus you will buy naman or pay them in case sa kanila kayo kukuha. Samin kasi pumayag yun nga lang sa bandang terrace nalang ang inabutan ng father ko na di pa nagagawa nung dumating sya.

kristetay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #548 on: November 11, 2013, 11:46:22 pm »
Wala naman siyang siningil.. Bola bolahin mo nalang :)

sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #549 on: November 13, 2013, 10:28:56 am »
Libre na daw yung kabit ng shower (parang ang laking utang na loob sa kanila). Pero lahat ng mga gusto naming palitan, wala silang balak ibawas sa matitipid namin. Like yang shower, hindi nila ikakabit yung luma, pero hindi rin nila ibabawas yun sa ipapalit (though kami ang bibili nung ipapalit). Yun ngang labor sa pagkakabit ng insulator, 7K. Sana ibawas na lang nila sa hindi namin pagpapakabit ng isang bedroom door at wall, pero hindi sila pumayag. Ikabit na lang daw nila kesa ibawas. Nakakabwisit di ba??? Sana ma-ban ang contractor na yun!

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #550 on: November 13, 2013, 02:23:31 pm »
Grabe naman. If di nila ibabawas sis kuhanin nyo lahat ng materials na yun. Baka sakali may pag gamitan pa kayo.

============
Lapit na kami umuwi, excited nako bumili ng mga gamit sa bahay. So far may cabinet na kami sa bedroom at mga bed frames. Yung sa small room pinagawan namin ng di hila na bed pa da ilalim para madami pwede higaan hehe. Ok na din ang cabinet sa kusina at drop ceiling. Pintura nalang patapos na. Salamat at free na ang service ni father dear kaya yun karpintero at isang assistant nalang ang may bayad.

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #551 on: November 13, 2013, 02:57:03 pm »
Sis dahil mabait ang contractor namin ay hindi na namin kinuha ang mga materials na pinalitan namin sis. Sabi ko nga, hindi sila naningil ng labor para sa insulator nagpapalit kami ng tiles sa ground floor at mga banyo, kami nagprovide ng lahat ng mga gripo, light fixtures at pinalitan namin ang water closet sa dalawa banyo (mabait talaga contractor kasi instead of ordinary water closet eh ginawa nila HCG din yong sa isang banyo) at pinalipat namin yong backdoor, instead sa gilid ay pinagawa namin sa likod dahil nagpagawa kami ng service area dun sa likod.

Sis Chedz, medyo madugo ang pagbili ng gamit for the house. Gusto ko nga sana dito bumili ng bedroom set kaya lang eh sobrang mahal ng pa-cargo kaya we opted na magpagawa na lang. Excited na nga rin kami makauwi at wala nakatira sa house namin.  Landscape na lang ang papagawa namin.

Eto ang pictures ng mga pinabago namin sa house.

http://www.facebook.com/joanne.f.maungca/media_set?set=a.10202445497168832.1073741845.1536167197&type=3

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #552 on: November 13, 2013, 03:34:52 pm »
^Sis ang ganda ng pink cabinet at bed mo! I lab!hahaha ask ko lang sis san ka bumili ng sala set?
tumpak sis madugo talaga magbibili mg gamit pero we are still blessed dahil nakakaya natin iraos :)

kristetay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #553 on: November 13, 2013, 04:27:13 pm »
wooow nakakainspire naman mga pictures nyo sis!  ;D

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #554 on: November 13, 2013, 04:40:18 pm »
Pinagawa lang namin lahat sis lahat ng furnitures. Ang sala set, tv stand at ang dining table namin eh same person lang ang gumawa. Kami lang nagbigay ng design. Hindi ko lang matandaan kung how much ang pagawa ni hubby.

Yong kitchen cabinet sa baba ng sink ay analok aluminum ginamit namin at screen ang upper part para may ventilation. Bumili lang kami ng pull out tray.

Oo gustong gusto nga ng 2 daughters ko ang bedroom nila. At least ay ma-eencourage sila na bumukod ng room.. hehhehe!
« Last Edit: November 13, 2013, 04:42:32 pm by GABJUMZ »

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #555 on: November 13, 2013, 05:13:33 pm »
How about yung bed frame sis? Pink din ang color ng small room namin combi sa white. Iniisip ko if papabago ko yung wall paint to pink or wallpaper or yung bed frame and cabinet din ang gagawing pink. Pero sa ngayon kasi white na ang pintura ng cabinet at bed frame kays baka un wall ang maging pink hahahaha...
Di ako makapag pink sa master BR kasi kumokontra si hubby dahil yung tiles daw ng CR taas eh pink na tapos yun small room gagawin din pink eh pati ba naman daw yung room namin pink padin hahaha

kristetay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #556 on: November 13, 2013, 05:31:05 pm »
sis GABJUMZ kung pin lights nyo din libre lang sa contractor pakabit?

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #557 on: November 13, 2013, 09:23:18 pm »
Ang apat na bed frames sa iba naman namin pinagawa sis, parang wala pang P30K yong 4 bedframes.  Yong cabinet iba rin ang gumawa.

Sis yong pin light eh contractor na rin ang nagkabit pati lahat ng fixtures. Just make sure na available lahat ang materials kapag magkakabit sila kasi ang iniiwasan nila ay madelay ang work nila. Kausapin nyo lang mabuti ang contractor sis. Pati pinto sa main door at back door ay pinapalitan din namin sa kanila.

kristetay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #558 on: November 14, 2013, 01:09:30 am »
Swerte ka sa contractor mo sis, pag corner pin lights kasi mas mapapamahal sila, yung sakin nagpadagdag lang ako ng cable outlet per room ayun siningil ako ng 8k.. Magaabono daw kasi sila ng mga kable

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #559 on: November 14, 2013, 02:40:12 am »
Sobrang swerte talaga namin ky Engr. Garcia yong contractor namin, kahit yong foreman ay sobrang bait din. As in, si Engr. pa ang nagpaapproved sa camella para mabago yong layout ng pinto sa likod kaya lahat ng mga materials na pinapalitan namin ay hindi na namin kinuha or pinabawas sa kanila. 

BTW, sis nakapag apply na ba kayo ng water?? Pakicheck nyo agad kung may problema sa plumbing once nakabitan na kayo ng tubig. Nagkaron kami ng konting problema sa plumbing pero buti attentive ang contractor namin kaya naayos din agad.

Sis Chedz how much ang nagastos nyo sa landscape? Estimate sa amin is P40K kasama na daw structure. Ano pt grass ginamit sa nyo?
« Last Edit: November 14, 2013, 03:13:15 am by GABJUMZ »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close