watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes?  (Read 291607 times)

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #640 on: December 10, 2013, 03:03:55 pm »
@Toinks -- korek! ang haba nung daan na yun na walang ilaw, 1am pa naman uwi ko minsan  :'( , kahit na may guard na may nagroroving katakot parin, iba parin talaga pag may ilaw. Ayy talaga 30 tricycle dun? hehe nasanay ako sa amin na 20php lang special trip na. Mukang UV Express na nga ang sasakyan ko nito lage hehe, kaso pagpauwi baka nova bayan kc sa farmers and sm north lang ata may terminal ng Deparo na UV. Re:water, ang mahal pala if 4 lang kayo, bale 900 yung sa water, ang OA...sa maynilad kc wala pang 300 one to sawa na kami 4 din kami sa bahay. Saka ko na iask ule sayo yung commute ng may sasakyan, wala pa kaming sasakyan eh hehe!
« Last Edit: December 10, 2013, 03:08:20 pm by Incheng »

raine20

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #641 on: December 11, 2013, 11:22:26 am »
How about Venezia Subd sa las pinas, meron din po ba nakatira dun sainyo? any feedback? thanks

grasyia

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #642 on: December 26, 2013, 02:54:23 pm »
Hi mga sis... ask ko lang yung mga taga cerritos heights daang hari ano yung gamit nyong internet provider? ang hina kasi ng signal nung smartbro prepaid namin then yung sun and globe halos naghihingalo ang signal. Okay ba yung smart canopy?

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #643 on: January 05, 2014, 08:52:10 pm »
eto na po ang start ng sakit ng ulo namin ni hubby. nag visit lang kami sa lote na nabili namin sa camella lessandra sjdm, ang buong akala namin eh lupa lang aabutan namin kasi nga feb pa kami matatapos sa dp namin. muntik pa kaming mag away kasi nagstart na ng construction ng bahay sa lupa namin. 3 weeks na daw silang pinag simula dun! que horror! ang nakakabadtrip pa nung pumunta kami sa office ng camella eh sagutin ba naman ako ng based daw sa contract dapat may written request ng mga ipapa alter namin sa bahay, eh ni wala ngang ng inform sa amin ng sisimulan na yung bahay. at ang sabi pa nung nakausap namin eh dapat daw after turn over pa pedeng ipa alter yung bahay, sagot ko sa kanya, boss pano mo pa ipapa alter ang septic tank kung tapos na sementuhan ang bahay? haysss! sabi naman ng kuya ko ok naman daw yung mga bakal at hollowblocks, sanay kasi sya sa construction so in a way kampante pa ako. pero bukas may meeting kami ng engineer namin, sana lang may masagot na tama yun or less mababadtrip nanaman kami.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #644 on: January 06, 2014, 02:51:33 am »
^Dapat sis ininform kayo prior sa construction ng house. Kasi dapat nandun kayo sa lot ninyo during ground breaking ceremony.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #645 on: January 06, 2014, 06:01:46 am »
^naku sis kaya nga nahighblood ako ng bongga. kaya lang naman namin naisipang dalawin kasi OFW si hubby at 2nd time pa lang nya makikita yung lugar. saka syempre mas gusto ko din makita yung step by step na process. pero since wala na din kaming magawa inispect na lang namin plus nag set ng meeting with the engineer today. sabi ni hubby in a way ok na din yun kasi yung iba naman ng rereklamo na delayed yung construction ng house nila.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #646 on: January 06, 2014, 09:20:35 am »
Sis @angellouise06, buti nga kayo 3weeks palang nagsstart haws nyo nung nakita nyo. Yung saamin 2mos mahigit na nung nalaman namin na ginagawa na pala yung bahay. Dpat kc Oct 2013 ang tapos ng DP namin so inassume namin na Oct or Nov 2013 ang start ng construction, but NO, Jul or Aug pa daw sila nagstart gumawa eh Oct na nung nalaman namin. Take note ha madalas ko itext yung acct officer namin kc finafollow up ko yung alteration request namin kung naapproved na, pati yung amort sa bank kc matatapos na kami sa DP di ko pa alam magkano ireready naming amount para sa bank amort. Akala tuloy ng MIL ko di ko sinasabi sakanila na nagstart na pala yung house construction, kaya nung nagpunta kami sa Camella ofc na kasama ko MIL ko, niratrat ko talaga ng questions yung nakausap ko dun. Kc we have the right to know na sisimulan na house construction kc tayo nagpapagawa nun, pera natin yun we want to make sure na ok ang lahat, na standard lahat.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #647 on: January 06, 2014, 11:45:24 am »
^sis Incheng, buti ka pa nakapag request ka kaagad ng alterations kami kahapon pa lang. kasi nga ang sabi sa amin eh iinform kami kung itatayo na yung house. ay naku eto na ang sakit ng ulo nag start na! pati uung tiles for approval pa daw at pati septic tank. kasi plano ko ipa cement na yung septic tank namin. eh parang dram lang ng tubig yung ilalagay nila, pati insulator di daw pedeng palagay kasi masisira daw warranty ng roofing! haysss! nakakaloka!

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #648 on: January 06, 2014, 02:08:39 pm »
Dapat na-inform kayo bago mag start ang construction at sis usually talaga ang start ng construction is before matapos ang downpayment kasi before maapproved ang release ng loan nyo may appraisal muna ang bank. Hindi naman sila basta basta magrerelease ng loan kung wala silang makikitang structure. Madalas after payment of 50% of the equity (10% of the TCP) nag start ang construction. Tinanong talaga namin yon before kami magfinalize ng pagpurchase. Ang ginawa namin after magkapagbayad kami ng 50% ng equity nagfollow up na agad si hubby kung klan start ng construction at nasubmit namin agad yong request for alteration.




angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #649 on: January 06, 2014, 04:03:44 pm »
^ganyan din sinabi sa amin nung magpurchase kami kaya di namin ineexpect na nagstart na sila. based sa explanation ulit sa amin usually daw pag bank financing pag naka 10% dp na pinapastart na nila yung construction para daw di sila madelay. plus ang sabi sa amin eh tatawagan kami pag mag start, buti pala na isipan namin dalawin baka magulat kami tapos na pala yung bahay.

GABJUMZ

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #650 on: January 06, 2014, 07:56:02 pm »
Mga sis naggawa ako ng bagong thread at baka ma-lock na ng admit tong thread natin, nag exceed na tayo ng 30pages.

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,281052.0.html

cutie_26

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #651 on: January 08, 2014, 02:17:42 pm »
Camella Montego in Antipolo kami. Pre-selling so mas mura pa. Anyone here from Antipolo?

Hi sis, kami din sa Camella Montego kumuha. Kumusta naman? kelan kayo makakalipat dun? Any problems encountered?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close