watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes?  (Read 291939 times)

xadie28

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #520 on: October 22, 2013, 10:35:50 am »
^hello neighbor! Kamusta naman sa Bucandala sis edlyn1417, binabaha ba dun?
ok din ba yung gawa ng contractors sa bahay nyo? do you encounter any problems in your house?
« Last Edit: October 25, 2013, 12:31:23 am by xadie28 »

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #521 on: October 22, 2013, 05:31:26 pm »
Incheng- about sa tiles kung gusto mo sis yung magandang klase na ang ilagay like mariwasa pwede mo sabihan yung engineer sa camella or yun mismong engineer ng contractor nyo. Ang ginawa namin bumili kami ng tiles tapos kasi yung second floor ng jade vinyl lang yun eh kaya pag maglalagay ng tiles ichacharge ka nila sa labor. So total ng labor charge less yung amount ng tiles at vinyl na dapat ilalagay sa bahay namin pati na sa bathroom. Kasi pansin ko yung kasama sa contract na tiles yung mumurahin lang na mabilis maluma or kumupas saka ordinary lang talaga. Syempre yun eh pangmatagalan kaya dun na kami sa may additional charge basta mas ok.

About sa balcony-ask din yung engr ng camella. Kasi sa provence malolos pwede iba or outside contractor na gumawa once matapos ang house nyo. Kung nagustuhan nyo naman ang gawa ng contractor provided by camella, try nyo din magpaquote sa kanila for the balcony. Pero before that, pa quote na kayo in advance sa ibang contractor or karpentero or foreman para macompare nyo saan mas makakamura.


sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #522 on: October 23, 2013, 10:42:12 am »
Di pa namin kaya ipabago lahat ng materials na gagamitin ng camella for now kaya tyaga-tyaga na lang kung mura or madaling masira. Ang pinag-usapan na lang namin ni hubby, pag nasira, saka na lang mag-invest at palitan ng mas maganda and matibay. Unti-unti... Gaganda rin ang bahay! :D

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #523 on: October 23, 2013, 11:46:38 am »
Incheng- about sa tiles kung gusto mo sis yung magandang klase na ang ilagay like mariwasa pwede mo sabihan yung engineer sa camella or yun mismong engineer ng contractor nyo. Ang ginawa namin bumili kami ng tiles tapos kasi yung second floor ng jade vinyl lang yun eh kaya pag maglalagay ng tiles ichacharge ka nila sa labor. So total ng labor charge less yung amount ng tiles at vinyl na dapat ilalagay sa bahay namin pati na sa bathroom. Kasi pansin ko yung kasama sa contract na tiles yung mumurahin lang na mabilis maluma or kumupas saka ordinary lang talaga. Syempre yun eh pangmatagalan kaya dun na kami sa may additional charge basta mas ok.

About sa balcony-ask din yung engr ng camella. Kasi sa provence malolos pwede iba or outside contractor na gumawa once matapos ang house nyo. Kung nagustuhan nyo naman ang gawa ng contractor provided by camella, try nyo din magpaquote sa kanila for the balcony. Pero before that, pa quote na kayo in advance sa ibang contractor or karpentero or foreman para macompare nyo saan mas makakamura.

Thanks sis Chedz.03! Sis, pwede mo ba sakeng ienumerate yung mga materials na mas ok kung ako na lang bibili? Ang nasa list ko palang kasi is door knob, shower and faucet. Ang hirap kasi OFW c hubby kaya ako lang nag-aasikaso, then minsan sinasamahan lang ako ng mother in law ko.

Yun po bang bowl sa CR nyo pinapalitan nyo or galing sya kay camella? Sabi kasi nung friend ko na nakakuha ng haws sa camella antipolo yun daw pong flush nila lageng sira eh. Sis chedz, meaning lahat ng tiles from flooring ng ground and 2/F pati lahat ng CR kayo po bumili ng tiles?

TIA po!

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #524 on: October 23, 2013, 12:59:16 pm »
Sis same din tayo-door knob, faucet at
At shower. Yung bowl sa cr di pa namin pinalitan. Actually pala sis yung shower di pa napalitan pero bumili kami di ko lang matandaan sabi ni hubby kung bakit di pa nailagay. Pwede mo rin naman papalitan na ang bowl ng mas maganda din na klase kasi ileless naman yung amount eh. Pero it's up to you sis ha.

Yung 1st floor tiles granite ginamit namin yung malaking size tapos sa 2nd floor yung mariwasa na brand name. Pati sa 2 bathroom mariwasa din.
Yung sa kusina na tiles di na namin pinapalitan kasi plano namin pag nakaipon at nakaraos sa gastos eh ipapa extend namin yung ibaba kaya yung kusina aalisin namin dun kaya sayang lang if papalitan pa namin yung tiles.  Mas mainam sis if may kakilala ka nga sa subdivision lalo same model house mo magtanong tanong ka nga if ano owede mo papalitan. Yung tiles mainam talaga if may budget eh go ka na sa mas magandang klase.


chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #525 on: October 23, 2013, 05:42:22 pm »
pati pala yung tiles outdoor sis kami rin ang bumili kasi hindi naman na provided yun sa contract. pero mariwasa din yung brand.
yung front door plan namin ilipat sa back door kasi parang flywood lang na door nilalagay nila sa panglikod eh. tapos buy nalang kami ng mas ok na pang front door. eto link nung sa tiles sa 1st floor namin sis and pakicheck nalang din may isa pa akong album na naka public para dun sa house pics. though magkaiba tayo ng house model baka sakali may makuha ka idea.
https://www.facebook.com/#!/photo.php?fbid=10151460390553032&set=a.10150391130933032.440612.800408031&type=3&theater

Cheesecak3

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #526 on: October 24, 2013, 02:28:36 pm »
Ang mahirap sa Camella Homes, hindi maganda ang mga gamit kaya dapat double check nyo din lahat at halos lahat talaga kailangan palitan o kaya gamitin nyo muna pero eventually papalitan nyo din kasi mabilis masira.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #527 on: October 24, 2013, 06:06:19 pm »
^Tama. Kaso halos lahat yata ng developer ganyan. Sub standard ang gamit para mas malaki kikitain nila.

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #528 on: October 26, 2013, 09:53:41 am »
Thanks sis Chedz.03!

Pano ko pala malalaman kung ilang tiles yung macoconsume per area? Hihingin ko mga sukat kay contructor?

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #529 on: October 26, 2013, 05:22:27 pm »
Oo sis pacompute mo nalang dun sa engr or foreman. Need mo rin sabihin if ano size ng tiles na gusto mo para macompute kung ilan. If ang pipiliin mo na tiles eh yung may design or mahirap hanapin, mas mainam magpasobra ka ng ilang piraso sakali lang na may mabasag. Baka kasi may mabasag habang kinakabit tapos sakto lang nabili mo then wala ka makita na same design sa bilihan. Kahit siguro mga 2 or 3pcs lang. Pero if mga plain naman kahit sakto lang muna bilhin mo.

enseyak

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #530 on: October 29, 2013, 06:28:47 am »
anyone here na nakakuha sa the islands? mejo malayo siya pero maganda ang lugar. sana lang few years from now mag boom na rin yung mga establishments don. liblib kasi. maganda lang is yung simoy ng hangin at high end yung mga katabi.

i have some concerns regarding monthly dues, shuttle and house extension..

monthly dues: 500 daw ang singil dun. mahal para sa akin.

shuttle: palabas ng subd 12 pesos daw pag may kasabay at 20 pesos pag walang kasabay. sabi din 24 hrs ang shuttle dun. totoo kaya? naisip ko lang kasi baka paglipat namin dun mahirapan kami sa paglabas sa subd. malayo pa naman siya sa highway at bawal ang tric. wala pa naman kami sasakyan.

house extension: rina lang yung kinuha naming house. 54 sqm ang lot area. eh nakalagay sa kontrata may setback na 3 meters sa harap at 2 meters naman sa gilid. so di na pala namen maeextensionan yung bahay kung sakali dahil yun na [textspeak!] yung sobra nyang lot area. mahigpit ba talaga sa pag eextend at pagbabago ng house design?

enseyak

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #531 on: October 29, 2013, 06:34:45 am »
sis ched.03 ang ganda naman ng house mo! magkano pa landscape?

enseyak

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #532 on: October 29, 2013, 06:59:55 am »
kaka backread ko lang!! waaaah!! parang gusto ko na magback out ah. kala ko ok  ang camella!!  :(

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #533 on: October 29, 2013, 03:47:56 pm »
^Hahaha nadisappoint ka ba sis sa mga feedback namin dito about camella? tee hee! isipin mo nalang halos siguro lahat ng developer ng subdivision katulad lang ng sa camella. Syempre lagi sa kanila pabor lahat at satin sakit ng ulo.

If you have the budget naman i suggest buy ka nalang ng lot if pwede sa subdivision yun na maganda security then ikaw na magpatayo ng bahay. Kahit ano naman kasi piliin no sasakit ulo mo eh di dun ka na sa ikaw ang masusunod di ba. About sa landscaoe 20k samin binigay sis pero 22k una nila presyo.

enseyak

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #534 on: October 31, 2013, 06:03:57 pm »
ah.. papa landscape din ako hehe

tutuloy na lang kame.. hehhe.. gusto kasi ng asawa ko yung lugar don sa the islands. anyway.. sana lang maging ok naman [textspeak!] pagkagawa ng bahay.

naisip ko din lot muna pero mas bet ng asawa ko na package na.. house and lot na.

sis chedz.03.. saan pala kayong camella? nakalipat na kayo?

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #535 on: October 31, 2013, 08:13:30 pm »
^sa provence malolos bulacan kami sis. pag uwi namin next month sis baka dun na kami tumuloy pag naikabit na un metro ng meralco. :) dun na kami mag xmas.

angellouise06

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #536 on: November 01, 2013, 11:51:48 pm »
isa din ako sa nagbalak umatras sa pagkuha sa camella, kaso wala namang kaming mapiling ibang developer sa san jose del monte. so far di pa sumasakit ulo namin siguro kasi di pa nagstart construction at sa feb. pa kami matatapos mag dp. i-takenote ko na lang lahat ng need bantayan. anyways, meron ba nakakuha dito sa lessandra san jose delmonte?

Incheng

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #537 on: November 05, 2013, 03:55:57 pm »
Thanks sa infos sis Chedz!

Galing ako sa RCBC kanina, grabe ang mahal ng Real Estate Mortrage and bank charges nila 44k plus yung babayaran namin. Ganun ba talaga kamahal yun?


sexydee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #538 on: November 09, 2013, 04:16:24 pm »
sis chedz.03, any idea kung ano pa yung materials na kailangan for installing the foam foil insulation? Ayaw makicooperate sa amin ng contractor! 20K kasi pag sa kanila kami nagpagawa. Balak lang sana namin kanila labor pero kami na bibili ng materials. Tapos kung kelan gagawin na yung bubong saka lang nila sinabi yung mga ganyan. Kung hindi pa kami nagfollow-up ng mga requests namin para sa bahay. GGGGGRRRRRRRRRRRRR.......  >:( >:( >:( >:( >:(

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #539 on: November 09, 2013, 07:51:32 pm »
Hello sis sexydee- di ko matandaan kung meron kami ganyan eh. Kasi alam ko wala kami pinadagdag
para sa bubong namin. Yung engineer ng contractor ang kausapin nyo sis o kaya pag ayaw padin ibigay yung need nyo bilhin inform nyo din yung engineer ng camella. Kasi dapat minomonitor din nila ang pag gawa ng contractor.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close