watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes?  (Read 292214 times)

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #220 on: September 15, 2012, 11:15:13 pm »
chefron- ang semento kasi pagtagal po lalo at makapal sila magsemento magkakaroon ng crack yan. ang effect nun aalsa and pati tiles masisira.  mismong yung gumagawa naman kasi sa cr namin ang nagsabi na eh. kaso nga yun ang nasa kontrata. eh since hindi kami na-provide ni camella ng full specs at bill of material hindi namin alam na semento pala ilalagay. right now sinupply nalang nila father ko ang adhesive para baguhin yung konti na nagawa na...

sis amanemisa16- if fault ni camella yun, try mo search yung law about housing. baka may pag-asa pa na mawidraw mo lahat kung fault naman ni camella ang cause ng delay...

palibhasa kasi sa mga iyan magagaling magpalusot...may nakasabay nga ako sa office, full payment sila eh tapos more that a year na wala pa sa kanila ang mga papers ng bahay... katwiran wala na daw kasi yung dati na nag aasikaso, hello?!!! anong silbi ng turnover ng responsibilities nung umalis sa kapalit nya or sa gagawa temporarily nung mga iiwan nya na work... hindi palusot yun...dahil pag tayo nagbabayad hindi naman uubra sa kanila na wala pa tayo pera o hindi pa dumarating ang sahod natin diba?!!!

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #221 on: September 15, 2012, 11:18:28 pm »
tapos yung isa pa namin nakasabay sa isang visit namin eh pina-follow up sa kanila ang payment kasi late na daw sila sa pagbabayad. ayan si client dala dala lahat ng statement of account proof na updated at advance pa nga sila ng one month sa payment. so sila camella staff ang naging sagot eh bago lang daw kasi yung naka assign dun sa account nila.. what?! muntik nako maki butt in eh kasi yung staff na sinasabi nun eh sya din naghahandle ng papers namin which is ilang months na nasa office na yun...hello?!!!!

chefron

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #222 on: September 15, 2012, 11:34:33 pm »
Sis kelan lang naman naimbento ang adhesive, nung unang panahon semento lang gamit.  ;D

Kaya nagcrack kase may portion na walang laman or di pantay ang paglagay ng semento. Yung granite flooring ng sister ko nag angatan, adhesive gamit nila ha. Now they have to replace all.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #223 on: September 15, 2012, 11:37:37 pm »
Buti nalang nakita ko itong thread. I'm actually eyeing camella novaliches para sa plan ng dad kong bumili ng house.. makapag backread nga muna.

amanemisa16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #224 on: September 15, 2012, 11:54:17 pm »
@sis chedz.03: Thanks!. I will try to search kung may law regarding dito. Last time na nagpunta ako sa camella starmall halos i back out ko na pero they ask for extension na 1 week. Yesterday nag text sila na give them till monday. Pero after reading the thread gusto ko na lang talaga i widraw.

Meron po ba dito na nagback out din after paying the downpayment? Paano po ba ang process? do i need to submit letter pa ba na i pull out ko na lang. id  rather lose several thousands now kesa naman magdusa ko magbayad ng for 15 years. Di ko pa nasilip loob nung RFO kong unit pero sa usapan dito baka mga sub standard din ang ginamit..sad :-((( please help.
« Last Edit: September 16, 2012, 12:05:35 am by amanemisa16 »

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #225 on: September 15, 2012, 11:59:08 pm »
Chefron-kaya nga po sa mas ok na materyales na kami kesa naman idagdag pa yon sa mga future problems na nakikita namin sa bahay namin diba?! Saka sabi rin naman ng father ko. Di ko naman pagdududahan yun kasi more that 20 years na sya sa construction firm...

Sis dhe-dhee survey survey survey... Magtanong tanong lalo sa mga nakatira na sa subdivision na gusto nyo kunin. Wag basta basta maniniwala sa mga agent, mamili ng agent mabuti... Wag tayo mabulag sa mga model houses nila....

House namin may nakita na kaming crack ang sabi ng father ko medyo bumagsak yung part na yun hindi lang sya sa pagkaplatada...

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #226 on: September 16, 2012, 12:02:15 am »
Amanemisa-later on ipopost ko dito ang ibang pics ng haus namin sis... Ikaw na magsabi kung maganda ba ang gawa... Ang hirap kasi sila ang kumukuha ng contractor pero in the end tayo mamomroblema...

Pero if i were you sis, buy ka ng lot lang tapos kayo na pagawa ng house... Oo nga maiistress ka siguro sa pagbabantay pero masisiguro mo naman ikaw masusunod sa mga gusto mo mailagay para sa bahay nyo...


chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #227 on: September 16, 2012, 12:31:03 am »
https://plus.google.com/102450444490784447775/posts/Z5wh1qqzgXd


yan sinasabi ko sis... kawayan ginamit nilang pangsuporta sa haus namin... to think hindi naman dapat...dahil once may bumigay jan lulundo na ang bahay... tanong bakit pinapayagan ng mga engr ng subdivision ito diba kung may pakialam sila sa ginagawa ng mga contractor...

hanap pako sis ibang pics at hindi ko naman kasi kinuhanan lahat ng palpak kasi sakit lang sa loob naghuhulog kami ng malaking halaga monthly pag-uwi namin ganito pa makikita namin... yung yellow na house sa gilid namin sumakit din ulo nyan sa contractor nya...


amanemisa16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #228 on: September 16, 2012, 12:33:55 am »
nagmamadali kasi si mama nung nagdecide magsettle ng payment sa camella. That was the time kasi na sobrang ulan ng ulan tapos sa malabon pa kami nakatira at gusto na namin makalipat ayun napabili tuloy ng RFO unit. Nung bayaran nga namin di namin nasilip dahil sarado daw at aayusin naman daw before turnover.

Pag po ba turn over sa inyo matitirhan na talaga o as in bare lang siya tapos dami pa din papagawa. Hay dito pa lang stress na ako. salamat sis for answering. Ill wait for the picture sis post ka naman

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #229 on: September 16, 2012, 12:50:42 am »
Sis depende sa house na kukunin nyo...pero halos lahat naman ready for occupancy na meron lang yata ibang model houses na wala pang tiles so semento palang yun flooring... Teka paano naging sarado?

Minsan kasi mahirap pa ang RFO kasi di mo na alam paano ginawa ang bahay. Di naman kasi makikita pa ang problema sa ilang araw na pagtira dun.

Ganyan talaga sis masakit sa ulo magpagawa ng house kaya wag ka lagi tatango lang sa sinasabi nila. Know your rights...

Bago iturn over sa inyo ang house may make sure mainspect mabuti. Hanap ka may alam sa construction....

Kami ang mga pinapalitan namin na sa house habang ginagawa is, yung mga bakal na ginamit kasi maliliit. Sayang nga kasi nung time na sinimulan father ko nasa abroad pa sya. Ang nalakihan nalang ng bakal is yung sa garahe. Saka ginawang 3 ang poste sa garahe imbes na 2 lang which is iniinsist ng engr na marami daw ngrereklamo kasi lumiliit garahe nila...sagot ko naman, mas importante ho ang tatag ng bahau namin kesa sa space ng garahe...

Yung mga tiles sa cr at first and second floor pinabago namin. Kasi di naman maganda ilalagay nila eh. Yung bintana hindi kuna namin pinapalitan tutal wala pa laman ang bahay pero once meron na papabago namin kasi sandali lang babaklasin ng magnanakaw yung ilalagay nila...

Ang karaniwang reklamo ng mga andun na nakatira eh nagtutuluan na ang bahay pag umuulan then may ang cr mga nagbabarado. Ang hagdan mabilis masira. May crack na minsan ang pader. Ang pintura humahawa ibig sabihin panget na klase ang ginamit...

Basta sis, wag ka magsasawa magtanong sa kanila...karapatam mo yan dahil ikaw nagbabayad sa bahay na iyan...kami hinahanda na namin sarili namin sa mga future problems... Sana swertihin pa kami para makaipon and makabili ng lot. Gusto namin pagawa ng house yung kami na masusunod then ipaparent namin nalang yung nasa camella or ibebenta namin...inshallah...

chefron

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #230 on: September 16, 2012, 06:38:55 am »
mas maige pa pala ang mga camella house nuon  ;D

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #231 on: September 16, 2012, 10:56:16 am »
^sis chedz, pwede malaman kung saang camella kayo? thanks!

amanemisa16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #232 on: September 16, 2012, 11:10:32 am »
sis chedz.03 thanks po for the input..napapailing na lang tuloy ako ngayun at di ko naisip mga future problems na yan. mag back out na lang talaga ako. problem ko na lang ngayon is hanap ulit ako ng bahay lumipat pa naman na kami sa cavite kasi akala ko makakalipat na kami ng 3 months hays. normally ba gano po katagal ang construction ng house kung lote lang ang bibilhin ko. we are staying here in imus malapit lang sa sm molino so parang nakita ko [textspeak!] convenience compared pag dun pa ko titira sa cerritos na looban..hanap hanap mode pa ulit.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #233 on: September 16, 2012, 01:13:10 pm »
sis dhee-dhee sa provence malolos kami..

sis amanemisa- sis magkano na naibayad nyo? try to talk to them first, if mababawi mo pa yung money ng full. kita mo ba yung sa news sa isang subdivision sa bulacan din. sabi sa housing mababawi yun ng 100% lalo at fault ng developer yon kasi halos mag 1yr na yata since matapos nila ang DP hindi pa naitatayo ang bahay. mag inquire ka muna wag basta basta maniniwala sa sinasabi ng developer kasi di naman talaga magpapalugi ang mga iyan eh.

kung di naman kalakihan ang ipapatayo na house kahit 3mos kaya yan basta kumpleto ka sa tao sis. sa camella kasi per contract 6-8mos yung sa house namin. sabi father ko sa liit ng bahay namin 3mos kaya tapusin. bakit nagtatagal? kasi ang mga contractor hindi sila full blast sa paglalagay ng tao sa isang project, dinidivide nila yan sa mga nakuha nilang project. minsan konti gumagawa samin, minsan madami. kasi pinupull-out nila minsan para ilipat sa ibang project nila. may mga cases nga na iniiwan sa ere ng mga contractor ang bahay eh. tulad ng ngyari sa cousin ko. pang 2nd contractor nya na yung gumagawa dun ngayon...

JonaRon

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #234 on: September 16, 2012, 07:31:18 pm »
https://plus.google.com/102450444490784447775/posts/Z5wh1qqzgXd


yan sinasabi ko sis... kawayan ginamit nilang pangsuporta sa haus namin... to think hindi naman dapat...dahil once may bumigay jan lulundo na ang bahay... tanong bakit pinapayagan ng mga engr ng subdivision ito diba kung may pakialam sila sa ginagawa ng mga contractor...

hanap pako sis ibang pics at hindi ko naman kasi kinuhanan lahat ng palpak kasi sakit lang sa loob naghuhulog kami ng malaking halaga monthly pag-uwi namin ganito pa makikita namin... yung yellow na house sa gilid namin sumakit din ulo nyan sa contractor nya...

sis chedz anung model ng house yung kinuha nyo sa provence at sino ang contractor nyo?

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #235 on: September 16, 2012, 08:23:04 pm »
sis Jonaron- jade yan... nasa fb ko yung latest pic ng house namin... C3NE ang contractor... di namin sila gusto...salaula magtrabaho at di pulido...imagine butas nalang ng poso negro hindi pa pantay! hamba ng pinto hindi rin pantay! pambihira...

JonaRon

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #236 on: September 16, 2012, 09:37:41 pm »
Yan lang kaya ang contractor nila,lapit na pala matapos house nyo sis.yung hagdan nyo ba pinasemento nyo na o semento talaga sya?kasi diba sa mga model house parang kahoy.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #237 on: September 16, 2012, 09:53:33 pm »
Sis dapat lang kc april pa nila ginagawa yun...marami sila contractor sis kaso yun binigay nila sa amin. Nagrequest kami ng contractor hindi pa iyon ang binigay sa amin...yung hagdan sis pinasemento lang namin per plan kahoy lang. Kaya ngbayad kami sa contractor ng materials at labor... Yung flooring sa taas dapat venile lang yun pero bumili kami tiles then sabi namin father ko na gagawa paano mahal mg labor nila. 9,200 labor palang sa liit ng flooring sa 2nd floor! Gravecious! Eh 2 days kaya na tapusin yun...

JonaRon

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #238 on: September 16, 2012, 10:47:10 pm »
magkano nagastos nyo sis sa pagpapasemento ng hagdan?buti pala sagot na nila mga tiles sa flooring ng 1st & 2nd floor nyo,yung sa amen kasi kung gusto namen magpa-tiles ng flooring kami magpo-provide ang sagot lang nila sa cr at kitchen.gravecious nga sa mahal ang labor nila!

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #239 on: September 16, 2012, 10:52:44 pm »
Nakalimutan ko sis pero parang nasa 10k yata pagpapasemento kasama yata labor...ask ko si hubby...if i were u ipa-semento mo nadin sanyo... Naku sis eh ang panget naman ng tiles na gagamitin nila ordinary lang kaya lahat ng tiles sa  cr sa taas baba and flooring ng taas baba din pinapalitan din namin yun. Nakita kc namin yung katabing bahay yung tiles pangit. Pati door locks pinapalitan namin and yung gripo sa lababo pati shower...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close