watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes?  (Read 292081 times)

JonaRon

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #200 on: August 24, 2012, 01:40:28 pm »
sis jonaron - di kami tumuloy sa camella provence, sa north madison place kami kumuha.

maganda ba sa north madison saka magkano monthly don?nagkamali nga kami ng kuha sa provence di kasi kami nagbasa basa,tripping lang plano namen non kaso yung account officer don sabi last unit na daw yung gusto namen kaya ayun napilitan kaming mag reserve na.db yung brother mo sa provence nakakuha,madami din ba silang naging problema?

mrsjwatkins

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #201 on: August 24, 2012, 02:10:34 pm »

tripping lang plano namen non kaso yung account officer don sabi last unit na daw yung gusto namen kaya ayun napilitan kaming mag reserve na.

ganun style nila sis,para mapilitan kang kumuha

JonaRon

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #202 on: August 24, 2012, 04:23:27 pm »
tripping lang plano namen non kaso yung account officer don sabi last unit na daw yung gusto namen kaya ayun napilitan kaming mag reserve na.

ganun style nila sis,para mapilitan kang kumuha

ganon ba yon sis,sayang hindi namen alam na style lang pala yon malapit na kaming mag 15%DP kaya malapit ng simulan yung unit.sa camella ka din ba nakakuha sis?

mommy gwen

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #203 on: August 24, 2012, 05:22:11 pm »
sis jonaron and sa mga sis na nakakuha sa provence - siguro maging optimistic na lang tayo kung saan mang subdivision tayo nakakuha.  :)... bantayan na lang ng mabuti like my BIL did kaya siguro konti lang problems. at mag tanong tanong muna sa iba bago maniwala sa mga sinasabi nila para less hassle. enjoy na lang natin ang construction ng house exciting yan.  ;)

JonaRon

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #204 on: August 24, 2012, 05:34:32 pm »
salamat sa pagpapalakas ng loob sis,lapit na nga kami maka 15% next na ang pagconstruct kaso wala kaming kilala na marunong sa construction na pedeng masindak yung mga manggagawa at engineer ng provence  :(

JonaRon

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #205 on: August 24, 2012, 05:36:27 pm »
3 lang pala pagpipilian sa madison sis at 3M din pataas ang price,medyo ndi abot sa budget.  :(

mommy gwen

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #206 on: August 25, 2012, 11:58:34 am »
ang advice sa amin eh kumuha ng sariling foreman na may alam sa construction na magbabantay bantay at magre-report sa inyo lalo na kung busy rin kayo at madalang mag-visit. si hubby kasi pwede sumaglit everyday at kahit pano may alam kasi archi grad sya. so di pa namin alam kung talagang kelangan namin kumuha pa.

3 models nga lang ang sa madison sis. maliit na subdivision lang. wala ring shuttle di tulad ng sa provence. buti na lang malapit lang kami sa entrance ng subdivision. bawal kasi tricycle so problema rin kung malayo at commute lang. pricey at maliit nga lang. di na rin namin kaya budget pag mas malaking lote.

don't worry too much sis. at least alam mo na mga concerns na pwedeng makaharap so pwede mo silang paghandaan para maging ok ang takbo ng lahat. good luck sa atin  ;)

megansmomma

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #207 on: August 25, 2012, 01:40:27 pm »
hmm, nakakuha din ng pointers :)

planning to bought a house via pag-ibig sana sa villa lessandra, medyo hindi maganda nakita kong feeds. hmm, if ever matuloy malamang maghire ako ng foreman hehe! anyone knows kung pwedeng bumili sa camella ng lot lang? tia!

megansmomma

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #208 on: August 25, 2012, 04:49:08 pm »
^thanks po, would you know how much yung lot and the square meters? tia!

mrsjwatkins

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #209 on: August 26, 2012, 01:19:45 pm »
^sis depende din sa location at ilang sqm ang available ,pero mas cheaper sya sis compare sa house n lot
« Last Edit: August 26, 2012, 01:21:33 pm by mrsjwatkins »

megansmomma

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #210 on: August 28, 2012, 01:17:52 pm »
^thanks sis!

doks

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #211 on: September 01, 2012, 02:59:09 pm »
sa camella din dami pinpa re sale kc minsan biglang out of budget yung mga may ari.. kya make sure wherever subd you choose eh paghandaan ang pag buy ng new house para happy :D

doks

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #212 on: September 02, 2012, 08:27:47 am »
hello for me ok namn sa camella provence marami ako frens na nakatira dun infact phase 7 na ang camella now it means dami talga kumukuha... bantayn nyo lang mabuti ang pag gawa para walang maging prboblem since dream house nyo yan .. compared sa other subd mas mura & sa quality pareho lang namn sila angat  ang camella kc yung roofing mahal yung gamit nila and sa amenities & recreation maganda talga provence kc iba pa rin pag may pera ang developer.. re-nkawan kahit saan my magnanakaw kaya secure your houses properly..re-location perfect din near schools, supermarket & maganda community mhirap kc pag industrial areas yung hangin di ka sure & leaks ng water system in the long run baka maging problema..

megansmomma

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #213 on: September 03, 2012, 08:38:04 am »
i just watched news kagabi, a girl is claiming about the house and lot bought via pagibig, camella ba yun?

alchesa

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #214 on: September 04, 2012, 04:27:41 pm »
tanong lang po, me feedback po anyone regarding camella cerritos along daang hari in molino bacoor?.. tia  ;)

amanemisa16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #215 on: September 15, 2012, 03:44:32 pm »
Hi mga sis help naman po with my problem. Nakakuha kasi kami ng bahay dito sa camella sa mga cerritos trails, RFO na sya and fully paid na kmi for the downpayment. Problem lang kasi is di naasikaso ng camella so na delay yung pag lipat namin to the point na na disappoint na ko sa kanila and gusto ko na lang i widraw [textspeak!] amount.

Tingin nyo po ba malaki mababawas sa na down namin kung mag wiwidraw kami? balak ko kasi kumuha na lang ng ibang bahay o yung foreclosed na property na pwede na agad namin lipatan mas malapit sa hiway. Yung nakuha kasi namin sa cerritos trails e bandang looban so parang nalalayuan ako at namamahalan kung mag tricycle ako palabas ng subdivision. sana po may nakatira din dito sa may trails..please please need your advises sis.

chedz.03

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #216 on: September 15, 2012, 04:08:00 pm »
right now lapit na matapos bahay namin sa provence malolos. pero disappointed kami sa na-assign na contractor sa amin. madumi at pangit gumawa. kaya ingat ingat lang din sa matatapat na contractor. C3NE and na-assign samin at hindi ko gusto gawa nila pati si hubby at father ko napapangitan sa gawa nila. hamba nalang ng pinto di pa maayos pagkakalagay. hay naku ha! dami pa, and for sure in the future may maglalabasan ng problema sa bahay...

nga pala, yung mga bintana ng jade model naka-screw lang yun kaya kahit bata kaya hilahin at pangit ang quality kaya papalitan din namin sya. actually, madami need palitan...

imagine yung nasa contract nila ang ginagamit pa nila pangkabit sa tiles eh semento to think nasa magandang subdivision sila. adhessive na ginagamit ngayon at pag semento nilagay eh magbibitak bitak ang tiles. lahat ng tiles pinapalitan din namin. pati ang hagdan pinagawa namin na bato kc based sa feedback ko sandali lang tinatagal nung hagdan na kahoy nila.

chefron

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #217 on: September 15, 2012, 07:59:18 pm »
Amanemisa16, malake mawawala sa dinown nyo if you decide to pull it out at medyo matagal yan for sure.

Chedz.03, di porket cement ang ginamit sa tiles eh magbibitak bitak na, depende pa din yan sa pagkakadikit. Samin semento lang gamit pero ilang taon na sya. Now yung sa kitchen ko adhesive ginamit ayun, natanggal yung isang tile. Nasa pagkakabit yan.

amanemisa16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #218 on: September 15, 2012, 10:40:36 pm »
^salamat sis..iyon nga din naiisip ko na baka wala ng matira sa naidown namin pag nag pullout pa ko.
nagmadali kasi kami nun kaya yun na agad ang binili namin, Now nakakita ko ng better offer. Sa camella kasi abot ng 19K ang magiging monthly namin tapos looban pa yung cerritos trails, samantalang pag dun sa isa kong nakita malapit na sa hi way magiging mura pa ang monthly ko for 15 years.

Anyone po dito sa cerritos trails nakatira? ok naman po ba? di po ba mahirap ang transportation specially kung wala kang sariling car palabas? mahal po ba ang tricycle hanggang gate?

amanemisa16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #219 on: September 15, 2012, 11:08:52 pm »
after reading this blog parang almost 90% gusto ko ng mag back out.

http://djsumaylo.wordpress.com/2009/05/02/camella-homes-vs-home-owners/


 

Latest Stories

Load More Stories
Close