May experience ako dito sa Dubai na sobrang hindi ko makakalimutan. Dito, pag Local ka or Puti ka, talagang tipong boss ka at ang tataas ng tingin nila sa sarili nila. Nagdinner kame ng family ko with some friends sa Japanese resto. Eh, biglang nag tantrums ang anak ko, iyak ng iyak. So, hinayaan ko lang. Biglang all of a sudden, may isang Puti (Briton), sumigaw samin, sabi nya: 'Do you think that's socially acceptable?'. Basta he's saying na ang ingay ng anak ko at patigilin ko dahil hindi socially acceptable sa paningin nya yun. Sumagot ako "Excuse me?", biglang kung ano ano pa sinabi kesyo ang ingay, etc etc. Grabe, mangiyak ngiyak ako sa ngyari na yun. Hinintay ko lang ang bill, at linapitan ko ang lalake, gusto kong sapakin sa sobrang badtrip ko hindi, kalma lang. Tinanong ko lang "Do you have children?" sabi nya, wala. The I said "Okay, that's why. You should never have a child of your own because of your attitude and I hope, you'll never have a child in this lifetime because that child will be so unlucky to have you as a parent". basta something like that. Nakakainis lang kasi kung ang batang umiiyak eh Local (Emirati or Arab) or Puti (Briton or Amerikano) for sure hindi nila gagawin yung ginawa nila samin.
Ang mga kapwa Pinoy din dito, madalas tanong anong work mo? magkano sahod mo? jusme!
Sa mga resto naman, naranasan na namin na hindi daw available yung order na gusto namin, pero sa ibang lahi, naorder nila.
Sa pananamit din, pag Pinoy ang nagsuot ng maiksing shorts, sleeveless, etc, sinisita. Pag Puti, halos labas na kaluluwa, pinababayaan lang. Hayy!
Napansin ko din dito, pag Pinoy, sila pa hihila sayo pababa (not all naman).