watch now

Author Topic: Close ba kayo ng Officemates nyo?  (Read 80609 times)

three8one

  • Guest
Re: Close ba kayo ng Officemates nyo?
« Reply #260 on: March 11, 2018, 12:59:01 pm »
magulo dito at ang nagpapagulo yung 2 bagong dating sa group na galling sa paga apprentice. mga feeling bata pa. office hours kung pumasok maaga na ang 9am. at kung makakita ng pagkakataon after lunch uuwi na. hindi ginagawan ng action ng mga nakakataas kaya namihasa at lumaki ulo. kaya nun may naglakas loob gumawa ng pagdisiplina too late na. palaban na, sanga sanga na ba naman ang sungay eh. kaya walang harmony dito sa opis..

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Close ba kayo ng Officemates nyo?
« Reply #261 on: March 11, 2018, 07:06:09 pm »
^Pinoy ba yan? Anong mga lahi?

three8one

  • Guest
Re: Close ba kayo ng Officemates nyo?
« Reply #262 on: March 11, 2018, 07:25:38 pm »
mga katutubo dito. ako lang pinoy dito sa group namin. okay sakin yung dalawang oldies kong kasama, kaya lang noon dumating yung dalawang mas bata sa amin nagkaron sila ng generation gap.

ayachan31

  • Guest
Re: Close ba kayo ng Officemates nyo?
« Reply #263 on: April 20, 2018, 03:03:29 pm »
super!! baliw baliwan kami every day!!  ;D ;D ;D ;D they're like a second family na..though nung first 2 years hindi masyado and nagaadjust pa kami nun sa ugali ng isa't isa but we came to love each other now going on 5th year na magkakasama..

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Close ba kayo ng Officemates nyo?
« Reply #264 on: April 23, 2018, 03:06:43 pm »
My very close officemate/friend resigned already, napalitan ng 2 ladies but as much as possible I try to keep my distance na, mas ok that way, and kasi I feel parang love lang din ang friendship, merong click kayo and meant to be, merong hinde, these 2 mukang pang officemates lang talaga. Civil lang, and Im fine with that as long as walang awayan, issues. :)

rastagurl11

  • Guest
Re: Close ba kayo ng Officemates nyo?
« Reply #265 on: May 04, 2018, 07:55:01 am »
With my present teammates, no. I'd like to maintain it that way, ayoko na ng too close for comfort. I'm just here to work anyways, But they are a good bunch, maayos sila mag work and masipag, mababait din. Mas maganda na professional level lang ang relationship namin, not personal  ;)

young_maiden

  • Guest
Re: Close ba kayo ng Officemates nyo?
« Reply #266 on: September 03, 2018, 11:39:25 am »
Not that much. Ok naman sila for me pero work pa rin priority ko. I barely open up to them unless sila magtanong about my personal life. When I share, di ganun karaming details sinasabi ko.

Nung 5th month ko na sa present office ko, saka lang ako nag open sa lovelife problem ko with an officemate.

Mas prefer ko na isa o dalawa lang ka-bonding ko kung sarili. Pag 3 or more, quiet na lang ako at nakiking. Ayoko mag open up pag 3 or more kasama ko. Baka sabihin epal ako eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close