^ganyan di mama ko. ikukuwento pa sa akin nun na yun daw pinsan ko lahat ng sweldo ibinibigay sa tita ko. at nun nag-school naman ako lagi mo na lang sya maririnig na buti pa si ganyan at si ganito, may honor or scholar.
i used to idolize her. kasi ang galing nya at nakaya nya lahat. pero lately lumalabas unti unti yung totoong ugali nya. hindi ko alam kung tumatanda lang sya kaya sya nagkakaganun. pero parang wala naman ipinag-iba sa dati nyang ugali. hindi ko lang siguro napapansin before kasi sanay na ako sa kanya.
ngayon na may anak na ako, nagkakalabuan kami ngayon palagi. ang routine kasi namin ng husband ko, every week e bisitahin sila. sa aming magkakapatid kasi ako lang naman ang nakabukod kahit may asawa't anak na yung iba. ngayon ayoko na pumunta doon. lagi na lang ako nagdadahilan. di bale na kasi kung ako lang ang nasasaktan kaso pati anak ko nasasaktan na rin e.
bukod sa matinding pagkukumpara nila ng anak ko sa pamangkin, nananakit pa yung pinsan nya. never ko tinuruan ang anak ko na gumanti kasi masama yun e. kaya ang anak ko kung minsan naiiyak na sa pagtitimpi. kungdi bukol e pasa ang iniuuwi namin sa bahay.
and then i also found out na niloloko pa ko ng nanay ko. hihingi sya ng pambayad sa akin tapos sabi nya hihingian nya din daw yung mga kapatid ko, tapos malalaman ko na yung hiningi nya sa akin yun na yung whole bayad. wala pala akong kahati.
we used to bring her whenever we go out of town. kasi matanda na sya e gusto ko naipapasyal ko naman sya. unlike papa ko na one time ko lang nadala out of town. yun na yung first and last time na nakasakay sya ng eroplano tapos sumakabilang buhay na sya.

gustong gusto ko sya ipasyal kaso kapag kasama mo naman puros angal ang maririnig mo. kesyo nahihilo daw sya sa bangka. ang tagal naman daw ng byahe ang layo layo daw pala. nakakapagod daw umakyat sa hagdan (hagdan kasi pababa papunta sa beach). bakit daw naiihi pa sa higaan ang anak ko pagsuutin ko daw ng diaper sa gabi para di daw hassle - kahit na mag-3 years na kaming di bumibili ng diaper. hindi naman sya ang naglalaba nun bed sheet at damit ha.
so lately di na namin sya isinasama. pati na rin ang mga kapatid ko. paminsan minsan na lang kapag may okasyon. obvious na obvious na masama ang loob nila nun mag-out of town kami. walang bumabanggit kahit nakikita pa nila yun sa FB. ni-like na ng buong bayan pwera sila. kahit mga pinsan ko naglike na pwera sila. well, wala naman sa akin kung walang maglike sa mga posts ko sa FB pero obviously masama ang loob nila kasi kapag nagkita kami sa personal e may pait ang mga salita na sasabihin sa tita ko in front of me na "kami nga hindi kasama e kayo pa!" yung tita ko naman sinabi lang na di sila isinama out of kantyaw lang. wala namang meaning. pero ang mama ko 5 beses yata inulit yun linya nyang yun kaya alam ko masama talaga ang loob nya kahit pa sinabi ko sa kanya na treat yun ng boss namin.
every holy week umuuwi kami ng province. basta automatic na yun every year. the last years mga 4 years na siguro di na sumasama yung mga kapatid kong lalaki. wala lang magpapainom sila sa bahay ng mama ko. e wala lang yun sa mama ko. kunwari galit sya pero palagi naman ganun. so this year sabi ko di ako uuwi kasi di naman nakukumpleto e. atsaka sabi ko may trabaho kami ni hubby. so now, napilit nyang sumama yung mga lalaki sa province, tapos tinawagan nya ako. na nung tinanong ko kung sino sino sila ang sabi lahat daw sila kasi "others" daw ako. so magdadamdam sya kapag ako ang di sumama.
ay nalimutan ko palang sabihin na kapag umuuwi kami ng province usually kami ang may dala ng sasakyan so ako sa gas. tapos gusto ko rin sa labas na lang kami kakain dahil ayoko na sya mahirapan pa magluto sa bahay dun.
i hate to say it pero parang yun ang kinapuputok ng butsi nya. wala na kasing sasagot ng gastusin ngayon?

tuwing mag-oot kami pagbalik namin palaging meron silang sasabihin. kesyo hindi daw sila isinama. i am actually thinking of deleting my FB account na lang since dun lang naman sila nakakabalita kapag umaalis kami.
meron pa silang ugali na kapag nasa kanila yung pamangkin ko (hiwalay kasi yung kapatid ko sa asawa nya so hiraman sila sa bata), saka lang nila ako tinatawagan para papuntahin. para daw makapaglaro yung 2. e nananakit yun at talagang iniiwasan ko na magsama yung 2 kasi hindi naman nila pinagsasabihan yung bata. hindi rin binabantayan. tapos kung minsan pinagtatawanan pa nila dahil bully daw. katawa tawa ba yun?!
there are also times na sa kagustuhan nilang paglaruin yung 2 e sumusugod na lang basta dito sa bahay namin para paglaruin yung 2 kahit na sinabi ko ng marami kaming trabaho ni hubby at hindi ko kayang mag-asikaso ng bisita. hindi naman daw sila kailangang asikasuhin. pero pagdating dito e may magsasalitan na "gutom na ko".
mahiyain sobra ang husband ko kaya hindi pupuwede dun na hindi asikasuhin kapag may bisita. at ang husband ko rin ang dahilan kaya madalas silang malibre kapag kasama sila kasi ayaw nun ng may maririnig sya. kahit pwede namang KKB gusto nya sagutin yun.
there is also this one time na pagpunta nila e nasa labas pa kami. pinauuwi kami sa bahay at hihintayin daw kami kasi namimiss na daw nung pamangkin ko ang anak ko. sa inis ko hindi talaga kami umuwi. madami pa kaming kailangang gawin sa mall dahil minsan lang kami lumabas kaya dapat magawa lahat. grocery, bili ng vitamins, etc.
after that incident nakausap ko ang mama ko. bakit daw may panahon ako na lumabas kapag soccer practice ng anak ko. pero hindi kami makapunta sa kanila. wow! soccer practice nya kasi that day and since lumabas na rin lang kami, syempre gagawin na namin lahat ng dapat gawin sa labas para di sayang sa oras at sa gas.
masaya daw kapag madami kapag umaalis. nasasanay na daw kami na kami lang kapag umaalis. sabi ko sa kanya kawawa naman pala kami kung ganun kasi hindi kami pwedeng umalis ng hindi sila kasama? e biglaan lang naman kung magkaroon kami ng time para umalis (because of work) so syempre grab lang kami ng chance na umalis di ba? bawal pala kami magrelax kung ganun.
nakakapagod sila kasama. nagkakampihan na silang lahat alam ko. katulad nyo ayaw rin nila akong pakinggan. pagod na ako sabihan sila dahil kahit anong sabi nila sa akin ng problem nila at kahit anong payo ko sa kanila hindi nila pinapakinggan. yung opposite ang ginagawa nila.
mas maganda na nga siguro ang ganito na hindi na namin sila masyadong kinikita kasi same din naman kahit kitain namin sila. may sasabihin pa rin sila kahit anong gawin namin. less hassle pa.
